Advertisements

EXCLUSIVE: DUTERTE & XI CONVERSATIONS

21 05 2017

XiDut
PRESIDENT DUTERTE and Chinese President Xi Jinping met in Beijing recently. Here’s the transcript of their conversations translated into Filipino.

Duterte: FYI Mr. President, mag-drill man kami ng oil sa exclusive economic zone namin sa West Philippine Sea.

Xi: Gusto n’yo war?

Duterte: Gusto namin oil.

Xi:

Duterte: Joke lang. Siyempre, ikaw ang masusunod.

* * * * *

Duterte: Mr. Xi, mag-drill kami ng oil sa exclusive economic zone namin sa West Philippine Sea.

Xi: Ako hindi payag.

Duterte: Pero sabi ng UN Convention on the Law of the Sea or UNCLOS, pwede kami mag-oil drilling.

Xi: Gusto mo war?

Duterte: War agad? Suggestion lang naman ‘yung drilling. Wala naman talaga akong plano.

* * * * *

Duterte: Mr. Xi, mag-drill kami ng oil sa exclusive economic zone namin sa West Philippine Sea.

Xi: Kung kayo drill oil doon, kami declare war.

Duterte: Sige. Pero sabi ni Associate Justice Carpio, pwede kaming magsumbong sa UN dahil sa banta mo.

Xi: Ahh, ganun? Sino ba paniwalaan mo: China o UN?

Duterte:

Xi:

Duterte: Pahamak ‘yang Carpio na ‘yan eh. ‘Di nag-iisip. Siyempre China!

* * * * *

Duterte: Mr. Xi, mag-drill kami ng oil sa sa West Philippine Sea.

Xi: Hindi kami payag. Kami declare war.

Duterte: Pero sabi ng UN, allowed kaming mag-explore doon.

Xi: Sandali. Magkano nga akin pautang Pilipinas?

Duterte: 167 billion dollars.

Xi: Pakiulit nga.

Duterte: Ang sabi ko… ‘di na kami magdi-drill ng oil sa West Philippine Sea!

Xi: ‘k. thx.

* * * * *

Duterte: Mr. Xi, ‘kita mo naman, tinanggihan ko na ang tulong ng European Union. Ako lang ang may lakas ng loob na gawin ‘yan.

Xi: Bakit ikaw tanggi?

Duterte: Kasi, may kondisyon ang tulong nila. Pati patayan sa bansa ko pinakikialaman. Ayaw ko ng kondisyon.

Xi: Di bale, kami China tulong inyo bansa: 167 billion dollars.

Duterte: Walang kondisyon?

Xi: Ikaw tanga talaga. Lahat tulong may kondisyon. EU, tulong, kondisyon; US tulong, kondisyon; Japan tulong, kondisyon; China, tulong

Duterte: Kondisyon.

Xi: ‘Yan, ganyan. Huwag tanga. Ok? Thx.
——————————————————————————————————————————–
“To be called a sovereign nation, a nation has to be able to control its own borders. It is controlling your own destiny in a way.”
~Tom Tancredo

Elsewhere
Randy David: Aid with no strings attached?
“The message we’ve been sending out to the world since Mr. Duterte took power almost a year ago is that we are prepared to junk the arbitral tribunal award we fought so hard to win in exchange for Chinese aid and investments.”

Sound Bites
“Sinabi ko talaga harap-harapan, that is ours and we intend to drill oil there. My view is I can drill the oil. Ang sagot sa akin, ‘Well we are friends. We don’t want to quarrel with you. We want to maintain warm relationship, but if you force the issue we will go to war.’ Ano pa bang sabihin ko?”
~President Duterte quoting Chinese President Xi Jinping

Sissy Rondina.

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photos: Xi/Duterte: Ng Han Guan, Reuters]

Advertisements







%d bloggers like this: