Advertisements

SIGNAL NO. 4 (WALANG PASOK!)

29 07 2017

000Typhoon
HERE’S our annual (updated) list of typhoons. Prepare for the worst. Stay alert.

Typhoon Duterte
Malaking pinsala ang dulot nito lalo na sa mga lugar kung saan maraming nakatirang mahihirap. Marami-rami na rin ang iniwang patay ng pananalasa ng bagyong ito.

Typhoon Erap
Dahil sa kabi-kabilang publicity at report tungkol sa bagyong ito, pinaghandaang mabuti ng mga tao si typhoon Erap. Mabagal na ang galaw niya pero grabe pa rin ang pananalanta. Hindi ma-predict kung kailan ito tuluyang i-exit.

Typhoon Cayetano
Noong tropical depression pa lamang, may kaingayan ang sama ng panahong ito. Nang maging ganap na bagyo na, saka naman nanahimik: walang kulog at walang kidlat. Hindi masyadong nararamdaman. Maging ang kapatid nitong bagyo, tahimik na rin.

Typhoon Marcos
Mahabang panahong nanalanta sa Pilipinas ang bagyong ito at nag-iwan ng matinding pinsala sa iba’t ibang panig ng bansa. Recently, may pagtatangka ang ilang bayarang meteorologists na i-downplay ang damage na naidulot ng bagyong ito upang lokohin ang publiko lalo na ang mga kabataang hindi pa ipinapanganak nang tumama sa Pilipinas ang nasabing kalamidad.

Typhoon Robredo
Hindi kalakasan ang bagyong ito ngunit dahil sa mali-maling impormasyong kumakalat, marami ang natatakot sa kanya.

Typhoon Teo
May mga nagki-claim na dahil sa bagyong ito, lumago raw ang ani ng mga magsasaka. Misleading pala ang data.

Typhoon Mocha
Ang pekeng bagyo. Maraming naloloko dahil sa napakadilim na kaulapan na sinasabayan ng matatalim na kidlat at malakas na kulog. Akala ng mga tao, bubuhos ang napakalakas na ulan. They were wrong. Ambon lang pala. Kahit kailan, mapanlinlang ang weather disturbance na ito.

Typhoon Andanar
Hindi na masyadong visible sa radar ng PAGASA ang bagyong ito. ‘Buti naman.

Typhoon Pacquiao
Tuluyan nang humina ang bagyong ito. Ngunit may babala ang mga eksperto: baka raw bumalik sa 2022 ang bagyong Pacquiao at magdala ng mas malaking panganib sa buong bansa.

Typhoon Joma
Matagal nang wala sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong ito. Hindi na masyadong pinapansin at ‘di na kinatatakutan ng mga tao.

Typhoon Bato
Ang bagyong tamad. Puro kulog, kidlat at sipol pero wala namang ulan. Buti sana kung may ulan, at least mapakikinabangan sa mga sakahan.

Typhoon Joy Belmonte
Napakabagal kumilos ng bagyong ito. Urong-sulong din. Hindi mo alam kung tutuloy o hindi.

Typhoon Vitaliano
Hindi pala siya totoong bagyo. Mali ang balita. Fake!

Typhoon Tulfo
Ang bagyong napakahangin. Laging may pagbabanta. Mag-ingat!
—————————————————————————————————————————–
“Arrogance combined with stubbornness is a ticking bomb.”
~Unarine Ramaru

000Anderson
In other news…
Lawyer Mandy Mercado Anderson, the chief of staff of Customs chief Nicanor Faeldon, called House Speaker Pantaleon Alvarez “imbecile” on Facebook. It was unfair, uncalled for, and offensive. Anderson must apologize to the imbeciles of this world for comparing them with Alvarez.

Sound Bites
“Tinawagan ako sa cellphone ng head executive assistant niya na ‘yung marching orders ni Speaker was to bring hell to me and the commissioner.”
~Atty. Mandy Anderson re: House Speaker when Customs Chief Faeldon rejected the Speaker’s recommendation to promote a certain Sandy Sacluti

“The Ombudsman can never be silenced. They can attempt to repress the messenger but it will never suppress the message.”
~Ombudsman Conchita Carpio Morales on Duterte’s SONA remark against her office

Briefly Noted
In 2013, Bureau of Customs officials Teotimo Sacluti and Vivian Sacluti were found guilty of misdeclaring wealth in their SALNs. Are they related to Sandy Sacluti whose backer is no less than the House Speaker?

Hmmm.

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photos: Flood: Associated Press; Mandy Anderson/Alvarez: Rappler]

Advertisements




TYPHOONS 2016: The Complete List

12 08 2016

philippines-extrajudicial-killings
IT’S TYPHOON season again in the Philippines. Narito ang listahan ng mga bagyo ngayong taong ito. Gawin ang kaukulang pag-iingat.

Typhoon Duterte
Pabugsu-bugso ngunit napakalakas. Maraming iniiwang patay sa mga lugar na dinadaanan. Mapanganib lalo na sa mga ordinaryo at mahihirap na naninirahan sa matataong lugar.

Typhoon Duterte II
Predictable ang galaw ng bagyong ito. Hahagupit ‘tapos magbabago ng ihip ng hangin ‘tapos hahataw na naman. Nalilito tuloy ang mga weather specialists at nauuwi sa iba’t ibang interpretasyon ang kanilang forecast.

Typhoon Gloria
Nakaalis na ang bagyong ito ngunit muling bumalik at patuloy na lumalakas.

Typhoon Marcos
Maraming pinatay at pinahirapan ang bagyong ito. Hanggang ngayon, marami pa rin ang nawawala. Sagaran din ang pinsalang idinulot nito sa ekonomiya. Ang nakalulungkot lang, iba ang kumakalat na impormasyon ngayon: dapat pa nga raw pasalamatan ang dalang ulan ng bagyong ito dahil naiwasan ang tagtuyot sa ilang lugar.

Typhoon Gina Lopez
Matindi ang bagyong ito lalo na kapag nag-landfall. Kadalasang tumatama ang sentro ng bagyo sa ang mga minahan.

Typhoon Andanar
Kulog at kidlat pa lang nito, mahuhulog ka na raw sa upuan. Mapapaiyak ka rin umano sa dala nitong ulan. But don’t worry, sa forecast lang naman ‘yan. Sa totoong buhay, sakto lang naman.

Typhoon Bato
Enjoy na enjoy ang bagyong ito lalo na kapag pinag-uusapan at napi-feature sa mga reports at interviews sa media. Matitindi rin ang mga buntot ng bagyong ito. Take cover ka na lang at ‘wag na ‘wag ‘manlalaban.’

Typhoon Panelo
Isang lumang sama ng panahon na nakaipon ng sapat na lakas recently lang kaya’t na-classify bilang bagyo. ‘Wag n’yo na lang katakutan. ‘Di naman siya talaga kalakasan. Feeling lang niya.

Typhoon Bongbong
Ang buntot ng Typhoon Marcos. Muntik nang manalasa sa bansa ngunit maagang namonitor ng PAGASA ang galaw kaya’t nakapaghanda ang mga tao. May panganib pa ring dala at posibleng bumalik kaya pinapayuhang maging vigilant ang publiko.

Typhoon Binay
Ang palatandaang paparating ang bagyong ito ay ang nakakatakot na pagdidilim ng kalangitan. Napakalakas ng bagyong ito. BEFORE. Nang pumasok ang Typhoon Duterte, na-push ito papalayo at tuluyan nang humina.

Typhoon Joma
Napakatagal nang binago ang kategorya ng weather disturbance na ito. Mula sa pagiging typhoon, na-classify ito bilang low pressure area na lamang. Ngunit kung kumilos ay astang bagyo pa rin ito kahit wala na sa Philippine Area of Responsibility.

Typhoon Pacquiao
Huwag magtaka kung mamatay ka pagdaan ng bagyong ito. Tandaan: Pabor si God sa death penalty kaya ‘pag namatay ka, ibig sabihin, kagustuhan ni God ‘yon. Pinarurusahan ka niya. Nasa Bible ‘yan. Check n‘yo.

Typhoon Pacquiao II
Maraming factors kung bakit nabubuo ang isang bagyo. Sa kaso ng bagyong ito, walang dapat sisihin kundi ang kapabayaan at katangahan na rin ng mga tao. Sisihin n’yo ang mga sarili n’yo. Mga gunggong!

Typhoon Mocha
Ang bagyong walang masyadong ulan – pero mahangin. That’s all. Thank you!
———————————————————————————————————————————————-
“Arrogance combined with stubbornness is a ticking bomb.”
~Unarine Ramaru

Sound Bites
“Sana nga, sabun-sabunan niya yung bibig niya dahil medyo naliligaw na naman.”
~Prof. Clarita Carlos, political analyst on President Duterte who recently called the US ambassador “bakla” and “son of a bitch”

Elsewhere
An emphatic minority by Shakira Sison
“Hello there! Here is my homeland, where the evening news proudly announces body counts. Where the daily number of casualties now equals great success. It’s the only place in the world where death means winning a war, the only country whose people are fine with civilians being killed on the spot.”

No to extrajudicial killing!

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photo: Typhoon: Charism Sayat/AFP Photo; EJK: Reuters]








%d bloggers like this: