DUTERTE: MAGTIIS KAYO! PU*!@#1&@ N^0! (A Lenten Message)

Katulad ni Hesus, tayong mga Pilipino ay dapat magtiis at magsakripisyo. Kung walang tubig, magtiis…

LENTEN MESSAGE OF 
PRESIDENT RODRIGO DUTERTE
April 2019

Minamahal kong mga kababayan,

Ang Kuwaresma ay panahon ng pagtitika at sakripisyo.

Katulad ni Hesus, tayong mga Pilipino ay dapat magtiis at magsakripisyo. Kung walang tubig, magtiis. Kung brownout, magtiis. Kung walang trabaho dahil napunta na sa mga Chinese, magtiis. Kung naipit sa traffic, magtiis. Kung inosente at napatay sa raid ng pulis, magtiis. Ibinoto n’yo ako, magtiis kayo!

Ang pagsasakripisyo ngayong Kuwaresma ay isang paraan para mapalapit sa Itaas. Sa mga nagugutom at walang makain, huwag n’yong sisihin ang gobyerno. Isipin n’yo na lang na mas mapapalapit kayo sa Panginoon. Puro kayo reklamo, ‘tang i*a n’yo, magtrabaho kayo!

Sabi nga nila, we have to give up something for Lent lalo na ngayong Holy Week. Some people are giving up alcohol, ‘yung iba will give up smoking while some will give up meat. Mula nang ako’y maging presidente, consistent ako. Isa lang ang ginive-up ko, ang West Philippine Sea. P*tang i*a n’yo, kung gusto n’yong lumaban sa China, kayo na lang. Wala kayong barkong pang-guerra ‘tapos makikipag-agawan kayo ng isla, mga bobo kayo, ‘tang i*a n’yo!

Si Barrabas o si Hesus? Sino ba ang pinalaya ni Poncio Pilato? ‘Di ba ‘yung kriminal? ‘Wag kayong magreklamo kung bakit malaya pa rin sina Michael Yang at Peter Lim. Sumusunod lang ako sa Bibliya.

Si Hesus ay biktima ng paninira at maling bintang. Ganyang-ganyan ang ginagawa ng Bikoy na ‘yan sa aking pamilya. Lahat na lang idinawit mo sa druga p*tang i*a ka. Maliit ang t*ti mo pisti ka! ‘Yung akin, malaki! Ulol!

Maraming bumabatikos sa senatorial candidates ng Hugpong ng Pagbabago. Sabi nila, mga magnanakaw daw. Bakit? Anong masama sa magnanakaw? Nang ipako sa krus si Hesus, ‘di ba dalawang magnanakaw ang katabi niya? At anong sabi niya sa  magnanakaw? “Isasama kita sa kaharian ng Diyos.” Ang linaw ng sinabi n’ya. Kaya ‘di ko maintindihan kung bakit galit na galit kayo kina Bong Revilla at Jinggoy Estrada.

At dahil Holy Week, uso na naman ang Visita Iglesia. Kung ako sa n’yo, ‘wag na kayong magsimba. Pisti ‘yang mga pari at obispong ‘yan. ‘Pag nakasalubong n’yo, holdapin n’yo, ako ang bahala sa inyo.

Hanggang dito na lamang. Maraming salamat at nawa’y maging ligtas ang inyong bakasyon. Paalala lang: Huwag manlalaban. 

————————————————————————

“A traitor leader is the outcome of a fool nation.”
~M.F. Moonzajer, ‘30 Pieces’

For a daily dose of political humor and more, follow me on Twitter: @HecklerForever8

Advertisements

UNEDITED: DUTERTE’S ORIGINAL HOLY WEEK MESSAGE

Si Hesus o si Barabbas?! Sino ba ang pinalaya: ang kriminal o ang walang sala? Ito ang inspirasyon ko kung bakit ang mga big-time drug lords ay aking pinakawalan habang patuloy ang persekusyon kay Leila De Lima at sa iba pang kritiko ng aking pamahalaan.

1ddd

Mensahe ng
Kagalang-galang Rodrigo R. Duterte
Pangulo ng Pilipinas
Sa Sambayanang Pilipino
Ukol sa Mahal na Araw
[Ika-25 ng Marso 2018]

Mga kababayan,

Nakikiisa ako sampu ng aking Gabinete sa paggunita ng mga Kristiyano sa pagpapakasakit at pagkamatay ni Hesukrito.

