Advertisements

UNEDITED: DUTERTE’S ORIGINAL HOLY WEEK MESSAGE

25 03 2018

1ddd

Mensahe ng
Kagalang-galang Rodrigo R. Duterte
Pangulo ng Pilipinas
Sa Sambayanang Pilipino
Ukol sa Mahal na Araw
[Ika-25 ng Marso 2018]

Mga kababayan,

Nakikiisa ako sampu ng aking Gabinete sa paggunita ng mga Kristiyano sa pagpapakasakit at pagkamatay ni Hesukrito.

Katulad ni Hesus, tayong mga Pilipino ay dapat magtiis at magsakripisyo. Kung patuloy ang pagtaas ng presyo ng gas at mga bilihin, magtiis. Kung wala pa ring hinto ang extrajudicial killing, magtiis. Kung napakatagal ng oras sa paghihintay sa laging sirang MRT, magtiis. Kung walang pagbabago sa traffic, magtiis. Si Hesus nga, hindi nagreklamo, kayo pa kaya?

Maling sabihing walang basehan ang mga patakarang ipinatutupad ko. Sumusunod lamang ako sa nasusulat sa banal na aklat.

Si Barabbas o si Hesus?! Sino ba ang pinalaya: ang kriminal o ang walang sala? Ito ang inspirasyon ko kung bakit ang mga big-time drug lords ay aking pinakawalan habang patuloy ang persekusyon kay Leila De Lima at sa iba pang kritiko ng aking pamahalaan.

Maraming nagagalit kay Hudas dahil ipinagkanulo nito si Hesus kapalit ng ilang pirasong pilak. Biktima ng fake news si Hudas. Kung may Rappler, Inquirer at ABSCBN news noon, malamang hindi nila ibinalita ang positibong aspeto ng ginawa nito. Ginamit siya ng Panginoon upang maganap ang nasusulat.

Nakikita ko ang aking sarili kay Hudas. Gayunman, hindi tatlumpong pirasong pilak lamang ang kapalit ng mga isla sa West Philippine Sea. Napakalaking halaga ng ipauutang sa atin ng China. Ito ang bubuhay sa ating ekonomiya. Kaya’t labis akong nagtataka kung bakit inaakusahan ako ng pagtatraydor sa bayan. Hindi ito pagtatraydor. Ito ay pagmamalasakit.

Ang sabi ng aking mga kritiko, biktima ng extrajudicial killing si Hesus. Bakit? Hindi ba’t mga tao mismo noon ang humiling na ipako ito sa krus? Sa katunayan, ayon sa pananaliksik nina Martin Andanar at Mocha Uson ng Presidential Communications Office, aabot sa 16 million ang humiling kay Poncio Pilato na ipako sa krus si Hesus. Ibinalita ba ‘yan ng Rappler at Inquirer? Hindi!

Heto pa: sa pagkamatay ni Hesus ay nahugasan ang kasalanan ng mga masasama. Katulad ng EJK noon, maganda ang layunin ng EJK ngayon, ang linisin ang masasama.

Noong panahon ni Hesus, wala ni isa mang human rights group ang bumatikos sa pagpatay sa kanya. Pero ngayon, grabe ang ginagawang pakikialam ng UN at iba pang human rights organizations sa nagaganap na pagpatay sa bansa. ‘Tangina nila. ‘Pag ako nabuwisit, hindi lang sa ICC tayo aalis. Pati UN at Solar System lalayasan natin!

Ang Kuwaresma ay panahon ng fasting. Ito ay isang paraan ng sakripisyo upang mapalapit sa Itaas. Sa mga Filipinong araw-araw ay gutom dahil walang makain, huwag n’yong sisihin ang gobyerno. Isipin n’yo na lang na mas mapapalapit kayo sa Panginoon.

Ang Kuwaresma ay panahon din ng pagbabago. Gusto kong gamiting halimbawa ang aking tagapagsalitang si Harry Roque. Lahat ng ipinaglaban niya noon, tinalikuran na niya ngayon. Wala siyang hininging ginto, pilak o pera. Endorsement lang sa susunod na eleksyon, pwede na. Mabuhay ka!

Bago ako magtapos, gusto ko lang ipaalala: ang tunay na Kristiyano ay tahimik na gumugunita sa Mahal na Araw. Kung talagang mahal n’yo ang gobyerno at ang bansang ito, tatahimik na lang kayo. Tigilan n’yo na ang pag-iingay, pagpuna at pambabatikos sa ginagawa ng aking administrasyon. Kung hindi kayo tatahimik, putang ina n’yo, bilang na ang mahal na araw n’yo!  Patatahimikin ko kayo!

Hanggang dito na lamang. Maraming salamat at nawa’y maging ligtas ang inyong bakasyon. Huwag manlalaban. [Pastilan!]
—————————————————————————————————————————————
“A traitor leader is the outcome of a fool nation.”
~M.F. Moonzajer, ‘30 Pieces’

Sound Bites
My reading of the philosophy behind the creation of the ICC tells me this: If we want a world that allows no room for impunity, humanity must have recourse to a supranational mechanism for exacting accountability and dispensing justice, even where the actual victims themselves may have forgiven their oppressors.
~Prof. Randy David, ‘President Duterte is not the Philippine State’

Have a safe week! Enjoy your vacation!

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photo: Inquirer.net]

Advertisements




EXCLUSIVE: DUTERTE’S LENTEN MESSAGE

9 04 2017

1lent2

Mensahe
ng
Kagalang-galang Rodrigo R. Duterte
Pangulo ng Pilipinas
Sa sambayanang Pilipino
Ukol sa Mahal na Araw
[Ika-9 ng Abril 2017]

Ngayong panahon ng Kuwaresma, p*tang i*a, ang init! Namawis man ang kilikili ko. Pasensya na. Bakit? Sino ba sa inyo ang hindi nainitan? Lakasan mo nga ang aircon.

Ituloy ko na ang statement ko. Ngayong panahon ng Kuwaresma, ginugunita natin ang buhay at pagpapakasakit ni Hesukristo. Ikaw ba naman ang hampasin at ipako, siyempre, masaktan ka talaga.

Bilang mga tagasunod ni Hesus, nararapat lamang na gamitin nating inspirasyon ang kanyang buhay. Madami ding followers itong si Hesus, ‘no? Siguro, kung nag-Facebook man siya noon, trinding siya lagi. Kabahan man si Muka.

Bilang isang bansa, marami na tayong napatunayan sa landas ng pagkakaisa, pagkakawanggawa, at pagmamalasakit sa kapwa. Sino bang sumulat ng statement na ito? Ang haba man ng words. Laktawan ko na ang iba.

Marami na akong nabigyan ng trabaho. ‘Yung mga walang ginagawang artista, nailagay ko na sa pwisto sa gobyerno. Tuwang-tuwa ang mga gago. Wala namang civil service eligibility, yawa!

At dahil ayaw natin sa kurapsyon, marami na rin akong sinibak. Tapos sasabihin ng mga gagong media, “Eh sino bang nag-appoint – ‘di ba ikaw din?” Putang ina! Siyempre ako. Ako ang prisidinti eh. Eh ‘di ako. ‘Tang ina n’yo, gago!

Ituloy ko na ang statement ko.

Si Hudas ay nagtaksil kay Hesus. Gago! Parang ‘yung isa d’yan. Nagpunta pa sa UN para magsumbong. Ulol! Eh ‘di magsumbong ka! Alis na lang tayo sa UN. Ikaw na lang mag-isa ang mag-miyimbro – ‘tang ina.

Si Hesus ay inaresto at iniharap kay Pilato. Sabi sa Bible, trial daw. Gago! Walang trial, trial dun. Tinanong lang ni Pilato ang taumbayan, tapos, sentensyado na. Death penalty agad. Kaya sa mga ayaw sa death penalty, tama si Manny, nasa Bible ‘yun.

Matapos ipako at mamatay sa krus si Hesus, umiyak ang kanyang inang si Maria at iba pang kamag-anak. ‘Kita n’yo na? Nanahimik man sila kahit pinatay ang relative nila. Dito, isisi man lahat sa akin ng media. Gago! Wala ngang reklamo ang kamag-anak, tapos kayong media nagrereklamo ng EJK, EJK. ‘Tang ina n’yo. EJK n’yo mukha n’yo. Ulol!

Sino bang sumulat ng statement na ito? Masyadong mahaba. Ayaw ko nang ituloy.

Basta ngayong Holy Week, tuloy ang laban sa druga. Huwag kayong maniwala sa tsismis na kaya lumilindul eh galit sa akin ang Panginoon. Ulol! Gusto ng Diyos na patayin ang mga adik at pusher kaya lumilindul.

Ako ang paniwalaan n’yo. Huwag ang media. Tang ina nila. Hangga’t buhay ako, puprotektahan ko kayo sa adik at pusher. Isama na rin ninyo ang lindul. Ipa-tokhang ko man ang lindul.

‘Tang ina.

-END-

1lent
THE CHRISTIAN tradition of Lent culminates this Holy Week. It’s the season of betrayal, abandonment, pain and suffering. Or as that’s also called, “the past eight months.”

Many Christians have given up something for Lent: junk food, smoking, infidelity, alcohol, etc. You know, the bad things. In fact, many thinking Filipinos are ‘giving up’ this administration.

In different parts of the country, expect to see senakulo – a play depicting the life and sufferings of Jesus. Manny Pacquiao and our congressmen will surely enjoy that moment when Jesus is sentenced to death.

President Duterte is invited to attend the senakulo organized by PNP Chief Bato De La Rosa. In the modern version of the play, Jesus suffered, and was later, killed inside Camp Crame.

1lent2
Also in that play, relatives of ‘Jesus’ easily identified his lifeless body. There was a cardboard sign that reads, “Nagmamagaling ako. Huwag tularan.”

On Facebook, a furious Mocha Uson lambasted the organizers of a senakulo for rejecting her during the auditions. Apparently, she wanted to play the role of the Virgin – her lifelong dream.

To fulfill her dream, Mocha Uson and her Ka-DDS friends, Jimmy Bondoc, Arnell Ignacio, Kat De Castro and Vivian Velez produced their own stage play. In their version of the senakulo, the fanatics crucified Leni Robredo.
——————————————————————————————————————————————
“All spiritual practices are illusions created by illusionists to escape illusion.”
~Ram Dass

Sound Bites
“You know, you’re just a f—ing employee, why don’t you have a heart for the poor? You know you are so young and you’re already bought by the greed and selfishness. I don’t like it.”
~DENR Sec. Gina Lopez to BusinessWorld reporter Janina Lim

Have a safe week! Enjoy your vacation!

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photo: Inquirer.net]








%d bloggers like this: