OF LATE, the Professional Heckler has been receiving emails, letters, text messages, and tweets from famous and not-so-famous Filipinos alike. Due to his hectic schedule though (as if), he was able to reply to each of those letters only now. Apologies. Here we go…
Dear Professional Heckler,
Isa akong inmate sa New Bilibid Prisons. Pakiramdam ko, may sakit ako sa puso. Puwede rin ba akong magpa-check up sa Philippine Heart Center?
Umaasa,
Bogart
Dear Bogart,
May alam ka bang kasalanan ni Gloria? Kung wala, tiisin mo na lang ang sakit mo sa puso.
Heckler
Dear Professional Heckler,
Isa akong mapagpatol na tao. Halos kada linggo, nakikipagsagutan talaga ako. Wala akong inuurungan. Hindi ko pinapalampas ang mga patutsada ng aking mga kalaban. Sanga pala, gusto kong magtrabaho sa gobyerno. Saan ba ako puwede?
Yours truly,
Anton
Dear Anton,
Puwede ka sa Communications Group. Of course, advantage kung abogado ka. Kaya lang, wala pa yatang opening ngayon. Hindi kita matutulungan.
Heckler
Dear Professional Heckler,
Hello! Kumusta kayong lahat!
Miss you,
Bedol
Dear Bedol,
Magkano?
Heckler
Dear Professional Heckler,
Hindi ko na kinakaya ang ginagawa nila sa akin. Nananahimik ako. Kumikirot ang aking leeg. Masama ang aking pakiramdam pero wala talaga silang awa. Ayaw nila akong tigilan. Kailan ba ito matatapos?
Saklolo,
Gloria
Dear Gloria,
Just do what is right, do what is best, and Raul Lambino will take care of the rest.
Heckler
Dear Professional Heckler,
Isa akong dating halal na government official na natapos na ang termino. Wala na akong ginagawa. Mahilig ako sa balita at may magandang boses. Saan ako puwedeng mag-apply?
Yours truly,
Kagalang-galang na Ex-Official
Dear Kagalang-galang na Ex-Official,
With your credentials, perfect ka sa TV Patrol! Try mo!
Heckler
Dear Professional Heckler,
Magkano ba ang presyo ng isang kilong galunggong ngayon? Would you know?
Curious,
Jamby
Dear Jamby,
Hanggang ngayon ba naman curious ka pa rin? I don’t eat fish. Sorry, I cannot answer your question.
Heckler
Dear Professional Heckler,
Gusto kong maging state witness. Marami akong alam against GMA. Maniwala ka!
Desperado,
Zaldy
Dear Zaldy,
Sapak gusto mo?
Heckler
Dear Professional Heckler
Ikaw ang kanlungan ng nangangailangan. Ikaw ang pag-asa at kinabukasan. Haplos mo ay lunas sa bawat pagal. Salamat sa iyong dampi ng pagmamahal.
Love,
Manny Garcia
Dear Manny Garcia,
Ulol!
Heckler
Dear Professional Heckler,
Narinig ko po sa balita na posibleng ideklarang pangulo ang aking late Papa. Puwede rin ba akong tawaging former presidential daughter?
Tempting,
Lovidovi
Dear Lovidovi,
Magpaalam ka muna sa tunay na asawa ng iyong ama. I heard you’re not in good terms. Kapag pumayag siya, go! Kung hindi, huwag malungkot dahil ikaw naman ang former future First Lady ng first district of Ilocos Sur. ‘Musta na si Ronald?
Heckler
Dear Professional Heckler,
Oo! Handa na ako! Isisiwalat ko na ang lahat-lahat tungkol sa dayaan noong 2004 pero sa isang kondisyon. Gusto ko via phone patch.
Demanding,
Garci
Dear Garci,
Wala kang karapatang mag-demand, punyeta ka! Kung lalabas ka, bilisan mo para umabot sa SONA. At ‘wag mong itanong kung magkano! Wala nang budget ang palasyo!
Heckler
Deal Plofessional Hecklel,
Sabi mo iyo mga conglessman, sila wag na balik Pag-Asa Island. Amin buo isla! Kami una ari Splatlys Islands. Pag kayo hindi tigil, kayo invade namin. Undelstand?
Xie xie,
Mr. Chinese Ambassador
Dear Mr. Chinese Ambassador,
Ikaw huwag bully. Kayo sumbong namin Amelicans. Sila amin friendship. Sila tulong amin. Hindi kami takot. Teka lang, bakit ako ganito salita? At bakit ikaw basa nang basa. Mukha ka rin tanga.
Hecklel
Dear Professional Heckler,
Matagal nang nali-link ang mister kong kongresista sa isang sexy comedienne/TV host. Pero wala naman akong pruweba. Dapat ko ba siyang iwan?
Hu-hu-hu,
Angela
Dear Angela,
In the first place, hindi mo siya dapat pinakasalan dahil second cousin mo siya! Bahala ka sa buhay mo! Malaswaaaa!
Heckler
Dear Professional Heckler,
Uuwi na ako. Malapit na. Puwede bang mag-stay pansamantala sa inyo?
Excited,
Ate Guy
Dear Ate Guy,
First of all, hanga ako sa ‘yo. Ikaw lang ang GUY na GIRL. Pero ‘di ako naniniwalang uuwi ka. Wala kang pamasahe! Casino ka kasi nang casino! Tigilan mo na ‘yan!
Heckler
Dear Professional Heckler,
Panay na panay ang banat mo sa amin. Mag-ingat ka g*go! At ’wag na ‘wag kang pupunta sa aming siyudad kung ayaw mong mabugbog!
Galit na galit,
Sara, Rudy, and Paolo
Dear Sara, Rudy, and Paolo
Ito lang ang masasabi ko: [click here]
Heckler
Dear Professional Heckler,
It’s in the news today! I lost at least 6 inches off my waist. Bilib ka na ba?
Nagmamahal,
Mega
Dear Mega,
Weh? ‘Di nga?
Heckler
Dear Professional Heckler,
Sabi nila, na-rape ako. Feeling ko naman, na-harass lang. Ewan ko ba! Kumuha na ako ng abogado. Ano ba ang dapat kong gawin?
Naguguluhan,
Amanda
Dear Amanda,
Nagkamali ka iha. Hindi dapat abogado ang kinuha mo kundi bato – ‘tapos ipinukpok mo sana sa ulo mo para natauhan ka. Flirt!
Heckler
Dear Professional Heckler,
Itago mo na lang ako sa pangalang Piolo. Mayaman, maimpluwensya, mula sa iginagalang na pamilya at may mataas na posisyon sa pamahalaan. Fifty-one years old na ako pero wala pa rin akong girlfriend. Bakit kaya?
Worried,
Alias Piolo
Dear Piolo,
Pa-Piolo-Piolo ka pa d’yan utot mo! Kilala kita! Pinasok mo ang puwestong ‘yan, magtiis ka! ‘Tsaka… bago mo problemahin ang puso mo, asikasuhin mo muna ‘yang baga mo! Tumigil ka sa paninigarilyo! Okay? Good luck sa SONA mo! Bye!
Heckler
Dear Professional Heckler,
At present, I really need a brand-new car, possibly a 4 x 4. I am anticipating your favorable response on this regard. Be assured of my constant support. Thank you very much.
God Bless,
Bishop Pueblos
Dear Bishop Pueblos,
Wala ka talagang kadala-dala! ‘Tsaka anong “constant support” ang pinagsasasabi mo d’yan!? Hindi tayo magkakilala! Magtigil ka!
Heckler
———————————————————————————–
“From the beginning of our history the country has been afflicted with compromise. It is by compromise that human rights have been abandoned.”
~Charles Sumner
You Have Spoken
Kung mapatunayang nanalo nga si FPJ noong 2004, pabor ba kayo sa suhestyong isabit ang kanyang larawan sa palasyo?
-OO naman. 34.83%
-NO. 22.82%
-Ke isabit o hindi, ikakayaman ko ba ‘yan? 42.34%
Share this on Facebook and Twitter:
I am on Twitter: @HecklerForever
Enjoy the rest of the week!