LEAKED: FULL TEXT OF DUTERTE’S SONA SPEECH (EXCLUSIVE!)

The unedited, uncensored and original draft of President Duterte’s fifth State of the Nation Address speech.

State of the Nation Address
of
Rodrigo R. Duterte
President of the Philippines

[To be taped as live at the Session Hall of the House of Representatives,
Batasang Pambansa Complex, Quezon City on July 27, 2020
and to be aired minutes before midnight]

Speaker Alan Peter Cayetano, Senate President Vicente Sotto III, Vice President Leni… Uy, nandiyan ka pa rin Ma’am? Tatag mo ah. Don’t worry, isunod na kita. 

Chief Justice Diosdado Peralta – na nasa bahay ngayon.  Mahirap na. Sabi ko, “Pare, 68 ka na. D’yan ka na lang sa bahay mo. ‘Pag namatay ka, kasalanan ko pa. ‘Tapos mapilitan na naman akong mag-appoint ng Iglesia. Sobra na uy!”

Beloved members of the House of Representatives and the Senate; distinguished members of the diplomatic corps who are also watching from home; the delegation from Beijing who are here in Batasan; fellow workers in government, mga minamahal kong kababayan…

Unahin ko na ang bad news para tapos na. Yes, tinalo tayo ng UP sa Game 2! Tambak! Pero don’t worry, may knockout game pa naman sa August, babawi tayo! [Canned Applause]

Punta naman tayo sa good news. Sa mga bumabatikos sa akin dahil wala raw akong tinupad sa mga pangako ko, t*ngina n’yo. ‘Di ba sabi ko noong Disyembre, “I will see to it that ABS-CBN is out!” I kept my promise! WALA NANG ABS-CBN! [Canned Applause] 

To our hardworking congressmen, congratulations to all of you! Good job! Hindi n’yo ako binigo!

[Standing ovation]

[Extended applause]

O, tama na, upo na kayo. Baka humingi na naman kayo ng bonus. Sobra  na! [Canned Laughter]

Grabe uy! ‘Wag kang masyadong tumawa Boying. Kita na sa TV ang gilagid mong maitim. [Canned Laughter]

Anyway, ituloy ko na ang speech ko. Baka magalit ang ating direktor. Sabi pa naman niya, bilisan ko raw para ‘di boring. Ma’am Joyce Bernal, thank you for your loyalty. Heto na ma’am. Simulan ko na.

I just want to report my government’s accomplishments as we mark the fifth year of my term. I will not force anyone to believe everything that I am going to say but I want you to understand that I am doing my very best to make your lives better. [Canned Applause]

* * *

Last month, I signed the GMRC bill into law. Ibabalik natin ang Good Manners and Right Conduct as a subject from kindergarten to senior high school. Marami na kasing bata ngayon ang lumalaking bastos at palasuway sa mga magulang. Bakit hindi n’yo gayahin ang mga kongresista? Hindi sumusuway sa lahat nang utos ko! [Canned Applause] Pero siyempre, may kasama nang konting banta ‘yon. [Canned Laughter] Speaking of banta, este, congressmen, I’d like to acknowledge the presence of my son, Pulong. [Canned Applause]

* * *

When I was sworn into office as president, I promised to make lives miserable for people involved in drugs. Patayin ko talaga kayo kung ‘di kayo tumigil. Jaybee Sebastian is now dead. [Canned Applause] O, baka isulat naman niyang Rappler, ipinapatay ko si Jaybee Sebastian. Sabi ko lang he is dead. Fake news na naman kayo.

* * *

Priority ng aking gobyerno ang pagsusulong sa kapakanan ng mga matatanda at mga retirado. Kaya ipinapangako ko, sa mga susunod na araw, mas marami pang retired police and military officials ang ia-appoint ko sa gobyerno! [Canned Applause]

* * *

Sabi ng mga kritiko, hindi raw tayo aktibo sa pagharap sa pandemya. Anong hindi aktibo?! Numero uno na tayo sa dami ng active cases sa buong Southeast Asia?! Hindi pa ba active ‘yon?

