Advertisements

STAR(FRUIT) FOR ALL SEASONS

15 04 2010

IT’S THE DAY’s BIGGEST NEWS.
Albay Governor Joey Salceda who called an emergency caucus of Lakas governors at Discovery Suites in Pasig City last April 6 to conduct a loyalty check on Lakas members has bolted the ruling coalition! Apparently, Salceda got so busy checking out his party mates’ loyalty; he totally forgot to check out his.

Just so you know, Noynoy Aquino and Joey Salceda were classmates at the Ateneo de Manila University from the late ‘70s to the early ‘80s… or as their flirty female classmates would say, “unlucky years.”

Joey Salceda revealed that he and Noynoy Aquino were seatmates in the English class in Ateneo. They were not that close then although one time they plagiarized some compositions together.

According to Albay Governor Joey Salceda, Noynoy Aquino was his seatmate in the English class in Ateneo some 30 years back. Salceda will never ever forget the young Noynoy… mainly because he was the only one who owned a lighter then.

Albay Governor Joey Salceda who called an emergency caucus of Lakas governors at Discovery Suites in Pasig City last April 6 to conduct a loyalty check on Lakas members has bolted the ruling coalition! It was like Dinky Soliman leading the Arroyo cabinet in singing “If We Hold On (Together),” and then calling for her president’s ouster the succeeding week.

After calling on his party mates to rally behind Gilbert Teodoro, Albay Governor Joey Salceda has bolted the party and announced his support for Noynoy Aquino. Lakas stalwarts were reportedly shocked by Salceda’s announcement because they expected him to support Danton Remoto’s “Ang Ladlad” instead.

Bugtong:
Higit sa isa ang mukha
May payat at may mataba
Berde kung hilaw
kapag hinog ay dilaw.
Ano ito?
Sagot: Balimbing (or Starfruit; Averrhoa carambola)

At ilan sa mga kilalang berde na pilit nahinog nitong mga nakaraang buwan ay ang mga balimbing sa larawan. Nasa inyo na ang pagpapasya kung sila ay inyong pipitasin sa darating na halalan.

Bawat isa sa kanila ay may ibinigay na dahilan kung bakit nila iniwan ang kanilang partido. Natatandaan mo pa ba kung ano ang kanilang “excuse?” Alamin sa pamamagitan ng pagsagot sa pagsusulit na ito.

Panuto: Isilid sa isang hinog na balimbing o ponkan (depende sa partidong nilipatan) ang titik ng tamang sagot. Tandaan: gumamit ng hinog na balimbing o ponkan lamang: bawal ang hilaw at bawal ang manibalang. Narito ang halimbawa ng tamang pagmamarka sa napiling sagot:

May sampung minuto ka upang sagutin ang tanong: Bakit nga ba sila lumipat?

1: Dating NEDA Director General Ralph Recto:
A: “Natalo na ‘ko noong 2007, ayokong matalo uli ngayon. Masakit sa bulsa. ‘Di pa nga ako nakakabawi eh!”
B: “I think you have a good team in the LP under the leadership of Senator Noynoy and Senator Mar.”
C: “’Package deal’ kasi. Nang alukin ng Liberal si Vi, siyempre damay na ko. What is marriage for?”
D: “Hindi ko kailangang mag-explain sa ‘yo. Ano ka, si Serge Osmeña? Kung ‘di mo ako kayang tanggapin, umalis ka!”

2: Former Ilocos Sur Governor Luis ‘Chavit’ Singson:
A: “Si Erap nga na parang kapatid ko na, tinraydor ko pa. Si Gilbert Teodoro pa kaya na ‘di ko man lang nakainuman o nakasama sa casino?”
B: “Kung kanino si Manny Pacquiao, doon ako.”
C: “Mas matagal na kasi sa politics si Villar. Mas marami siyang kilala. ‘Tsaka siya ang gusto ng mga kababayan ko. Sino ba ko para sumalungat sa kanila?”
D: “God knows Hudas not stay!”

3: Mandaluyong City Rep. Neptali Gonzales III
A: “Dating back to the ‘60s, our relationship with the Aquinos and the Roxases is something na hindi ko puwedeng talikuran.”
B: “Ang tagal ng pondo. Nainip na ‘ko.”
C: “Hinintay ko lang ang latest survey at tiniyak kong lamang pa rin si Noynoy para sure.”
D: “Bakit ba kayo nakikialam? Taga-Mandaluyong ba kayo?!?”


4: Albay Governor Joey Salceda
A: “Deep in my heart, hindi ko kayang ikampanya ang isang La Sallista. Bali-baligtarin man ang mundo, kahit ano pang mangyari, halata man o hindi, Atenista pa rin ako.”
B: “Titigan n’yo ang picture sa ‘taas. Kuha ‘yan nang samahan ako ni Gibô sa pagpa-file ng aking certificate of candidacy. Napilitan lang akong mag-smile d’yan!”
C: “I accepted the challenge of my Ateneo classmate Noynoy to become the Bicol regional chairman of the Liberal Party. My task is to make him win in Bicol on May 10.”
D: “Matagal na akong nagtitiis bilang berdeng caterpillar. Panahon na upang iwagayway ang aking mga dilaw na pakpak bilang paru-paro! To paraphrase Ricky Martin, ‘I am a fortunate butterfly!’ Promise!”

5: Quezon City Mayor Feliciano Belmonte
A: “Kung mananatili ako sa Lakas, hindi ako magiging House Speaker. Career move ‘to.”
B: “Enlightened, dependable, trustworthy and morally upright: All of these qualities of Cory, I see in our new champion, Sen. Noynoy Aquino.”
C: “Naunang lumipat ang anak kong si Joy eh. Tatay lang ako. Kung saan siya masaya, suportahan ko siya.”
D: “Noynoy and I have a lot of things in common. Single ako, single siya. Umuulan ng celebrities sa aking siyudad; bumabaha ng celebrities sa kanyang ad.”

6: Surigao Del Norte Governor Robert Ace Barbers
A: “Wala lang. Trip ko lang.”
B: “Ang Nacionalista kasi ang susunod na pinakamalaking political party after the 2010 elections.”
C: “Pati ba naman taong nananahimik dito sa Surigao, napansin pa ng punyetang Professional Heckler na ‘yan? Baka gusto niyang matulad siya kay Mike Enriquez?!? ”
D: “Puwede bang kantahin ko na lang? 1-2-3! Si Villar ang tunay na mahirap/ Si Villar ang tunay na may malasakit!”

7: House Speaker Prospero Nograles
A: “Even as a senior officer of the party, I hardly know what’s happening because they make decisions without the courtesy of even briefing us. I don’t even get any text saying hi or hello from our party standard-bearer.”
B: “Delikado kasi ‘yung mayoral bid ko sa Davao. ‘Yung Duterte Death Squad, este Duterte family, suportado ni Noynoy. Kailangan ko ng mas malakas na backer like Villar.”
C: “Lilinawin ko lang! Hindi totoong iiwan ko ang partido! Hindi totoong ako ay balimbing! At hindi totoong tumakbo ako nang nakahubad sa isang hotel! Damn it! Kailangan ko pa bang ulit-ulitin ‘yan?”
D: “Who says I’m leaving Lakas? Puwede ko namang ikampanya nang palihim si Villar kahit ‘di ako Nacionalista ah. Si Presidente nga kinakaya… ako pa?!”

8: Bukidnon Governor Jose Ma. Zubiri
A: “Nagpasya akong lumipat kay Villar dahil… hindi ko sure kung mag-o-offer si Noynoy.”
B: “Memoryado ng aking mga apo ang “dagat ng basura” ad ni Villar. Mahal ko ang aking mga apo. Mahal nila si Villar. Mahal ko na rin siya.”
C:I cannot stomach Lakas’ alliance with Kampi.”
D: “Napagkasunduan namin ‘yan ng aking mga anak. Sina Migs, mananatili sa Lakas; ako naman, sa Nacionalista. Mas maraming partido, mas maraming pondo.”

9. Batangas Governor Vilma Santos
A: “Akala n’yo ba walang matibay na dahilan ang aking paglipat? Akala n’yo lang, wala! Pero meron! Meron!”
B: “Katulad po ng sinabi ni Ralph sa question No. 1 sa taas… masakit matalo. Malaki-laki rin ang nawala sa amin sa kampanya noong 2007. Ayaw na naming maulit ‘yon.”
C: “I think Noynoy can give us that inspiration because of the inspiration instilled to us by his parents.”
D: “Bakit ako lumipat sa Liberal Party? Hmmm, alam n’yo po, matagal kong pinag-isipan ‘yang desisyon na ‘yan. I prayed hard for guidance. Hindi po madali sa akin ang iwan ang Lakas. Pero isa lang po ang tinitiyak ko sa aking mga kababayan sa Batangas: matagal kong pinag-isipan ang desisyon kong ito and I really prayed hard for guidance. Dahil sa totoo lang, hindi po madaling iwan ang Lakas. Thank you!”
—————————-
“Unless you can find some sort of loyalty, you cannot find unity and peace in your active living.”
~Josiah Royce

Survey Says
Ayon sa ABS-CBN: “Mula sa Nacionalista Party ang pekeng ‘psychiatric report’ ni Noynoy.” Ang sagot ng Nacionalista Party: “Sino sa amin? ‘Di totoo ‘yan!”
Ang tanong: dapat bang ibunyag ng ABS-CBN ang source nila sa NP?
Ang resulta ng survey:
DAPAT LANG! 70%
HINDI NA KAILANGAN! 25%
HINDI KO ALAM ANG ISYU. 4%

We have a new survey. Please vote now.

Trivia:The 1955 Academy Award-winning film Oklahoma! was shot entirely in Arizona because producers believed that Arizona looked more like Oklahoma than Oklahoma did!

Sa nangyayaring exodus ng Lakas members sa Liberal Party at Nacionalista Party, hindi na ako magtataka kung ang LP at NP ay mas mag-asal-Lakas kaysa sa orihinal na Lakas pagkatapos ng eleksyon. Good luck sa ating lahat!

Advertisements







%d bloggers like this: