EXCLUSIVE! CHIEF JUSTICE, RUMESBAK

Ang daming nega. Ang daming inggitera. Ang daming bashers. ‘Yung isa nga, muntik ko nang replyan, “Ganda ka ‘teh?”

OFFICIAL STATEMENT
Chief Justice
Supreme Court of the Philippines

SABADO, August 25. Magtatanghali noon.

Nasa fruits and vegetables section ako sa supermarket nang matanggap ko ang isang text message. Ang sabi:

AAAUwian Na

Hindi ko na-gets ang message ni Mareng Gloria kaya nag-reply ako.

AAAUwian Na2

At sumagot naman siya:

AAAUwian Na3

Napatalon ako sa labis na tuwa. Naitulak ko tuloy nang ‘di sinasadya ang push cart at nabunggo nito ang kalapit na table. Nahulog ang dalawang pirasong ampalaya. Tse! Pati ba naman dito may hater!

Nagsunud-sunod na ang tawag at text sa akin. To cut a long story short, hindi na ako namili. Umuwi na lang ako. Hindi ko kinaya ang moment na ‘yun. Iba! On my way home, nag-log in ako sa Twitter using my secret account. Bahala na kayong humula kung ano ang Twitter handle ko. Basta ang clue, active na active ako. ‘Di n’yo lang alam na ako ‘yun.

Pero pingsisihan ko ang paggamit ng Twitter nang araw na iyon. Grabe! Ang daming nega. Ang daming inggitera. Ang daming bashers. ‘Yung isa nga, muntik ko nang replyan, “Ganda ka ‘teh?” Kaya lang baka mag-boomerang. ‘Wag na lang.

Pero dahil sa walang tigil na batikos sa akin, nagpasya akong maglabas na lang ng maikling pahayag para maipagtanggol ko naman ang aking sarili. Ito na nga ‘yun.

Sabi nila, ambisyosa at ganid daw ako sa kapangyarihan. Excuse me! Hindi ako ambisyosa.

Sabi nila, shameless at bitter daw ako. Excuse me! Hindi ako shameless!

Sabi nila, wala raw akong integridad at wala ring delicadeza! Excuse me again! Meron akong integridad.

Sabi nila, tuta raw ako ni Duterte at gagamitin ni Bongbong para maging bise presidente! Excuse me! Hindi ako tuta ni Duterte.

At ang hindi ko talaga matanggap, ‘yung sabihin nilang, “Pangit ka na nga, pangit pa ang ugali mo.” Excuse me! EXCUUUUSE ME! Basta.

Sa aking kaarawan sa Oktubre ay magreretiro na rin ako. Sa madaling salita, apatnapu’t isang araw lang akong mauupo bilang Chief Justice. Pero wala sa ikli o haba ng termino ‘yan. Kung desidido kang wasakin, I mean, paglingkuran ang bansa mo, magagawa mo ‘yan sa panahong ipinagkaloob sa ‘yo ng Panginoon.

Nabanggit ko na rin lang ang Panginoon, nagpapasalamat ako kay Pangulong Duterte sa kanyang pagtitiwala sa akin. Hindi ko po kayo bibiguin. #AlamNa

Kay Maria Lourdes Sereno, HA HA HA. Move on ka na ‘day.

At sa aking mga kritiko na walang tigil sa pamba-bash sa akin, sino ngayon ang bitter sa atin? Ako pa rin?

EXCUSE ME!
___________________________________________________________________________
“It came to me. My own. My love. My own. My precious. We swears to serve the master of the precious. We will swear on the…on the precious.”
~Gollum, ‘The Lord of the Rings Trilogy’

Sound Bites
“We continue to suffer from the consequences of the legacy of evil that your father left behind. And it did not help that your family preserved his body. It only made us even more committed to never forget what had happened to our family members, our friends and our colleagues. Pray tell me, Imee, how can we move on?”
~Rufa Guiam, An Open Letter to Imee

I am on Twitter: @HecklerForever8.

Advertisements

COMING SOON: MOCHA THE REPORTER AND LECTURER

Mocha Uson has been cast in a film starring Hollywood actor and Trump supporter, Stephen Baldwin. In the movie, Uson will play the role of an honest and competent reporter – making the film the most highly-anticipated comedy of the year.

This piece first appeared in the Opinion Section of the Philippine Daily Inquirer on August 5, 2018

EARLIER this week, a number of senators took the voluntary drug test at the Senate. Unconfirmed results showed many of them were working under the influence… of Duterte.

* * * * * * *

Controversial Communications Assistant Secretary Mocha Uson has been tapped by President Duterte’s Charter Change committee to lecture Filipinos about federalism. Members of that committee should undergo a drug test.

* * * * * * *

Mocha Uson has been cast in a film starring Hollywood actor and Trump supporter, Stephen Baldwin. In the movie, Uson will play the role of an honest and competent reporter – making the film the most highly-anticipated comedy of the year.

The film’s producer says Uson will be “doing what she does best – reporting.” So it’s not just a comedy. It’s a fiction within a fiction.

Titled ‘Kaibigan,’ the film features Baldwin as a father trying to guide his son towards the right path. The son eventually became a city vice mayor who got involved in drug smuggling. Sorry, that’s a different movie.

Controversial former Tourism Promotions Board chief Cesar Montano will be directing the film. To ensure a hassle-free production, Montano will be supervised by Hollywood producers, industry veterans, and an internal auditor.

* * * * * * *

Ben Tulfo’s lawyer Ferdinand Topacio says returning the P60-M his client earned from the Tourism Department’s ad placements is “a matter between Tulfo and his conscience.” In the interest of fairness, we tried to get the side of the conscience but we couldn’t locate it.

* * * * * * *

There was a rumored assassination plot against President Duterte recently. As Filipinos, we should all be concerned about his safety. After all, he is the president of this country. We want him to be in perfect shape when he stands before the International Criminal Court.

* * * * * * *

Presidential Assistant Bong Go insists the President is in “tiptop condition” amid rumors he is sick. Many people thought something was wrong with Duterte during his third State of the Nation Address because he didn’t utter any cuss words.

* * * * * * *

Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo has just become the fourth highest official in the land. She is now also the second most powerful woman in the country after Sara Duterte.

Sen. Panfilo Lacson has warned that House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo may be eyeing the post of prime minister. GMA has denied it. Among many other things.

* * * * * * *

Reports say not a single senator is willing to defend the passage of the second package of the Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law. Many lawmakers are wary about the tax measure’s effects on gas prices, inflation, and their bid for reelection.

* * * * * * *

The Court of Appeals has affirmed a Securities and Exchange Commission ruling that Rappler is not 100 percent Filipino-owned and controlled. A social news network, Rappler has been critical of Rodrigo Duterte, the Philippine president who is suspected to be 100 percent Chinese-owned and controlled.

* * * * * * *

Senate President Vicente Sotto III revealed President Duterte once called and threatened a rice trader for alleged hoarding. Sotto said the President even asked the unidentified person on the line where he lived. Rumors say Duterte did the same thing to the suspected smuggler of the P6.4B shabu shipment. He called and threatened him. He didn’t have to ask where he lived though.

* * * * * * *

Ozamis City Councilor Ricardo Parojinog, brother of slain Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Sr., a suspected drug lord, has been repatriated from Taiwan. He is now in police custody in Camp Crame and will probably remain there until his ‘nanlaban’ schedule.

* * * * * * *

Russian scientists have revived tiny worms frozen for 42,000 years in Siberian permafrost. The news made former Sen. Juan Ponce Enrile nostalgic because he used to play with those worms when he was a kid.
________________________________________________________________________________
“To be of good quality, you have to excuse yourself from the presence of shallow and callow minded individuals.”
~Michael Bassey Johnson

Sound Bites
“I-pepe, I-dede, I-pepederalismo!”
~Mocha Uson in a viral pro-federalism campaign video

And you thought it can’t get any lower.

My temporary Twitter account: @hecklerforever8

LEAKED: DUTERTE’S SONA 2018

Sanga pala… sa Sabado, balak kong pumunta sa West Philippine Sea kasama si Willie Revillame. O’ ba’t natawa kayo? Akala n’yo joke lang? Totoo! Nag-volunteer si Kuya Wil.

1D
State of the Nation Address
of
Rodrigo R. Duterte
President of the Philippines

[To be delivered at the Session Hall of the House of Representatives,
Batasang Pambansa Complex, Quezon City on July 23, 2018]

SPEAKER PANTALEON Alvarez, Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III, Vice Presi… Sandali, akalain mo ‘yun. Dati pinanood ko lang si Tito sa Eat Bulaga. Ngayon, presidente na ng Senado. Pati ako nabulaga. Hehehe Congratulations! (Applause)

Vice President Leni Robredo, Uy! Nandiyan ka pa rin ma’am? Yawa. Chief Justice Maria… wala na nga pala tayong Chief Justice. Congratulations! (Applause) Former presidents Fidel V. Ramos, Joseph Ejercito Estrada, Gloria Macapagal-Arroyo and Benig… absent nga pala si gago. ‘T*ng i*a, kung ayaw mong magpakita, eh ‘di wag!

Members of the House of Representatives and the Senate; distinguished members of the diplomatic corps; the delegation from Beijing; fellow workers in government; mga minamahal kong kababayan…

I will resign!

(Silence)

Sabi ko, I will resign!

(Whispers, murmurs)

Kinabahan kayo ‘no? ‘Kita ko ‘yung mukha ni Harry Roque, biglang nanlaki ang mata. Sabi siguro, “’Tang i*a, saan ako pupulutin ‘pag nawala si Duterte?!” Hehehe Of course, I was just joking. Ba’t ako magre-resign eh nasa puwesto pa ‘yung incompetent? Ano ako, tanga? I will NOT resign. (Applause/Standing ovation)

* * * * * *

As I have promised, hindi lalampas ng 35 minutes ang aking speech. Paninindigan ko ‘to. Kahit man lang ‘yan, matupad ko. (Canned Laughter/Applause)

* * * * * *

Gusto ko munang batiin ang mga nanonood sa China. Live tayo ngayon sa China Central Television. Nǐ hǎo! Bǎohù wǒ. Wǒ shì nǐ de púrén! Ko sing gaw lu, ta singkwen baw sa! Xièxiè! ‘Tang i*a, ano kaya ‘yung sinabi ko? Sino bang sumulat nito? Bahala na. Google n’yo na lang.

* * * * * *

Mula nang maupo ako sa pwesto at simulan ang war on drugs, wala na akong narinig kundi puro reklamo. Winawasak ko raw ang pamilyang Filipino. Walang katotohanan ‘yan. Sa aking administrasyon, lalo pa ngang naging close ang magkakapamilya. Kitang-kita ang pagsusumikap at pagtutulungan nila upang umasenso. ‘Wag na tayong lumayo pa. Kasama natin ngayong hapon sa gallery ang pamilya Tulfo. Palakpakan natin sila. (Applause)

* * * * * *

Napakalaki ng nabawas sa red tape sa gobyerno. Dahil na rin ito sa masisipag nating empleyado. Walang break-break kahit lunch. Wala ring merye-meryenda. Umulan man o umaraw, tuloy ang serbisyo. Multitasking pa nga ang iba. Tingnan n’yo si former DOT secretary Wanda Tulfo-Teo, sabi ng COA, nagtatrabaho na, nagsha-shopping pa! Mabuhay ka! (Applause)

* * * * * *

Ayon sa mga gagong Dilaw, malayo raw ang performance ko sa mga nagawa ni Noynoy Aquino. P*tang i*a, napikon ako. Kaya ayun, ginaya ko! Tinanggal niya si Corona, tinanggal ko si Sereno! It’s a tie! (Applause)

* * * * * *

Isa pang nakakabuwisit ‘yang mga nagsasabing galit daw ako sa mahihirap. Wala silang bukambibig kundi “Anti-poor si Duterte! Mahihirap ang pinapatay ni Duterte!” Nang sumunod na Lunes, pinatay ‘yung Mayor Halili. Binatikos pa rin si Duterte! ‘T*ng i*a! Ginawa ko na ngang lahat ‘di ba? Mahirap, mayaman, itinumba! Kulang pa ba?

* * * * * *

Masakit mapagbintangang mamamatay-tao. May nagsasabing pinapatay daw ng mga pulis ang nahuhuling drug suspects. ‘T*ng i*a! Kasinungalingan ‘yan! Ang binabaril lang ng masisipag nating pulis ay ‘yung mga nanlalaban. Tingnan n’yo sina Kerwin Espinosa at si kumpareng Peter Lim, never na lumaban. Kaya ‘yun, pinalaya ni Aguirre at ‘di na kinasuhan! (Applause)

* * * * * *

Personal sa akin ang paglaban sa ilegal na droga. Kumukulo talaga ang dugo ko ‘pag nakakakita ng biktima ng drug addicts. Mga hayup! Kaya sa nagpasok ng 6.4 bilyong pisong shabu last year, I don’t know who you are but I will find you and I will kill you! (Applause)

(Message alert tone)

Sandali, may nag-text, “Papa, nag-sorry na ako ‘di ba? Pasaylua na ko please.”

Na-wrong send yata. ‘Tuloy ko na ang speech ko.

Sa’n na ba ako? Nawala ako ah.

* * * * * *

Napakataas na raw ng presyo ng petrolyo sa bansa. Fake news ‘yan! Kung mahal ang petrolyo sa Pilipinas, bakit ‘yung mga eroplano ng China, sa Davao pa nagpapa-gas? (Applause)

* * * * * *

Sanga pala… sa Sabado, balak kong pumunta sa West Philippine Sea kasama si Willie Revillame. (Canned laughter) O, ba’t natawa kayo? Akala n’yo joke lang? Totoo! Nag-volunteer si Kuya Wil. Magpapalaro s’ya ng hephep hooray sa Chinese Coast Guard as an act of goodwill. ‘Tapos tuwing may mananalo, sisigaw siya. Alam n’yo ba kung ano ang isisigaw niya?

*ANO?!?*

Bigyan ng isla ‘yan!

(Silence)

Mga gago. Joke ‘yun. Tumawa kayo!

(Canned laughter)

* * * * * *

Sinisisi ng marami ang TRAIN Law sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Apektado na raw ang mahihirap. So gusto nila, i-suspend ko ang TRAIN Law. Kalokohan! Ganito lang ‘yan. Kung konti lang ang pera ng mahihirap na ‘yan, ibibili na lang nila ito ng bigas, asukal, o mantika. Hindi na sila makabili ng droga. In short, dahil sa TRAIN Law, mababawasan ang mga adik. Palakpakan natin ang TRAIN Law! (Applause)

* * * * * *

Ang sa akin lang, we need the money from the TRAIN Law for our Build, Build, Build program. Pambayad natin ‘yan sa China. Now, kung nagugutom ka dahil mahal ang bilihin, eh ‘di mag-pray ka. Walang impossible with god di ba? Punta ka sa church. Luhod ka. Hingi ka ng help sa imong god. Kung gutom ka pa rin after magsimba, stupid ang god mo. Lipat ka na lang sa Iglesia ni Rodrigo. (Canned laughter)

* * * * * *

Sabi ng SWS, 10.9 million daw ang walang trabahong Filipino noong 1st quarter ng 2018. Of course, luma na ang survey na ‘yan. Hoy Mahar Mangahas, i-update mo na ang figures mo bai! Malaki na ang nabawas d’yan kasi ipinadampot ko na ang mga tambay. (Applause)

* * * * * *

Batiin ko rin pala ang napakaraming OFWs na walang sawang sumusuporta sa akin. Ang daming comments sa Facebook: Watching from Dubai, watching from Italy, watching from Jeddah, watching from Taiwan, watching from Wakanda, watching from Qatar. Tuwang-tuwa ang mga gago kasi ang taas ng dollar. Pag-uwi, Duty Free. Bili ng Toblerone, Cadbury. ‘Yung kababayan nila sa Pilipinas, na-bury na kasi namatay sa gutom. Pisti. (Canned laughter) Uy, joke lang ‘yun huh. What I mean is, kung mataas ang dollar at mababa ang piso, ‘wag agad negative. Mag-benefit man d’yan ang mga OFW. (Applause)

* * * * * *

Pagdating naman sa kapaligiran, hindi ko rin naman kayo binigo. In fact, nitong nakaraang taon, naging aktibo ako sa 3Rs: Reduce, Reuse, Recycle. Ang mga sinibak ko sa gobyerno, ibinalik at inilipat ko sa ibang puwesto! (Applause)

* * * * * *

Baka sabihin n’yo, puro problema na lang itong si Duterte. Ulol ka ‘pag inisip mo ‘yun. Sa mga Dilawan at Ka-DDS d’yan, mag-focus na lang tayo sa positive things sa ating paligid. Nandiyan ang mababait nating fishermen sa West Philippine Sea. Kita n’yo naman… iluluto na lang ang mga huli, ipinamigay pa sa friends nilang Chinese. Talk about hospitality. Palakpakan natin sila. (Applause)

Nandito ba si Martin Andanar? Saang banda nakaupo?

*Spots Martin Andanar*

Ah, d’yan ka pala sa taas. Anyway, nandito ngayon ang mga tauhan ni Martin Andanar ng Communications Office who are very creative. Ang DOLE logo naging pinya ‘tapos ang Norway, naging Norwegia. Palakpakan din natin sila. (Applause)

Sa mga nagagalit kay Mocha, alam kong naiinggit lang kayo dahil very talented na babae ‘yan. Si Mocha lang ang nakapaglipat ng Mayon Volcano mula Albay papuntang Naga. Mabuhay ka Mocha! (Applause)

Baka sabihin naman ni Atty. Persida ‘Face to Face’ Rueda-Acosta, kinalimutan ko na siya. Never. Nakaka-inspire ang buhay ni Ma’am Persida. Dalawang beses s‘yang bumagsak sa bar exams noon. ‘Tapos ngayon, doktor na siya! Mabuhay ang Dengvaxia! (Applause)

And of course, narito rin ngayon ang pride nating lahat: lumalaban hindi lang para sa bayan kundi para sa BIR, ang WBA regular welterweight champion of the world, si Sen. Manny Pacquiao. Idol, kung tatakbo kang pangulo sa 2022, suportado kita. Ang tanong na lang: may eleksyon pa ba? Congrats Pacman! (Applause)

And finally, personal akong mag-thank you kay House Speaker Alvarez kasi wala man siyang takot mam-blackmail mag-persuade ng mga kasamahan niyang hindi supportive sa ChaCha. Tama ‘yang ginagawa mo! Ang kongresistang ayaw sa federalismo, huwag bigyan ng pondo!

So ang tanong ko, sino sa inyo ang ayaw sa federalismo? Taas ang kamay.

(Silence)

Congratulations! Palakpakan natin si House Speaker! Salamat kaayo dong! (Applause)

* * * * * *

Sanga pala, baka nagtataka kayo kung bakit wala dito ngayon si Sec. Ernesto Pernia ng NEDA. Last week, sabi niya, federalism would wreak havoc in the economy. Gago. Ayun, nagpaalam kahapon, may sumasakit daw sa likod niya kaya nag-resign na. ‘Buti naman.

* * * * * *

Mga kababayan, dalawang taon na ako sa puwesto. Marami pa akong plano para sa sambayanang Filipino. Sira-ulo ang nagsasabing walang vision o master plan ang gobyerno. For your information, advanced mag-isip ang mga tao ko. Tingnan n’yo si Bong Go: Nangangampanya na kahit ‘di pa kandidato. Palakpakan natin siya! (Applause)

* * * * * *

Thirty-five minutes na yata ako dito. Baka mabuang na kayo. Pasalamat na muna ako sa direktor natin, si Joyce Bernal. Nag-promise siya sa akin kahapon na gawin niya akong kamukha ni John Lloyd Cruz. (Canned laughter) Pero ayaw pala ni Baste kay JLC. So sabi ko, sige, Piolo Pascual na lang. Ang kumontra, ipatumba ko. So, tanungin ko kayo: Kamukha ko na ba si Piolo?

(Silence)

Tarantado!
_________________________________________________________________________________
“Leadership by deception isn’t leadership. It’s fraud.”
~Dr. DaShanne Stokes

Sound Bites
“Expenditure will be immense if we go to federalism, and we estimate that the fiscal deficit to the GDP ratio can easily jump to maybe 6 percent or more, and that’s really going to wreak havoc in terms of our fiscal situation. We are now moving to connect the…lagging regions into the mainstream economy and that momentum of infrastructure improvement in the regions is going to be disrupted.”
~Socioeconomic Planning Sec. Ernesto Pernia

Listen to the expert.

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photo: Duterte: Aaron Favila, AP]

CHAMP AGAIN, YOU KNOW

President Duterte says he’d rather see Manny Pacquiao retire soon. Specifically, he believes Manny can retire in 3 to 6 months.

1PacMatt2
MANNY PACQUIAO is the new WBA regular welterweight champion! Congratulations to Manny Pacquiao – the boxer. There’s probably ‘zero crime rate’ again in the Philippines on fight day. The killings will resume Monday.

Philippine President Rodrigo Duterte watched the Pacquiao-Matthysse bout in Kuala Lumpur. When he came face to face with the two boxers, he told Matthysse, “You lost!” Then, he told Pacquiao, “Yuan!”

In a post-fight interview, President Duterte says he’d rather see Manny Pacquiao retire soon. Specifically, he believes Manny can retire in 3 to 6 months.

Filipino boxing great Manny Pacquiao won against Argentine pug Lucas Matthysse in Kuala Lumpur. As expected, sponsorship logos were printed on Pacquiao’s boxing trunks. There’s Ricoa, GCOX, Motolite, and a couple more. Much to the surprise of many Filipinos, there was no #BongGoTayo.

1PacMatt
It was the 60th career win for Manny Pacquiao. Addressing the ecstatic crowd, Pacquiao said, “Thank God for this victory.” God was quick to deny though He had a hand in the victory.

Tito Sotto was also at ringside in Kuala Lumpur. After watching Pacquiao cruise to victory, Sotto tweeted, “I thought I was watching Manny 10 years ago. Mabuhay ka Sen and Champion Manny Pacquiao.” There’s no truth to rumors though that Sotto made a promise to Pacquiao he’ll have Inquirer articles linking him to starlets taken down.

The Tulfo siblings lauded the victory of Manny Pacquiao. After the fight, the Tulfos gave him a standing ovation and 60 million rounds of applause.

Some netizens say the victory will help boost Manny Pacquiao’s chances of winning a higher post in the 2022 elections. To which, House Speaker Alvarez said, “What elections?’

CompuBox scores showed Manny Pacquiao landed 44 percent of his power punches while Lucas Matthysse landed just 28 percent. To give you an idea of how bad Matthysse performed, even some Gilas Pilipinas members landed more punches than him.
—————————————————————————————————————–
“The height of your accomplishments is determined by the depth of your convictions.”
~ William F. Scolavino

Also…
Check out my article in the Philippine Daily Inquirer. Here’s the link.

1INQ

Thank you!

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photos: Pacquiao: AFP/Getty Images; Cabinet: @virgillopez/PCOO]

EXCLUSIVE: PTV 4 ANNOUNCES NEW PROGRAMMING LINE UP

11:00 a.m. – Talk Show: 13 Reasons Why We Own the Disputed Islands

1ptv

CHINESE Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua announced that state-run People’s Television Network would soon air shows that promote Chinese propaganda history and culture. The line-up includes drama series, children’s shows, movies and documentary dubbed in Tagalog.

Starting August 1, this will be…

PTV 4’S REVAMPED PROGRAMMING LINE UP

5:50 a.m. – Philippine National Anthem

5:55 a.m. – Chinese National Anthem

6:00 a.m. – Zǎoshang hǎo Manila (Good Morning Manila)

7:00 a.m. – Animated Series: Mao Tse Tung Tong Tong Pakitong-kitong
The life of Chairman Mao, the King Crab who rules the waters of South China Sea. It features the voices of Alan Peter Cayetano as Chairman Mao and Harry Roque as Jiang Qing a.k.a. Madam Mao, wife of Chairman Mao

8:00 a.m. – Animated Series: The Adventures of Spongebob Tiananmen SquarePants, an anti-democracy sea sponge

9:00 a.m. – Tibet On Your Baby
Tibetan couples and their babies compete for food, shelter, clothing and recognition of human rights

10:00 a.m. – Are You Going to Scarborough Shoal (Parsley, Sage, Rosemary and Thyme)
The trailblazing musical-cooking-travel show set on Scarborough Shoal features singing Chinese chefs preparing some of the most mouthwatering seafood dishes.

11:00 a.m. – Talk Show: 13 Reasons Why We Own the Disputed Islands

12:00 nn – Yuan for All, All for Yuan
Simulcast worldwide, the noontime show encourages poor, developing nations to “build, build, build” through multi-million dollar loans from Beijing.

1:30 p.m. – Game/Variety: Chinese Garter, Chinese Barter
Filipino and Chinese fishermen battle it out in a game of Chinese garter. Winner gets fish, loser gets noodles.

2:00 p.m. – Hotline Deng Va Xia: Isumbong Mo Kay Persida

3:00 p.m. – Security Guardians of the Galaxy with Solicitor General Jose Calida
Tips on how to corner huge government contracts effortlessly

4:00 p.m. – House of ‘Tards a.k.a. The Bash
A full hour devoted to mocking, maligning, and destroying the reputation of the Vice President; featuring vitriolic commentaries by Sassot, Nieto, Uson, and other BBM black propagandists

4:30 p.m. – Today’s News (According to Us) anchored by Mocha Uson and Vitaliano Aguirre

5:30 p.m. – Legal Advice: Better Call Sal (Panelo)

6:00 p.m. – 13 Reasons Why We Own the Disputed Islands (Primetime Edition)

7:00 p.m. – Replay: Chinese Garter, Chinese Barter
Filipino and Chinese fishermen battle it out in a game of Chinese garter. Winner gets fish, loser gets noodles.

7:30 p.m. – Ang Probinchino
This action drama follows the story of Shing A Ling, a member of the Chinese Coast Guard who pursues foreign “intruders” in the Spratly Islands.

8:30 p.m. – Magpa-Kowloon Man
A day in the life of a Ka-DDS with his/her Chinese friends in the Kowloon Peninsula, Hong Kong

9:20 p.m. – Chinese Lottery Draw (Simulcast worldwide)

9:30 p.m. – Bata, Bata, Paano Ka Gumawa (In Mandarin but with Filipino subtitles)
An inspiring documentary on grade school children working in Apple, Samsung, Nike, Adidas, Lenovo, Huawei, and Mattel (Barbie) factories

11:00 p.m. – Xi Duterte Forever (Recorded)
Joint regular press con of President Xi Jinping and President Rodrigo Duterte

12:00 mn – Chinese National Anthem

12:05 a.m. – Philippine National Anthem

12:07 a.m. – Sign Off

PTV 4 is the flagship government television network owned by the Philippine Government under the helm of the Presidential Communications Operations Office.
No Facebook.
No Twitter.
No YouTube.
Follow us on Weibo: @PTV_China (Strictly no content with homosexuality)
Follow us on WeChat: @PTV_China
Our official PTV app is now available for download in all areas expect Norwegia.
_______________________________________________________________________________
“A crazy country, choking air, polluted hearts, treachery. Treachery and treason.”
~Naguib Mahfouz

Sound Bites
“Totoo pong kinuhanan ng isda ang ating mangingisda sa Scarborough. Kada kinukuhanan ng isda, binibigyan naman sila ng noodles at tubig.”
~Harry Roque, Chinese presidential spokesman

Gee, thanks.

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photo: PTV Official Website]

FIRST & EXCLUSIVE: INDEPENDENCE DAY MESSAGE NG PANGULO

Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Magiging prangka ako.

Sa napakahalagang araw na ito, hindi ko alam kung angkop bang magbigay pa ako ng mensahe.

PHILIPPINE INDEPENDENCE DAY MESSAGE**
June 12, 2018

Mga Kababayan,

Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Magiging prangka ako.

Sa napakahalagang araw na ito sa Pilipinas, hindi ko alam kung angkop bang magbigay pa ako ng mensahe.

Ang tanong ng marami: Malaya ba talaga tayo?

Ako na ang nagsasabi: malayang-malaya! Walang makapagdidikta sa atin.

Nitong mga nakaraang buwan, naging paksa hindi lamang dito kundi sa mga kalapit nating bansa ang isyu ng pananakop at soberenya.

Dahil walang hinto ang pagkalat ng walang basehang mga paratang, at pagdududa, nagpasya akong ilabas ang pahayag na ito.

Maninindigan tayo. Inuulit ko, maninindigan tayo. ATIN ang pinag-aagawang mga teritoryo sa South China Sea.

Atin ang Scarborough Shoal. Atin ang Paracel Islands. Atin ang Spratlys.

Hindi tayo papayag na angkinin ng kahit anong bansa ang mga islang ‘yan.

Sinumang magtangkang sumakop sa mga teritoryong aking nabanggit ay matapang nating haharapin!

Lalaban tayo.

Kung kailangang gumamit ng armas upang maiparating ang ating mensahe, gagawin natin.

Ipagtatanggol ng pamahalaan ang mga kababayan nating mangingisda! Ang kanilang mga huli, mananatiling kanila. Walang maaaring umagaw.

Hindi tayo papayag na sila ay i-bully ninuman.

Kung may magtayo ng istruktura, magpuprotesta tayo. Kung may mangisda sa mga lugar na sakop natin, magpuprotesta tayo. Malinaw ang ating panuntunan.

Nagpapasalamat nga pala ako kina Alan Peter Cayetano at Harry Roque dahil katulong natin sila sa paghahatid ng mensahe ng ating pamahalaan patungkol sa usaping ito.

Inuulit ko, hindi tayo papayag na mapailalim sa kapangyarihan ng kahit anong bansa.

Bilang pagtatapos, nais kong batiin ang mga Filipino saan mang dako ng mundo sa pagdiriwang ng isandaan at dalawampung taon ng kasarinlan.

Binabati at pinasasalamatan ko rin ang isang tapat na kaibigan at maaasahang kaalyado – si Pangulong Rodrigo Duterte. Ipagpatuloy mo ang iyong mga nasimulan – for the motherland.

Mabuhay kayo!

Xièxiè!

Gumagalang,
Xi Jinping
President
People’s Republic of China

(**The original statement was translated from Mandarin to Filipino.]
——————————————————————————————————————————————–
“Every nation has the right to demand proper treatment and no country should violate the territory of any other country.”
~Mustafa Kemal Atatürk

Sound Bites
10Fisherman

Read full article here.

Paano ka lalaban kung mismong ang pamahalaan kakampi ng mga kalaban?

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photos: Reporter’s Notebook]

MOCHA USON SINAGOT SI KRIS AQUINO

Napanood ko na po ang video ni Kris Aquino. Pagod na pagod po ako galing Korea kasama si Tatay Digong kaya ngayon lang po ako nakasagot. Nakakalungkot po. Nagtrabaho na nga po tayo at naglingkod sa mga Ka-DDS natin sa ibang bansa tapos ito pa ang sumalubong sa akin.

FakeNewsQueen

1MochaReply
2MochaReply
3.1Mocha
3Mocha
——————————————————————————————————————————–
“They all lie, from the top man down to the bottom. If their lips are moving, a lie is unfolding.”
~William Rivers Pitt

Sound Bites
“Balahura din ako. Ganyan ang labanan eh! Kailangan ka talagang lumaban. I’m sorry na ganito ang nangyari sa bayan natin – na in order for you to be heard, you have to speak this language. In order for people to listen to you, you have to shove the truth in their faces.”
~Kris Aquino [Click to watch video]

#LabanKris

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photo: Rappler]

POLITICS & ANAGRAMS

Rearrange the letters in President Digong, SolGen Calida, Mocha Uson, and more to form new words or phrases!

1aNAGRAMS
_____________________________________________________________________________________

You may save the post (image file) and share on your social media feed.

I am on Twitter: @HecklerForever.