[Silence]

O, nasaan ang canned laughter? Tumawa kayo. Joke ‘yon! [Canned Laughter]

* * *

Mahirap na kalaban itong COVID19. ‘Pag nagkasakit ka, makikipag-agawan ka sa kama sa ospital. Kaya nagpapasalamat ako sa mga kaibigan nating Chinese na nagpapatakbo ng mga POGO sa bansa. Sila mismo, nagtayo ng sarili nilang mga clinic. [Canned Applause]  Ilegal nga lang pero ang importante nag-effort! Xie! Xie!

* * *

I treat every Filipino with fairness. Nasa Luzon ka man o sa Mindanao, pantay-pantay ang tingin sa inyo ni Tatay Digong. Kaya sa tulong ng Balik-Probinsya Program, halos lahat nang probinsya, may COVID19 na! [Canned Applause]  

O, bakit kayo pumalakpak? Sipsip talaga kayo ‘no? Pati pagkalat ng COVID, pinalakpakan n’yo. Mga gago. [Canned Laughter]

* * *

Alam kong maraming kompanya ang naapektuhan ng pandemya. Kahit may trabaho ka ngayon, wala namang katiyakang mananatili ka sa iyong posisyon – maliban na lang kung ‘Francisco Duque’ ang pangalan mo. [Canned Applause]

Secretary Duque, you have my full trust and support. ‘Wag ka na lang magsalita dahil lagi kang sablay.

* * *

I would also like to thank the Senate and the House for passing the Anti-Terror Law. [Canned Applause]

Sige, palakpak pa. Mga 10 minutes. [Canned Laughter/Applause]

Kailangang-kailangan natin ‘yan ngayon. Ang daming maingay lalo na sa social media, puro reklamo, puro batikos. ‘Yong isang artista d’yan sa ABS-CBN, napakadaldal. Pisti! Ikaw na ang mag-presidente, palit tayo ng puwesto. Ikaw na dito, ako na ang mag-Darna. [Canned Laughter]  

But going back to the Anti-Terror Law, I repeat, hindi kayo dapat matakot kung wala kayong ginagawang kagaguhan. Pero kung NPA kayo, kung Komunista kayo, mag-rally kayo kahit may COVID; maghingi kayo ng tax sa mahihirap, ipapatay ipakulong ko talaga kayo. [Canned Applause]

I’m warning appealing to the justices of the Supreme Court: the Anti-Terror Law is enacted for peace and order to flourish in this country. To vote against this law is to vote against peace and order! [Canned Applause]

I’m sorry to disappoint you Speaker Cayetano. Hindi tayo magiging Singapore. Tayo ang magiging next Hong Kong! [Canned Laughter/Applause]

* * *

Hindi ko rin pababayaan ang turismo sa bansa. I will do everything I can to jumpstart domestic tourism. In fact, sinimulan ko na ‘yan nang utusan kong lumangoy si Secretary Roque kasama ang mga dolphin sa Subic. [Canned Applause]

Idea ko talaga ‘yon. ‘Di naman siya nagreklamo. Kahit yata sabihin ko, “Harry, sit. Harry, roll over. Harry, play dead!” susunod ‘yan!  [Canned Laughter] But seriously, thank you Secretary Roque for your service. [Canned Applause]

‘Wag ka na lang ulit mag-Tiktok. [Canned Laughter]

Mukha kang tanga. [Canned Laughter]

I’m serious.

‘Tapos naka-shorts ka pa. Para nimo bayot. Flatten the carbs muna.

* * *

Sa mga estudyante, hindi ako papayag na magkasakit kayo. I will not allow schools to open hangga’t walang vaccine! [Canned Applause]

Pero aminin n’yo, na-miss n’yong magpa-trend ng (hashtag) #WalangPasok. [Canned Laughter] 

Magklase na lang muna kayo sa Zoom.‘Di ba masarap naman ang buhay na pa-Zoom-Zoom lang sabi ni Bato? [Canned Laughter]

* * *

I remember saying last December, “God willing, you don’t have to worry about traffic. Cubao to Makati, five minutes na lang!” Three months later, Cubao to Makati – 4 ½ minutes na lang! Salamat sa COVID! [Canned Applause]

I’m also happy to report na wala nang siksikan ngayon sa MRT! Maraming salamat Secretary Tugade! [Canned Applause]

* * *

Isang buwan matapos ang aking pang-apat na SONA, I signed the law creating the Philippine Space Agency. Welcome to the Space Age! Panahon na para tuklasin at lakbayin natin ang kalawakan. To the International Criminal Court na nagkaso sa akin, maghabol kayo sa Mars! [Canned Applause/Laughter]

* * *

Punta naman tayo sa food security. Maraming bansa, walang makain. Ni gulay o prutas, wala sila. Pero ibahin n’yo ang aking administrasyon! This year alone, sobra-sobra pa ang ani ng ating mga magsasaka – tone-toneladang kamatis, pechay Baguio, at iba pang gulay, itinapon na lang! Palakpakan natin si Secretary William Dar! [Canned Applause]

* * *

Ma-share ko lang. Sorry, hindi ko muna basahin ang nasa teleprompter.  Direk Joyce, one minute lang. Jumingle ka muna. When Taal Volcano erupted in January, sabi ko, “Kainin ko pa ‘yang ash fall na ‘yan. Pati Taal, ihian ko pa ‘yan. Buwisit.”

A couple of weeks later, ‘pansin ko, nagkulay abo ako. Para talagang ash. ‘Tapos mainit din ang ihi ko. Parang lava. ‘Yung anak kong si Kitty, ayaw lumapit sa akin kasi natakot sa itsura ko. Sabi tuloy ng mommy niya, “‘Ganda ka?”

Sa mga nagtatanong ng medical records ko, ito, makinig kayo. Sabihin ko na. I will admit it for the first time. I got scared. Kulay abo – ‘tapos, ihi ko mainit. Maybe karma ito. So, nag-apologize ako sa Taal Volcano. Kinausap ko ang bulkan. It was a brief but fruitful conversation. Sabi ko, “Taal, forgive me for threatening you. I regret my words. Please, Taal, help me heal.” 

A month later, I felt better. Umayos ang kulay ko, tapos ang ihi ko, hindi na mainit pero maalat pa rin. Alam ko, kasi tumikim ako ng ilang patak. Lesson learned. So kung mapansin n’yo, never kong binastos o binantaan ang coronavirus. Mahirap na.  

To those asking, I’m not just 88 percent healthy. I’m 95 percent healthy.  [Canned Applause]   ‘Yong 5 percent, bahala na si Honeylet, daanin na lang namin sa Viagra. [Canned Laughter] 

* * *

Teka, sa’n na ba ako? Humahanga ako sa sipag at tiyaga ng maraming Filipino. Dahil sa pandemya, natuto silang humanap ng ibang pagkakakitaan. Tulad na lang ng supporter nating si Vice Ganda. Nawala ang kanyang network, ayun, nagtayo ng sarili niya! [Canned Applause]  

Patuloy din ang pagdami ng online sellers. Meron pang nagba-barter d’yan. Kayo ang pag-asa ng ating ekonomiya at bayan! Sa BIR, you know what to do! [Canned Applause]  

* * *

Walang imposible kung gugustuhin natin. Gaano man katindi ang pagsubok, malulusutan natin. Let us be inspired by Army 2nd Lieutenant Matteo Guidicelli na nalusutan si Mommy Divine! [Canned Laughter] Congrats nga pala, Matteo at salamat sa patuloy mong suporta. [Canned Applause]  

* * *

Again, to the police and the soldiers, thank you for your support. Sa mga kongresista at senador, alam kong nandiyan lang kayo para tulungan ang aking administrasyon. The 2022 election is just around the corner. Your loyalty will soon be rewarded. Sabihin n’yo, “Salamat Shopee.”

ALL: Salamat, Shopee!

Mga utu-uto!

* * *

Mga kababayan, I only have two years left in Malacañang.

Marami pa akong plano para sa sambayanang Filipino. Hindi totoong walang vision o master plan ang gobyerno. For your information, advanced mag-isip ang mga tao ko. Tingnan n’yo si Bong Go: araw-araw ang pangangampanya kahit ‘di pa kandidato. Palakpakan natin siya! [Canned Applause]

Hanggang dito na lamang. Maraming salamat at mabuhay ang Pilipinas!

[CUE: Imelda Papin’s song, “Dalawang Dagat”]

P.S. Sa @PhilstarNews – be careful with your tweets. ‘Wag n’yong ubusin ang pasensya ko, t*ngi*a n’yo!

*******

I’m on Twitter and IG: @HecklerForever8