Advertisements

PRE-CAM

13 03 2017

PRE-CAM, noun.
The initial outburst of arrogance of a wannabe government official.
See ‘feelingera,’ ‘assuming,’ ‘entitled.’


SANDRA CAM was a trending topic online over the weekend. The self-confessed jueteng bagwoman who collected gambling money for the Arroyos blew her top at the VIP lounge of the Ninoy Aquino International Airport recently. She reportedly berated airport employees when she was not accorded the VIP treatment.

Here are excerpts from the incident report filed by the Manila International Airport Authority – specifically the transcript of the exchange between Cam and the airport staff.

Airport Staff: Ma’am, ID po.

Sandra Cam: ID? Anong ID? Hindi mo ba ako nakikilala?

Staff: Kaya nga po nagtatanong ng ID ‘di ba?

Cam: My god! Tumakbo ako sa pagka-senador, hindi mo pa rin ako kilala?!?

Staff: Lorna Kapunan?

Cam: Excuse me. Ang layo naman yata.

Staff: Kung maka-“layo” naman ‘to! Hawig nga eh. Clue pa po!

Cam: Jueteng!

Staff:

Cam: Whistleblower!

Staff:

Cam: Jueteng whistleblower!

Staff: Sabi ko na nga ba eh! Kayo nga ‘yun! Chavit Singson!!!!

Staff: Ma’am kailangan po namin ng ID.

Cam: ID? Hindi mo ba ako nakikilala?!?

Staff: Sino ba kayo?

Cam: Hindi mo talaga ako kilala????? Clue: Tumakbo akong senador noong Mayo.

Staff: Aba, malay ko. Ang dami kayang tumakbo.

Cam: Isa pang clue: jueteng bagman ako dati.

Staff: Obvious naman eh. Pero sorry, ‘di ko pa rin kayo kilala.

Cam: Naging whistleblower ako. Hindi mo pa rin ako natatandaan?!?

Staff: Hindi po eh. Sirit na.

Cam: Hay naku! Ako si SANDRA CAM!!!! S-A-N-D-R-A-C-A-M Sandra Cam! Tandaan mo ‘yan!

Staff: Sus! Ang dami n’yo pang kuda eh. Kung sinabi n’yo agad na “De Lima sex videos,” eh ‘di madali kong nahulaan.

Cam:

Staff: Pengeng ID.

Staff: Ma’am ID po.

Cam: ID? Anong ID?

Staff: Kailangan pong magpakita kayo ng government ID dito sa VIP lounge.

Cam: Hindi mo ba ako nakikilala?! HINDI MO BA AKO NAKIKILALA?!????

Staff: Bakit ma’am? Kayo ba si Maine Mendoza o si Liza Soberano para makilala ko? HINDI!!!! HINDI KO KAYO KILALA! ‘TANG INA!

Cam:

Staff: Sorry ma’am, ang ingay ng eroplano. Napasigaw tuloy ako.

Staff: Ma’am kailangan po ng ID dito.

Cam: ID? Anong ID? Hindi mo ba ako nakikilala?! Kaibigan ko si Bong Go!

Staff: So???

Cam: Ahhhh ganun! Anong pangalan mo? Patingin ng ID mo.

Staff: ID? Anong ID? Hindi n’yo po ba ako nakikilala?

Cam: Bakit? Kaibigan mo rin si Bong Go?!?

Staff: Opo! Kaibigan ko rin si Bong Go!

Cam:

Staff:

Cam: ‘Di nga?!

Staff: Joke lang. Baka makalusot.

Staff: Penge pong ID ma’am.

Cam: ID?!? Anong ID? Hindi mo ba ako nakikilala?

Staff: ‘Pag gov’t official po, kailangang magpakita ng ID.

Cam: Ahhh ganun? Maghintay ka ng three months dahil malapit na akong bigyan ng puwesto sa gobyerno.

Staff: Ahhh, ganun? Pwes, bumalik na lang kayo after three months.

Cam:

Staff: Si Bong Go ho, nalimutan n’yo yatang i-namedrop. Go!

Staff: Ma’am kailangan po n’yong magbayad ng P1,200 for using the VIP lounge.

Cam: Huh! Bakit ako magbabayad ng 1,200 eh wala naman kayong sini-serve dito kundi tubig at kape?!? NO!

Staff: ‘Tang inang ‘to. Wala na ngang ID, wala pang 1,2. Eh ba’t pa kayo nagpunta rito?

Cam: Ahhh ganun. Hindi mo ba alam na

Staff: Si Bong Go? Sasabihin n’yo, kilala n’yo si Bong Go? Magni-name drop na naman kayo para matakot ako? Ipamumukha n’yo sa aking may kuneksyon kayo at kinakaya n‘yo ang maliliit na empleyado!?! Bong Go! Bong Go! Bong Go! ‘Yan ang panakot n’yo! Hindi ba tama ako? SUMAGOT KA! HINDI BA TAMA AKO!?!

Cam: Oo.

Staff:

Cam:

Staff: Pengeng ID. Bilis!
_________________________________________________________________________________
“Those who claim the right to that arrogance without accomplishments to back it up deserve to be exposed.”
~Jeff Ashton

Sound Bites
“So iyan ang promise ko at tutulungan ko siya. If she would ask me for work, I would give her the work. Utang na loob ‘yan eh.”
~President Duterte on Sandra Cam

“What I said exactly is that instead of having me present to you a government ID, you wait until 2 months, I will be joining the government and I’m sure that I can give you the government ID that you need.”
~Sandra Cam

Best and brightest my foot.

[Photos: Sandra Cam: Alex Nuevaespaña/Senate PRIB; ClipArtKid; ClipArt Library; ClipArtFox; ClipArtFest]

Advertisements







%d bloggers like this: