Try some of out best-sellers: Duterte Firecracker, Quiboloy Firecracker, Cayetano Firecracker, and Mocha Firecracker!
75% off until December 30!
A QUICK GUIDE to some of the more popular firecrackers being sold in the Philippines. Buy at your own risk.



















• • • • • •
Here’s the text version.
Duterte Firecracker
Ito ang pinakamapaminsalang paputok sa nakalipas na tatlong taon. Mabentang-mabenta pa rin sa mga Pinoy kahit napakarami nang namatay at nasugatan. Walang nakakaalam kung kailan matatauhan ang mga consumers sa perwisyong dulot nito.
Cayetano Firecracker
Maraming Pinoy ang nagreklamong palpak daw ang paputok na ito. Nagalit ang exclusive distributor nito at nagbantang kakasuhan ang mga “naninira.” Recently, tinanghal na Best Firecracker ang Cayetano firecracker. Ang nagbigay ng award ay ang mismong distributor nito.
Bonggo Firecracker
Kapag bibili ka ng Duterte Firecracker, may kasamang libreng paputok – ito ang Bonggo firecracker. Popular pero walang value kasi nga, giveaway lang.
Sotto Firecracker
Huwag mo nang sindihan ang paputok na ito kung ayaw mong masira ang araw mo. Kung anu-ano kasi ang lumalabas na sound na nakakabobo.
Leni Firecracker
Ang paputok na safe. Hindi siya gusto ng iba dahil mahina raw ang sabog. Matindi at walang tigil ang paninira rito ng ibang manufacturers para hindi tangkilikin ng consumers.
Mandarambong Firecracker
Na-ban na ito sa market pero magbabalik daw ngayong 2020 kaya maraming consumers ang nagagalit. Nananawagan silang i-boycott ang paputok na ito.
Panelo Firecracker
Makulay ang wrapper ng paputok na ito pero mabubuwisit ka lang sa nalilikha nitong sound. Takpan mo na lang ang tainga mo.
Bongbong Firecracker
Ginamit ang paputok na ito sa nakaraang Philippine International Pyromusical Competition. Hindi na-impress ang panel of judges. Natalo ang manufacturer pero dahil hindi nito matanggap ang pagkatalo, nagsampa ng protesta.
Imelda Firecracker
Maraming Filipino ang nabiktima ng paputok na ito. Noon ay nahinto na ang pagbebenta rito pero tagumpay na nakabalik at ngayon ay tinatangkilik na naman ng mga ignoranteng consumers.
Bato Firecracker
Sa start, maingay ang firecracker na ito pero habang nauubos ang sindi, may maririnig kang parang iyak sa dulo. Ito ang pumalit sa paputok na crying cow.
Cynthia Firecracker
Ang paputok na pangmayaman lang. Kung hindi n’yo kayang bumili ng Cynthia Firecracker, mag-watusi na lang kayo!
De Lima Firecracker
Iniutos ng gobyerno ang pag-ban sa paputok na ito kahit walang sapat na basehan. Pati ibang bansa ay nanawagan na ng pag-lift sa ban.
Faeldon Firecracker
Ilang beses nang na-ban sa market pero ilang ulit ding ibinalik. Malakas sa gobyerno ang manufacturer nito.
Enrile Firecracker
Kapag sinindihan, hindi mamatay-matay.
Tulfo Firecracker
Gustong-gusto ito ng masa. Kahit nakakasakit na ng ibang tao, mabenta pa rin. Last year alone, kumita ng 60 million pesos ang manufacturer nito.
Persida Firecracker
Ang paputok na naghahasik ng takot sa publiko.
Mocha Firecracker
Here’s a testimonial from a buyer: “Ang lakas po! Grabeng lakas. Hindi naman po masyadong malakas. Sakto lang po. Parang baril na mas malakas po.”
Mocha Firecracker 2
‘Wag n’yo nang bilhin. Malamang fake ‘yan.
Quiboloy Firecracker
Ang pinaka-weird na paputok. Tumitigil ang pagputok nito kapag sinabihan mong, “ISTAHP!”
Like this:
Like Loading...