Advertisements

DEAR CHARO: LIHAM MULA KAY RODRIGO

15 10 2017

Maalaala Mo Kaya
Episode No. 6.4B

“I read the condemnation of the European Union against me. I will tell them fuck you. Do not fuck with us! You leave my country in 24 hours. All of you! I repeat it, fuck you!”

(Before you continue, click this video for the “live” scoring. Wait for the music to start before reading.)

“May mga pagkakataon sa ating buhay na nakararamdam tayo ng matinding poot. Walang pagsidlan ang ating galit sa mga tao, bagay, o pangyayari sa ating paligid. Sa ganitong mga sandali, dapat bang pinipigil o mas dapat na ilabas natin ang ating tunay na damdamin? Paano natin lalabanan ang nakasanayang udyok na magmura, magbanta, manakit, o pumatay?

Magandang gabi mga Kapamilya. Sa espesyal na pang-anibersaryong handog ng ating programa, tampok ang kuwento ng isa nating kababayan na aminado mang galit sa ating himpilan ay patuloy pa rin naman sa panonood ng ating programa. Hindi ko alam kung siya ay tanga o ipokrito – pwede rin namang pareho.

Ang letter sender na ito ay itatago na lamang natin sa pangalang… Rodrigo. Narito ang kanyang kwento…

Dear Charo,

‘Tang ina mo! Matagal ko nang ipinadala ang sulat na ito pero ngayon mo lang babasahin?? Gago! Gumastos ako sa selyo sa post office kaya ‘wag mo akong gaguhin, ‘tang ina! Ginago na ako ng ABS-CBN noong eleksyon. ‘Di ako papayag na gaguhin ulit n’yo ngayon! Sabihin mo sa boss mong si Gabby Concepcion, gahaman siya sa pera, ‘tang ina niya!

O, ano pang hinihintay mo, ituloy mo na ang pagbabasa ng liham ko!

So ‘yon na nga Charo, hindi ko makontrol ang galit ko. Katulad last week, kumulo ang aking dugo nang mabasa ko ang headline na ito ng putang inang diyaryo ng mga Prieto:

1eu

Kaya nang mag-speech ako nang sumunod na araw, hindi ako nakapigil.

Putang ina n’yo EU, ang kapal ng mukha n’yong makialam sa mga patayan dito. Mga ipokrito! Fuck you! Fuck you! Fuck you! Lumayas kayo sa bansa ko – ngayon din! Fuck you!

Ganung level ang galit ko, Charo. Sukdulan kung sukdulan! ‘Tapos kinagabihan, nalaman ko, hindi pala officials ng EU ang minura ko. Mali pala ang na-feed sa aking info. Putang ina n’yo Inquirer, pahamak kayo. Fuck you! Magsasara din kayo tang ina n’yo!

Ang nakakatawa Charo, katulad ng dati, panic mode na naman si Abella. ‘Di alam kung paano ipaliliwanag ang sinabi ko. Ha-ha-ha ‘Di ba mukha na naman siyang tanga? Kaya mahal na mahal ko ‘yan eh. Kahit ilang beses kong gawing gago, nandiyan pa rin sa puwesto. Petmalu!

Ito nga pala ang sabi niya:

1e2u

Kahapon, may nagtanong din sa akin Charo: bakit daw tahimik si Alan Peter Cayetano ng DFA kahit minura-mura ko at pinalayas ang EU. Sagot ko: ‘Tang ina. Paano magsasalita ‘yon eh nagpapagaling pa ng lapnos after ng interview niya sa Al Jazeera? Hashtag burn! Konting pang-unawa naman mga lodi.

Akala ko, matatahimik na ako after ng isyu sa EU. Mali ako, Charo. Kinabukasan sa palasyo, may speech na naman ako. Eh mainit ang ulo ko dahil ‘di nag-flush ang tae ko. Tang ina, nagtapon kasi ng tissue sa inidoro si Honeylet kaya nagbara. Anyway, sabi ko sa speech ko: ‘Pag ‘di nagkaroon ng peace agreement sa Mindanao, malamang utusan na naman ni Hashim Salamat na mag-alsa ang mga rebeldeng Moro.

‘Tang ina! Pagbukas ko ng TV noong gabi, napanood ko sa news, 14 years na palang patay si Hashim Salamat. Pisting yawa! Pero ok lang, sabi ko. Ang importante, ‘yong mga Ka-DDS, paniwalang-paniwala.

Ba’t kaya sila ganun Charo? Bilib na bilib sila sa lahat ng sinasabi ko? Kahit magsinungaling pa ako, tinatanggap pa rin nila! Werrrrpa! Ha-ha!

Gusto ko nga palang magpasalamat sa Pulse Asia, Charo; otsenta porsiyento pa rin ang approval rating ko. Petmalu! Salamat mga lodi! Akalain mo ‘yon? Ilang linggong pinag-usapan ang Kian Delos Santos issue, na-expose ang kawalanghiyaan ng mga pulis ko, nanahimik ako sa 6.4B shabu, at nabisto ang kalokohan ni Pulong pero 80 percent pa rin ang aking rating? Anong klaseng tao ba kayo? Bobo? Hahaha Joke lang. Tang ina n’yo, mahal ko kayo.

Gusto ko ring umapela Charo sa mga Ka-DDS natin: Huwag kayong maniniwala sa SWS survey na nagsasabing bumagsak ang rating ko. Dilawan ‘yan! Kasama ‘yan ng Simbahan at ng mga Komunistang gustong magpabagsak sa akin. Pero hindi kayo magtatagumpay! Hawak ko sa bayag ang Senado. Hawak ko sa bayag ang mga kongresista. Hawak ko sa bayag ang Korte Suprema. Putang ina, kaya pala itong kamay ko, ang baho-baho na. Puro bayag ang hawak ko! Ha-ha-ha

‘Pag ‘di kayo tumigil sa plano n’yong destabilization, magdedeklara ako ng revolutionary government. Tang ina n’yo, gagawin ko talaga ‘yan! Oo! First time mangyayari sa kasaysayan ng mundo: isang lider na hawak sa bayag lahat ng sangay ng gobyerno ang magdedeklara ng rebolusyon laban mismo sa mga tao. Isang petmalung palakpak mga lodi!

Maiba ako Charo, alam kong nanonood si Inday Sara ngayon. Sabi niya sa putang inang Trillanes kahapon, “Prove to everybody that piece of shit paper of bank accounts you are waving around is not fake, Pinocchio. Ang babaeng Bisaya, hindi umaatras. Kayang-kaya kong makipag away.”

Salamat sa paghahamon ng away, Inday Sara. Anak nga kita. Fuck you, Pinocchio!

Bago ko tapusin ang aking liham, may request lang ako sa iyo Charo. At susundin mo ang request na ito kung ayaw mong ipasara ko ang istasyon n’yo. Ang gusto kong gumanap bilang Rodrigo sa MMK ay ‘yong kayang bigyang justice ang character ko. In short, hindi si Piolo. ‘Yong John Lloyd Cruz na lang siguro.

Sa mga kokontra, tang ina n’yo!

Hanggang dito na lamang Charo.

Sanga pala, ilang taon ka na ba Charo? Bakit parang may asim ka pa rin? Pasyal ka naman dito sa palasyo ‘pag wala si Honeylet. Ipagluluto kita ng masarap na longganisa.

Again, thank you sa pagsasadula ng buhay ko. Sigurado akong mataas ang rating nito.

Teka, pwede ba akong humula sa title ng episode? Gusto kong manalo ng load eh. Ibibigay ko sana kay Kitty.

Last na ito Charo, sa aking mga kritiko: fuck you! ‘Pag ako nagdeklara ng revolutionary government, todas kayong lahat, mga ‘tang ina n’yo. Fuck you!!!!

Walang galang,
Rodrigo

1CHARO

“Alam mo Rodrigo, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa liham mo. At lalong hindi ko alam kung anong purpose o goal ng inilahad mong kuwento. Walang kwenta! Tang ina. Paulit-ulit ka! Pati sa mga katangahan mo, proud ka pa. Mabuti pa pumirma ka na lang ng bank waiver; hindi ‘yong puro ka mura at porma ‘king ina ka!

Pasensya na po sa mga nanonood na bata. Hindi na ako nakapagpigil.

Sa susunod na Sabado, isang kwentong may kabuluhan ang ihahatid namin sa inyo. Pasensya na po ulit kung puro mura ang napanood n’yo kanina. Dadagdagan na lang namin ang premyo ng makakahula sa title ng episode.

Ito po si Charo Santos, maraming salamat at magandang gabi, Kapamilya.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

“BANK WAIVER”
.

.
.

Ang nakahula sa tamang title ay tatanggap ng P3,000 load at libreng kiss sa lips mula kay Rodrigo. Bawal tumanggi. Hindi ka namin pinilit sumali. Ginusto mo ‘yan ‘di ba? Congratulations!
________________________________________________________________________________
“Rudeness is a means to attract attention, assert power, cover-up ineptitude, deflect personal insecurities, and intimidate meeker people.”
~Kilroy J. Oldster, ‘Dead Toad Scrolls’

Sound Bites
“Based on the Information itself, the accusation of illegal trade of drugs against petitioner is blatantly a pure invention. This court, the last bulwark of democracy and liberty in the land, should never countenance such a fake charge.”
~Associate Justice Antonio Carpio’s dissenting opinion on the Leila De Lima case

#NuffSaid.

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photo: Charo Santos: ABSCBN Entertainment; Headlines: Inquirer.net]

Advertisements







%d bloggers like this: