SUCCESS!

FORMER PRESIDENT Gloria Macapagal-Arroyo’s surgery was successful. It was so successful,the First Gentleman was reminded of the 2005 Batasan break-in.

Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo’s cervical spine surgery was successful. St. Luke’s Medical Center was quick to deny though that former PNP director general and now Zambales Governor Hermogenes Ebdane was involved in the operation.

The surgery that lasted four grueling hours reportedly involved placing implants in Mrs. Arroyo’s cervical spine. Asked to describe that particular ordeal, Mrs. Arroyo said, “It was a breast-taking experience.”

Hello, Garci!
Zaldy Ampatuan has spoken. Lintang Bedol has surfaced. Senior Supt. Rafael Santiago has spilled the beans. It could have been the year’s biggest blockbuster. Unfortunately, the fourth avenger, Virgilio Garcillano backed out of the project. Sayang!

In a press conference at his residence in Baungon, Bukidnon province Saturday, Virgilio Garcillano insisted that the “Hello Garci” recording was spliced… prompting former palace spokesman Ignacio Bunye to deny that he coached the former election official.

Virgilio Garcillano denied that he was in hiding. He was just running away from Anthony Taberna.

DUE TO INSISTENT public demand, I am reprinting excerpts from the purported bugged conversation allegedly between then President Gloria Macapagal-Arroyo and then, Comelec Commissioner Virgilio Garcillano.

(Conversation between a male and a female, May 29, 2004 20:43)
Female: Hello, Garshi?
Garshi: Ma’am?

Female: Shabi ko, hello Garshi! Hindi mo ba ako narinig!?
Garshi: Pizza Hut po ito ma’am.
Female: Ay shorry.

(Conversation between a male and a female, May 29, 2004 20:46)
Female: Hello Garshi?
Garshi: Pastilan! Ano bang kailangan mo? Pera na naman?!?@!$

Female: Gushto mong mawalan ng trabaho? Baka nakakalimutan mong ako ang nag-appoint sha ‘yo sha Comelec!?
Garshi: Ay sorry ma’am, akala ko asawa ko. Bale, mas mataas ho ngayon si FPJ. Pero pagdating ng Lanao, maco-compensate naman ho.

Female: So, I will shtill lead by one million?
Garshi: Parang ganun na nga ma’am ang lalabas.
Female: It cannot be less than 1 million, you know that.
Garshi: Pipilitin natin ma’am. As of the other day 982 thousand.
Female: Kaya nga. If we can get more from Lanao…
Garshi: May darating pa raw pong seven municipalities.
Female: Ok… ok Magpapamashahe lang ako kasi sumashakit ang leeg ko then tawagan na lang kita ulit.

(Conversation between a male and a female, May 29, 2004 20:43)
Female: Hello, Ben.
Ben: Hello, ma’am.

Female: Ano nang lagay natin? Mananalo ba?
Ben: Panalong-panalo ma’am! Pero kailangan nating pumunta ng Hainan para pirmahan ang contract with ZTE. Isang round of golf lang, aprubado na ‘to.
Female: Anong pinagshashabi mo d’yan! 2004 pa lang ngayon. Sa 2007 pa mangyayari ‘yan.
Ben: Ay sorry ma’am. Na-excite lang ako. Tatanong ko ho muna kay Bedol.
Female: Huwag mashyadong atat sa tongpats ok? Shige, will call you back.

(Conversation between a male and a female, June 10, 2004, 13:40)
Female: Hello, Garshi?
Male: Wala! Tulog! Umalis!

Female: Shino ‘to?
Male: Ikaw ang tumawag ‘tapos tatanungin mo kung sino ‘to? Helleeer?!!!
Female: I am shorry. Shiguro naman sha dami ng letter esh sa sentensh na ito, shuper giveaway na kung shino ako.
Male: Mrs. President??? Sus, ginoo! Pasensya na po! Hindi ko kayo nabosesan agad. Daaaaaaaddy, si Ma’am nasa telepono.

Garshi: Hello, ma’am? Sorry po, naglaro ng Snake ang asawa ko sa aking cellphone.
Female: Nag-usap na ba kayo ni Abalosh?
Garshi: Oo ma’am. Mamasyal daw muna ako sa Mindanao.
Female: May problema daw kasi sa South Upi. Iba raw ang pinroclaim.
Garshi: Hindi ho ako ang may hawak doon.
Female: Puntahan mo na. Kashi ang balita ko shi Fernando Poe gumagapang na naman doon.
Garshi: Napiktyuran ho ba habang gumagapang?
Female: Tanga! ‘Yong boto ang ibig kong sabihin. Masyado kang literal!
Garshi: Sige ma’am.
Female: Garshi…
Garshi: Ma’am?
Female: What are you wearing?
Garshi: Malaswaaa!
Female: Jussssh kidding! Tatawag ulit ako. Pumunta ka na sa Mindanao.

(Conversation between two females, June 14, 2004, 15:56)
Female 1: Hello Garshi?
Female 2: Sino Garci iyo tawag? Hindi ako Garci. Ikaw mali dial!

Female 1: Shorry, ahm, shino ‘to?
Female 2: Si Vicki ‘toh!
(Female 1 ibinato ang Nokia 7650. ‘Buti na lang sa sofa bumagsak)

(Conversation between a male and a female, June 16, 2004, 14:49)
Female: Hello Garshi?
Garshi: Ma’am?

Female: ‘Yong kabila raw, they’re trying to get the Namfrel copies of the municipal COCs.
Garshi: Wala ‘yon ma’am. Ok naman ang Namfrel sa atin. They’re now sympathetic to us.
Female: Pero does Namfrel match our tally?
Garshi: Oho.
Female: Sure ka? Paano ‘yong dagdag? ‘Yong dagdag?
Garshi: Ahm, we will get an advance copy para ma-remedyo.
Female: Ok, oo. Sige. Kumain ka na ba? Nagpahinga ka na?
Garshi: Sige ho ma’am, baka kung saan na naman mapunta ‘yan.
Female: Ok, ok. Shige.

And finally…
Female: Hello Garshi?
Garshi: Ma’am?

Female: Balita ko lalabash ka raw. Puwede ba nating pag-ushapan ‘yan?
Garshi: Nagbago na ho ang isip ko ma’am. Don’t worry.
Female: Ahhh, gano’n ba? Shige, pag successhful ang surgery ko bukas, may bonus ka sa akin.
Garshi: Sige ma’am. Get well soon po.
Female: Ok, ok.
(Conversation between a male and female recorded just last Thursday, July 28, 2011, 14:49)

Gecko Trade
The Senate committee on trade and commerce has begun its probe into the reported massive trading of tukô or geckos in the country. Among the invited resource persons were LTO Chief Virginia Torres and Kalookan City Mayor Recom Echeverri.

Tropical Storm
According to PAGASA, tropical storm Kabayan will exit the country on Wednesday. Asked if Kabayan could possibly return, PAGASA replied, “Depends on the offer of ABS-CBN.”

New Project
Nora Aunor is doing a drama series on TV5 and the network is reportedly looking for a leading man. Taking into consideration her “history,” TV5 is torn between Albie CASINO and Johnny Walker.
———————————————————————–
“A lie may take care of the present, but it has no future.”
~Author Unknown


Today in History
August 1, 2009: At the age of 76, former President Corazon Aquino died. And Noynoy Aquino’s political career lived.

Personal
To our Muslim brothers, Ramadan Kareem! Kul ‘am wa enta bi-khair!

You Have Spoken
Dapat bang ilipat from June to September ang opening ng classes upang makaiwas sa bagyo??
-OO. Dapat matagal nang ginawa ‘yan. 48.79%
-NO. Ok na ‘tong ganito. Puwede namang mag-suspend eh. 45.16%
-Pag-iisipan ko. 6.05%

Share this on Facebook and Twitter: Add to FaceBookAdd to Twitter
I am on Twitter: @HecklerForever.

Have a great week ahead!

DEAR PROFESSIONAL HECKLER

OF LATE, the Professional Heckler has been receiving emails, letters, text messages, and tweets from famous and not-so-famous Filipinos alike. Due to his hectic schedule though (as if), he was able to reply to each of those letters only now. Apologies. Here we go…

Dear Professional Heckler,
Isa akong inmate sa New Bilibid Prisons. Pakiramdam ko, may sakit ako sa puso. Puwede rin ba akong magpa-check up sa Philippine Heart Center?
Umaasa,
Bogart

Dear Bogart,
May alam ka bang kasalanan ni Gloria? Kung wala, tiisin mo na lang ang sakit mo sa puso.
Heckler

Dear Professional Heckler,
Isa akong mapagpatol na tao. Halos kada linggo, nakikipagsagutan talaga ako. Wala akong inuurungan. Hindi ko pinapalampas ang mga patutsada ng aking mga kalaban. Sanga pala, gusto kong magtrabaho sa gobyerno. Saan ba ako puwede?
Yours truly,
Anton

Dear Anton,
Puwede ka sa Communications Group. Of course, advantage kung abogado ka. Kaya lang, wala pa yatang opening ngayon. Hindi kita matutulungan.
Heckler

Dear Professional Heckler,
Hello! Kumusta kayong lahat!
Miss you,
Bedol

Dear Bedol,
Magkano?
Heckler

Dear Professional Heckler,
Hindi ko na kinakaya ang ginagawa nila sa akin. Nananahimik ako. Kumikirot ang aking leeg. Masama ang aking pakiramdam pero wala talaga silang awa. Ayaw nila akong tigilan. Kailan ba ito matatapos?
Saklolo,
Gloria

Dear Gloria,
Just do what is right, do what is best, and Raul Lambino will take care of the rest.
Heckler

Dear Professional Heckler,
Isa akong dating halal na government official na natapos na ang termino. Wala na akong ginagawa. Mahilig ako sa balita at may magandang boses. Saan ako puwedeng mag-apply?
Yours truly,
Kagalang-galang na Ex-Official

Dear Kagalang-galang na Ex-Official,
With your credentials, perfect ka sa TV Patrol! Try mo!
Heckler

Dear Professional Heckler,
Magkano ba ang presyo ng isang kilong galunggong ngayon? Would you know?
Curious,
Jamby

Dear Jamby,
Hanggang ngayon ba naman curious ka pa rin? I don’t eat fish. Sorry, I cannot answer your question.
Heckler

Dear Professional Heckler,
Gusto kong maging state witness. Marami akong alam against GMA. Maniwala ka!
Desperado,
Zaldy

Dear Zaldy,
Sapak gusto mo?
Heckler

Dear Professional Heckler
Ikaw ang kanlungan ng nangangailangan. Ikaw ang pag-asa at kinabukasan. Haplos mo ay lunas sa bawat pagal. Salamat sa iyong dampi ng pagmamahal.
Love,
Manny Garcia

Dear Manny Garcia,
Ulol!
Heckler

Dear Professional Heckler,
Narinig ko po sa balita na posibleng ideklarang pangulo ang aking late Papa. Puwede rin ba akong tawaging former presidential daughter?
Tempting,
Lovidovi

Dear Lovidovi,
Magpaalam ka muna sa tunay na asawa ng iyong ama. I heard you’re not in good terms. Kapag pumayag siya, go! Kung hindi, huwag malungkot dahil ikaw naman ang former future First Lady ng first district of Ilocos Sur. ‘Musta na si Ronald?
Heckler

Dear Professional Heckler,
Oo! Handa na ako! Isisiwalat ko na ang lahat-lahat tungkol sa dayaan noong 2004 pero sa isang kondisyon. Gusto ko via phone patch.
Demanding,
Garci

Dear Garci,
Wala kang karapatang mag-demand, punyeta ka! Kung lalabas ka, bilisan mo para umabot sa SONA. At ‘wag mong itanong kung magkano! Wala nang budget ang palasyo!
Heckler

Deal Plofessional Hecklel,
Sabi mo iyo mga conglessman, sila wag na balik Pag-Asa Island. Amin buo isla! Kami una ari Splatlys Islands. Pag kayo hindi tigil, kayo invade namin. Undelstand?
Xie xie,
Mr. Chinese Ambassador

