NEWS QUIZ

HAVE YOU BEEN READING or watching the news lately? Find out how much you know about recent and current events by taking this quiz. No Googling please! Don’t cheat. Lawmakers and generals hate competition.

1: Naging paksa ng mga usapan ang halagang 13 pesos and 35 centavos (P13.35) kamakailan. Ano nga ba ito?
A: Presyo ng isang latang sardinas
B: Ang offer na daily wage hike ng mga employers
C: Ang dagdag sa tinatanggap na Emergency Cost of Living Allowance (E-Cola) ng minimum wage earners
D: Limos para sa mga laborers na walang choice

2: To cushion the impact of rising fuel costs, namigay ng Smart cards ang pamahalaan sa mga jeepney at tricycle drivers. Bahagi ito ng Pantawid Pasada program ng gobyerno. Magkano ang laman ng bawat card na tinanggap ng mga jeepney drivers (good for one month)?
A: P1,100
B: ‘Wag nang magreklamo. Ang importante, meron.
C: P1,500
D: Anong sabi n’yo? Maliit? Eh ‘di magreklamo ka sa presidente mong panot!

3: Sino ang babaeng nasa larawan?

A: Ang sinibak na executive ng LTO na si Virginia Torres, shooting buddy ng pangulo
B: Si Marie Peña Ruiz, ang beteranang reporter na ayon sa tsismis ay siya raw bagong apple of the eye ni Pangulong Aquino
C: Si Mary Ruth M. Ferrer, spokesperson ng Sandiganbayan na nagsabing legal ang plea bargain agreement sa pagitan ng Ombudsman at ni retired Major General Carlos F. Garcia
D: Malay ko! Hindi siya sikat!

4: Kung si Antonio Trillanes IV ang poorest senator, sino naman ang second poorest?
A: Tao ba ito? Hiwalay ba sa asawa?
B: Member ba siya ng Noy-Bi team?
C: Galit ba sa kanya si Korina Sanchez?
D: Senator Francis “Chiz” Escudero

5: Sinong public interest lawyer ang abogado rin ng nagsarang Banco Filipino at mortal na kaaway ngayon ng Bangko Sentral ng Pilipinas?
A: Atty. Leonard De Vera
B: Atty. Salvador Panelo
C: Atty. Ely Pamatong
D: Atty. Harry Roque

6: Tumaas nang mahigit apat na milyong piso ang yaman ni Pangulong Aquino ayon sa kanyang Statement of Assets and Liabilities and Net Worth. Ano ang paliwanag ng palasyo?
A: “Walang ilegal sa amount na ‘yon. Bahagi ‘yan ng ‘di nagastos na campaign contribution ng kanyang kapatid na si Ms. Kris Aquino.”
B: “The President has always been transparent with his wealth. Wala siyang itinatago.”
C: “Nagbenta ng lote sa Antipolo City ang ating Presidente.”
D: “Apat na milyong piso ang halaga ng Porsche. Public knowledge ‘yan”

7: Isang hapon…
Official No.1: Kaya nga ipatawag natin ang tatlong lider para ma-settle natin kung ano ang deadline.
Official No. 2: Who will set the deadline?
Official No. 1: No, no, no! Of course, we consult them before we set the deadline.
Official No. 2: Nooo! Nooo! Nooo!
Official No. 1: Kaya nagkakagulo eh, ini-insist lang natin ang gusto natin.
Official No. 2 walks out.
Sino ang magkausap?
A: Cong. Mikey Arroyo at BIR Commissioner Kim Henares sa isyu ng deadline sa pagbabayad ng buwis
B: Mga immature na pulitiko at taong-gobyerno
C: Basta! Isa sa kanila Samar; ‘yong isa, Balay! Sure na. Final answer!
D: Makati Mayor Junjun Binay and DILG Sec. Jesse Robredo sa Laperal Compound

8: Kamakailan ay naaresto sa Taguig City si Arabani Jakiran, a suspected member of the Abu Sayyaf terrorist group. Security guard siya sa Pacific Towers Plaza. In defense of Jakiran, isang kilalang tao sa lipunan ang nagsabing more than six years na raw naglilingkod ang suspek bilang guwardiya sa sosyal na condominium. Sino itong personalidad na ito na gusto yatang maging lawyer ni Jakiran?
A: Manny V. Pangilinan
B: Tessa Prieto-Valdez
C: Jaime Augusto Zobel De Ayala
D: Margarita ‘Tingting’ Cojuangco

9: Napag-uusapan na rin lang ang pag-aresto… dinakip ng NAIA security si Enrico Del Rosario Aldaba kahapon, May 11 for alleged possession of prohibited drugs. Patungong Palawan umano ang suspek at nang malapit na ito sa airport security screening area, nilulon daw nito ang isang sachet ng shabu. Matapos dalhin sa himpilan ng pulisya, isang Cabinet secretary ang nagtungo roon. Pinsan pala ng kalihim ang suspek. Sino si Cabinet Secretary?
A: Foreign Affairs Secretary Albert F. Del Rosario
B: Tourism Secretary Alberto Lim
C: Executive Secretary Paquito Ochoa
D: Hindi ako interested kay Secretary. Pero ito lang ang masasabi ko sa suspek: kung nagugutom ka, mag-rice ka! Tanga!

10: May bagong advocacy si Cong. Manny Pacquiao. Anong organisasyon ang napili niyang maging partner?
A: CBCP! Siyempre, anti-RH Bill si Manny!
B: Bantay Bata
C: Gawad Kalinga
D: GMA Kapuso Foundation! Obvious naman ‘di ba? (‘Nood kayo lagi ng Shumi Damani!)

Bonus Questions
No. 1: Ano ang bagong pamagat ng programa ni Willie Revillame sa TV5?
A: “Wil Time, Big Time”
B: “Cashiyahan Para sa Bayan”
C: “Willing Wilyonaryo”
D: “Malay Ko, Pakialam Ko!”

No. 2: Ano ang nangyari sa reporter na ito ng ABS-CBN na si Niko Baua?

A: ‘Yan ang bagong uniform ng ABS-CBN News and Current Affairs kapag demolisyon ang iku-cover. Astig!
B: Tinamaan ng bato na inihagis ng mga squatters na pinapalayas sa Laperal Compound
C: Nakipagsapakan sa reporter ng GMA7 na si Ivan Mayrina dahil sa agawan ng puwesto sa kinu-cover na demolition ng squatters. Itinago ng dalawang networks ang balita. Now you know!
D: Wala lang. Trip lang n’yang ibalot sa malamig na tela ang kanyang ulo. Kasi naman, sobrang init talaga ng panahon ngayon.

No. 3: Sino ang babaeng ito?

A: Ang dating yaya ni Prince William na si Lillie Piccio
B: Ang alleged illegal recruiter na si Tita Cacayan
C: Si Rosel Jakosalem Peñas, ang hina-hunting na bilas ni Pilar Pilapil
D: Dating showbiz scribe na si Portia Ilagan na tauhan na ngayon ni Sen. Bong Revilla

No. 4: Para “Oras-oras, alam mo…”
A: Magbasa ng Libre, ang free newspaper ng Philippine Daily Inquirer
B: Tumutok sa GMA News TV
C: Makinig sa Tambalang Failon at Webb sa dzMM
D: Mag-enrol sa Gapuz Review Center

No. 5: “Nagdaan na naman ang isang araw ng pagbabalita. Isang araw na bahagi ng kasaysayan. Sa ngalan ng bayan sa ilalim ng nag-iisa nating… “
A: Saksi
B: Watawat
C: Aksyon
D: Bandila

Modernong Talasalitaan
Makabagong kahulugan ng mga salita, parirala o pangungusap batay sa mga kaganapan sa ating kapaligiran. Ang kahulugan ay maaaring madagdagan, mabawasan, o maiba depende sa mga susunod na pangyayari.

>Indirect Bribery: Ang pagnanakaw ng mahigit tatlong daang milyong piso mula sa kaban ng bayan. See “plunder.”

