DUTERTE: MAGTIIS KAYO! PU*!@#1&@ N^0! (A Lenten Message)

Katulad ni Hesus, tayong mga Pilipino ay dapat magtiis at magsakripisyo. Kung walang tubig, magtiis…

LENTEN MESSAGE OF 
PRESIDENT RODRIGO DUTERTE
April 2019

Minamahal kong mga kababayan,

Ang Kuwaresma ay panahon ng pagtitika at sakripisyo.

Katulad ni Hesus, tayong mga Pilipino ay dapat magtiis at magsakripisyo. Kung walang tubig, magtiis. Kung brownout, magtiis. Kung walang trabaho dahil napunta na sa mga Chinese, magtiis. Kung naipit sa traffic, magtiis. Kung inosente at napatay sa raid ng pulis, magtiis. Ibinoto n’yo ako, magtiis kayo!

Ang pagsasakripisyo ngayong Kuwaresma ay isang paraan para mapalapit sa Itaas. Sa mga nagugutom at walang makain, huwag n’yong sisihin ang gobyerno. Isipin n’yo na lang na mas mapapalapit kayo sa Panginoon. Puro kayo reklamo, ‘tang i*a n’yo, magtrabaho kayo!

Sabi nga nila, we have to give up something for Lent lalo na ngayong Holy Week. Some people are giving up alcohol, ‘yung iba will give up smoking while some will give up meat. Mula nang ako’y maging presidente, consistent ako. Isa lang ang ginive-up ko, ang West Philippine Sea. P*tang i*a n’yo, kung gusto n’yong lumaban sa China, kayo na lang. Wala kayong barkong pang-guerra ‘tapos makikipag-agawan kayo ng isla, mga bobo kayo, ‘tang i*a n’yo!

Si Barrabas o si Hesus? Sino ba ang pinalaya ni Poncio Pilato? ‘Di ba ‘yung kriminal? ‘Wag kayong magreklamo kung bakit malaya pa rin sina Michael Yang at Peter Lim. Sumusunod lang ako sa Bibliya.

Si Hesus ay biktima ng paninira at maling bintang. Ganyang-ganyan ang ginagawa ng Bikoy na ‘yan sa aking pamilya. Lahat na lang idinawit mo sa druga p*tang i*a ka. Maliit ang t*ti mo pisti ka! ‘Yung akin, malaki! Ulol!

Maraming bumabatikos sa senatorial candidates ng Hugpong ng Pagbabago. Sabi nila, mga magnanakaw daw. Bakit? Anong masama sa magnanakaw? Nang ipako sa krus si Hesus, ‘di ba dalawang magnanakaw ang katabi niya? At anong sabi niya sa  magnanakaw? “Isasama kita sa kaharian ng Diyos.” Ang linaw ng sinabi n’ya. Kaya ‘di ko maintindihan kung bakit galit na galit kayo kina Bong Revilla at Jinggoy Estrada.

At dahil Holy Week, uso na naman ang Visita Iglesia. Kung ako sa n’yo, ‘wag na kayong magsimba. Pisti ‘yang mga pari at obispong ‘yan. ‘Pag nakasalubong n’yo, holdapin n’yo, ako ang bahala sa inyo.

Hanggang dito na lamang. Maraming salamat at nawa’y maging ligtas ang inyong bakasyon. Paalala lang: Huwag manlalaban. 

————————————————————————

“A traitor leader is the outcome of a fool nation.”
~M.F. Moonzajer, ‘30 Pieces’

For a daily dose of political humor and more, follow me on Twitter: @HecklerForever8

Advertisements