Advertisements

THE KRIS AQUINO SHOW

23 04 2018

limits
krisaquino I’ve had ENOUGH. As a mom of two loving and well-mannered kids, kailangang magsalita na ako dahil kinabukasan na nila ang at stake. I’m ready to be bashed. Sige lang. But I am an honest taxpayer of this country at millions ang ipinapasok ko sa kaban ng bayan kaya sasabihin ko kung ano ang nararamdaman ko sa mga nangyayari. I’m sorry Kuya Noy, I’m sorry Ate Pinky kung matigas ang ulo ko pero naniniwala akong dapat na akong magsalita. Bastusan na kasi talaga eh. Hindi ko alam kung bakit grabe ang inggit ng ibang tao. ‘Yung quo warranto petition sa Supreme Court, may justices na very public ang pagbatikos kay CJ Sereno pero never sila nag-inhibit. Alam naman nilang through impeachment lang puwedeng maalis ang Chief Justice pero deadma sila sa sinasabi ng Constitution. Ang kakapal ng mukha ‘di ba? Lalo na ‘yong isang babaeng Justice. Gosh, ramdam na ramdam mo ang inggit sa katawan. Kailangan yatang paliguan ng Ariel Antibac. Sa mga ‘di nakakaalam, ang roots ng family namin ay sa Fujian, China. Pero nasasaktan ako everytime na nakababasa ng balita na halos ipamigay na ni PRRD ang mga isla ng Pilipinas sa Beijing. Mas nakakaloka ‘yong walang pumapalag sa supporters niya. Oo lang nang oo sa lahat ng ginagawa niya. #zombies

Isa pang nakaka-bother itong recount for VP. My goodness, obvious naman ang goal nila ‘di ba? Iluklok ang anak ng diktador. Nakakaloka. Hindi pa naibabalik ang mga ninakaw ng pamilya nila, babalik na naman. ‘Yong panganay na tatakbong senador, may pinag-viral na French lessons pa. Nakakasuka. Poque-poque talaga! Hindi ko sila kinakaya.

This morning, lumapit sa akin si Bimby habang nag-i-Internet gamit ang PLDT Home Fibr and showed me something, ‘Mom, Marawi is so beautiful na. Look. Let’s go there.” Unang tingin ko pa lang, alam kong fake news agad; gawa-gawa lang ng keyboard warriors ng gov’t. I mean, everyday nababasa ng mga anak ko ang ganyang kasinungalingan. Sa palagay n’yo ba, tatahimik na lang ako? Kapag mga anak ko na ang biniktima n’yo, lalaban at lalaban ako. #lookwhatyoumademedo

Gusto ko pa sanang magsalita about big time drug lords na pinalaya ng gobyernong ito, sa crackdown sa mga kritiko, pag-atake sa free press ‘tsaka ‘yong nangyayaring pagpatay sa mahihirap na Filipino pero pinigilan ako ni Kuya Noy. So what I’m gonna do is padadalhan ko na lang ng Chowking lauriat and Nacho Bimby ang mga na-orphan dahil sa war on drugs ni PRRD.

Sa mga Ka-DDs na mamba-bash sa akin, I don’t care. Kahit sipa-sipain at sampal-sampalain n’yo pa ko, wala akong pakialam. May Ever Bilena naman akong magagamit para i-conceal ang mga pasa ko.

Sanga pala, I was watching Rated K kanina and saw a feature on James and his son with Michela Cazzola. Soooo cute. Kamukha ni James ‘yong bata. Ang malas naman. Aha-ha-ha. And I heard, pregnant na naman si Michela. Congratulations!!! In fairness, nakadalawa ka. Ako, nakaisa lang. Aha-ha-ha! But seriously, I am happy for them. Sabi ko nga kay James, pwede niyang hiramin si Bimby anytime para makalaro ng kapatid niya. Sa totoo lang, nagtatampo na nga si Bimby kasi nakakalimutan na niyang dumalaw. Busy yata si James sa PBA at sa negosyo niya but I understand. At least, nag-effort akong sabihan siya na bukas ang pintuan naming mag-ina sa pagdalaw niya.

Kay Korina, nagtatampo ako sa ‘yo girl. I campaigned pa naman for Mar pero bakit si James may feature, ako wala. Ahahaha Joke lang. Teka, tatawagan ko nga si Jessica. i-KMJS na ‘yan! Aha-ha-ha! Biro lang. I have to say this though: winner ka sa pic na ‘to Ate Koring! Hindi kita nakilala. Akala ko si Ivy Violan ka! Aha-ha-ha!

Pahabol: On Wednesday, start na ng shoot namin for my comeback movie sa Star Cinema. Gosh, I’m excited na to work with Joshua Garcia and Julia Barretto. Hindi ko pa masyadong kilala ‘yong Joshua pero he’s charming naman, so keri na. Sa totoo lang, na-miss ko ang pagtili sa movie, promise! Sana kayo rin. Sa mga nakalimot na, I’ll help you remember. Ganito ang atake ko sa eksena. Kapag takot na takot: Aaaaaaaaahhh! Kapag galit na galit: Aaaaaaaaahhh! Kapag gulat na gulat: Aaaaaaaaahhh! At kapag super kilig: Aaaaaaaaahhh! Gosh! Hindi ko kinakaya ang versatility ko. Winner ‘di ba! Aha-ha-ha!

I can’t wait to earn millions again para millions din ang maibayad ko sa gobyernong ito. Kaya please lang. Lumalaki na ang mga anak ko. Umayos kayo. Ayaw kong malagay sa peligro ang buhay nila dahil sa mga walanghiyang policies n’yo. As a mom, ako ang unang magtatanggol sa aking mga anak kapag feeling ko naaagrabyado sila. #labanlang

Sa mga haters, I love you. Chill. Pa-deliver na lang kayo ng Chowking halo-halo.

And to everyone who follows me on Facebook, IG, and Twitter… alam n’yo na! Love, love, love palagi. #aaahhhhhhh

[FILED UNDER: Kris Aquino in an alternate universe]
————————————————————————————————————————————-
“In a mad world, only the mad are sane.”
~Akira Kurosawa

Sound Bites
“di kailangang iangat at tulungan ang diktadurya upang ihayag ang personal na galit. wag itawid sa pulitikal. malaking hamon sa bayan ang paglaban sa diktador at mamamatay-tao. iwasang maliitin ang hamon na ito dahil nabulag sa personal na sama ng loob. mag-isip bago pumindot.”
~Former Solicitor General Florin Hilbay/Twitter

Indeed.

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photo: Kris Aquino IG]

Advertisements




“BIIIIIMB!” [KRISSY’S REALIZATIONS]

4 02 2018

1BIMB
HELLLLLLO! Nagulat kayo ‘no? I’m sure na-miss n’yo ‘ko! Aminin n’yo!

As I have said last week, afraid ang TV networks na bigyan ako ng show because of politics. Kainis ‘di ba?! Kaya dito na muna ako – paraket-raket online. Pero in fairness huh, never akong iniwan ng sponsors. Kaya look at me, look o, ang kinis-kinis ko pa rin. Glowing! Thank you Ever Bilena. Sabi nga ni Bimb kagabi, “Moooooooom, you don’t look like my mother na. We look like sisters already!” Naloka ako. Sabi ko, “Biiiiiiimb, it’s SIBLINGS not sisters! Hay naku, iba-bash ka na naman ng dirty-looking, homophobic broadcaster na laging talo sa elections!” Aha-ha-ha!

Anyway, thank you so much sa mga patuloy na nagtitiwala. I told Ate Ballsy nga, sa mga ganitong pagkakataon mo talaga malalaman ang tunay na nagmamahal sa ‘yo. ‘Di ba?! ‘Yong tipong down na down ka ‘tapos makaka-receive ka ng call saying, “Krissy, we want you to endorse our product!” I swear, naiiyak ako. It just goes to show na love love love pa rin n’yo talaga ako.

In fact, just an hour ago, may nag-inquire through text. Ang sabi, “Krissy, willing ka bang mag-endorse ng memorial plan?” Lalo akong naiyak. Ba’t ganun? Hindi pa naman dead ang career ko ‘di ba? I politely declined. ‘Tapos sabi ni Bimb, “Mooooooooom, but you’re dead na dead kay Tito Herbert!” Nakakaloka. Sabi ko, “Biiiiiiiiimb! That’s our secret, ‘di ba? ‘Wag mo naman akong ilaglag.” Aha-ha-ha!

Hay naku. Basta! Life goes on may TV show man o wala. This too shall pass. Hindi sila forever sa pwesto. May araw din kayo. Jooooooke! For sure, galit na si Mom sa heaven. “Krissy, behave! Don’t be vindictive!”

Fine. Quiet na lang ako. Aha-ha-ha.

Anyway, nag-monitor kami ni Bimb ng news nitong mga nakaraang araw, and we learned quite a few things. I wanna share them with you.

Una, last week ko lang nalaman na doktor na pala si Persida Acosta. Nakakaloka! Akala ko lawyer siya. She was insisting na super dami ng namatay sa Dengvaxia. Pati appendix na pumutok, Dengvaxia pa rin. May conclusions na agad siya. Even Bimb was like, “Moooooooooom, that’s sooo scary. Was I vaccinated?” Sabi ko, “No Bimb. There’s no need for that. Walang mosquitoes sa house ‘coz it’s so clean.”

Sabi niya, “’k!”

Aha-ha-ha! Bimb is so me talaga.

Na-realize ko rin last week, Pinoys are really bad at geography pala. Akala ng marami, nasa Batangas ang Tagaytay; nasa Bataan ang Corregidor, at nasa Saudi ang Dubai. All wrong! Pero ang ‘di ko kinaya, ‘yong sabihing matatagpuan sa Naga ang Mayon Volcano!!!! ‘Di baaa???? Kailan pa inilipat? In fairness huh, ‘di ‘yun nabalita! Nakakaloka. Ang tanga-tanga! But that’s fine. We all make mistakes. Hindi na ako lalayo. Akala ko nga noon, matatagpuan ang happiness sa lalaki. I was so wrong. Baka sabihin naman ni Bimb, “Moooooooooooom, you’re so emo!” Inunahan na kita Bimb. I am! Aha-ha-ha!

I remember so well, when Kuya Noy was still in office, sobrang haba lagi ng pila sa MRT. I should know, na-experience ko ‘yan, remember?

Tapos every month yata, may sira. So the people were like so gigil na talaga. And then nagamit pa ‘yon sa campaign against Mar Roxas. Ang ending: lost! Fast forward to 2018, naloka ako sa news na everyday pala, twice or thrice nasisira ang MRT. Super walk sa riles ang mga commuters! Every other day! And then Bimb said, “Mooooooooom! Why is this still happening? Tito Noy is no longer the president.” Aray ko!

“Biiiiiiiimb! You’re so mean to your Tito Noy! Hindi niya na fault ‘to! Mag-apologize ka! Now na.”

“’k. Sorry!”

Hindi n’yo naitatanong, super relate ako sa mga commuters. Trust me, I know the feeling! ‘Yong pinasakay ka, ‘tapos kapag ini-enjoy mo na ang lahat, sasabihin sa ‘yo, “We need to stop. Hanggang dito na lang tayo. This isn’t working.”

Ang sakit!

“Mooooooom! Tito Herbert again?! Move on na, ok?”

“Biiiiiiiiiimb!”

“Moooooooom! I said, move on.”

“Fine!”

And then, another lesson we learned: Kung basketball player pala si Harry Roque, kakabugin niya si Vince Carter ng Sacramento Kings. By the way, Carter recently turned 41 and in fairness huh, he’s still very much active! And he can still score. Unlike some palaos na players I know.

“Moooooooom! You’re so bitter! He’s still my dad.”

“Biiiiiiiiimb! I didn’t mention names.”

“Moooooom! I know you. Aminin mo. You’re talking about my dad.”

“Fine!”

Back to Harry Roque. I remember him leading and hosting some protest rallies in and out of UP. Like, he was this brave, principled human rights lawyer who was making laban for the country. So ‘yung pag-360 niya sa issues, malala pa kesa kay Carter. Hindi ko talaga kinaya nang sabihin niyang waste of taxpayers’ money ang pagsama sa rally ng mga taga-UP. SAY WHAT?!?

“And Mom, he also said we needed fake news to know true news.”

“I know, Bimb! Kadiri ‘di ba? Trapong-trapo na talaga every inch of his skin.”

“And that’s a lot of skin, Mom.”

“Biiiiiiimb! That’s bad.”

“But you started it.”

“I didn’t say he’s fat.”

“Did I say fat, Mom? I said, ‘lot of skin.’”

“You’re so good at this Bimb! Kainis ka!

“I’m your son, remember?”

“True!”

1FabFlavius
And lastly, I have to say this, the government can learn a thing or two sa kaso ni Ricci Rivero ng La Salle. I haven’t been following collegiate basketball pero na-shock ako nang bonggang-bongga when I heard na kinick out ng La Salle ‘yung Rivero brothers, and a certain Brent Paraiso. Sorry, ‘di ako familiar sa kanya.

I mean, rules are rules. Kapag may ginawa kang bad o may na-violate ka, you should face the consequences of your actions. Unfortunately sa admin na ito, kapag tanga ka, kapag may mali ka, or worse, kapag pumatay ka, mapu-promote ka pa. Mabibigyan ka pa ng pwesto. ‘Di ba? Nakakaloka.

I’m from Ateneo but I salute La Salle. Kahit medyo tumaas ang kilay ko sa rason ng pagli-leave daw ni Ricci and those two other players, I believe na tama ang ginawa ng school. Fair but sad.

Aminin n’yo! Nanghinayang kayo kay Ricci! Sa other two, ‘di masyado. Aha-ha-ha! Pero kay Ricci, I’m sure concerned na concerned kayo!

“Mooooooooom! Ricci is only 19.”

“Why?!? What did I say?”

“Moooom, it’s obvious. You’re flirting. You’re hitting on him.”

“Biiiiiiiiiimb!”
_________________________________________________________________________________
Proclaim the truth and do not be silent through fear.
~Catherine of Siena

Sound Bites
“In fact, the deaths of 13 of the 14 autopsied (by PAO) were totally unrelated to the vaccine. We urge the Department of Justice to order PAO to stop performing autopsies on these children and to leave the matter of determining the cause of death to competent forensic pathologists.”
~Doctors for Public Welfare

Threat
President Duterte has threatened to kick out UP students who continue to hold protest actions against his administration saying they’re wasting people’s money. How about the people’s money spent on Mocha Uson and Duterte’s keyboard warriors? What do you call that, saving?

‘Wag kami.

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photos: Kris Aquino on Instagram; @FabulousFlavius for Ricci Rivero’s photo]








%d bloggers like this: