“There are so many attention whores out there, prostituting for people’s acknowledgment.”
~Jason Myers, The Mission

1: Question: Bakit sila nag-‘Thank You’ kay Sec. Jesse?
A: Sayang kasi ang ex-deal sa tarp supplier; expiring na on August 31. At least nagamit.
B: Hindi rin nila alam. In fact, ‘di nila nabasa ‘yon. Ang chineck lang nila kung tama ang spelling ng kanilang mga pangalan.
C: Nagpa-Thank You lang, epal na? ‘Di ba pwedeng sad muna?

2: Question: Ano ang kuneksyon ng LPG at gas sa konsehal na nasa larawan?
A: ‘Yan din ang tanong namin.
B: Kung hindi krimen ang sumunog ng kapwa, siya ang uunahin.
C: Wala lang. Bakit? Dapat ba laging may kuneksyon? Hindi naman ah. ‘Wag nga kayong mapanghusga.

3: Titigan ang larawan. ‘Yan ang ex-boyfriend ni Aiko Melendez na boyfriend ngayon ni Ara Mina. Mayor siya ng Bulacan, Bulacan. Question: Senior citizen na ba si Patrick Meneses?
A: Sa totoo lang, secret ‘yan eh. Siya ang kauna-unahang Benjamin Button case sa Asya. He turned 78 this year. Sssh. Secret lang huh.
B: Bata pa s’ya. Mahusay lang na writer kaya siya ang naatasang mag-draft ng Senior Citizen Handbook sa buong Pilipinas.
C: I’m not sure. Pero ‘yong pose na ‘yan, parang nagsusumigaw: “Hoooooy! Gusto ko ng second term!”

4: Question: Ito ay nakunan sa Mapagkumbaba Street in Sikatuna Village, Quezon City. Ano ang ibig sabihin ng kaepalang HB sa kalye?
A: Harlene Bautista
B: Hero Bautista
C: Kung kilala mo sina Hero at Harlene, matanda ka na!

5: Question: Ano ang title ng book na ipinamamahagi ni konsehala?
A: “Candys Be Love?”
B: “Papansin 101: Paano Manalo sa Reelection Bid”
C: “Ang Gandaaa, Ang Dulaaaas, Ang Lambot… Parang Hinot-oil”

6: Question: Kung aalisin mo ang acronym na ‘TESDA’ sa slogang “Sa TESDA, may choice ka,” at papalitan ng ibang word o words, ano ang angkop na kapalit?
A: 2013. “Sa 2013, may choice ka!”
B: Balota. “Sa Balota, may choice ka!”
C: Relief Operations. “Sa Relief Operations, may choice ka!”

7: Question: Anong tanong ang nabuo sa iyong isipan matapos mong makita ang larawan?
A: Kung taxes namin ‘yan, bakit mukha n’yo ang nakabalandra?
B: May kumita kaya sa construction ng priority project na ‘yan?
C: Sa lalawigan ba ng Bataan, iisa ang apelyido ng mga residente?

8: Question: Kailangan ba talagang ‘yong mukha ng congressman ay nasa bag ng estudyante?!?
A: Libre ‘yan. ‘Wag nang choosy.
B: Oo naman. And take note of the word PAG ASA. In place of a hyphen, may malabong letter B. i wonder what it means. Clue naman d’yan!
C: Baka naman galing sa sariling bulsa ang ipinambili ng bag. Hayaan n’yo na. Kayo talaga, ang dumi ng isip!

9: Question: Anong kaguluhan ito?
A: Wala naman. Gusto lang i-emphasize na mayora siya.
B: Why not? That police car was acquired through the initiative of the hardworking mayor.
C: Kanya-kanyang trip ‘yan. Kung naiinggit ka, bumili ka ng sarili mong police car at palagyan mo ng iyong pangalan!

10: Question: Anong kasalanan ng mga taga-Quezon City at pinaparusahan sila ng ganito ng kanilang mga lider?
A: Parusa ba ‘yan? Excuse me, it just goes to prove na ‘It’s more fun in Kyusi!’
B: ‘Wag kang makialam kung ‘di ka taga-QC. Ibinoto ko, problema ko, sagot ko.
C: Ang cute nga eh! Parang ‘The Avengers.’ Ang hindi ko lang talaga ma-take eh ‘yong bangs ni Winnie Castelo. Sumpa ba ito?
Send your answers to your local government executives with the message: HUWAG TULARAN. DON’T BE EPAL. Good luck!
In Other News
President Aquino has chosen Maria Lourdes Sereno as the new Chief Justice of the Supreme Court. When Renato Corona heard the news, he texted a smiley to Antonio Carpio.
Reports say Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno will serve until 2030. And the Mayans were like, “Wehhh?”
RIP Neil Armstrong
Here’s a sad news: Neil Armstrong, the first man on the moon has died at the age of 82. Many people were shocked… mostly because they didn’t know he’s still alive.
Neil Armstrong, the first man to walk on the moon has died. But reports say the second moonwalker is still alive. Really?! Michael Jackson’s not dead?!? You’ve got to be kidding me.
Neil Armstrong died a day after the death of Lance Armstrong’s career.
Neil Armstrong is dead. May he rest in space.

Have a great week ahead!
I am on Twitter: @HecklerForever.
For the images used in the Epal Quiz, thank you to the following:
Noemi Lardizabal-Dado, Epal Watch, Anti-Epal Facebook Page, Support the Anti-Epal Bill FB Page, @philippinebeat @chriscrosspoint, @jimparedes, @saleemarefran, Interaksyon.Com, @kingdelresosario, Wenchie318, Showbiz Government, TaoPo.Org and Menchie Silvestre.
Like this:
Like Loading...