BES, MAY NANALO NA!

31 12 2016

2016 IS OVER. ‘Buti naman. Ang dami kasing nangyari. Nakakapagod. Kay Mocha Uson pa lang, mapapamura ka na. Anyway, narito ang listahan ng mga Winners at Losers ngayong 2016.

1french
WINNER: President-elect Rodrigo Duterte. In 3-6 months, solved ang problema sa kriminalidad. Astig! Ikaw na talaga.

LOSER: President Rodrigo Duterte. Nagbanta. Nang-away. Nanghikayat pumatay. Umaming pumatay. Ginawang bayani ang diktador na patay. ‘Tang ina.

LOSER: Justice Sec. Vitaliano Aguirre. The resident clown of the Duterte administration. Ayaw ko nang dagdagan. Sayang ang oras ko sa kanya.

LOSER: Sen. Leila De Lima’s public image. Perception trumps reality. Ikaw ba naman ang palibutan at bugbugin ng mga galamay ni Duterte sa Gabinete, Senado, Kamara, mainstream & social media, at sa kaaway mong sekta, paano mo pa ipagtatanggol ang imahe mo? Wala na. Suko na bes, may nanalo na.

WINNER: Sen. Leila De Lima. Prangkahan na. Wala naman talagang naglakas-loob lumaban sa psychopath ng palasyo kundi siya. Hindi LP. Hindi Akbayan. Hindi si Trillanes. Hindi ang Magnificent 7 ng Kamara. Si T’yang Leila lang talaga.

WINNER: Leni Robredo. The last man standing is a woman. Indeed!

LOSER: Bongbong Marcos. Kampanteng-kampante ang anak ng diktador na makababalik sila sa palasyo. Number 1 kasi ito sa VP survey hanggang Abril. Eh biglang nagising ang mga tao. O, loko. FYI: Hindi ka dinaya. Talo ka! Talo!

LOSER: The House of Representatives. Dahil sa kamanyakan ng mga kongresistang nagpiyesta sa sex life ng isang senadora. In a post-hearing interview, one congressman allegedly admitted, “Tinigasan ang aking mga kasama.”

LOSER: Palace interpreters. Kagulo lagi ang mga pucha. Every other day, may kanya-kanyang interpretation sa sinabi ni Duterte?!? Punyeta. Every week, nagmo-mochang tanga talaga.

WINNER: Drug lab raids. Great work! ‘Yan ang dapat tinututukan: the manufacturers of illegal drugs.

LOSER: State-encouraged extra-judicial killing. Sabi nga ng The New York Times: Even if Mr. Duterte has not directly ordered individual killings, there is no doubt they are being carried out with his approval.

LOSER: The poor. Sila lang naman ang kaya eh. Madaling i-raid. Madaling posasan. Madaling patayin. Madaling itapon. Eh bakit ‘yong pulitikong drug lord na kapatid ng isa ring kilalang pulitiko sa Southern Tagalog hindi hinuhuli? Ooops. Ayaw ko nang magsalita. Secret.

WINNER: General Bato De La Rosa. To be fair, masipag naman siya at marunong lumaro sa masa (beware!). Ang tsismis: inihahanda na ang BBM-Bato sa 2022. Naku, ayaw ‘yan ni Quietano!

WINNER: CIDG Region 8 head, Supt. Marvin Marcos. Ayon sa NBI, murder ang ginawa ni Marcos kay Mayor Espinosa pero kinampihan pa rin siya ni Duterte. Iba ka!

LOSER: Mga Ka-DDS. According to a CNN-Gallup Poll, Duterte fanatics are the most gullible people in the world followed by Donald Trump supporters in distant second. The same survey showed that 98.75 percent of Duterte fanatics believe everything that Mocha Uson posts on Facebook.

WINNER: Agot Isidro. Habang ‘yong ibang artista, na-infect na ng Duterte virus, nabigyan ng puwesto o kaya ay natakot magsalita, biglang sulpot ang mahusay na aktres. PSYCHOPATH ka Duterte, psychopath ka. Exactly our thoughts. Thanks Agot for being brave!

WINNER: Baste and Inday Sara Duterte. Nand’yan lang sila. Tahimik. Simpleng namumuhay. Ipagpatuloy n’yo ‘yan. [Kay Paolo Duterte, no comment ako. Afraid!]

LOSER: Mocha Uson. The Ambassadress of Disinformation. Dahil sa minu-minutong paninira sa mga kritiko ng kanyang Tatay Digong at pagpapakalat ng kasinungalingan, maling impormasyon, at black propaganda on or about everyone na hindi sang-ayon sa maling ginagawa ng pangulo. To quote Ms Agot Isidro, “Pa-relevant!”

LOSER: Ka-DDS and BBM Trolls na katulong ni Mocha Uson sa disinformation at pag-revise ng history. Ang sad ng life n’yo. Mali-mali naman ang grammar. Yuck.

WINNER: Ateneo & La Salle Communities for taking a stand against EJK during a UAAP game. Also, schools and universities who released statements denouncing EJK.

LOSER: Imee Marcos. “Unang-una, ‘yong guilt, paano ko ia-admit eh ang liit-liit ko noon?!” PAKYU.

1lnmb
WINNER: The Marcoses. Nailibing sa Libingan ng mga Bayani ang diktador na si Ferdinand Marcos. Salamat sa campaign promise ng tuta nilang si Duterte.

LOSER: The Marcoses. Maging ang kahuli-hulihang sandali ng diktador, nakaw pa rin. Kadiri.

LOSER: Alan Peter Cayetano. Talo na sa eleksyon, talo pa sa isyu ng paglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Anyareh? #Quietano

WINNER: Sen. Panfilo Lacson. Sa consistent na pag-expose sa milyun-milyong pisong pork barrel funds na pilit isinisingit sa budget ng mga corrupt na tao sa gobyerno.

LOSER: DFA Sec. Perfecto Yasay. May rumor na ipu-pull out na ng China ang kanilang ambassador sa Pilipinas. Nandiyan naman daw si Yasay. Makes sense.

LOSER: Manny Pacquiao. Once a bigot, always a bigot. Ang dami niyang cringe-worthy one-liners this year. Pero nanalo namang senador. Dahil diyan…

WINNER: Manny Pacquiao. Tagumpay sa kanyang “comeback” fight against Jesse Vargas. Nanalo rin bilang mambabatas. Dahil diyan…

LOSER: Filipino voters. ‘Tang ina. Ang daming mas qualified na kandidato, ‘yan ang ibinoto n’yo?! Fuck you.

WINNER: Noynoy Aquino. Natapos din sa wakas ang anim na taon niya bilang pangulo. Relieved ang lolo n’yo.

LOSER: Sen. Miriam Defensor-Santiago. The Big C won. Damn you cancer.

LOSER: Jejomar Binay. Malacañang na, naging city hall pa. Ang sakit.

WINNER: The Binays. Nabawi ang Makati City Hall na pansamantalang nawala sa kanila. Tuloy ang ligaya. #AlamNa

LOSER: Mar Roxas. Hindi talaga para sa ‘yo ang palasyo. Ang sakit ‘no?

WINNER: Mar Roxas. Nakabawi siya kay Binay nang mag-No. 2 siya sa eleksyon. Huwag nang choosy. Pwede na ‘yon.

LOSER: Grace Poe. Kasi naman. Nagmamadali eh.

LOSER: Bong Revilla: Hindi kinaya ng campaign promise ni Duterte. Tuloy ang plunder case sabi ng korte. Dahil d’yan…

WINNER: Taxpayers!

WINNER: Gloria Macapagal-Arroyo. Lahat yata ng corruption cases, na-dismiss! Ang husay ng lawyer. Dahil d’yan…

LOSER: Taxpayers. #saklap

WINNER: CHEd Chair Patricia Licuanan. Maraming buwaya sa paligid. Kapit lang ma’am.

WINNER: Commission on Elections. For yet another honest, orderly, and peaceful automated elections.

LOSER: The people behind the Official Gazette. Pinapasusweldo ng taumbayan para baguhin ang kasaysayan. Kapal.

1standard
LOSER: This Manila Standard headline. So much for standards!

BIGGER LOSER: Philippine Daily Inquirer. Sa pagbibigay ng espasyo sa Duterte apologist na si Martin Andanar. Eeew.

BIGGEST LOSER: Philippine Star. Mocha Uson talaga? MOCHA FREAKIN USON as Op-Ed columnist? Until now, hindi pa rin natatahimik ang mga kaluluwa nina Betty Go-Belmonte at Max Soliven.

LOSER: Kris Aquino. Sino na nga siya?

LOSER: Sandro Marcos. Kailangan pa bang i-explain ‘to? Boo!Boo!

WINNER: The 2016 Metro Manila Film Festival. We saw 7 of 8 entries. #NuffSaid Eh ‘yong ambassadress, nakailan ba?

LOSER: Filipinos. Almost 7,000 deaths. A people desensitized to murder. What have we become?

AND FINALLY, we reveal our MOST INFLUENTIAL FILIPINO OF THE YEAR:

1pdi
RODRIGO DUTERTE
President and Self-Confessed Murderer
A foul-mouthed populist leader flirting with authoritarian fantasies
Umayos ka.

——————————————————————————————————————————
“The future depends on what you do today.”
~ Mahatma Gandhi

Happy New Year everyone! May we all have a better and safer 2017!

THANK YOU!

I am on Twitter: @HecklerForever.

Advertisements







%d bloggers like this: