HAVE YOU BEEN READING or watching the news lately? Find out how much you know about recent and current events by taking this quiz. No Googling please! Don’t cheat. Lawmakers and generals hate competition.
1: Naging paksa ng mga usapan ang halagang 13 pesos and 35 centavos (P13.35) kamakailan. Ano nga ba ito?
A: Presyo ng isang latang sardinas
B: Ang offer na daily wage hike ng mga employers
C: Ang dagdag sa tinatanggap na Emergency Cost of Living Allowance (E-Cola) ng minimum wage earners
D: Limos para sa mga laborers na walang choice
2: To cushion the impact of rising fuel costs, namigay ng Smart cards ang pamahalaan sa mga jeepney at tricycle drivers. Bahagi ito ng Pantawid Pasada program ng gobyerno. Magkano ang laman ng bawat card na tinanggap ng mga jeepney drivers (good for one month)?
A: P1,100
B: ‘Wag nang magreklamo. Ang importante, meron.
C: P1,500
D: Anong sabi n’yo? Maliit? Eh ‘di magreklamo ka sa presidente mong panot!
3: Sino ang babaeng nasa larawan?
A: Ang sinibak na executive ng LTO na si Virginia Torres, shooting buddy ng pangulo
B: Si Marie Peña Ruiz, ang beteranang reporter na ayon sa tsismis ay siya raw bagong apple of the eye ni Pangulong Aquino
C: Si Mary Ruth M. Ferrer, spokesperson ng Sandiganbayan na nagsabing legal ang plea bargain agreement sa pagitan ng Ombudsman at ni retired Major General Carlos F. Garcia
D: Malay ko! Hindi siya sikat!
4: Kung si Antonio Trillanes IV ang poorest senator, sino naman ang second poorest?
A: Tao ba ito? Hiwalay ba sa asawa?
B: Member ba siya ng Noy-Bi team?
C: Galit ba sa kanya si Korina Sanchez?
D: Senator Francis “Chiz” Escudero
5: Sinong public interest lawyer ang abogado rin ng nagsarang Banco Filipino at mortal na kaaway ngayon ng Bangko Sentral ng Pilipinas?
A: Atty. Leonard De Vera
B: Atty. Salvador Panelo
C: Atty. Ely Pamatong
D: Atty. Harry Roque
6: Tumaas nang mahigit apat na milyong piso ang yaman ni Pangulong Aquino ayon sa kanyang Statement of Assets and Liabilities and Net Worth. Ano ang paliwanag ng palasyo?
A: “Walang ilegal sa amount na ‘yon. Bahagi ‘yan ng ‘di nagastos na campaign contribution ng kanyang kapatid na si Ms. Kris Aquino.”
B: “The President has always been transparent with his wealth. Wala siyang itinatago.”
C: “Nagbenta ng lote sa Antipolo City ang ating Presidente.”
D: “Apat na milyong piso ang halaga ng Porsche. Public knowledge ‘yan”
7: Isang hapon…
Official No.1: Kaya nga ipatawag natin ang tatlong lider para ma-settle natin kung ano ang deadline.
Official No. 2: Who will set the deadline?
Official No. 1: No, no, no! Of course, we consult them before we set the deadline.
Official No. 2: Nooo! Nooo! Nooo!
Official No. 1: Kaya nagkakagulo eh, ini-insist lang natin ang gusto natin.
Official No. 2 walks out.
Sino ang magkausap?
A: Cong. Mikey Arroyo at BIR Commissioner Kim Henares sa isyu ng deadline sa pagbabayad ng buwis
B: Mga immature na pulitiko at taong-gobyerno
C: Basta! Isa sa kanila Samar; ‘yong isa, Balay! Sure na. Final answer!
D: Makati Mayor Junjun Binay and DILG Sec. Jesse Robredo sa Laperal Compound
8: Kamakailan ay naaresto sa Taguig City si Arabani Jakiran, a suspected member of the Abu Sayyaf terrorist group. Security guard siya sa Pacific Towers Plaza. In defense of Jakiran, isang kilalang tao sa lipunan ang nagsabing more than six years na raw naglilingkod ang suspek bilang guwardiya sa sosyal na condominium. Sino itong personalidad na ito na gusto yatang maging lawyer ni Jakiran?
