BANNED
DUTERTE: Pare, sabihan mo si Leni, ‘wag na siyang umattend ng Cabinet meeting.
BONG GO: Pare naman, ba’t ako ang magsasabi eh hindi naman ako ang pangulo?
DUTERTE: Mismo! Sino bang pangulo? Ikaw o ako?
BONG GO: Ikaw.
DUTERTE: So sino ang masusunod?
BONG GO: Ako.
DUTERTE:
BONG GO: Heto na po ite-text na!
The Choice
DUTERTE: Pare, sabihan mo si Leni, simula sa Lunes, ‘wag na ‘wag na siyang a-attend ng kahit anong Cabinet meeting.
BONG GO: Sige pare. Sasabihan ko na.
DUTERTE: Teka muna! Paano nga pala ‘yong tuhod na lagi kong tinititigan?
BONG GO: Pare, you have to decide. Tuhod o Bongbong? Alin ang mas gusto mo?
DUTERTE: ‘Tang inang tanong ‘yan pare! Tuhod ‘yon ng babae. Si Bongbong, lalaki!
BONG GO:
DUTERTE: Bongbong siyempre. #MarcosPaRin
The Text Message
SECRETARY EVASCO: Gd evening Madam Vice President. ‘Wag ka na raw umattend ng meetings sabi ni Bong Go.
LENI: Wait. Sino po ulit ang nagsabi? Si Bong Go ho ba o ang presidente?
EVASCO: Si Bong Go.
LENI: Akala ko si presidente.
EVASCO: Oo nga.
LENI: Huh? Sino bang presidente?
EVASCO: Si Bong Go.
LENI:
EVASCO: Sorta.
The Text Message II
BONG GO: Pareng Jun, i-text mo si Leni. ‘Wag na raw siyang umattend ng Cabinet meeting sabi ni Presidente.
SECRETARY EVASCO: Teka pare. Ba’t ako ang magsasabi? Sino bang inutusan ni Presidente?
BONG GO: Ako.
EVASCO: Eh ‘di ikaw ang mag-text.
BONG GO: Wala akong load eh.
EVASCO: Pasahan kita.
BONG GO: Lobat na ako eh.
EVASCO: Pahiramin kita ng charger.
BONG GO: Android ‘to eh. iPhone ka.
EVASCO: ‘Tang ina naman. Wala kang bayag! Sige na nga, ite-text ko na!
The Text Message III
LENI: Hi Secretary Go. Nag-text si CabSec Jun Evasco. ‘Wag na raw akong a-attend ng meeting starting Monday. At ikaw raw ang nagpapasabi. Totoo ba?
BONG GO:
LENI: ‘Pag ‘di kasi ako umattend ng Cabinet meeting, mai-skip ko ‘yong trabaho ko. So totoo ba ‘yong tinext ni CabSec Jun?
BONG GO:
LENI: Secretary Go, last text ko na ‘to. Can you confirm na hindi na ako pinaa-attend ng Cabinet meeting?!? Please reply.
BONG GO: Uy Bongbong, ano bang isasagot ko dito kay VP Leni? Sunud-sunod ang text eh.
LENI:
BONG GO: Ooops. Sorry po. Wrong send.
Resignation Letter
LENI: I accepted the appointment as Chairperson of the Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) given our shared commitment to the poor and marginalized.
DUTERTE: O, tapos?
LENI: I have exerted all effort to put aside our differences, maintain a professional working relationship, and work effectively despite the constraints because the Filipino people deserve no less.
DUTERTE: Ano pa?
LENI: However, your directive for me to “desist from attending all Cabinet meetings” has effectively made it impossible for me to do my job. Remaining in your Cabinet has become untenable.
DUTERTE: Ang tagal naman ng “With due respect… “
LENI: With due respect, I am tendering my resignation as HUDCC Chairperson effective immediately.
DUTERTE *typing*
Dear Bongbong, You’re welcome. Merry Christmas!
The Text Message IV
SECRETARY EVASCO: Gd evening again Madam Vice President. Ipinasasabi ni Bong Go na may kapalit ka na raw bilang housing czar.
LENI: Wala pong problema. Pero ang bilis! Wala pang 24 hours, nakahanap agad. Sino po bang kapalit ko?
EVASCO: Ako.
LENI:
EVASCO:
LENI:
EVASCO: Txt back.
Heavy Heart
LENI: With due respect, I am tendering my resignation as HUDCC Chairperson effective immediately.
ANDANAR: The President accepts your resignation as housing czar. With a heavy heart.
LENI:
ANDANAR: Czaring!
IN OTHER NEWS…
Denied
BONG REVILLA: Manong Digong, akala ko ba idi-dismiss ng Korte Suprema ang kaso ko ‘pag nasa pwesto ka na?
DUTERTE: Sino ‘to?
BONG REVILLA: Si Bong.
DUTERTE: Marcos?
BONG REVILLA: Hindi! Si Bong, Bong Revilla!
DUTERTE: Sorry, choppy ka, choppy. Text ka ulit.
Denied II
BONG REVILLA: Manong Digong, akala ko ba mananalo ako sa kaso pag-upo mo?
DUTERTE: Sino ‘to?
BONG REVILLA: Si Bong! Bong Revilla.
DUTERTE: Teka naman, isa-isa lang. Kapapanalo lang ng Marcos burial eh. Baka mahalata.
BONG REVILLA: So pa’no? Ganun na lang ‘yun?! Matapos ka naming papanalunin sa Cavite, kakalimutan mo na ako? Matapos kang mangakong lalaya ako bago mag-Pasko, iiwan mo ako? Matapos akong umasang madi-dismiss ang kaso, ganyan ang sasabihin mo?!?
DUTERTE: Manahimik ka tangna mu! Ako ba ang nagbulsa ng 200 million? Ako ba ang kakuntsaba ni Janet Napoles? Ako ba ang nakinabang sa pork barrel?
BONG REVILLA:
DUTERTE: Sorry naman! Nagtatanong lang. Hindi ako nagbibintang.
____________________________________________________________________________
“Tyranny seldom announces itself…In fact, a tyranny may exist without an individual tyrant. A whole government, even a democratically elected one, may be tyrannical.”
~Joseph Sobran
Sound Bites
“This is not the time for fear. It is a time for conviction. It is a time for courage.”
~Vice President Leni Robredo
Fight on.
I am on Twitter: @HecklerForever.
[Photos: Duterte/Bong Go: Inquirer.net; Leni Robredo: Inquirer.net; Jun Evasco/Duterte: Inquirer.net]
You must be logged in to post a comment.