WELCOME to The Krissy List. This is my personal list of new experiences while meeting new people, learning new things, reconnecting with memories, and achieving goals I set for myself, Josh, Bimb, and my loved ones.
Oh my gosh! Ang serious ng intro. Hindi ako sanay. Mas feel ko ‘yung luka-lukang Krissy. Aha-ha-ha! At prangkahan na, na-miss ko ang pag-utter ng word na ‘Kapamilya.’ Promise! I can’t use ‘Kapuso’ naman kasi hindi nila ako welcome doon. Ay! What did I just say? But I’ll be very honest kasi that’s the info na nakarating sa akin. Hindi raw nila ako love. Wala akong space sa puso ng Kapuso. Pero shut up ka na lang Krissy. ‘Wag pahalatang disappointed. Aha-ha-ha.
This morning nga, Darla told me, “Krissy, why not apply sa PTV 4? Reyna ka do’n!”
I replied, “With the Tulfos???? Eeeew.”
Then Darla suggested, “Eh sa RTVM kaya? Teleradyo na, podcast pa.”
“With Martin Andanar and THAT woman?! Yuuuck!”
I’m sorry. Pero prangkahan na ulit, ‘di ko talaga sila feel maka-work – lalo na ‘yung girl. Kasi, she’s my exact opposite. I am super honest, super transparent, and – hindi naman sa pagmamayabang, may utak naman ako.
DARLA: So you’re saying Krissy na sinungaling at bobo ‘yung girl na ‘yun?
Ikaw ang nagsabi niyan Darla! Hindi ako! Aha-ha-ha
Let’s continue na nga. This is the 20th episode of The Krissy List and I decided to talk about two fruits na nasa news ngayon: the pineapple and the banana. I’m sure, marami na namang maiinis sa akin dahil parehong dilawan ang napili kong prutas. Care bears!
Sa totoo lang, ang plano ko talaga, maglista ng blunders ni Martin Andanar at ng Philippine News Agency o PNA. But I realized, sa dami na ng pagkakamali nila, aabutin tayo ng isang araw; so I scrapped the plan na lang. But can I just say this? Sorry huh, they’re so tanga talaga. Promise! When I saw the DOLE logo in the PNA article about the Dep’t of Labor and Employment, naloka ako nang bonggang-bongga! Feeling ko, nahulog ako sa pool in my Michael Leyva gown. Parang ganito. Click n’yo.
Back to the DOLE logo, WHAT THE HELL WERE THOSE PEOPLE THINKING? Sorry. Mali pala to even assume that they were thinking. Apologies. Kumbaga sa bananas ng DOLE, ‘yung utak nila, señorita. Ang liit! Nakakaloka sila.
DARLA: In fairness sa ‘yo Krissy, alam mo pala ang señorita. Akala ko, familiar ka lang sa bigger varieties.
Correction Darla, it’s not ‘variety.’ It’s ‘cultivar.’
Wala akong pakialam sa clituvar mo Krissy. Pare-parehong saging lang ‘yan!
Cultivar! Anong clituvar!??? Aha-ha-ha! Balik tayo sa comment mo. Yes, familiar ako sa saging na señorita. At alam ko kung saan papunta ang usapang ito Darla! Bakit? Fault ko ba kung lapitin ako ng mga saba! Aha-ha-ha! Correction pala, not just saba. Cavendish sila! Aha-ha-ha!
DARLA: May tama ka!
Anyway, after ng latest DOLE mistake ng PNA, somebody sent me a memo purportedly written by their boss to the editors and staff. I am sharing with you guys a copy. Exclusive ‘to here on The Krissy List!
At least consistent nga naman sila ‘di ba? Nakakaloka! At heto pa Darla, ang ‘di ko kinaya ‘yung threat ni Andanar last weekend na ipatatapon n’ya sa Mindanao ang mga “gunggong” – yes, he used that term to describe his own men, behind the DOLE brouhaha. The nerve of this guy ‘di ba? Unang-una, anong palagay niya sa Mindanao, tapunan ng mga tanga??? Ang tanga, ‘di ba? Aha-ha-ha Pangalawa, eh kung itapon muna kaya niya ang sarili niya?! Ang dami na niyang kapalpakan ‘di ba? ‘Di ba? ‘DI BAAAAA? Hay naku Darla, tinulugan mo na naman ako! Kainis ka! I hate you na!
Hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko pero sa administration ni Kuya Noy… I’ll be truthful huh – sorry, pero sa previous admin, may mga incompetent talaga. Actually si Noy mismo, may episodes of incompetence. Aha-ha-ha Sorry Ate Ballsy and Ate Pinky, naging honest lang ako. But to be fair to my brother, iba naman ang sitwasyon ngayon; hindi lang simpleng incompetence ang meron eh. Ang dami-dami talagang tanga. I’ve lost count na nga eh. Promise. Ano ‘to, status symbol? ‘Pag tanga, cool? ‘Yun lang, Darla!
Before I end this episode of The Krissy List, gusto ko lang sagutin ang ilang questions sent through my Facebook and Instagram accounts. Mabilis lang ‘to! Darla, ikaw na please ang magbasa.
From @PalengkeraDoctolero
Krissy, ano ang masasabi mo sa demand na millions ni Patricia Bautista kay Comelec Chair Andy Bautista?
Hay naku. Ayaw ko nang magsalita tungkol d’yan Darla. Magagalit na naman ang mga kapatid ko. ‘Tsaka baka sabihin ng bashers, nakikialam ako sa away ng mag-asawa. No comment ako d’yan. Shut up na Krissy. Don’t talk. Mas ok nang manahimik na lang ako. NR! Basta ito lang ang masasabi ko, ‘yung lawyer ni Patricia, naging lawyer ng ex-husband ko. You do the math. Pero promise, ayaw ko na talagang mag-comment.
Tapos ka na?
Ang mean mo today Darla! Inaano ba kita?!?
Mean agad? Ang sensitive naman. Next question na nga.
From @CharlizeBornea: Pabor ka ba sa desisyong bigyan ng accreditation sa official government functions ang social media users with at least 5,000 followers?
Whose brilliant idea was that?
Andanar’s.
My god! THAT guy again?! Is he even aware na nabibili na ngayon ang online followers?
Mali ang tanong Krissy. The question should be: Are YOU… Oo, ikaw, Krissy, are you aware…
Eh ‘di ikaw na ang sumagot sa mga questions. Go Darla!
Teka lang naman. Patapusin mo ako! Are you aware na marami nang online people ang nabili? Lalo na ‘yung mga self-proclaimed influencers kuno.
I’m sorry Darla, hindi ko alam. Really?
Like Jon Snow, you know nothing Kris Aquinow!
Not funny Darla! Not funny.
Basta!
Fine. Naloka lang ako doon sa “at least 5,000 followers.” My gosh, pwede na palang ma-accredit ang aso ng friend ko. Aha-ha-ha! But I’m not saying na kapag marami ang followers, deserving na huh. It doesn’t follow. Meron nga d’yang more than 4 or 5 million ang followers pero shunga-shunga naman. Liar pa. Tapos she spreads half-truths and promotes hate. Nag-post lang ng picture kasama ang presidente, blogger na. Nagpakita lang ng cleavage, influencer na. ‘Di ba? Eh ‘di lahat na lang blogger!
Si Mocha Uson ba ‘yan?
Huwag mo akong ipahamak Darla. Ikaw ang nagsabi niyan! Basta ako, walang binabanggit na pangalan huh. Ayoko ng kaaway – lalo na ‘yung tanga. Ooops! Let me say that again! Ayoko ng kaaway – period! Baka mamaya, kuyugin na naman ako ng mga trolls. Love love love na lang.
Last question na ito Krissy. This one is from Herbert…
Si Mayor?????? Gosh. Kinilig ako.
Hindi ‘no! Herbert Colangco… drug lord sa Bilibid.
Darlaaaaaaah! I hate you! Sino nga?
From Herbert ‘Tawa’ Marcelo…
Ang luma huh! Seryoso na kasi! Sino ‘yan?
Sige na nga. From Herbert Bautista…
I knew it! Alam mo Darla, feeling ko may feelings pa sa akin si Bistek. At nakakaloka siya huh, sa Facebook pa talaga nag-message. Anong sabi?
“Hi Krissy. Bumubuhos na naman ang ulan. Matatalim ang kidlat. Malakas ang kulog. Madilim ang paligid. Napakalamig ng panahon. Cuddle weather…”
Awwwww! He remembers me. AKO TALAGA ANG NAALALA NIYA NGAYONG TAGLAMIG!!! I’m blushing na Darla.
Wait! ‘Di pa tapos. “Malakas ang ulan. Cuddle weather. Dapat na ba akong mag-suspend ng klase o kukunsultahin ko muna si Vice Mayor Joy Belmonte. Please reply. ASAP”
DARLA!!!! Kainis ka!
Eh ‘yun ang nakasulat eh!
Ewan ko sa kanya! ‘Wag mong replyan. Tse!
Thank you for joining me in this journey; for going through this experience with me.
It’s really heartwarming to read comments like, “Bitin na bitin kami sa Krissy List. Sana habaan n’yo pa.”
Thank you for the millions of views, shares, and likes. I look forward to seeing you all again. Thank you Darla for keeping me company. I had so much fun talking about the katangahan in our government. Sorry nga pala, saging lang ang napag-usapan natin today. Next time na lang ang pinya.
I’m leaving you with this quote from behavioral scientist and author, Dr. Steve Maraboli. He said, “’If they do it often, it isn’t a mistake; it’s just their behavior.” In the words of Martin Andanar, “gunggong.”
This has been Krissy, and thank you for being part of The Krissy List.
———————————————————————————————————————————-
“In politics, stupidity is not a handicap.”
~Napoléon Bonaparte
Sound Bites
“Hindi nga kaya ng Amerika, tayo pa? They do not admit it pero until now, they’re fighting a useless war there that never ends.”
~President Duterte on drug war
Inamin mo rin. Gunggong.
I am on Twitter: @HecklerForever.
[Photos: Screengrabbed from The Kris List. For the real THE KRIS LIST, check out Kris Aquino’s Facebook page.]
You must be logged in to post a comment.