THE STORY OF CHRISTMAS (As told by political figures)

Harry Roque: So ‘yun na nga ang nangyari, kahit alam ni Jose na kabuwanan na ni Maria, bumiyahe pa rin sila papuntang Betlehem. Mga pasaway!

HERE is the Nativity story as narrated by political personalities.

Tito Sotto: Mahigit 2000 years na ang nakararaan, sa bayan ng Nazareth, may isang babaeng na-ano lang.

Cynthia Villar: Ang pangalan niya ay Maria at siya ay may asawa – si Jose na isa lang karpintero.

Manny Pacquiao: Nang malamang buntis si Maria at hindi siya ang ama, gusto sana siyang i-divorce ni Jose. Pero bawal ‘yun sa Bible. Kasalanan kay Lord ang divorce. Matthew 19:6: Therefore, what God has joined together, let no one separate.

Alan Peter Cayetano: Noong time na ‘yun, ipinag-utos ng emperor ang census sa Roman Empire. Taga-Betlehem si Jose kaya dapat doon siya magpalista. Sa First District si Maria  ‘tapos sa Second District si Jose. Pwede ‘yon.

Harry Roque: So ‘yun na nga ang nangyari, kahit alam ni Jose na kabuwanan na ni Maria, bumiyahe pa rin sila papuntang Betlehem. Mga pasaway! Matitigas ang ulo! ‘Tapos ‘pag may nangyari, sisisihin n’yo ang gobyerno.

MMDA’s Celine Pialago: Mahaba-haba rin ang nilakbay ng dalawa. Pagod na pagod ang mag-asawa lalo na si Maria. Pagdating sa Betlehem, she passed away.

Risa Hontiveros: She actually passed out* – dahil nag-labor na nga siya. Walang matuluyan ang mag-asawa kaya inabot ng panganganak si Maria sa isang kuwadra. Kung may RH Law lang sana nang time na ‘yon, baka naisugod pa sa mas maayos na ospital si Maria.

Bato de la Rosa: Samantala, kahit gabing-gabi na, nasa labas pa rin ang mga pastol. Mga adik! 

PNP Chief Debold Sinas: Maya-maya, biglang nagpakita ang mga anghel at sinabi sa kanila ang magandang balita. Isinilang na si Hesus, our Savior. Natuwa ang mga pastol. Sila ay nag-inuman, nagsayawan at nag-videoke. In short, nag-party! 

Imelda Marcos: Samantala, sa tulong ng liwanag ng tala ay naglakbay mula Silangan ang tatlong pantas. Nag-alay sila kay Hesus ng damit, kamanyang, at mira.

Vice President Leni Robredo: Correction lang po, ‘ginto’ po at hindi ‘damit’ ang isa sa mga alay ng tatlong pantas. Saan po kaya napunta ang ginto? Ninakaw na naman po ba?

Ka-DDS: ‘Buti pa ang mga pantas, may regalo. ‘Yung mga pastol na dumalaw, ano bang ambag n’yo?

Netizens: Habang ang buong mundo ay nagsasaya sa pagsilang ni Hesus, wala pa ring reaksyon si Herodes. Tulog pa pala ito. #NasaanSiHerodes 

Rodrigo Duterte: Nang magising, nakarating kay Herodes ang balita tungkol sa kapanganakan ni Hesus. Hindi niya ito ikinatuwa. Pakiramdam niya, makikipag-kompetensya sa kanya si Hesus. Gusto lang nitong magpasikat. Kaya’t inutusan niya ang kanyang mga tauhan na patayin lahat nang batang lalaki dalawang taon pababa. Sabi ni Herodes, “’Pag nanlaban, shoot them dead. ‘Wag n’yong intindihin ‘yang human rights. Ako ang bahala sa inyo.”

Trillanes: Pero nabigyan pala ng babala ng isang anghel si Jose. Itinakas nito ang kanyang mag-ina papuntang Ehipto kung saan sila nag-file ng reklamo sa International Criminal Court laban sa brutal na hari.

Postscript: ‘Di nagtagal, namatay si Herodes. Binalak ni Jose na bumalik sa Betlehem kasama ang pamilya. Pero ‘di rin ito natuloy dahil nabalitaan niyang anak pala ni Herodes ang pumalit sa kanya. Sa gitna ng patuloy na banta at panganib, nagpasya na lang silang manirahan sa Galilee.

Where they lived happily and peacefully until… ma-EJK ang aktibistang si Hesus sa edad na 33.

The End.

IN THIS CORNER

Reporter: Sir, totoo bang sinuntok n’yo ang wall sa palasyo sabi ni General Bato?

Duterte: Totoo ‘yon.

Reporter: Dahil ba nadismis ang kaso laban sa mga big-time drug lord?

Duterte: Hindi!

dutertefist
PNP CHIEF Bato de la Rosa said the dismissal of charges filed against big-time drug lords angered his boss, Rodrigo Duterte who punched a wall in Malacañang. “Namaga ang kamay n’ya sa galit,” Bato added. That’s what you call a ‘punchline.’

Did he or did he not? In a series of ambush interviews, Duterte gave conflicting answers.

Reporter: Sir, totoo bang sinuntok n’yo ang wall sa palasyo sabi ni General Bato?

Duterte: Totoo ‘yon.

Reporter: Dahil ba nadismis ang kaso laban sa mga big-time drug lord?

Duterte: Hindi! Dahil tinambakan ng San Miguel ang Ginebra sa Game 4. Tang ina. Nanood pa naman si Pareng Jawo tapos tambak. Yawa!

* * * * *

Reporter: Mr. President, totoo bang sinuntok mo ang pader sa Malacañang?

Duterte: Totoo ‘yon.

Reporter: Dahil ba dinismiss ang kaso laban sa mga big-time drug lord?

Duterte: In a way.

Reporter: Paano pong “in a way?” Hindi ba nagalit kayo kasi nadismis ang kaso nila?

Duterte: Hindi! Nagalit ako kasi wala na silang kaso. Ako, meron pa sa ICC. Pisti!

* * * * *

Reporter: Mr. President, sabi ni General Bato namaga raw ang kamay mo dahil sinuntok mo ang pader sa Malacañang.

Duterte: Tama!

Reporter: Nagalit daw kayo sa pagkakadismis ng kaso ng big time drug lords. Tama rin po ba?

Duterte: Mali. Nagalit ako dahil nag-trend sa Twitter noong isang araw ang #DuterteDuwag. Nag-withdraw lang sa ICC, duwag agad? SAGUTIN MO AKO: Kapag nag-withdraw ba sa ICC, duwag?

Reporter: In a way Sir.

Duterte:

Reporter: No pala Sir. No. Next question na po…

* * * * *

Reporter: Sir, totoo bang sinuntok mo ang pader sa palasyo?

Duterte: Totoo ‘yon.

Reporter: Totoo bang namaga ang kamay mo dahil sa pagsuntok?

Duterte: Totoo ‘yon.

Reporter: Totoo bang nagalit kayo sa pagkakadismis ng kaso laban sa big time drug lords?

Duterte: Ba’t naman napunta sa drug lords ang usapan? Suntok at pader lang ang topic natin. ‘Wag kang lumayo.

* * * * *

Reporter: Mr. President, totoo bang sinuntok mo ang pader sa palasyo?

Duterte: Totoo ‘yon.

Reporter: Totoo bang namaga ang kamay mo dahil sa pagsuntok?

Duterte: Totoo ‘yon.

Reporter: Totoo bang nagalit ka dahil nadismis ang kaso laban sa big-time drug lords?

Duterte: Totoo ‘yon.

Reporter: INUULIT KO: Totoo bang nagalit ka dahil nadismis ang kaso laban sa big-time drug lords?

Duterte:

Reporter: Naninigurado lang Sir.

* * * * *

Reporter: Sir, totoo bang namaga ang kamay mo matapos mong suntukin ang pader sa palasyo?

Duterte: Totoo ‘yon.

Reporter: Totoo bang nagalit ka raw kasi nadismis ang kaso laban kay Kerwin Espinosa?

Duterte: Totoo ‘yon!

Reporter: Totoo rin bang nagalit ka kasi nadismis ang kaso laban sa kumpare mong si Peter Lim?

Duterte: Kay Kerwin na muna tayo mag-focus. Nananahimik ang ibang tao, ‘wag mong idamay.

* * * * *

Reporter: Sir, totoo bang sinuntok mo ang pader sa palasyo dahil sa sobrang galit?

Duterte: Totoo ‘yon!

Reporter: Totoo bang namaga ang kamay mo dahil sa pagkakasuntok sa pader?

Duterte: Totoo rin ‘yon.

Reporter: Tingin kayo sa camera sir ‘tapos ipakita mo ang namamaga mong kamay.

Duterte: Kayo talaga, ‘di na mabiro. Kailan ba kayo masasanay? Next question na nga.
——————————————————————————————————————————————-
“Pathological liars can’t always tell truth from falsehood and contradict themselves in an interview. They are manipulative and are very brazen in terms of their manner.”
~Adrian Raine

Sound Bites
The attempt to withdraw from the ICC will not save anyone responsible for crimes against humanity from the ICC’s jurisdiction. The rules of the ICC are clear that it has jurisdiction over crimes committed in a state’s territory while the latter was a party to the Rome Statute.
~Center for International Law

#DuterteDuwag

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photo: Associated Press]