A: Manny V. Pangilinan
B: Tessa Prieto-Valdez
C: Jaime Augusto Zobel De Ayala
D: Margarita ‘Tingting’ Cojuangco
9: Napag-uusapan na rin lang ang pag-aresto… dinakip ng NAIA security si Enrico Del Rosario Aldaba kahapon, May 11 for alleged possession of prohibited drugs. Patungong Palawan umano ang suspek at nang malapit na ito sa airport security screening area, nilulon daw nito ang isang sachet ng shabu. Matapos dalhin sa himpilan ng pulisya, isang Cabinet secretary ang nagtungo roon. Pinsan pala ng kalihim ang suspek. Sino si Cabinet Secretary?
A: Foreign Affairs Secretary Albert F. Del Rosario
B: Tourism Secretary Alberto Lim
C: Executive Secretary Paquito Ochoa
D: Hindi ako interested kay Secretary. Pero ito lang ang masasabi ko sa suspek: kung nagugutom ka, mag-rice ka! Tanga!
10: May bagong advocacy si Cong. Manny Pacquiao. Anong organisasyon ang napili niyang maging partner?
A: CBCP! Siyempre, anti-RH Bill si Manny!
B: Bantay Bata
C: Gawad Kalinga
D: GMA Kapuso Foundation! Obvious naman ‘di ba? (‘Nood kayo lagi ng Shumi Damani!)
Bonus Questions
No. 1: Ano ang bagong pamagat ng programa ni Willie Revillame sa TV5?
A: “Wil Time, Big Time”
B: “Cashiyahan Para sa Bayan”
C: “Willing Wilyonaryo”
D: “Malay Ko, Pakialam Ko!”
No. 2: Ano ang nangyari sa reporter na ito ng ABS-CBN na si Niko Baua?
A: ‘Yan ang bagong uniform ng ABS-CBN News and Current Affairs kapag demolisyon ang iku-cover. Astig!
B: Tinamaan ng bato na inihagis ng mga squatters na pinapalayas sa Laperal Compound
C: Nakipagsapakan sa reporter ng GMA7 na si Ivan Mayrina dahil sa agawan ng puwesto sa kinu-cover na demolition ng squatters. Itinago ng dalawang networks ang balita. Now you know!
D: Wala lang. Trip lang n’yang ibalot sa malamig na tela ang kanyang ulo. Kasi naman, sobrang init talaga ng panahon ngayon.
No. 3: Sino ang babaeng ito?
A: Ang dating yaya ni Prince William na si Lillie Piccio
B: Ang alleged illegal recruiter na si Tita Cacayan
C: Si Rosel Jakosalem Peñas, ang hina-hunting na bilas ni Pilar Pilapil
D: Dating showbiz scribe na si Portia Ilagan na tauhan na ngayon ni Sen. Bong Revilla
No. 4: Para “Oras-oras, alam mo…”
A: Magbasa ng Libre, ang free newspaper ng Philippine Daily Inquirer
B: Tumutok sa GMA News TV
C: Makinig sa Tambalang Failon at Webb sa dzMM
D: Mag-enrol sa Gapuz Review Center
No. 5: “Nagdaan na naman ang isang araw ng pagbabalita. Isang araw na bahagi ng kasaysayan. Sa ngalan ng bayan sa ilalim ng nag-iisa nating… “
A: Saksi
B: Watawat
C: Aksyon
D: Bandila
Modernong Talasalitaan
Makabagong kahulugan ng mga salita, parirala o pangungusap batay sa mga kaganapan sa ating kapaligiran. Ang kahulugan ay maaaring madagdagan, mabawasan, o maiba depende sa mga susunod na pangyayari.
>Indirect Bribery: Ang pagnanakaw ng mahigit tatlong daang milyong piso mula sa kaban ng bayan. See “plunder.”
>Plunder: Wala nang gano’n. Hindi na uso ‘yan. Kapag nagnakaw ka ng limampung milyong piso o higit pa mula sa kaban ng bayan, ibalik mo lang ang kalahati at ayos na ang butu-buto. See “indirect bribery.”
——————————————————————
“Never awake me when you have good news to announce, because with good news nothing presses; but when you have bad news, arouse me immediately, for then there is not an instant to be lost.”
~Napoleon Bonaparte
You Have Spoken
Ano ang masasabi n’yo sa napipintong pagpasok ni former Senator Mar Roxas sa pamahalaan?
– Great! Kailangan ng gobyerno ang kanyang husay at talino. 15.65%
– Lalong titindi ang tensyon sa pagitan ng Samar at Balay groups. 53.06%
– Let’s see. 31.29%
Enjoy your weekend! Ingat!
Los Angeles Lakers for life!
Share this on Facebook and Twitter:
I have a Twitter account. Click here to follow me.
You must be logged in to post a comment.