>Plunder: Wala nang gano’n. Hindi na uso ‘yan. Kapag nagnakaw ka ng limampung milyong piso o higit pa mula sa kaban ng bayan, ibalik mo lang ang kalahati at ayos na ang butu-buto. See “indirect bribery.”
——————————————————————
“Never awake me when you have good news to announce, because with good news nothing presses; but when you have bad news, arouse me immediately, for then there is not an instant to be lost.”
~Napoleon Bonaparte

You Have Spoken
Ano ang masasabi n’yo sa napipintong pagpasok ni former Senator Mar Roxas sa pamahalaan?
– Great! Kailangan ng gobyerno ang kanyang husay at talino. 15.65%
– Lalong titindi ang tensyon sa pagitan ng Samar at Balay groups. 53.06%
– Let’s see. 31.29%

Enjoy your weekend! Ingat!
Los Angeles Lakers for life!

Share this on Facebook and Twitter: Add to FaceBookAdd to Twitter
I have a Twitter account. Click here to follow me.

CHIZEE!

chiz_widro This is the original draft of Sen. Francis Escudero’s speech delivered at Club Filipino last Wednesday morning. A copy was sent to The Professional Heckler by a reliable source who requested anonymity.

“Maraming salamat po sa lahat ng taong nandito lalung-lalo sa mga kababayan kong Bicolano sa walang pag-aatubiling pagtungo sa gusaling nasa latitude 14° 36′ 14″ Hilaga ng Equator at longitude 121° 2′ 56″ Silangan ng Prime Meridian sa Mapa ng Maynila, na mas kilala rin sa pangalang Club Filipino.

Nais ko pong ipabatid sa inyo na ako ay nagpaalam na at nag-resign na bilang miyembro ng Nationalist People’s Coalition o NPC, ang partidong itinatag ni Ginoong Eduardo ‘Danding’ Cojuangco ang ninong namin sa kasal ng aking asawang si Cristine, at founder ng NPC na aking kinaaniban sa nakalipas na labing-isang taon ng aking pagiging pulitiko sa Mataas na Kapulungan man ng Kongreso na kung tawagin natin ay Senado o sa Mababang Kapulungan ng Kongreso bilang kinatawan ng lalawigan ng Sorsogon na walang kahihiyang nanguna sa tangka ngunit bigong pagpapatalsik sa noo’y Chief Justice na si Hilario Davide katulong ang noo’y kongresista at paboritong pamangkin ni Ginoong Cojuangco na ngayo’y kalihim ng tanggulang pambansa na nag-aambisyon ding maging pangulo ng Pilipinas na si Gilbert “Gibo” Teodoro.

Sinuman pong nagpa-planong tumakbo bilang pangulo, dapat wala pong partidong kinabibilangan, NPC, LP NP, Lakas, Kampi, LAMMPP, PDP-Laban, Magdiwang, Magdalo, Bayan Muna, Akbayan, Migrante, Anakpawis, Sanlakas, Lapiang Manggagawa, Alyansa ng mga Sabungero, Ang Ladlad, 1-UTAK, SMILE, SAMASA, ISA, STAND-UP, KAISA, ALYANSA, (FYI: Mga political parties ‘yan sa UP), Sigue-Sigue, OXO, Sputnik, Ativan Gang, o ano pa man.

Ang dapat na partidong kinabibilangan ng sinumang nagpa-planong tumakbo, dapat po Pilipinas. At lahat ng mga ka-partido niya dapat lahat din Pilipino. Bata man o matanda, babae o lalake, mayaman o mahirap, nakapag-aral o hindi, dilaw man o pula ang kulay, binoto ka man o hindi, maka-Dos man o Maka-Siyete, Globe man o Smart o Sun kapag nagtitipid, tuli man o supot, bakla man o lesbiyana, out man o discreet, bisexual man o straight-tripper, top man o bottom, lights off o lights on, dapat ituring mo ng pantay o pareho dahil kung hindi, baka magkaroon ng kaguluhan sa Pilipinas na mas lalong magpapahirap sa milyun-milyon nating kababayan at ‘yun ang hinding-hindi ko kayang tanggapin bilang lingkod-bayan na nagnanais ng bagong pagbabago sa ating bansa na matatagpuan sa Timog Silangang Asya at nasa tinatawag na Pacific Ring of Fire kung saan madalas magkaroon ng lindol na hindi naman kayang ipredict kahit ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na dating pinamumunuan ng namayapang si Raymundo Punongbayan.

Nagbitiw po ako dahil sa tatlong kadahilanan na iisa-isahin ko kung inyong mamarapatin ngunit kung hindi naman ay iisa-isahin ko pa rin dahil sayang naman ang pagkakataong tayo ay nagkakatipun-tipon sa gusaling ito na nasa latitude 14° 36′ 14″ Hilaga ng Equator at longitude 121° 2’ 56″ Silangan ng Prime Meridian sa Mapa ng Maynila. Ang tatlo pong dahilan ng aking pagbibitiw ay ang sumusunod. Una, hindi ako heredero katulad ni Gilbert Teodoro; pangalawa, hindi ako haciendero katulad ni Noynoy Aquino, at pangatlo, lalo pong hindi ako bilyonaryo katulad ni Manny Villar.

Ngunit ito po ang dapat na unawain n’yo: hindi po salapi o pondo ang dahilan ng pagbibitiw ko sa partido at lalong hindi dahil sa napabalitang alitan namin ni Ginoong Eduardo Cojuangco bagamat gusto kong bigyang diin na hindi ako heredero katulad ni Gilbert Teodoro; hindi ako haciendero katulad ni Noynoy Aquino, at lalo pong hindi ako bilyonaryo katulad ni Manny Villar na malayang makakagastos sa halalang matagal ko na ring pinapagplanuhan subalit hindi ko pa lubusang napagpapasyahan kaya’t ito po ang gusto kong iparating sa lahat: hindi po kakulangan sa pera ang dahilan ng aking pag-atras datapwat kung mabibigyan ako ng pagkakataon ay gusto ko ring maranasan ang maging heredero katulad ni Gilbert Teodoro; maging haciendero katulad ni Noynoy Aquino, at lalo na po ang maging bilyonaryo katulad ni Manny Villar.

Hayaan po ninyong pag-isipan ko ang aking mga susunod na hakbang dahil kailangang kunsultahin ko, hindi lamang ang aking pamilya o kaibigan, kundi maging kayong lahat na kapartido ko na ngayon lalo pa’t ako’y malaya nang makapagpapasya kung ano ang nararapat at makakabuti sa lahat ng tao sa Pilipinas na ninanais ko ring umunlad ang buhay at umangat ang estado sa lipunan katulad ni Gilbert Teodoro na isang heredero; ni Noynoy Aquino na isang haciendero at, lalo na po ni Manny Villar na isang bilyonaryo.

Sa huli, isa lamang po ang hinihiling ko sa lahat: huwag ninyong paniwalaan ang walang basehang alegasyon na salat ako sa pondo kaya ako nagpasyang iwan ang partidong hindi maiwan-iwan ngayon ni Loren Legarda dahil sa pangambang baka ang aking pagbibitiw ay maging mitsa ng katapusan ng kanyang karera sa pulitika. Mali po ‘yon. Hindi po salapi o kontribusyon mula sa mayayamang negosyante ang nagbunsod sa aking pagbibitiw sa NPC bagamat aaminin kong hindi po ako heredero, hindi po ako haciendero at lalo pong hindi ako bilyonaryo.

Maraming salamat po sa inyong lahat at mabuhay ang sambayanang Pilipino lalo na ang maliliit na taong tapat na naglilingkod sa mga heredero, haciendero at bilyonaryo.”

[Please turn to page 2 for continuation of speech…]

_________
“A good retreat is better than a bad stand.”
~Irish Saying

MR. & MRS. PADYAK

marco_wedding_hands LET ME BEGIN THIS post by saying that I am genuinely happy for ex-future president Mar Roxas and his ex-girlfriend, the ex-future First Lady Korina Sanchez, who is now a certified madrasta.

Congratulations, best wishes, and most importantly, good luck!

Unknown to many, I was one of the hundreds of uninvited folks who endured the smoldering heat outside Sto. Domingo Church in Quezon City to witness the event dubbed by local media as the “People’s Wedding” and “Kasalan ng Taon.” Dozens of politicians attended the ceremony, probably the reason why it was hotter inside the church.

The truth is: Conrado De Quiros and I were sent wedding invitations by Senator Roxas. However, Korina insisted that we apologize first before security personnel could allow us inside. In short, “No Sorry, No Entry.” De Quiros replied, “I’d rather wait for Noynoy’s wedding.” But the PDI columnist admits he doesn’t have any idea if it will ever happen since “Sa lahat ng pulitikong may girlfriend, si Noynoy lamang ang hindi atat na atat mag-asawa.”

marco_wedding_TAO As for me, I opted to be a spectator outside. Thanks to the giant video wall that was installed in front of the church for ordinary people to see the wedding. If it’s any consolation, I was beside the GMA 7 news team. You just have to admire those guys. They were so prepared for the special coverage! In fact, they brought their 3G phones in case the video wall suffered technical glitches!

The ceremony was pushed back to 4 o’clock because the bride wasn’t around yet at the originally-scheduled 3PM rites. It turned out that from the Intercon Hotel in Makati, Korina first went to Heritage Memorial Park in Taguig City to pay respects to her departed parents – in her bridal gown! She plans to do the same this coming All Saints Day.

marco-wedding-telon
Trivia: Ano o sino ang nakikita n’yo sa larawan?
A: Parada ng santong sikreto pa ang identity
B: Prusisyon ng mahiyaing birhen!
C: Si Korina ‘yan. May GMA 7 crew kasi sa labas kaya pilit itinago!
D: Duh! Basta ang alam ko kamukha ni JV Ejercito ‘yung lalaking naka-blue

Deviating from the norm, Korina Sanchez did not wear a veil to cover her face. It was a personal and tactical request, as she wanted to make sure that neither Sen. Francis Pangilinan nor reporter RG Cruz could go near her.

As the Inquirer reported, politics took a backseat at the celebrity-studded event. Everyone was there: from the stalwarts of the Liberal Party to members of Erap’s company and even allies of the ruling Lakas-CMD-Kampi. The only VIP missing was Loren Legarda who reportedly got sick because of climate change.

The almost nonagenarian, former Senate President Jovito Salonga, a principal sponsor was present. Loren Legarda would have enjoyed talking to him.

marco_wed_noy Among the guests, presidential aspirant Noynoy Aquino was greeted with the loudest applause. The only other time he received such applause from the public was when he told his sister Kris Aquino to “shut up.”

Congressman Teofisto “TG” Guingona III almost didn’t make it to the occasion. Good thing he resigned from the Nacionalista Party on time.

During the offertory, former Chief Justice Artemio Panganiban, a principal sponsor offered chalice and wine. Another principal sponsor, Rosa Rosal offered blood.

Reports say Sen. Mar Roxas wrote his own wedding vow… which was a good thing. Imagine if people behind his TV ads were tasked to write it! Baka nag-back out ‘yung bride!

marco_wed-vows But an awkward moment happened during the exchanged of vows. After Korina stated that Mar was the fulfillment of everything she ever wanted in a husband; Roxas slipped, and said that Sanchez was the fulfillment of everything he ever wanted in a political endorser.

Yet another awkward thing happened at the reception. When relatives of the groom conducted a survey and asked guests if they wanted the couple to have a baby before the elections, 30 percent chose YES while 10 percent chose NO. The remaining 60 percent chose Noynoy Aquino!

A minor commotion ensued during the traditional tossing of the bridal bouquet. When Korina Sanchez tossed it, the bouquet landed on Vicki Belo’s face, and P100,000 worth of Botox squirted out.

marco-wedding-kiss2 According to the Philippine Star, at the end of the matrimonial ceremony, “Mar and Korina kissed for 11 seconds.” But the Philippine Daily Inquirer said, “the couple kissed for three minutes according to a reliable source who requested anonymity.” The Manila Bulletin merely described it as “a beautiful kiss” while Abante Tonite’s banner headline said, “Nasarapan sa halikan!”

Postscript: In case you missed snippets of the wedding on TV, just follow Inquirer columnist and Liberal Party supporter Manolo Quezon on Twitter. He tweeted a detailed account of the event: blow-by-blow. Good job!
___________
“A man is incomplete until he is married. After that, he is finished.”
-Zsa Zsa Gabor

chiz-announce IN OTHER NEWS
SENATOR FRANCIS JOSEPH ESCUDERO has announced his resignation from his party, the Nationalist People’s Coalition shocking not only his party mates but the members of the press as well who expected him to declare his presidential bid in a hastily-organized press conference at Club Filipino Wednesday morning. Before dozens of his cheering supporters, the 40-year-old father of twins delivered a speech in Filipino, the original draft of which reached the Professional Heckler. Will be posting it on Friday.

Matapos mag-resign si Chiz sa partido, sinong kandidato ang susuportahan ng NPC? Tatakbo pa ba si Chiz sa pagka-pangulo? Ikunsidera niya kaya ang pagka-bise presidente? Ano ang mangyayari sa plano ni Loren Legarda? Sino ang magiging presidential running mate niya? At ang pinakamahalagang tanong na kamakalawa pa gustong malaman ng publiko: Bakit walang belo si Korina Sanchez sa kanyang kasal?

Survey Says
Should Noynoy Aquino marry Shalani Soledad in case he wins the presidency?
OO, Para may First Lady: 19%
NO. Ayusin muna niya ang bansa. 27%
I don’t give a damn. 54%

We have a new survey. Please vote now.

Elsewhere
Newsbreak Magazine advises presidential aspirant Manny Villar: You don’t stand judges up

Francis Escudero’s political adviser Lito Banayo insists the senator is seeking the presidency

Loren Legarda’s statement on Chiz Escudero’s resignation from NPC

Morbid but true: Memorial pages on Facebook

TYPHOONS!

ATY_erap Typhoon Erap
Devastates the country for two hours and then leaves. Despite the entry of a new disturbance though, it threatens to re-enter the Philippine area of responsibility.

ATY_gma Typhoon Gloria
Continues to pummel the entire Philippines for nine hours now. Gustiness rivals that of Typhoon Marcos in the ‘70s. Initial damage to agriculture is estimated at P728 million. Damage to infrastructure is unknown but initial reports say reconstruction of Macapagal Boulevard alone has cost the government P536 million. It was also able to sustain its strength after interacting with Typhoon Erap. It is forecast to remain almost stationary.

TY_MAR Typhoon Mar
Threatened to enter Philippine territory but after seeing the vigilance of Filipinos, it was forced to back out and gave way to Typhoon Noynoy.

ATY_noy Typhoon Noynoy
Initially categorized as a tropical storm until weather specialists observed a sudden rise in its gustiness and wind speed. After being officially declared a typhoon, it now brings scattered rain showers in Luzon including Metro Manila. Moderate to strong winds are expected to blow toward the Visayas and Mindanao in the coming days. [By the way, beware of typhoon Noynoy’s thunder – it wouldn’t shut up!]

ATY_villar Typhoon Villar
Earlier forecast categorized it as a “super typhoon” maintaining strength in Luzon, Visayas, and Mindanao. Roads and road extensions were damaged – twice (double devastation). But the entry of Typhoon Noynoy in Philippine territory has eclipsed its impact. The rest of the country will remain cloudy though.

ATY_bro Typhoon (Brother) Eddie:
A similarly-named typhoon entered the country in 2004 and threatened to pour 5 million centimeters of rainwater in the entire country. You know what happened. The typhoon was re-categorized as a drizzle.

ATY_bayani Typhoon Bayani
This weather disturbance was located at 14° 38′ 24″ North Northwest of Marikina City. Weather experts refused to categorize it as a typhoon because its impact is localized. It did, however attempt to pack maximum sustained winds similar to a tropical storm. But latest satellite data revealed no sign of activity.

ATY_vgibo Typhoon Gibo
It was nowhere near the Philippine area of responsibility until three hours before PAGASA made its latest forecast. In fact, typhoon Bayani’s moderate winds were already blowing east of the metro before Gibo made its presence felt and officially entered Philippine territory. The weather bureau forecasts similarities in the movements of typhoon Gibo and typhoon Gloria although both Gibo and typhoon Noynoy originated approximately 10 miles east of Central Luzon.

aty_binay Typhoon Jejomar
Described by weather specialists as “stubborn” and territorial,” this typhoon has recently threatened the whole country if not for some climatological developments. What’s alarming is that people to tend to ignore Typhoon Jejomar’s ability to destroy. It has remained stationary for 23 years (and counting).

Typhoon JDV
No heavy rains. No lightning. No flooding. It’s all thunder and wind.

