On Thursday, September 9, 2010, President Noynoy Aquino answered questions from a panel of news anchors representing the country’s three biggest networks: Mel Tiangco for GMA 7, Ted Failon for ABS-CBN, and Paolo Bediones for TV5.

After the no holds barred interview, The Professional Heckler requested for an exclusive, more honest, one-on-one “follow up” conversation with the Chief Executive. Here are some unedited excerpts:
The Professional Heckler (TPH): Mahal na Pangulo, magandang hapon po.
President Noynoy Aquino (PNA): Magandang hapon naman. Sino ka nga ulit? Pasensya na, hindi kasi sure ‘yong aide ko kung sino ka at para saan ang panayam na ito.
TPH: Gano’n po ba? Talagang consistent ang aide na ‘yan ah.
PNA: May sinasabi ka?
TPH: Wala po. Ang sabi ko po, isa akong blogger at pinayagan ako ng head ng Communications Group n’yo na makausap kayo nang one-on-one.
PNA: Talaga? Sino sa kanila? Tatlo ‘yon eh.
TPH: ‘Yon pong taga-Balay Group.
PNA: Ah si Attorney Lacierda!
TPH: Hindi po. ‘Yong dating broadcaster na nakaka-tweet ko bago siya nabigyan ng puwesto sa gobyerno.
PNA: Ahhhhhhhh, okay. Bakit? Hindi na ba siya nagtu-tweet ngayon?
TPH: ‘Pansin ko lang po, hindi na masyado. Pero minsan, nagdi-direct message na lang sa Twitter. Parang careful na po yata.
PNA: I see. Sige, basta bilisan na lang natin huh. You have 10 minutes. May pupuntahan pa ko eh.
TPH: Unang isyu po mahal na Pangulo: kanina, tinanong kayo kung may paksyon-paksyon sa gabinete. Ang sabi n’yo wala. Ang tanong ko po: sino ang nag-advise sa inyo na ganyan ang isagot n’yo: ang Balay Group o ang Samar Group?
PNA: Actually pareho, este, I mean… wala. Wala ngang paksyon ‘di ba? So walang nag-advise sa akin.
TPH: Pero iba po ang nakikita namin. Halimbawa, dalawa ang head ng inyong Communications Group. Coloma sa kanan, Carandang sa kaliwa. May Lacierda pa sa gitna. ‘Tapos, minsan magkakaiba ang kanilang sinasabi. Ang DILG naman, tila hinati sa DI at sa LG… may Robredo sa taas, may Puno sa baba. Hindi po ba magulo?!
PNA: Hindi mo kasi naiintindihan dahil hindi ikaw ang nasa puwesto! ‘Di ba nga may kasabihan tayo, “Many hands make light work.”
TPH: Pero mahal na Pangulo, “Too many cooks spoil the broth.”
PNA: Hindi rin eh. Kasi nga, “Two heads are better than one.”
TPH: Ok, fine! So, whose heads will roll?
PNA: Ba’t naman napunta do’n ang usapan?
TPH: Kasi ‘yon po ang ugat ng isyu eh – ang kapalpakan sa hostage crisis. So sinong sisibakin n’yo?
PNA: Masyado ka namang atat. Siguro ‘Edcel’ ang pangalan mo!? O baka naman ‘Lagman’ ang iyong apelyido!? Hintayin muna natin ang final report ni Secretary De Lima.

TPH: Kanina po sa panel interview, you categorically stated na hindi n’yo na iniintindi kung mataas o mababa man ang trust rating o tiwala sa inyo ng publiko. Ang tanong: ‘Di nga?!?
PNA: Huh?
TPH: Ire-rephrase ko po ang tanong: noong panahon ng kampanya, halos ibandera n’yo ang resulta ng bawat survey partikular ang mataas n’yong trust rating. Pero ngayon, sabi n’yo hindi n’yo na gaanong iniintindi ang mga surveys. Sino po ang nagturo sa inyo na maging ipokrito?
PNA: Ilang minuto nga ang interview na ito?
TPH: Sige po. ‘Wag n’yo na lang sagutin.
TPH: Pangatlong isyu po. Sabi n’yo, wala ni isa man sa miyembro ng inyong gabinete ang na-appoint bilang pagtanaw ng utang na loob sa kanilang naging ambag sa inyong kandidatura. Ang tanong: Owws?
PNA: Off the record puwede?
TPH: Sige po.
PNA: Do you really expect me to admit on live television na nagbabayad-utang ako sa ilang cabinet appointees? Konting common sense naman ‘tol. Kahit naman yata sinong presidente ang tanungin mo, hindi aamin! Pero, siyempre factor ‘yon. In all fairness though to my cabinet appointees, highly qualified silang lahat.
TPH: How will you describe Secretary Jesse Robredo in one word?
PNA: Puwedeng four?
TPH: Three!
PNA: Sige. Ramon Magsaysay Awardee.
TPH: Sobrang safe naman ng answer n’yo. In hindsight po ba, would you have appointed Vice President Binay as DILG chief instead of him?
PNA: Off the record ulit puwede?
TPH: Sure!
PNA: Matagal na panahon kong pinag-isipan ang bagay na ‘yan. Naipit ako sa dalawang nag-uumpugang bato eh. ‘Yung sinasabi mong Balay group, mapilit para kay Robredo. Siyempre, popular, awardee. Pero ‘yong kabilang kampo, nangungulit rin. So para everybody happy, nag-suggest ako: ang local government, kay Robredo; ang kapulisan, kay Puno.
TPH: Eh biglang nagka-hostage crisis…
PNA: Eh biglang nagka-hostage crisis… off the record please! Ayun! Na-obvious tuloy ang hatian ng puwesto! ‘Pag mamalasin ka nga naman, oo! Hayyy!
TPH: Pag-usapan naman natin ang inyong Little President. Ang tanong ko po mahal na Pangulo: meron ba?
PNA: What do you mean? Siyempre, meron! Andiyan lang siya. To be fair, I’ve known Jojo Ochoa since our Ateneo days. Tahimik na tao talaga ‘yan! Maingay lang ‘yan kapag nakakainom.
TPH: ‘Yon po sana ang gusto kong itanong. Dalawang beses na kasing lumalabas sa Newsbreak ang isyu ng pagiging lasenggo ng Executive Secretary n’yo. Ang latest, nakita raw siya sa lobby ng isang hotel na nakasalampak dahil sa kalasingan.
PNA: Nakasalampak?!? That’s absolutely baseless! To be fair, I’ve known Jojo Ochoa since our Ateneo days. Kahit lasing na lasing ‘yan, maayos na umuupo ‘yan! Kaya ‘yong balitang nakasalampak siya? I seriously doubt it!
TPH: Pero inaamin n’yo pong umiinom siya?
PNA: To be fair, I’ve known Jojo Ochoa since our Ateneo days. Kung umiinom man siya, occasionally. Nagkataon lang na sunud-sunod ang okasyon lately. Kaya ‘yon, sunud-sunod rin siguro ang inom.
TPH: Sa inyong panel interview kanina, tinanong kayo about former PAGASA Chief Prisco Nilo at napansin kong tila malaki ang galit n’yo sa kanya. In fact, sinabi n’yong may “propaganda arm” si Dr. Nilo. Apparently, nasa kanya ang simpatya ng media at publiko ngayon. Ang tanong ko po: kung nananalo ang “propaganda arm” ni Prisco Nilo laban sa “propaganda arm” ng mga taong nagsulsol sa inyo upang sibakin siya, why not?
PNA: Gusto ko lang linawin okay, wala akong galit sa puny3+@*%ang$3* Prisco Nilo na yan%#%12^@@% okay? And to be fair, I’ve known Jojo Ochoa since our Ateneo days. Kahit bayaw niya ang DOST secretary, hindi siya ang nagsulsol upang palitan si Prisco Nilo! Palpak lang talaga ang forecast niya! Ni hindi nga niya na-forecast na masisibak siya sa puwesto ‘no! Basta, palpak siya! At inuulit ko: wala akong galit %#@$0)^ sa kanya%#@^9)!
TPH: Ang puso n’yo! Easy lang po mahal na Pangulo, okay? Heto na lang ang mas light na question. Kayo po ba ni Councilor Shalani Soledad ay nag-date na sa Emerald Garden Restaurant?
PNA: You make me blush.
TPH: Hahaha! Seryosong tanong po ‘yan.
PNA: Hmmm, siguro four to five times na. In fact, some of the most memorable moments namin together, nangyari sa Emerald.
TPH: But after the August 23 hostage crisis, sa tingin n’yo babalik pa kayo roon?
PNA: Oo naman!
TPH: You mean, magdi-date pa rin kayo ni Shalani sa Emerald kahit may masamang memories ng naganap na hostage?
PNA: Yeah! Because, I’m a hostage of love.
TPH: Awwwr!
TPH: Alam po ng lahat na mahusay kayo sa paghawak ng baril. Puwede ho bang malaman kung kailan kayo huling nagpaputok?
PNA: You make me blush again.
TPH: Seryoso po ‘yong tanong ko.
PNA: Hmmm, last Saturday lang.
TPH: Gaano ba kayo kadalas magpaputok?
PNA: Kada Sabado.
TPH: Enjoy ba kayo?
PNA: ‘Yon nga lang ang libangan natin eh. Siyempre, kahit papa’ano, nakakalimutan ko ang aking mga problema.
PNA: Puwede bang two to three questions na lang? Mali-late na ‘ko eh.
TPH: Sige po! Ayon sa ilang palace insiders na nakausap ni Sandra Aguinaldo ng GMA News, divided raw ang members ng Cabinet n’yo sa desisyong humarap kayo sa isang media panel. Bakit n’yo nga ba naisipan ang nasabing no holds barred interview?
PNA: Off the record… just imagine kung ang haharap sa panel ay ang tatlong spokesman ng palasyo. Sa tingin mo ba magtatagal ang aking gobyerno kapag silang tatlo ang pinagsalita ko? Six years ang termino ko, six years! Hindi 100 days!
TPH: Reaksyon lang po sa impeachment complaint against Ombudsman Merceditas Gutierrez na ayon sa House committee on justice ay “sufficient in form and substance.”
PNA: Iginagalang ko ang separation ng kapangyarihan ng ehekutibo at lehislatibo. Trabaho nila ‘yon; may sinusunod silang proseso, hayaan natin sila. Bilang Pangulo, hindi ako dapat nakikialam. Sanga pala, kung nababasa ito ngayon ng mga miyembro ng House justice committee, I have two words for you: ‘Keep it up!’
TPH: Dumako naman po tayo sa isang maliit na bagay na posibleng ilan lamang ang nakapansin. Bago po naganap ang hostage crisis, ito po ang default pic sa inyong Facebook account…

TPH: Nang magalit ang mga Hong Kong nationals… ito naman ang inyong ginamit na default pic:

TPH: Pero nang bumisita ako kanina, ito na ulit ang aking nakita:

TPH: Pati po ba sa Facebook, may paksyon din?
PNA: Nang-aasar ka?!?
TPH: Ang ibig ko pong sabihin: ang default Facebook photo po ba ninyo ay nakabatay sa inyong mood for the week?
PNA: Alam mo, ayaw ko nang palakihin pa ang isang trivial na bagay. Besides, off the record huh… ni hindi ko nga alam ang password sa Facebook account ko, paano ko mapapalitan ang default pic? Common sense ulit ‘tol!

TPH: Maiba naman po ako, kumusta na po si Kris? Ano pong advice ang ibinibigay n’yo ngayong may pinagdaraanan sila ni James Yap?
PNA: Wala. Sa palagay ko naman, nasa tamang edad na siya para magpasya.
TPH: Pero nasa tamang pag-iisip naman po ba?
PNA: ‘Yan ang magandang tanong! Pero hayaan na natin ang aking kapatid. Ang problema niya… isang lalaki. Ang problema ko… isang bansa! Sa tingin mo, alin ang dapat kong unahin?
TPH: Kereeeek! May tama ka!

TPH: Bago po ako tuluyang magpaalam, may ‘pinapatanong lang po ang isa kong Twitter follower: Bakit daw po sina Mel Tiangco, Ted Failon, at Paolo Bediones ang nagtanong sa inyo? Bakit hindi raw po sina Maria Ressa, Jessica Soho, at Luchi Cruz-Valdez?
PNA: Pati ba naman ‘yan, gagawan n’yo pa ng intriga? That, for me is a non-issue. Kahit sino pa man ang nagtanong, que sina RG Cruz, Mark Salazar o Jove Francisco pa ‘yan, ang mahalaga, malinaw ang aking mga naging sagot at well-represented ang tatlong henerasyon ng mga mamamahayag sa panel.
TPH: Dahil d’yan, Mr. President… may nagteeeeexxxt! “I totally resent that observation! Yours truly, Tita Mel”
PNA: Hahaha! No comment na lang.
TPH: Pahabol pong tanong: malapit na po ang finals ng UAAP. Fearless forecast: Ateneo o La Salle?
PNA: ‘Tinatanong pa ba ‘yan? Siyempre, UP!
TPH: Nang-aasar po kayo?!
PNA: Huh? Bakit? ‘Di ba UAAP cheerdance ang itinatanong mo?
TPH: Basketball po.
PNA: Ahhhh, wala. Bilang Pangulo, dapat nasa gitna ako. Dapat wala akong kinikilingan at wala akong pinapanigan. Sa aking pamahalaan, bawal ang paksyon! Walang paksyon! At hinding-hindi magkakaroon ng paksyon!
(The President’s phone rings…)
PNA: Hello?
Male Voice: Sir, remind ko lang po ‘yong party sa Balay mamaya. Invited daw po kayo.
PNA: Gano’n ba? Pakisabi, mali-late ako. May salu-salo din kasi sa Samar. Naunang nag-invite ‘yon eh. Bye.
TPH: One final question, Mr. President.
PNA: Go ahead!
TPH: Boxers or briefs?
PNA: You make me blush.
End of Interview.
——————-
“A basic tenet of a healthy democracy is open dialogue and transparency.”
~Peter Fenn
Survey Says
Hindi siya kasama sa listahan ng mga opisyales na ipakukumpirma ng palasyo sa Commission on Appointments. Kung ikaw si Sec. Jesse Robredo, ano ang gagawin mo?
– Wala lang! Tuloy ang trabaho. 33.87%
– Bastusan na! I will resign. 59.91%
– Wala akong pakialam! 6.22%
We have a new survey. Please vote now.
Personal
UP will probably close its UAAP season with a 0-14 win-loss card on Saturday, September 10. Allow me to share the recent Facebook status of Fighting Maroon Martin Reyes:
“The game on saturday will be played with nothing but heart. It will be for God, my family, friends, teammates, coaches, classmates and most especially for the University of the Philippines. It has been one helluva ride and i would not trade MAROON for any other color…. salamat UP”
Good luck to the UP Pep Squad on Sunday! UP Fight!
2010 UAAP-Samsung Cheerdance Competition (Sunday, September 12): Order of Performance: UE, UST, DLSU, ADMU, FEU, UP, AdU and NU
Enjoy your weekend!
[Share this article on Facebook and Twitter: 
]
Don’t follow me on Twitter. Do not click here. You’ve been warned.
Like this:
Like Loading...