I AM SHARING with you now the final batch of inquiries I got through email. If you’ve got questions yourselves, do not hesitate to ask by following me @HecklerForever on Twitter. I will try to answer your questions as promptly as possible. Thank you.
Here we go…
Dear Professional Heckler,
I am back! You should be ashamed of yourself for peddling lies to the public while I was away, knowing fully well that I could not confront your lies in my absence.
Naghihimutok,
FG
Dear FG,
Bakit ako? ‘Di ba? Kasi tingnan mo o, who will tell me? Who will tell me? Really! Did you guys even tell me about those choppers? Wala eh. Nobody even bothered. Nobody informed. It’s as if you’re waiting for me to just do that: lambast you while you’re away. Dapat i-inform, iinform. I should have been informed. ‘Yon lang ‘yon.
Heckler
Dear Professional Heckler,
Kapag hindi ako dumalo sa hearing, sasabihin nila, meron akong itinatago. Kapag umattend naman ako, baka atakihin ako sa puso. Ano ba ang dapat kong gawin?
Problemado,
FG
Dear FG,
Ang sipag mong sumulat ah. Wala kang ginagawa ‘no? Anyway, I’m sure, kahit dumalo ka pa sa hearing, meron ka pa ring itatago. You’ll freakin’ invoke your freakin right against freakin self-incrimination. What’s the freakin’ difference? ‘Wag ka na lang dumalo. Kailangan ka namin nang buhay.
Heckler
Dear Professional Heckler,
Sino ba talaga ang may-ari sa akin? ‘Yong Archibald Po o si FG?
Kainis,
Controversial Helicopters
Dear Controversial Helicopters,
Para sa ‘yong impormasyon, ang owner mo ngayon, ‘yong PNP. Sino ang may-ari sa ‘yo? Mali ka! Ang dapat na tanong: sino’ng kumita?
Heckler
Dear Professional Heckler,
Dapat ko bang ipa-feng shui ang Room 512 na dating kuwarto ni Migz sa Senado? You know, for good luck.
Padayon,
Koko
Dear Koko,
Ipina-feng shui na rin ‘yan ni Migz noon. Apparently, four years lang ang bisa ng suwerte. Hindi naman kasi hawak ng feng shui ang iyong kapalaran. Hawak ito ng election operators and canvassers. Sila ang dapat mong ipa-feng shui.
Heckler
Dear Professional Heckler,
After ng bakasyon namin ni Audrey, wala na akong gagawin. That’s what I fear most – boredom. Help!
Worried,
Migz
Dear Migz,
Since very close ka naman sa Team Azkals, why not try out for the team? Mestizo ka rin naman. Ayaw mo ba no’n? From Senate to soccer. Astig pare!
Heckler
Dear Professional Heckler,
Do you know where you’re going to? Do you like the things that life is showing you? Where are you going to? Do you know?
Answer me!
Senator Alan Peter
Dear Senator Alan Peter,
Talagang pinatugtog mo si Diana Ross sa Senate floor? Gano’ng level na ba ang mga mambabatas ngayon? I cannot imagine Senator Jovito Salonga trying to pull off the same stunt. Ang cheap huh!
Heckler
Dear Professional Heckler,
I never thought that a person of my stature would someday commit a stupid mistake and apologize to Mike Arroyo. Ano ang dapat kong gawin sa subordinate na nag-feed sa akin ng wrong Immigration info: suspindehin o sibakin?
Napahiya,
Madam Leila
Dear Madam Leila,
Itinatanong po ninyo kung dapat suspindehin o sibakin? Neither! Turuan n’yo na lang po ng tamang spelling. Ang tanga-tanga lang nila, sa totoo lang. Embarrassing!
Heckler
Dear Professional Heckler,
Hindi ko na ‘to kinakaya. Kinasuhan na ako ng electioneering. My God! What is happening?!
Ayoko na!
Manoling
Dear Manoling,
‘k.
Heckler
Dear Professional Heckler,
Nang lumabas ang aking interview sa “Showbiz Central” ng GMA7 last month, grabe ring insulto ang inabot ko online. Nilait-lait ako sa mga social networking sites. Nag-trend din ako sa Twitter worldwide at nasaktan rin ang aking pamilya. Pero bakit ni isa sa inyo, walang pumiyok at nagsabing may nagaganap na cyber-bullying? Bakit walang nag-raise ng isyu ng social media excess? Bakit?
Naiiyak,
Amanda C
Dear Amanda C,
Summa cum laude ka ba? UP Law ka ba? Dati ka bang opisyal ng University Student Council sa State University? Nagre-review ka ba ngayon for the bar exams? Lumusong ka ba sa baha at lumutang ang kotse habang eksklusibong kinukunan ng isang TV reporter? Kung hindi, ‘wag ka nang magtaka. Life’s unfair. I’m sure, familiar ka rin naman sa terminong ‘double standard,’ right?
Heckler
Dear Professional Heckler,
Sino na po ang dini-date ngayon ng ating Pangulo? May update ba kayo sa kanyang lovelife?
Intrigera lang,
Tarcila
Dear Tarcila,
Kasi naman, pinansin pa ng media. Ayan tuloy, hindi na niya binabanggit ang lovelife niya sa kanyang speeches. Mag-aminan na tayo! Nami-miss mo ang tsismis ‘no?
Heckler
P.S. May alam ka ba? Itext mo naman.
Dear Professional Heckler,
Wala kaming incentives na makukuha sa government dahil ayon sa Philippine Sports Commission (PSC) hindi raw kami national athletes. Anong masasabi mo?
Champs,
Philippine Dragon Boat Team
Dear Philippine Dragon Boat Team,
Hindi man kayo national athletes, national pride naman kayo! Sabihin n’yo sa mga opisyal ng PSC, “isaksak n’yo sa baga n’yo ang incentives n’yo!”
Heckler
Dear Professional Heckler,
Kamakalawa po ay nagkaroon ng hearing sa Senado tungkol sa illegal trade ng mga tukô. Nagulat po ako nang makita ko sa TV na may mga buháy na tukông dinala sa Senado. Ano po ang unang reaksyon ng mga senador nang makita ang mga ‘yon?
Wala lang,
Aling Budang
Dear Aling Budang,
Isa lang ang naging reaksyon ng mga senador nang makita ang mga tukô. Sabi nila: “Welcome to the Senate ‘kapamilya!’”
Heckler

Dear Professional Heckler,
Your pathetic UP bias aside, do you think we could sweep the second round of the UAAP cage wars for a 14-0 win-loss slate?
One Big Fight,
Kiefer & Slaughter
Dear Kiefer & Slaughter,
Whatever!
Heckler
Dear Professional Heckler,
Patahimikin n’yo na ako! Please lang. Ilibing n’yo na ako!
Nagmamakaawa,
Ferdie Macoy
Dear Ferdie Macoy,
Fault ko? Fault kong nasa freezer pa rin ang katawang lupa mo??? Sorry ka na lang dahil choosy ang pamilya mo!
Heckler
—————————————————————————————
“Falling ill is not something that happens to us, it is a choice we make as a result of things happening to us.”
~Jonathan Miller
Personal
Thank you so much for the nomination. The Professional Heckler is one of the finalists in the Globe T@tt Awards: WordSlayer category. You may visit the official site to vote for your favorites. Bahala na kayo. Malalaki na kayo. Sabi nga ni Zenaida Seva, meron kayong free will, gamitin n’yo ito. Mabuhay!
You Have Spoken
Umabuso raw ang users ng social media (Twitter, Facebook, etc) sa pag-handle sa insidenteng kinasangkutan ni Christopher Lao. Your take:
-Excuse me. We’re just expressing our views, our thoughts on what happened. 50.45%
-Agree ako. Dapat isipin muna kung ano ang ating isusulat o ipopost. Baka nakakasakit na tayo. 30%
-Sino si Christopher Lao? 19.55%
Share this on Facebook and Twitter: 

I am on Twitter: @HecklerForever.
Have fun!
Like this:
Like Loading...
You must be logged in to post a comment.