ATY_chix Typhoon Loren & Typhoon Chiz
For the first time in local weather history, two typhoons entered the country at the same time making landfall on the same area. The impact is moderate though, without much damage, and both typhoons are expected to leave soon… unless either of them interact with typhoon Erap.

ATY_jamb Typhoon Jamby
The hardest to predict among the weather disturbances. Scattered raindrops will not completely wet an exposed surface regardless of duration. But the public is advised to remain cautious of lightning. Despite the rains, temperatures will remain high.

ATY_puno Typhoon Ronnie (Puno)
No satellite or surface data was made available because… “Tahimik lamang magtrabaho ang Typhoon Ronnie kaya maraming nagagawa (na damage).”
__________
“There are some things you learn best in calm, and some in storm.”
~ Willa Sibert Cather

Personal
I just read Malaya columnist Lito Banayo’s piece today, October 6. I have one word for him: peace. And to my readers, thank you so so so much. Let’s just get back to work and make this third world country a happy place to live.

Here’s that portion of Mr. Banayo’s column:
“We rushed our article last Friday the previous morning due to a series of early meetings. The night before, a friend e-mailed us this: “Several political personalities and controversial celebrities reportedly used Twitter to express their thoughts on this latest tragedy. Here are samples of unverified posted tweets.”

I saved the very wittily written “tweets”, and on Thursday morning, while I was on a rush for a scheduled meeting, I decided to use them for my Friday, October 2 column. Little did I realize at the time that the witticisms came from “the professional heckler.wordpress.com.” I even added two or so lines to what my friend sent me.

Readers informed me about my non-attribution as early as Friday afternoon, but there was no way I could apologize in print until today. So very sorry, professional heckler, and to the blog’s many followers as well.”

PIRATES & PRAYERS

Postscript to a Senate Coup
Did you hear about US President-elect Barack Obama’s pre-dawn call to President Arroyo last Tuesday? They say Malacañang is so proud of that one call… to which Senate President Juan Ponce Enrile said, “That’s nothing! Before dawn last Tuesday, I received 13 calls.”

As of press time Thursday, both the Senate majority and minority were claiming Sen. Lito Lapid, the confused chairman of the games and amusements committee as their own – prompting the Kapampangan action star to complain, “Ewan ko nga ba sa mga ‘yan. Ang gulu-gulo at ang ingay-ingay sa session hall. Kulang na nga ako sa tulog eh.”

Sen. Francis Escudero wants the chairmanship of the powerful Blue Ribbon committee. Sen. Richard Gordon also wants the Blue Ribbon. Other senators want Alan Peter Cayetano to keep the Blue Ribbon. Everyone is desperate for the Blue Ribbon… except perhaps for Lito Lapid whose only craving is a Red Ribbon.

A Worried JDV
Reports say Cong. Jose De Venecia is worried about the upcoming new appointments in the Supreme Court. Two days ago, he got worried when Juan Ponce Enrile was installed Senate president. He is also worried Congress might totally junk the impeachment complaint filed by his son against President Arroyo. Kawawa naman ‘tong taong ‘to. Ayaw tigilan ng konsensya. Nakakatulog pa kaya siya?

Pulse Asia Survey
In the latest survey conducted by Pulse Asia Inc, 58 percent of Filipinos said they were “losers” or “worse now” compared to last year. Sen. Manuel Villar and Cong. Jose De Venecia share the same sentiment.


Somali Pirates I
According to the Department of Foreign Affairs, the number of abducted Filipino seafarers being held hostage in waters off Somalia rose to 134 after another group of Somali pirates seized a merchant vessel with seven Filipinos on board. President Arroyo is calling on all Filipinos to pray for the safety of the hostages. She ordered Press Secretary Jesus Dureza to lead the prayer.

Somali Pirates II
Somali pirates hijacked Saudi oil super-tanker Sirius Star with 19 Filipinos on board. Sketchy reports say the Pinoy hostages were allowed to use mobile phones. Those who were able to call home assured their loved ones they are being treated humanely, with some pirates even promising them clothes, food, and a chance to meet Johnny Depp.

__________
If you talk to God, you are praying. If God talks to you, you have schizophrenia.
~Thomas Szasz