Duterte and Endorsements
Duterte: O, inendorso raw ako ni Pope Francis.
Supporter: Joke lang ‘yon sir. Kami lang ang nagpakalat n’yan.
Duterte: O, inendorso raw ako nina Liza Soberano at Andi Eigenmann.
Supporter: Sorry sir, joke lang. Kami lang din ang nagpakalat n’yan.
Duterte: Eh ‘yong Singapore government, inendorso rin daw ako.
Supporter: Pati ‘yan sir, joke lang.
Duterte: Put*ng-ina! Puro kayo joke, joke, joke! Saan n’yo na ba natutunan ‘yan?!?
Supporter:
Duterte: Tangnamu! Alam ko ang iniisip mo! Gago!
Duterte and Diplomacy
Supporter: Sir, nagalit ang Australia sa rape joke n’yo!
Duterte: Pwes, puputulin ko ang ugnayan sa Australia!
Supporter: Sir, nagalit din ang USA sa rape joke n’yo!
Duterte: Puputulin ko ang ugnayan sa Amerika!
Supporter: Sir, nagalit ang mga kababaihan sa rape joke n’yo!
Duterte: Puputulin ko ang ugnayan sa mga babae!
Supporter:
Duterte: Joooooke! Babae ‘yan ‘no! Sayang. Dapat mauna ang mayor.
Psych Tests
VP Binay: Siraulo ka! ‘Yan ang laman ng psychological test mo!!!!!!
Duterte: Itinanggi ko ba? Gago. Pag ikaw ang nag-psych test, makikita dun, magnanakaw ka.
VP Binay: Tanga. Hindi makikita dun kung magnanakaw ako.
Duterte: Eh saan?
VP Binay: Sa dummy bank accounts.
Duterte:
VP Binay: Jooooke! Akala mo ikaw lang ang marunong mag-joke? Wala akong dummy accounts ‘no! At lalong hindi ako nagnakaw!
Kris Aquino and the Chopper
Reporter: Sir, binabatikos si Kris ngayon dahil sa pagsakay sa presidential chopper patungo sa kampanya ng LP. Pag-abuso daw ‘yun sa government resources.
President Aquino: Well, isa siya sa may pinakamalaking binayarang buwis sa government.
Reporter: ‘Yan talaga Sir ang reply n’yo? Na malaki ang binabayaran n’yang buwis kaya ok lang? Anong lohika ‘yan? Bakit ganyan kayo mag-isip? Sino bang adviser n’yo? Lagi na lang bang ganyan ang klase ng inyong pangangatwiran? Ano bang uri ng lider kayo?
President Aquino:
Reporter: Noted Sir.
Kris Aquino and the Chopper II
Kris: I hate them na. They’re saying we’re making abuso the resources of government.
President Aquino: ‘Wag mo na lang kasing pansinin.
Kris: But they’re right naman ‘di ba? Part ng government resources ang chopper.
President Aquino:
Kris: Fine. I’ll ignore them na lang!
Kris Aquino and the Chopper III
Kris: Grabehhh. They’re making batikos me na. Ayaw akong tigilan. Hurt ako. Defend me naman o!
President Aquino: Ayaw mo ba no’n? Nasa ‘yo ang atensyon ng tao.
Kris:
President Aquino: Heto na nga, magsasalita na!
Kris Aquino and the Chopper IV
Bongbong Marcos: Maling gamitin ang resources ng gobyerno katulad ng presidential chopper sa pansariling interes.
Kris: Nakakaloka! Of all people, ikaw pa talaga?! IKAW PA TALAGA?!
Bongbong: But it’s true.
Kris: Eh anong tawag sa ginawa ng pamilya mo sa resources ng gobyerno noong term ng ama mo?
Bongbong: Those were government resources, yes. Pero back then, we practically owned everything in the Philippines including the government. So, amin lahat ‘yun.
Kris:
Bongbong: But it’s true!
Laglagan
VP Binay: Totoo bang iiwan mo na ako?
Jonvic Remulla: Gusto ko lang magpahinga muna sa kampanya. I’m tired.
Binay: Ang tsismis, ilalaglag mo na raw ako at lilipat ka sa bago mong idol – si Duterte?
Remulla: Bagong idol? Wala kayong pruweba! Putang-i*a!!!
Binay:
Remulla: Ooops. Buking.
Laglagan II
Governor Salceda: Mr. President, hindi ko na kayang suportahan si Mar! Lilipat na ako kay Grace Poe!
President Aquino: Eh ‘di lumipat ka! Ganyan ka naman talaga ‘di ba? Kung kailan lugmok ang kapartido, saka ka mang-iiwan! Kung kailan mahina sa survey, saka mo ilalaglag. Ganyang-ganyan din ang ginawa mo kay Gilbert Teodoro noong 2010 ‘di ba?! Matapos mong i-endorso, inabandona mo!
Salceda: Eh sa LP naman ako lumipat noon ‘di ba! Gaga!
President Aquino:
Salceda: Sorry sir. Expression lang ‘yon. It doesn’t mean anything. ‘Wag judgmental.
Laglagan II
Governor Salceda: Mr. President…
President Aquino: I know. Mababa si Mar sa survey at mas may chance manalo si Grace Poe kaya lilipat ka sa kanya. Magre-resign ka sa party. Pero grateful ka pa rin sa pagkakataong ibinigay ko sa ‘yo na maglingkod sa pamahalaan bilang member ng LP. At kahit ano pang mangyari, hinding-hindi maaapektuhan ng pulitika ang ating pagkakaibigan.
Salceda: Alam mo na pala eh! Eh ‘di sige, ikaw na! Tapusin mo na! Go! Ikaw na rin ang mag-resign sa partido at ikaw na rin ang lumipat kay Grace Poe! Go ahead! GOOOO!
President Aquino:
Salceda: ‘Wag kasing ganun Sir. Hate ko ‘yong pini-preempt ako eh.
_____________________________________________________________________________________
“You have to quit confusing a madness with a mission.”
~Flannery O’Connor, The Violent Bear it Away
Sound Bites
“Iyong isa doon, classmate ko pa. Eh na-stroke, paganoon-ganoon (mimics). Gusto ko sabihin, ‘Pakamatay ka na lang.’”
~Mayor Duterte on a disabled classmate
“Hindi ko rin nakita kung ano ‘yung pinuna nila. Tanong ko lang: siguro batid naman ng lahat na isa siya sa pinakamalaking individual taxpayer.”
~President Aquino on criticisms being hurled at Kris Aquino
“The bottomline, ‘pag nand’yan sa internet, nandyan na ‘yan forever o kung may nag-download, at marami nang nag-download malamang, kalat na ‘yan sa internet. There’s no way you can put the (proverbial) toothpaste back into the tube.”
~Engr. Pierre Galla, Democracy.net.ph. on the Comelec voters’ data leak
Be afraid. Be very afraid.
I am on Twitter: @HecklerForever.
[Photos: Duterte: Philstar.com; Kris Aquino: Municipality of Dalaguete; Joey Salceda: Inquirer.net]