2020 IN REVIEW: ANG YEAR-ENDER NA HINDI

ANG MGA ‘HINDI’ NANGYARI SA PILIPINAS SA TAONG 2020:

Hindi kumain ng ashfall at hindi inihian ni Pangulong Duterte ang bulkang Taal.

Hindi agad nagpatupad ng temporary travel ban on Chinese tourists ang gobyerno noong January kahit naitala na ang unang coronavirus case sa Pilipinas – a Chinese national na namasyal sa Cebu at Dumaguete City. Unfair daw ito sa China ayon kay Health Sec. Francisco Duque III.

Hindi naging maayos ang sistema ng ipinatupad na lockdown noong March; maraming naipit sa checkpoints, maraming stranded, maraming naglakad. 

Hindi health professionals o scientists kundi retired generals ang itinalaga ni Pangulong Duterte sa key posts na naatasang mag-handle sa COVID19 health crisis.

Hindi ginamit ni Koko Pimentel ang kokote nito. Nag-shopping sa BGC at namasyal pa ito sa Makati Med kahit positive na pala sa coronavirus.

Hindi raw dapat bigyan ng ayuda ang middle class families dahil may mga trabaho naman ang mga ito ayon kay Cynthia Villar. (Isa ka pa!)

Hindi alintana ang pandemya, nagpa-mañanita ang mga pulis sa birthday ng hepe nilang si Debold Sinas.

Hindi sinibak ni Duterte si DOH Sec. Francisco Duque kahit sunud-sunod ang kapalpakan nito.

Hindi sinibak ni Duterte si DOH Sec. Francisco Duque sa kabila nang ‘di mabilang na kapalpakan nito.

Hindi naintindihan ng publiko ang mga sinabi ni Kim Chiu sa isang viral video. 

Hindi na-mute ni Bato de la Rosa ang kanyang mic matapos ang isang virtual session ng Senado. Sa kasagsagan ng krisis, dinig na dinig ng buong mundo ang pagsasaya nito saying, “Sarap ng buhay! Sarap ng buhay! Ganito na lang tayo palagi huh!”

Hindi pa enough ang atensyon… nag-Tiktok na rin si Harry Roque, inaway ang isang CNN Philippines reporter; nakipag-bromance kay Joseph Morong, at sinabihang mukhang artista ang NEDA chief pero pinatayan lang siya nito ng Zoom. (It really hurts!)

Hindi agad sinibak ni Duterte ang noo’y PhilHealth chief na si Ricardo Morales sa kabila ng pagbubunyag ng isang dating opisyal na 15 billion pesos ang nawala sa ahensya dahil sa corruption.

Hindi nawawala si Bong Go sa weekly presscon ni Duterte sa Malacañang kahit hindi ito Cabinet member.

Hindi nagpatinag sa travel restrictions si Harry Roque – nagawa pa nitong mag-swimming kasama ang ilang dolphins sa isang resort sa Bataan.

Hindi sinuportahan ng medical experts ang payo ni Pangulong Duterte na gamiting panlinis ng face mask ang gasolina. (Malaking katangahan naman kasi!)

Hindi pinakinggan ni Pangulong Duterte ang panawagan ng publiko – nilagdaan pa rin nito ang kontrobersyal na Anti-Terror Bill.

Hindi na-renew ang ABS-CBN franchise dahil sa pitumpung kongresistang pansariling interes ang inuna sa halip na kapakanan ng libu-libong empleyado ng network.

Hindi bumoto ng ‘No to network shutdown’ sina Alfred Vargas at Loren Legarda. Hindi tinanggap ng publiko ang kanilang excuse.

Hindi rin sinuportahan ng mga kongresistang sina Yul Servo, Precious Hipolito at Dan Fernandez – ang ipinaglalaban ng dati nilang network. Hindi na rin maalala ng maraming Pinoy kung sino ba sina Yul Servo, Precious Hipolito at Dan Fernandez.

Hindi raw nakialam at nanatiling “neutral” sa isyu ng ABS-CBN franchise renewal si Duterte ayon kay Harry Roque. (Ulol.)

Hindi sumang-ayon si Cynthia Villar sa appeal ng medical and health workers na ibalik pansamantala sa ECQ ang Metro Manila para makabuwelo sila sa dami ng pasyente. “Pagbutihin nila ang trabaho nila,” sabi ni Madam. (Hindi ka ba talaga titigil?)

Hindi nagpapigil ang DepEd sa pagre-resume ng classes kahit hindi lahat nang estudyante at parents ay handa sa distance learning.

Hindi nanalong Miss Universe Philippines si Michelle Gumabao. Hindi ito nagpakita sa unang presscon kasama ang winner at runners-up.

Hindi naitago ng maraming netizens ang kanilang concern nang magka-COVID19 si Bong Revilla. Concern sa coronavirus.

Hindi naging masarap ang buhay ni Bato nang tamaan ito ng COVID19. ‘Di nagtagal, napatay din ang virus na ayon kay Bato ay nanlaban.

Hindi malaman ni Harry Roque kung saan siya lulugar nang i-pardon ni Duterte ang killer ng kanyang dating kliyenteng si Jennifer Laude.

Hindi nagpaawat ang mga Ka-DDS sa pamamasyal sa pekeng white sand beach ng Manila Bay. Walang social distancing!

Hindi pa rin matanggap ng maraming Filipino kung bakit at paano naging DENR spokesperson si Benny Antiporda.

Hindi natupad ang wish ni Alan Peter Cayetano na magdiwang ng kanyang 50th birthday bilang House Speaker. (Karma said hi!)

Hindi napigilang magbunganga ni Pia Cayetano sa Senado matapos isulong ni Sen. Risa Hontiveros ang imbestigasyon sa 9.5 bilyong pisong ginastos sa pagpapagawa ng 2019 SEA Games facilities.

Hindi naapektuhan ang approval and trust ratings ni Pangulong Duterte sa kabila ng incompetence nito at ng kanyang administrasyon sa handling ng pandemic crisis.

Hindi nag-pass away si Celine Pialago pero hindi rin niya pinalampas ang misleading report diumano ng “demonyong” reporter na si Doris Bigornia.

Hindi nagising, hindi agad nagbigay ng pahayag at hindi naramdaman ang pagiging lider ni Pangulong Duterte sa kasagsagan ng malalakas na bagyo kaya’t hindi nawala sa top trending topics sa social media ang #NasaanAngPangulo.

Hindi natuwa kundi nairita pa si Duterte sa kasipagan at maagap na aksyon ni Vice President Leni Robredo para tulungan ang mga kababayan nating nasalanta ng mga kalamidad. 

Hindi huminto sa paninira at pagpapakalat ng fake information laban kay VP Leni ang mga bayarang trolls at bobong panatiko ng mga kalaban nito sa pulitika.

Hindi bumenta sa International Criminal Court ang pautot ni Duterte na mahalaga sa kanya ang human rights. The ICC found enough evidence para imbestigahan si Duterte sa reklamong crimes against humanity.

Hindi ang mas mura at mas effective na vaccine ang bibilhin ng gobyerno kundi ang mas mahal na vaccine ng China na may 50% efficacy rate lang.

Hindi raw nagawa nang maayos at tama ni DOH Sec. Francisco Duque III ang kanyang trabaho kaya hindi natuloy ang pagbili natin ng vaccine na gawa ng Pfizer.

Hindi pa rin sinisibak ni Pangulong Duterte si Duque. (Akalain mo, nand’yan ka pa!)

Hindi naging priority ng gobyerno ang pagbibigay ng vaccine sa medical frontliners; inuna pa nito ang ilang Cabinet officials at PSG.

Hindi pa rin natatapos ang government-imposed pandemic lockdown – the longest in the whole world.

Finally… hindi pa rin nagigising ang napakaraming Filipino sa kapalpakan at kabulukan sa gobyernong Duterte. 2021 na. Ano na?

HAPPY NEW YEAR everyone. May we all have a better year ahead!

Twitter/IG: HecklerForever8

In Memoriam: Kobe Bryant | Alex Trebek