Katulad ni Hesus, tayong mga Pilipino ay dapat magtiis at magsakripisyo. Kung patuloy ang pagtaas ng presyo ng gas at mga bilihin, magtiis. Kung wala pa ring hinto ang extrajudicial killing, magtiis. Kung napakatagal ng oras sa paghihintay sa laging sirang MRT, magtiis. Kung walang pagbabago sa traffic, magtiis. Si Hesus nga, hindi nagreklamo, kayo pa kaya?

Maling sabihing walang basehan ang mga patakarang ipinatutupad ko. Sumusunod lamang ako sa nasusulat sa banal na aklat.

Si Barabbas o si Hesus?! Sino ba ang pinalaya: ang kriminal o ang walang sala? Ito ang inspirasyon ko kung bakit ang mga big-time drug lords ay aking pinakawalan habang patuloy ang persekusyon kay Leila De Lima at sa iba pang kritiko ng aking pamahalaan.

Maraming nagagalit kay Hudas dahil ipinagkanulo nito si Hesus kapalit ng ilang pirasong pilak. Biktima ng fake news si Hudas. Kung may Rappler, Inquirer at ABSCBN news noon, malamang hindi nila ibinalita ang positibong aspeto ng ginawa nito. Ginamit siya ng Panginoon upang maganap ang nasusulat.

Nakikita ko ang aking sarili kay Hudas. Gayunman, hindi tatlumpong pirasong pilak lamang ang kapalit ng mga isla sa West Philippine Sea. Napakalaking halaga ng ipauutang sa atin ng China. Ito ang bubuhay sa ating ekonomiya. Kaya’t labis akong nagtataka kung bakit inaakusahan ako ng pagtatraydor sa bayan. Hindi ito pagtatraydor. Ito ay pagmamalasakit.

Ang sabi ng aking mga kritiko, biktima ng extrajudicial killing si Hesus. Bakit? Hindi ba’t mga tao mismo noon ang humiling na ipako ito sa krus? Sa katunayan, ayon sa pananaliksik nina Martin Andanar at Mocha Uson ng Presidential Communications Office, aabot sa 16 million ang humiling kay Poncio Pilato na ipako sa krus si Hesus. Ibinalita ba ‘yan ng Rappler at Inquirer? Hindi!

Heto pa: sa pagkamatay ni Hesus ay nahugasan ang kasalanan ng mga masasama. Katulad ng EJK noon, maganda ang layunin ng EJK ngayon, ang linisin ang masasama.

Noong panahon ni Hesus, wala ni isa mang human rights group ang bumatikos sa pagpatay sa kanya. Pero ngayon, grabe ang ginagawang pakikialam ng UN at iba pang human rights organizations sa nagaganap na pagpatay sa bansa. ‘Tangina nila. ‘Pag ako nabuwisit, hindi lang sa ICC tayo aalis. Pati UN at Solar System lalayasan natin!

Ang Kuwaresma ay panahon ng fasting. Ito ay isang paraan ng sakripisyo upang mapalapit sa Itaas. Sa mga Filipinong araw-araw ay gutom dahil walang makain, huwag n’yong sisihin ang gobyerno. Isipin n’yo na lang na mas mapapalapit kayo sa Panginoon.

Ang Kuwaresma ay panahon din ng pagbabago. Gusto kong gamiting halimbawa ang aking tagapagsalitang si Harry Roque. Lahat ng ipinaglaban niya noon, tinalikuran na niya ngayon. Wala siyang hininging ginto, pilak o pera. Endorsement lang sa susunod na eleksyon, pwede na. Mabuhay ka!

Bago ako magtapos, gusto ko lang ipaalala: ang tunay na Kristiyano ay tahimik na gumugunita sa Mahal na Araw. Kung talagang mahal n’yo ang gobyerno at ang bansang ito, tatahimik na lang kayo. Tigilan n’yo na ang pag-iingay, pagpuna at pambabatikos sa ginagawa ng aking administrasyon. Kung hindi kayo tatahimik, putang ina n’yo, bilang na ang mahal na araw n’yo!  Patatahimikin ko kayo!

Hanggang dito na lamang. Maraming salamat at nawa’y maging ligtas ang inyong bakasyon. Huwag manlalaban. [Pastilan!]
—————————————————————————————————————————————
“A traitor leader is the outcome of a fool nation.”
~M.F. Moonzajer, ‘30 Pieces’

Sound Bites
My reading of the philosophy behind the creation of the ICC tells me this: If we want a world that allows no room for impunity, humanity must have recourse to a supranational mechanism for exacting accountability and dispensing justice, even where the actual victims themselves may have forgiven their oppressors.
~Prof. Randy David, ‘President Duterte is not the Philippine State’

Have a safe week! Enjoy your vacation!

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photo: Inquirer.net]