Dear Mr. Chinese Ambassador,
Ikaw huwag bully. Kayo sumbong namin Amelicans. Sila amin friendship. Sila tulong amin. Hindi kami takot. Teka lang, bakit ako ganito salita? At bakit ikaw basa nang basa. Mukha ka rin tanga.
Hecklel

Dear Professional Heckler,
Matagal nang nali-link ang mister kong kongresista sa isang sexy comedienne/TV host. Pero wala naman akong pruweba. Dapat ko ba siyang iwan?
Hu-hu-hu,
Angela

Dear Angela,
In the first place, hindi mo siya dapat pinakasalan dahil second cousin mo siya! Bahala ka sa buhay mo! Malaswaaaa!
Heckler

Dear Professional Heckler,
Uuwi na ako. Malapit na. Puwede bang mag-stay pansamantala sa inyo?
Excited,
Ate Guy

Dear Ate Guy,
First of all, hanga ako sa ‘yo. Ikaw lang ang GUY na GIRL. Pero ‘di ako naniniwalang uuwi ka. Wala kang pamasahe! Casino ka kasi nang casino! Tigilan mo na ‘yan!
Heckler

Dear Professional Heckler,
Panay na panay ang banat mo sa amin. Mag-ingat ka g*go! At ’wag na ‘wag kang pupunta sa aming siyudad kung ayaw mong mabugbog!
Galit na galit,
Sara, Rudy, and Paolo

Dear Sara, Rudy, and Paolo
Ito lang ang masasabi ko: [click here]
Heckler

Dear Professional Heckler,
It’s in the news today! I lost at least 6 inches off my waist. Bilib ka na ba?
Nagmamahal,
Mega

Dear Mega,
Weh? ‘Di nga?
Heckler

Dear Professional Heckler,
Sabi nila, na-rape ako. Feeling ko naman, na-harass lang. Ewan ko ba! Kumuha na ako ng abogado. Ano ba ang dapat kong gawin?
Naguguluhan,
Amanda

Dear Amanda,
Nagkamali ka iha. Hindi dapat abogado ang kinuha mo kundi bato – ‘tapos ipinukpok mo sana sa ulo mo para natauhan ka. Flirt!
Heckler

Dear Professional Heckler,
Itago mo na lang ako sa pangalang Piolo. Mayaman, maimpluwensya, mula sa iginagalang na pamilya at may mataas na posisyon sa pamahalaan. Fifty-one years old na ako pero wala pa rin akong girlfriend. Bakit kaya?
Worried,
Alias Piolo

Dear Piolo,
Pa-Piolo-Piolo ka pa d’yan utot mo! Kilala kita! Pinasok mo ang puwestong ‘yan, magtiis ka! ‘Tsaka… bago mo problemahin ang puso mo, asikasuhin mo muna ‘yang baga mo! Tumigil ka sa paninigarilyo! Okay? Good luck sa SONA mo! Bye!
Heckler

Dear Professional Heckler,
At present, I really need a brand-new car, possibly a 4 x 4. I am anticipating your favorable response on this regard. Be assured of my constant support. Thank you very much.
God Bless,
Bishop Pueblos

Dear Bishop Pueblos,
Wala ka talagang kadala-dala! ‘Tsaka anong “constant support” ang pinagsasasabi mo d’yan!? Hindi tayo magkakilala! Magtigil ka!
Heckler
———————————————————————————–
“From the beginning of our history the country has been afflicted with compromise. It is by compromise that human rights have been abandoned.”
~Charles Sumner

You Have Spoken
Kung mapatunayang nanalo nga si FPJ noong 2004, pabor ba kayo sa suhestyong isabit ang kanyang larawan sa palasyo?
-OO naman. 34.83%
-NO. 22.82%
-Ke isabit o hindi, ikakayaman ko ba ‘yan? 42.34%

Share this on Facebook and Twitter: Add to FaceBookAdd to Twitter
I am on Twitter: @HecklerForever

Enjoy the rest of the week!

%d bloggers like this: