Advertisements

ANG PULIS AT ANG TAMBAY

23 06 2018

1DeccanChr

Cop: Sumama kayo sa amin sa presinto!

Guy: At bakit kami sasama?

Cop: Nakatambay lang kayo!

Guy: Excuse me?!

Cop: Sabi ko mga tambay kayo! Wala kayong ginagawa!

Guy: Magdahan-dahan ka sa pananalita mo mamang pulis! Baka nakakalimutan mong nandito ka sa Presidential Communications Operations Office!

Cop: Kaya nga.

* * * * *

Cop: Pagdadamputin ang mga ‘yan!

Guy: Anong kasalanan namin?

Cop: Tambay kayo! Walang pakinabang sa inyo ang lipunan! ‘Yung iba sa inyo nagnanakaw pa!

Guy: ‘Tang ina ka ah. Pakiulit nga ang sinabi mo!

Cop: Grabe ka naman, Congressman, ‘di na mabiro. Sige po, aalis na kami.

* * * * *

Cop 1: Hoy mga tambay, sumama kayo sa amin!

Cop 2: Oo nga! Sumama kayo sa amin.

Cop 3: Matagal na kayong tambay dito!

Cop 4: Tama! Abuso na kayo!

Cop 1: O, bakit hindi kayo sumagot! Magsalita kayo!

Cop 2: Naku sir, hindi talaga sasagot ang mga ‘yan. Hindi nga pala sila nakakaintindi ng Tagalog.

Cop 1: Radyuhan mo ang Coast Guard. Sabihin mo, magpadala ng interpreter dito sa Scarborough Shoal.

* * * * *

Cop: Hulihin ang mga ‘yan. Posasan! Dalhin sa presinto!

Guy: Teka lang sir. Anong kaso namin?

Cop: Mga tambay kayo!

Guy: Ano?! Nasa loob kami ng bahay eh. Paanong ‘di kami tatambay?!?

Cop: Basta! Sumama na lang kayo sa amin! Utos ‘yan ni Presidente.

Guy: Sir, ilegal ang ginagawa n’yo! Wala kami sa daan.

Cop: ‘Pag sinabi kong tambay kayo, tambay kayo!

Guy: Sir, may CCTV sa tapat. Magpapatunay ‘yan na hindi kami tambay.

Cop: Ba’t ngayon mo lang sinabi?!? Pumasok na kayo sa bahay. Baka masagasaan kayo rito. We care for your safety.

* * * * *

Cop: Damputin ang mga ‘yan!

Guy: Teka lang, sir. Anong kaso namin?

Cop: Wala. Sabi lang ni Presidente, arestuhin ang mga tambay.

Guy: Kahit walang kaso aarestuhin n’yo kesyo sinabi ng Presidente n’yo?!

Cop: Sumusunod lang kami sa utos!

Guy: Eh kung utusan kayong kumain ng tae, gagawin n’yo?

Cop: Siyempre, hindi. Magtatanong muna kami!

Guy:

Cop: Itatanong namin kung kakamayin ba o kukutsarahin. Mabuti nang sure. Eh kung mapanis?!

* * * * *

Cop: Arestuhin ang mga ‘yan!

Guy: Sandali! Anong arestuhin?

Cop: ‘Wag ka nang magtanong! Utos ito ng Presidente!

Guy: Hoy! Nabasa mo na ba ang headline ngayon? Heto: itinanggi ni Duterte na nag-utos siyang arestuhin ang mga tambay.

1Tambay1

Cop: Kahapon pa ‘yan. Mamaya o bukas, magbabago na naman ‘yan ng statement.

Guy: Sabagay. May point ka, sir.

Cop: Arestado ka pa rin! Sa presinto ka na magsipsip.

* * * * *

Cop: Hulihin ang tambay na ‘yan!

Guy: Teka lang! Bakit n’yo ako aarestuhin?!

Cop: Utos ng Presidente eh!

Guy: Para ano? Isasama sa presinto, bubugbugin kapag nangatwiran tapos papatayin? At kapag nagtanong ang media, sasabihing may sayad kaya sinaktan ang sarili at tuluyang nag-suicide? Tapos kapag nabistong gawa-gawa ang kwento, sasabihin n’yo kinuyog ng kapwa inmates? At kapag pinagdudahan pa rin at hiningi ang CCTV, sasabihin, ‘di ito gumagana nang oras na mapatay? HOY, MGA PULIS. KILALA KO NA KAYO! KILALANG-KILALA NA NAMIN KAYO! #WagKami

Cop: Kupal ka! Ang dami mong daldal. Hindi tuloy kami maka-quota! Sa ibang bahay na nga lang kami hahanap ng tambay. Leche ka!

* * * * *

Cop 1: Arestuhin ‘yan!

Guy: Teka lang mga sir. Anong kaso ko?

Cop 2: Wala naman. Tambay ka lang.

Cop 3: ‘Tsaka utos ito ni Presidente.

Guy: Pwes, pakisabi sa presidente n’yo, kung sinuman siyang bobo siya na ‘di nakakaunawa sa batas, PUTANG INA N’YA! PUTANG INA TALAGA N’YA!

Cop 1:

Cop 2:

Cop 3:

Guy: Ano pang hinihintay n’yo? Posasan n’yo na ako. Tara na. Ang bagal.
________________________________________________________________________________
“You were put here to protect us. But who protects us from you?”
~KRS-One

1TambayArgon
Sound Bites
“Noong dinala sa district hospital sabi ko, bakit ganito ang sinapit ng kapatid ko, buong katawan niya magang-maga. Hinawakan ko ‘yung katawan niya. Ang tigas ng kapatid ko, parang kagabi pa nila pinatay. Binaboy n’yo po ‘yung kapatid ko. ‘Tapos sa sasabihin n’yo pa nagwala ang kapatid ko? Hindi na kayang magwala ng kapatid ko dahil simula’t sapul nanghihina na siya.”
~Marilou Argoncillo, sister of Genesis Argoncillo, 22, a ‘tambay’ who was arrested and then murdered inside a police station

This is on you, Rodrigo Duterte. You are evil.

FYI
0kkk

0kkk
I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photo: Deccan Chronicle; Rappler]

Advertisements







%d bloggers like this: