EXCLUSIVE: STRANGER THINGS

“Salamat sa social media – mabango na ulit ang pangalan ko. So, mga apo, share lang nang share ng accomplishments ko.”

WE THOUGHT it was just fair to get the side of the late former president Ferdinand E. Marcos on his controversial burial at the Libingan ng mga Bayani. Everyone has spoken about it except for him. So we asked our favorite host, Krissy to do this interview – exclusive!

Ilocos Norte
12mn, Sept. 1, 2016

“HELLLLLLOOOOOOOOOOOOOOO! I’m baaack! Ang OA ko ‘no? As if naman may naka-miss. Aha-ha-ha. Sabi talaga ni Bimby this morning, “Mom, do you still have fans?” Nakakalokaaaa! Sarili kong anak, nag-doubt. Hindi ko siya kinaya. I swear.

Nandito nga pala tayo ngayon sa Ilocos Norte. Gosh, kinakabahan ako. As in! Hindi ko teritoryo ‘to – you know that! When I arrived nga this morning sa airport, feeling ko anytime, may babaril sa akin. Aha-ha-ha Excited ako ngayon dahil first time kong makakausap ‘tong guest natin. Kanina nga sa plane sabi ni Darla, “Alam mo Ms Krissy, may something in common ‘yong guest mo today at ‘yong career mo.” Sabi ko, “What?” She replied, “They’re both dead.” I hate you Darla! Punyeta ka! Aha-ha-ha!

Well, ayaw ko nang patagalin pa dahil I was told na kailangang magpahinga ang ating guest. In fact, ni-limit ako sa 7 questions since – ‘di ba nga – obsessed daw siya sa number na ‘yon?! Parang ako lang. Obsessed sa 7. Kumusta na kaya si James Yap? Aha-ha-ha! TMI alert! I hate you, self! Aha-ha-ha!

Mga Kapamilya, Kapuso, kababayan, welcome to my strangest interview yet. Please welcome, the late Philippine dictator, Ferdinand E. Marcos! (APPLAUSE)

Ulitemman ti imbagam Ibagam man manen!

Ay! Hindi ako nakakaintindi ng Greek, Mr. President. I beg your pardon?

Sabi ko, pakiulit ang introduction mo.

Did I say something wrong? Did I mispronounce your name Sir? Sabi ko, ‘Please welcome, the late Philippine DICTATOR, Ferdinand E. Marcos!’ May mali po ba?

Awan ammum! Nag ampep ta pipit mo! Magtanong ka na. Sinasayang mo ang oras ko!

“Krissy, behave. ‘Wag ka nang sumagot. Nasa Madam Tussauds ka. Gumalang ka sa wax.”

May sinasabi ka?

Wala Mr. President. Sabi ko salamat sa mainit na pagtanggap.

Anong mainit?!? Nang-aasar ka ba? Twenty-seven years na akong naninigas sa loob ng freezer na ito! Anong mainit ang pinagsasasabi mo d’yan?! Ukininam!

Pun intended sir. Aha-ha-ha! Grabe ka naman. Ukininam agad? Ang unang tanong ko Mr. President, super idol ka ni Pangulong Duterte. As in! He adores you. Everytime he mentions your name nga, there’s nothing but ‘love love love’ eh. Grabehhhh. Sa tingin mo magagawa niya ang mga nagawa mo?

Kung mamalasin siya, never. Pero kung mamalasin kayo, and I mean, the Filipino people, he’ll even exceed it. Ako na ang nagsasabi: he’s got a lot of potential. Matagal ko na siyang inoobserbahan.

Inoobserbahan from where? From heaven? I doubt.

Gago! Basta! He’s very promising. At bentang-benta siya sa mga tao. Ganyang-ganyan ako nagsimula. Tandang-tanda ko pa. Hinding-hindi ako pwedeng magkamali. Tuwang-tuwa ang taumbayan sa akin. Alam na alam ko ‘yan.

At paulit-ulit talaga ang words na gamit n’yo. Kaloka ka Mr. President. So you think mas maraming mapapatay sa Duterte regime at mas malaking pera ang mawawala dahil sa corruption?

Itaga mo sa bato! Balikan mo ako after three years.

I’ll remember that, Sir! Pag-usapan na lang natin ang ultimate lovey dovie mo.

Patay na ako. Konting respeto.

Why? Ano bang sinabi ko Mr. President?

I saw what you did there! Matalino ako. ‘Di mo ako pwedeng gaguhin. Sasabihin mo na naman, “No pun intended.” Huwag mo akong daanin sa pun-pun na ‘yan. PUNyeta ka!

My gosh! Ang init ng ulo! I was supposed to ask something about your ultimate love, the former First Lady. Hayyy. Nakakaloka. Masyadong defensive! Anywy, to be honest, si Mrs Marcos talaga ang ‘di ko kinakaya. Eighty-seven na pero bongga pa rin ang aura kahit wala nang gumagalaw sa kanyang mukha! Well, ‘yong labi naman, keri pa. Pero ang mga kilay, pisngi at noo… gosh. What sorcery is this?

Are you asking or are you insulting?

I am describing! Aha-ha-ha! In fairness, nasagot kita dun Mr. President! Going back to the question, lagi pong nagsisimba si Mrs. Marcos sa Baclaran. Nakasalubong ko pa nga minsan ‘yon eh. Deadma! Hindi siya nag-smile, so umirap din ako. Helllllooooo! Do you think she prays for you?

‘Yun nga sana ang gusto kong iparating sa kanya. Kasi everytime Meldy prays, ang lagi niyang hiling, “Lord, please keep Ferdie safe there in heaven.”

When in fact Sir, nasa impiyerno ka naman talaga, tama?

Tama! I mean, pakyu ka. Wala ako sa hell. Pagala-gala pa rin ako.

Ay! Hindi ka tinanggap sa heaven tapos hindi ka rin tinanggap sa hell? Walang gustong tumanggap sa ‘yo, Sir? My gosh, I can relate. Walang network ang gustong tumanggap sa akin.

Sinlamig ng pakikitungo sa akin ng Martial Law victims.

Hugot Sir? Once and for all Mr. President, saan mo ba gustong mahimlay? Sa Libingan ng mga Bayani o dito sa Ilocos?

Alam nila ‘yan. Buhay pa ako, sinabi ko na: GUSTO KONG ILIBING NILA AKO SA TABI NG AKING MAHAL NA INA DITO SA ILOCOS. UMOO SILA NOON. ‘TAPOS NGAYON, GUSTO NILA AKONG ILAYO, AT DALHIN SA TAGUIG!

Kailangang all caps? Galit???

OO, GALIT AKO! PAGOD NA PAGOD NA AKO UKINAM. ‘TAPOS MISMONG PAMILYA KO, AYAW AKONG PATAHIMIKIN. ‘YOT NI INAM!

Kalma lang Sir, lapit na ang 99th birth anniversary mo. Grabe! Kung buhay ka pala, bata ka pa sir. Wala ka pang 100!

Ang luma ng joke mo.

I know, right? Aha-ha-ha! So, ano na ang iyong birthday wish Mr President?

Wala na akong mahihiling pa! Salamat sa social media – mabango na ulit ang pangalan ko. Ang dami talagang bobo sa Pilipinas. So, mga apo, share lang nang share ng accomplishments ko. You’re doing great. Hashtag grateful everyday. Kaya sa kaarawan ko, napakasimple na lang ng aking hiling, Krissy. This may sound cliché pero ito talaga ang wish ko: Good health and long life.

Sir???

Pun intended. He-he

Agyamanak Mr. President. Thank you. Happy birthday and Mabuhay po kayo!

Pun intended, too?

Ang kulit n’yo! Ukinam.
-END-

SALE! POLITICAL FIRECRACKERS 75% OFF!

Try some of out best-sellers: Duterte Firecracker, Quiboloy Firecracker, Cayetano Firecracker, and Mocha Firecracker!
75% off until December 30!

A QUICK GUIDE to some of the more popular firecrackers being sold in the Philippines. Buy at your own risk.

• • • • • •

Here’s the text version.

Duterte Firecracker

Ito ang pinakamapaminsalang paputok sa nakalipas na tatlong taon. Mabentang-mabenta pa rin sa mga Pinoy kahit napakarami nang namatay at nasugatan. Walang nakakaalam kung kailan matatauhan ang mga consumers sa perwisyong dulot nito.

Cayetano Firecracker

Maraming Pinoy ang nagreklamong palpak daw ang paputok na ito. Nagalit ang exclusive distributor nito at nagbantang kakasuhan ang mga “naninira.” Recently, tinanghal na Best Firecracker ang Cayetano firecracker. Ang nagbigay ng award ay ang mismong distributor nito.

Bonggo Firecracker

Kapag bibili ka ng Duterte Firecracker, may kasamang libreng paputok – ito ang Bonggo firecracker. Popular pero walang value kasi nga, giveaway lang.

Sotto Firecracker

Huwag mo nang sindihan ang paputok na ito kung ayaw mong masira ang araw mo. Kung anu-ano kasi ang lumalabas na sound na nakakabobo.

Leni Firecracker

Ang paputok na safe. Hindi siya gusto ng iba dahil mahina raw ang sabog. Matindi at walang tigil ang paninira rito ng ibang manufacturers para hindi tangkilikin ng consumers.

Mandarambong Firecracker

Na-ban na ito sa market pero magbabalik daw ngayong 2020 kaya maraming consumers ang nagagalit. Nananawagan silang i-boycott ang paputok na ito.

Panelo Firecracker

Makulay ang wrapper ng paputok na ito pero mabubuwisit ka lang sa nalilikha nitong sound. Takpan mo na lang ang tainga mo.

Bongbong Firecracker

Ginamit ang paputok na ito sa nakaraang Philippine International Pyromusical Competition. Hindi na-impress ang panel of judges. Natalo ang manufacturer pero dahil hindi nito matanggap ang pagkatalo, nagsampa ng protesta.

Imelda Firecracker

Maraming Filipino ang nabiktima ng paputok na ito. Noon ay nahinto na ang pagbebenta rito pero tagumpay na nakabalik at ngayon ay tinatangkilik na naman ng mga ignoranteng consumers.

Bato Firecracker

Sa start, maingay ang firecracker na ito pero habang nauubos ang sindi, may maririnig kang parang iyak sa dulo. Ito ang pumalit sa paputok na crying cow.

Cynthia Firecracker

Ang paputok na pangmayaman lang. Kung hindi n’yo kayang bumili ng Cynthia Firecracker, mag-watusi na lang kayo!

De Lima Firecracker

Iniutos ng gobyerno ang pag-ban sa paputok na ito kahit walang sapat na basehan. Pati ibang bansa ay nanawagan na ng pag-lift sa ban.

Faeldon Firecracker

Ilang beses nang na-ban sa market pero ilang ulit ding ibinalik. Malakas sa gobyerno ang manufacturer nito.

Enrile Firecracker

Kapag sinindihan, hindi mamatay-matay.

Tulfo Firecracker

Gustong-gusto ito ng masa. Kahit nakakasakit na ng ibang tao, mabenta pa rin. Last year alone, kumita ng 60 million pesos ang manufacturer nito.

Persida Firecracker

Ang paputok na naghahasik ng takot sa publiko.

Mocha Firecracker

Here’s a testimonial from a buyer: “Ang lakas po! Grabeng lakas. Hindi naman po masyadong malakas. Sakto lang po. Parang baril na mas malakas po.”

Mocha Firecracker 2

‘Wag n’yo nang bilhin. Malamang fake ‘yan.

Quiboloy Firecracker

Ang pinaka-weird na paputok. Tumitigil ang pagputok nito kapag sinabihan mong, “ISTAHP!”