FIRST AND EXCLUSIVE: DUTERTE’S LAST SONA

Ipakukulong daw ako ng ‘tang i*ang ICC ‘yan. Eh di ipakulong n’yo. I AM NOT AFRAID, mga ugok!

State of the Nation Address
of
Rodrigo R. Duterte
President of the Philippines

[To be delivered live at the Session Hall of the House of Representatives,
Batasang Pambansa Complex, Quezon City on July 26, 2021]

Speaker Alan Peter Cayetano, joookePinatalsik ka nga pala last year. Speaker Lord Allan Velasco;  

Senate President Vicente Sotto III, O, kalabanin mo pala ako next year. ‘Di ka man manalo. Let’s see.  

Vice President Leni Robredo, nandito ba s’ya? Wala? Okay lang, ‘di ko talaga s’ya pina-invite. Baka busy sa relief operation. ‘Tapos siraan na naman niya ako sa tao. Mag-trend na naman sa Twitter, #NasaanAngPangulo ‘tapos sabihin lagi akong tulog at tamad. ‘Tang i*a, fake news. Hindi ako laging tulog!

Chief Justice Alexander G. Gesmundo; beloved members of the House of Representatives and the Senate; distinguished members of the diplomatic corps; the delegation from Beijing; fellow workers in government, mga minamahal kong kababayan…

Ito na ang aking huling State of the Nation Address. (Applause)

Natuwa kayo? Mga tarantado. (Canned laughter)

Sa mga kalaban ko, ‘wag kayong pakasigurado. Maraming puwedeng mangyari ‘pag nanalo akong bise. (Applause)

Bilisan ko na lang ang SONA na ‘to. Maulan ngayon, masarap matulog. 

Sabi ko sa PCOO, kung ano na lang maalala ko, ‘yun ang sabihin ko. Mas maintindihan pa ako ng tao. ‘Tang i*a, magbigay man ako ng datos at numero, ‘di naman maintindihan ng tao, walang kwenta ‘yan.  Alisin n’yo na ‘yang teleprompter.

Unang-una, pasalamat tayo dahil walang nasaktan sa lindol noong Sabado ng madaling araw. Napakalakas daw sabi ng asawa ko. Hindi ko naman naramdaman. Siyempre, tulog ako. 

Marami na namang binahang lugar dahil sa matinding pag-ulan. May napanood ako sa TV, isang buong subdibisyon sa napakataas na lugar, inabot pa rin ng baha. Ang daming bahay na inanod pati kotse, jeep, kambing, kalabaw, kawawa. Parang isang masamang panaginip. ‘Tapos biglang may sumampal sa akin. Sabi niya, “Daddy, gising ka na. Hapon na.” Putang i*a, panaginip nga pala. Nakatulog na naman ako. (Canned laughter)

Sa good news naman tayo: Parami na nang parami ang mga kababayan nating nababakunahan. Bago matapos ang aking unang termino, I mean, ang aking termino, gagawin nating available para sa lahat ang bakuna – kahit tagasaan ka pa! Tingnan n’yo si Gilbert Teodoro, taga-Tarlac s’ya, pero sa Davao nagpabakuna. (Applause)

Alam ko kung gaano kahirap magkasakit. That is why isa sa priorities ng aking gobyerno ang health ng mga Filipino. Pero may challenge man ako sa inyo. Tulungan n’yo ring maging malusog at malakas ang katawan ninyo. Mag-exercise kayo. ‘Yung anak kong si Sara, sinabihan kong tumakbo. Ayun, tatakbo nga sa 2022. (Applause)

Sabi ng mga gago, wala raw akong ginawa kundi umutang. Wala na raw bang pera ang gobyerno kaya utang na lang tayo nang utang? That’s not true. Marami tayong pera. ‘Kita n’yo ba ang nangyari sa dolomite beach sa Manila Bay? Nagtatapon tayo ng pera. Ganyan kayaman ang aking gobyerno! (Applause)

Nitong mga nakaraang buwan, binatikos ang DepEd dahil sa errors sa mga textbooks. Ako mismo, may nabasang bastos at bulgar sa isang module. Kantot ba ‘yon? Sa Bisaya, iyot. ‘Wag kayong mag-alala, ipinahanap ko agad ang sumulat ng bastos na module. Tinanggal na siya sa trabaho. (Applause) Siya na ngayon ang speechwriter ko. (Applause)

Maraming nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. Totoo ‘yan. But we are doing everything to provide livelihood for jobless Filipinos. Palakpakan natin ang PCOO sa pag-hire ng 375 contractual social media specialists na ginastusan ng ekstrang 71 million pesos. (Applause)  

May isa pa akong good news: iniutos ko sa DTI na siguraduhing mababa ang presyo ng mga bilihin. Ayaw kong mahirapan ang mga tao. To be fair, mabilis ang aksyon sila.  Buwan-buwan, ang prices, nagmumura! Thank you Shopee at Lazada! (Applause)

Pati sa mga negosyo, we are very supportive. Palakpakan natin ang napakalaking kita ng gumagawa ng face shield! (Applause) 

Buhay na buhay ang ating ekonomiya. Kitang-kita naman ang ebidensya: matindi na uli ang traffic sa EDSA. (Applause)

Hindi na mabilang ang infrastructure projects na natapos sa ilalim ng aking Build, Build, Build program. Sa mga nagtatanong kung anu-ano ‘yan, no need to visit the DPWH website. Punta na lang kayo sa Facebook page ni Sec. Mark Villar.  Nandun lahat. (Applause) Grab, Grab, Grab credit ka raw Mark. Hehe Joke lang. (Canned laughter)

Palakpakan din natin si Lorraine Badoy-Partosa of the NTF-ELCAC. (Applause) Masipag ‘yang si Lorraine mag-post. Tag ‘yan nang tag. Kung hindi kayo Komunista, bakit kayo magalit sa kanya? Sayang, wala dito si Lorraine ngayon. Nasa Ilocos siya sa Philippine Volleyball League bubble. She is confirming an intelligence report na laging may rally sa volleyball games. (Silence) O, ba’t di kayo natawa? Volleyball joke ‘yun. (Applause)

Last January, a Pulse Asia survey showed Secretary Duque and Harry Roque got the highest approval ratings among the members of my Cabinet. Aaminin ko, nag-worry ako noon. Inisip ko, “May COVID19 ba ang mga tinanong sa survey?” Bakit wala yata silang taste?  (Canned laughter) 

Proud ako sa consistency ng aking gobyerno. Last year, naka-lock down tayo nang mag-SONA ako. Ngayon, naka-lock down pa rin tayo. (Applause)

Speaking of consistency, I would like to commend Congressmen Mike Defensor and Rodante Marcoleta. Matapos mapatay ang dragon ng Mother Ignacia, nagpatuloy ang inyong kapuri-puring gawain. Pati bulate, pinuksa n’yo rin. Salamat ivermectin! (Applause)

In 2016, I promised you (that) change was coming. Nangyayari pa rin ‘yan. Tingnan n’yo ‘yung boksingero sa Senado. Limang taon ko ‘yang kasa-kasama ‘tapos ngayon tinitira ako. Sana matalo ka sa next fight mo. Gago!  (Canned laughter) Hindi joke ‘yan. Seryoso ‘yan.

Ipakukulong daw ako ng ‘tang i*ang ICC ‘yan. Eh di ipakulong n’yo. I AM NOT AFRAID, mga ugok! Ginoogle ko na ang detention center n’yo. Tang i*a, ang ganda. Sige, ipakulong n’yo ako. Magdala pa ako ng kulambo d’yan, mga ugok. (Applause)

Mga kababayan, malayo-layo na rin ang ating narating. Papayagan n’yo bang mahinto ang biyahe natin patungo sa mas maunlad na Pilipinas?

(Audience: Hindi!)

Tatapatin ko na kayo. Walang ibang kayang magpatuloy ng nasimulan ni Duterte kundi isa ring Duterte. (Applause) Si Pulong ‘yon. (Silence) Siyempre, joke.

Pangako ko sa inyo, mas matinding variant itong anak ko. (Applause)

Kung sa tingin n’yo ay wala akong masyadong ginagawa bilang presidente, bigyan n’yo naman ako ng chance maging bise, I mean, maging busy. (Applause)

Change has come. Change must continue. 

Mga Ka-DDS… sama-sama tayo sa 2022. 

Maraming salamat at Mabuhay ang sambayanang Filipino. Xie xie!  

SELF-SWAB AND OTHER STORIES

Note: The Department of Health has warned the public against self-swabbing as results may not be accurate.

TWITTER: @HecklerForever8

HAPPY BIRTHDAY PRESIDENT DUTERTE!

“By the way, may lumabas nga palang research – nakakaliit daw ng ari ng lalaki ang pollution.”

Dear Mr. President,

Uy! Birthday mo pala today, March 28. Pero sa Twitter at Facebook, March 27 pa lang, trending na ang hashtag na #DutertePalpak. Ang sama. ’Di ka man lang pinagbigyan. Pwede namang on the day itself ‘di ba? Bakit ang aga ng posts?

Kaninang umaga, trending din ang #DuterteAngHulingKaarawan sa Twitter. That hashtag was way out of line! It’s so mean. Hindi dapat nagwi-wish ng masama sa kapwa kahit gaano pa ito kawalanghiya, kabalahura, kawalang-silbi o katraydor sa bayan. 

Seventy-six years old ka na pala. Bata pa. I’m sure, magtatagal ka pa sa mundo. Alam mo naman siguro ang kasabihan tungkol sa masamang damo ‘di ba? I’m not saying na masamang damo ka. Sinasabi ko lang na may gano’ng paniniwala ang mga Pinoy.

Mahigit isang taon na ang lockdown sa Pilipinas. ‘Yung ibang bansa, bakuna na ang usapan, pero dito, parang back to square one na naman. Pero hindi ako mag-a-attempt na magmarunong o payuhan ka. Hindi ako retired general.

ECQ pala ulit. Syet. Marami na naman ang mai-stress. So, pa’no ‘yan? Magtatambak na naman ba ng dolomite ang DENR sa Manila Bay para gumaan ang pakiramdam ng mga Filipino?

One week lang naman pala ang ECQ. By April 5, pwede na ulit maglamyerda si Harry Roque. He deserves a break. Ang hirap kaya ng trabaho niya. Ipahiya mo ba naman ang sarili mo araw-araw, paanong ‘di ka mapapagod? No wonder, he got infected. He tested positive for toxicity.

Sana hindi na ma-extend ang lockdown. Inaalala ko kasi ang mga walang pagkukunan ng ayuda. Saan sila tatakbo? ‘Buti pa nga ‘yong anak mo, alam na ang tatakbuhan.

Halos sampung libo na naman ang COVID19 cases sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. To be fair, mas kokonti ‘yan kumpara sa dami ng nagkalat na Run Sara Run tarpaulins! #justsaying

Sorry, lumalayo na ako. Balik tayo sa birthday mo. Nakita ko ang press release ng iyong alalay. Sa picture, lumang shirt at shorts lang ang suot mo. Nagbu-blow ka ng candle na nakatusok sa isang cup of rice. Grabe! Kung napaaga lang sana, baka nagka-Oscars nomination ka.  Ang galing! Muntik na naming malimutang marami kang accounts sa BPI.  

By the way, may lumabas nga palang research: nakakaliit daw ng ari ng lalaki ang pollution. I’m sure, hindi ka worried sa news na ito kasi the biggest dicks are in your government.

Happy birthday, Mr. President!

“I CARE A LOT”

Twitter: @HecklerForever8

2020 IN REVIEW: ANG YEAR-ENDER NA HINDI

ANG MGA ‘HINDI’ NANGYARI SA PILIPINAS SA TAONG 2020:

Hindi kumain ng ashfall at hindi inihian ni Pangulong Duterte ang bulkang Taal.

Hindi agad nagpatupad ng temporary travel ban on Chinese tourists ang gobyerno noong January kahit naitala na ang unang coronavirus case sa Pilipinas – a Chinese national na namasyal sa Cebu at Dumaguete City. Unfair daw ito sa China ayon kay Health Sec. Francisco Duque III.

Hindi naging maayos ang sistema ng ipinatupad na lockdown noong March; maraming naipit sa checkpoints, maraming stranded, maraming naglakad. 

Hindi health professionals o scientists kundi retired generals ang itinalaga ni Pangulong Duterte sa key posts na naatasang mag-handle sa COVID19 health crisis.

Hindi ginamit ni Koko Pimentel ang kokote nito. Nag-shopping sa BGC at namasyal pa ito sa Makati Med kahit positive na pala sa coronavirus.

Hindi raw dapat bigyan ng ayuda ang middle class families dahil may mga trabaho naman ang mga ito ayon kay Cynthia Villar. (Isa ka pa!)

Hindi alintana ang pandemya, nagpa-mañanita ang mga pulis sa birthday ng hepe nilang si Debold Sinas.

Hindi sinibak ni Duterte si DOH Sec. Francisco Duque kahit sunud-sunod ang kapalpakan nito.

Hindi sinibak ni Duterte si DOH Sec. Francisco Duque sa kabila nang ‘di mabilang na kapalpakan nito.

Hindi naintindihan ng publiko ang mga sinabi ni Kim Chiu sa isang viral video. 

Hindi na-mute ni Bato de la Rosa ang kanyang mic matapos ang isang virtual session ng Senado. Sa kasagsagan ng krisis, dinig na dinig ng buong mundo ang pagsasaya nito saying, “Sarap ng buhay! Sarap ng buhay! Ganito na lang tayo palagi huh!”

Hindi pa enough ang atensyon… nag-Tiktok na rin si Harry Roque, inaway ang isang CNN Philippines reporter; nakipag-bromance kay Joseph Morong, at sinabihang mukhang artista ang NEDA chief pero pinatayan lang siya nito ng Zoom. (It really hurts!)

Hindi agad sinibak ni Duterte ang noo’y PhilHealth chief na si Ricardo Morales sa kabila ng pagbubunyag ng isang dating opisyal na 15 billion pesos ang nawala sa ahensya dahil sa corruption.

Hindi nawawala si Bong Go sa weekly presscon ni Duterte sa Malacañang kahit hindi ito Cabinet member.

Hindi nagpatinag sa travel restrictions si Harry Roque – nagawa pa nitong mag-swimming kasama ang ilang dolphins sa isang resort sa Bataan.

Hindi sinuportahan ng medical experts ang payo ni Pangulong Duterte na gamiting panlinis ng face mask ang gasolina. (Malaking katangahan naman kasi!)

Hindi pinakinggan ni Pangulong Duterte ang panawagan ng publiko – nilagdaan pa rin nito ang kontrobersyal na Anti-Terror Bill.

Hindi na-renew ang ABS-CBN franchise dahil sa pitumpung kongresistang pansariling interes ang inuna sa halip na kapakanan ng libu-libong empleyado ng network.

Hindi bumoto ng ‘No to network shutdown’ sina Alfred Vargas at Loren Legarda. Hindi tinanggap ng publiko ang kanilang excuse.

Hindi rin sinuportahan ng mga kongresistang sina Yul Servo, Precious Hipolito at Dan Fernandez – ang ipinaglalaban ng dati nilang network. Hindi na rin maalala ng maraming Pinoy kung sino ba sina Yul Servo, Precious Hipolito at Dan Fernandez.

Hindi raw nakialam at nanatiling “neutral” sa isyu ng ABS-CBN franchise renewal si Duterte ayon kay Harry Roque. (Ulol.)

Hindi sumang-ayon si Cynthia Villar sa appeal ng medical and health workers na ibalik pansamantala sa ECQ ang Metro Manila para makabuwelo sila sa dami ng pasyente. “Pagbutihin nila ang trabaho nila,” sabi ni Madam. (Hindi ka ba talaga titigil?)

Hindi nagpapigil ang DepEd sa pagre-resume ng classes kahit hindi lahat nang estudyante at parents ay handa sa distance learning.

Hindi nanalong Miss Universe Philippines si Michelle Gumabao. Hindi ito nagpakita sa unang presscon kasama ang winner at runners-up.

Hindi naitago ng maraming netizens ang kanilang concern nang magka-COVID19 si Bong Revilla. Concern sa coronavirus.

Hindi naging masarap ang buhay ni Bato nang tamaan ito ng COVID19. ‘Di nagtagal, napatay din ang virus na ayon kay Bato ay nanlaban.

Hindi malaman ni Harry Roque kung saan siya lulugar nang i-pardon ni Duterte ang killer ng kanyang dating kliyenteng si Jennifer Laude.

Hindi nagpaawat ang mga Ka-DDS sa pamamasyal sa pekeng white sand beach ng Manila Bay. Walang social distancing!

Hindi pa rin matanggap ng maraming Filipino kung bakit at paano naging DENR spokesperson si Benny Antiporda.

Hindi natupad ang wish ni Alan Peter Cayetano na magdiwang ng kanyang 50th birthday bilang House Speaker. (Karma said hi!)

Hindi napigilang magbunganga ni Pia Cayetano sa Senado matapos isulong ni Sen. Risa Hontiveros ang imbestigasyon sa 9.5 bilyong pisong ginastos sa pagpapagawa ng 2019 SEA Games facilities.

Hindi naapektuhan ang approval and trust ratings ni Pangulong Duterte sa kabila ng incompetence nito at ng kanyang administrasyon sa handling ng pandemic crisis.

Hindi nag-pass away si Celine Pialago pero hindi rin niya pinalampas ang misleading report diumano ng “demonyong” reporter na si Doris Bigornia.

Hindi nagising, hindi agad nagbigay ng pahayag at hindi naramdaman ang pagiging lider ni Pangulong Duterte sa kasagsagan ng malalakas na bagyo kaya’t hindi nawala sa top trending topics sa social media ang #NasaanAngPangulo.

Hindi natuwa kundi nairita pa si Duterte sa kasipagan at maagap na aksyon ni Vice President Leni Robredo para tulungan ang mga kababayan nating nasalanta ng mga kalamidad. 

Hindi huminto sa paninira at pagpapakalat ng fake information laban kay VP Leni ang mga bayarang trolls at bobong panatiko ng mga kalaban nito sa pulitika.

Hindi bumenta sa International Criminal Court ang pautot ni Duterte na mahalaga sa kanya ang human rights. The ICC found enough evidence para imbestigahan si Duterte sa reklamong crimes against humanity.

Hindi ang mas mura at mas effective na vaccine ang bibilhin ng gobyerno kundi ang mas mahal na vaccine ng China na may 50% efficacy rate lang.

Hindi raw nagawa nang maayos at tama ni DOH Sec. Francisco Duque III ang kanyang trabaho kaya hindi natuloy ang pagbili natin ng vaccine na gawa ng Pfizer.

Hindi pa rin sinisibak ni Pangulong Duterte si Duque. (Akalain mo, nand’yan ka pa!)

Hindi naging priority ng gobyerno ang pagbibigay ng vaccine sa medical frontliners; inuna pa nito ang ilang Cabinet officials at PSG.

Hindi pa rin natatapos ang government-imposed pandemic lockdown – the longest in the whole world.

Finally… hindi pa rin nagigising ang napakaraming Filipino sa kapalpakan at kabulukan sa gobyernong Duterte. 2021 na. Ano na?

HAPPY NEW YEAR everyone. May we all have a better year ahead!

Twitter/IG: HecklerForever8

In Memoriam: Kobe Bryant | Alex Trebek

THE STORY OF CHRISTMAS (As told by political figures)

Harry Roque: So ‘yun na nga ang nangyari, kahit alam ni Jose na kabuwanan na ni Maria, bumiyahe pa rin sila papuntang Betlehem. Mga pasaway!

HERE is the Nativity story as narrated by political personalities.

Tito Sotto: Mahigit 2000 years na ang nakararaan, sa bayan ng Nazareth, may isang babaeng na-ano lang.

Cynthia Villar: Ang pangalan niya ay Maria at siya ay may asawa – si Jose na isa lang karpintero.

Manny Pacquiao: Nang malamang buntis si Maria at hindi siya ang ama, gusto sana siyang i-divorce ni Jose. Pero bawal ‘yun sa Bible. Kasalanan kay Lord ang divorce. Matthew 19:6: Therefore, what God has joined together, let no one separate.

Alan Peter Cayetano: Noong time na ‘yun, ipinag-utos ng emperor ang census sa Roman Empire. Taga-Betlehem si Jose kaya dapat doon siya magpalista. Sa First District si Maria  ‘tapos sa Second District si Jose. Pwede ‘yon.

Harry Roque: So ‘yun na nga ang nangyari, kahit alam ni Jose na kabuwanan na ni Maria, bumiyahe pa rin sila papuntang Betlehem. Mga pasaway! Matitigas ang ulo! ‘Tapos ‘pag may nangyari, sisisihin n’yo ang gobyerno.

MMDA’s Celine Pialago: Mahaba-haba rin ang nilakbay ng dalawa. Pagod na pagod ang mag-asawa lalo na si Maria. Pagdating sa Betlehem, she passed away.

Risa Hontiveros: She actually passed out* – dahil nag-labor na nga siya. Walang matuluyan ang mag-asawa kaya inabot ng panganganak si Maria sa isang kuwadra. Kung may RH Law lang sana nang time na ‘yon, baka naisugod pa sa mas maayos na ospital si Maria.

Bato de la Rosa: Samantala, kahit gabing-gabi na, nasa labas pa rin ang mga pastol. Mga adik! 

PNP Chief Debold Sinas: Maya-maya, biglang nagpakita ang mga anghel at sinabi sa kanila ang magandang balita. Isinilang na si Hesus, our Savior. Natuwa ang mga pastol. Sila ay nag-inuman, nagsayawan at nag-videoke. In short, nag-party! 

Imelda Marcos: Samantala, sa tulong ng liwanag ng tala ay naglakbay mula Silangan ang tatlong pantas. Nag-alay sila kay Hesus ng damit, kamanyang, at mira.

Vice President Leni Robredo: Correction lang po, ‘ginto’ po at hindi ‘damit’ ang isa sa mga alay ng tatlong pantas. Saan po kaya napunta ang ginto? Ninakaw na naman po ba?

Ka-DDS: ‘Buti pa ang mga pantas, may regalo. ‘Yung mga pastol na dumalaw, ano bang ambag n’yo?

Netizens: Habang ang buong mundo ay nagsasaya sa pagsilang ni Hesus, wala pa ring reaksyon si Herodes. Tulog pa pala ito. #NasaanSiHerodes 

Rodrigo Duterte: Nang magising, nakarating kay Herodes ang balita tungkol sa kapanganakan ni Hesus. Hindi niya ito ikinatuwa. Pakiramdam niya, makikipag-kompetensya sa kanya si Hesus. Gusto lang nitong magpasikat. Kaya’t inutusan niya ang kanyang mga tauhan na patayin lahat nang batang lalaki dalawang taon pababa. Sabi ni Herodes, “’Pag nanlaban, shoot them dead. ‘Wag n’yong intindihin ‘yang human rights. Ako ang bahala sa inyo.”

Trillanes: Pero nabigyan pala ng babala ng isang anghel si Jose. Itinakas nito ang kanyang mag-ina papuntang Ehipto kung saan sila nag-file ng reklamo sa International Criminal Court laban sa brutal na hari.

Postscript: ‘Di nagtagal, namatay si Herodes. Binalak ni Jose na bumalik sa Betlehem kasama ang pamilya. Pero ‘di rin ito natuloy dahil nabalitaan niyang anak pala ni Herodes ang pumalit sa kanya. Sa gitna ng patuloy na banta at panganib, nagpasya na lang silang manirahan sa Galilee.

Where they lived happily and peacefully until… ma-EJK ang aktibistang si Hesus sa edad na 33.

The End.