PBA096834n40
IF YOU WERE GLUED to the Pacquiao-Hatton fight last Sunday, you would have caught the one minute ad of AkoMismo.Org. According to the group’s website, Ako Mismo is about “YOU making a stand and taking real action for the causes you believe in. Causes that you yourself can truly pursue to make a real, positive difference to your fellow countryman, to your country.”
Also aired during the commercial gaps were the “infomercials” of some government officials, advertisements which are now the subject of debates.
Inspired by AkoMismo.Org’s tv ad, the Professional Heckler takes another dig at these premature political advertisements.
Sen. Mar Roxas: May mas lalala pa kaysa sa problema natin sa walang kuwentang panoorin sa telebisyon
Sen. Manny Villar: Sa walang saysay na balitaktakan sa radyo
Sen. Panfilo Lacson: Sa mga halos hubad na babaeng nagsasayaw sa pantanghaling mga programa
VP Noli De Castro: Sa mga paulit-ulit na drama sa hapon
Sen. Loren Legarda: Sa tabloidal na pagbabalita sa gabi
Mayor Jejomar Binay: Sa tsismisan at siraan ng mga artista
Sen. Richard Gordon: Sa milyun-milyong tagapanood ng telebisyon
Sen. Francis Escudero: Sa milyun-milyong tagapakinig ng radyo
Defense Sec. Gilbert Teodoro: Ang pinakamalalang nakikita ng mga Pilipino
MMDA Chair Bayani Fernando: Ang pinakagrabeng naririnig ng mga tao
Pagcor Chair Ephraim Genuino: Ay ang walang pakundangang pangangampanya ng mga pulitiko
Tesda Director Augusto Syjuco: Atenistang sumasakay sa padyak
Finance Sec. Gary Teves: Senador na sa camera ay umiiyak
Lacson: Opisyal na nakikipag-usap sa teroristang Abu Sayyaf
De Castro: Bilyonaryong humihimas ng itik
Roxas: Bise-presidenteng ginagamit ang Pag-IBIG
Villar: Dating pulis na murder ang posibleng kaharaping asunto
Teves: City mayor na may kasong pandarambong sa husgado
Escudero: Cabinet member na nakisakay sa kasikatan ng isang boksingero
Teodoro: Senadorang papalit-palit ng partido at mahilig sa mga mukhang lolo
Binay: Inhinyerong pilit ginagawang rosas ang nilalakaran mo
Gordon: May balbas-saradong nangangako ng trabaho
Fernando: At may nagbibigay pa ng tips sa parating na bagyo.
Syjuco: Para sa interes ko at ng mga taong nakapaligid sa akin
Genuino: Lalabagin ang batas-panghalalan makamit lamang ang adhikain! Sinu-sino nga ba ang mga ito?
Mar Roxas: Ako Mismo!
Manny Villar: Ako Mismo!
Ping Lacson: Ako Mismo!
Noli De Castro: Ako Mismo!
Loren Legarda: Ako Mismo!
Jejomar Binay: Ako Mismo!
Richard Gordon: Ako Mismo!
Francis Escudero: Ako Mismo!
Gilbert Teodoro: Ako Mismo!
Bayani Fernando: Ako Mismo!
Augusto Syjuco: Ako Mismo!
Ephraim Genuino: Ako Mismo!
Gary Teves: Ako Mismo!
At sino ang dapat sisihin kung ang isang tulad ni Manny Pacquiao ay tumakbo at iboto ng mga taong sukang-suka na sa mga trapo at naghahanap ng pagbabago?
ALL: Kami mismo!
________
“There is nothing wrong with change, if it is in the right direction.”
~Winston Churchill
Survey Says…
Mar Roxas and Korina Sanchez announced their engagement on “Wowowee.” Your initial reaction:
Eeew: 64%
So?:19%
Nice: 17%
We have a new survey. Please vote now.
You must be logged in to post a comment.