LEAKED: SONA 2014 [EXCLUSIVE!]

A PURPORTED DRAFT of President Aquino’s fifth State of the Nation Address was sent to this blogger. Here are [unedited] excerpts of the speech.

1INC

State of the Nation Address
of
His Excellency Benigno S. Aquino III
President of the Philippines
To the Congress of the Philippines

[To be delivered at the Session Hall of the House of Representatives, Batasang Pambansa Complex, Quezon City, on July 28, 2014]

“Naniniwala po ako sa kasabihang, ‘Ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama ng maluwat.’ Kaya’t bago po ako magsimula, magtapatan na po tayo. Lahat ng may yellow ribbon sa kanilang suot, pumuwesto po kayo sa gawing kanan. ‘Yon naman pong wala, sa gawing kaliwa. Maraming salamat po.”

“Malinaw pong SONA ang matutunghayan n’yo ngayong hapon. Wala kaming in-advertise na laro o exhibition. Kung hindi n’yo po magugustuhan ang inyong maririnig, huwag umasa ng refund. Batasan po ang inyong pinuntahan, hindi Araneta Coliseum.” [Applause]

“Ito po ang aking ikalimang SONA, isa na lamang ang natitira. Sa mga taong hindi makahintay sa pagtatapos ng aking termino, relax lang po kayo. Huwag masyadong atat na makapuwesto. Sana’y nanonood ka pareng Toby Tiangco.”

“Ramdam na ramdam na po natin ang paglago ng ating ekonomiya. Pampubliko o pribadong sektor man, kitang-kita ang kaunlaran. Sa Makati City nga po, parking building pa lang, 1.56 billion pesos na ang halaga. [Applause] At sinong hindi mapapanganga sa bagong Philippine Arena? Pang-Guinness talaga! [Applause]

“Hindi po kaila sa inyo na matibay ang aking paninindigan sa DAP at ipagtatanggol ko ito hanggang sa abot ng aking makakaya. Dahil d’yan, effective last Friday, ako na po ang concurrent Secretary of Defense.” [Applause]

“Uulitin ko po. Mabuti ang DAP at maraming natulungan ang programang ito. Sa katunayan, kahit ho ‘yong pinakamatitindi kong kritiko, nakinabang dito. Tanungin n’yo pa si Bayan Muna Representative Neri Colmenares.” [Applause]

00
“Nang ako po ay iluklok ng aking mga “boss” sa Malacañang, nangako po tayong lalabanan natin ang katiwalian sa pamahalaan. Tinupad po natin ang pangakong ‘yan. Sa sandaling ito, mangyari po lamang na ituon ang inyong atensyon sa LED wall sa gawing kanan. Sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng SONA sa Pilipinas, magkakaroon po tayo ng live feed mula sa PNP Custodial Center, PNP General Hospital at Fort Sto. Domingo.” [Applause]

“Unahin natin ang PNP Custodial Center. Senador Bong at Senador Jinggoy, alam kong naririnig n’yo ako. Pumasok kayo sa confession room.”

BONG: Hello po Kuya. Mabuti naman po at napadalaw kayo.
JINGGOY: May ipapagawa ka bang challenge sa amin Kuya?

“Bong, Jinggoy… ikinalulungkot kong sabihing hindi n’yo nagawa ang pinaka-importanteng challenge bilang mga halal na opisyal: ang magpaka-honest. Dahil d’yan, awtomatiko kayong nominated for conviction sa susunod na trial. Sanga pala, hindi ako si Kuya. Ako si Noynoy at live kayong napapanood sa Kongreso ngayon.” [Canned laughter/Applause]

“Ngayon naman ay makikita n’yo ang live feed mula sa PNP General Hospital. Kung inyong mapapansin, parang natutulog lang si Senator Enrile. Huwag na nating gambalain ang matanda; respeto na lang. Ipasok naman natin ang live feed mula sa Fort Sto. Domingo. Hayan… makikita natin sa screen ang isang lalaki at isang babaeng magkapatong. TURN THAT OFF! ANONG KAHALAYAN ‘YAN?! [Collective gasp] Pasensya na po mga boss. Ngayon nga pala ang scheduled visit ni Mr. Jaime Napoles kay Mrs. Janet Lim-Napoles. Sorry po!”

1IM
“Moving on… may mga nagtatanong nga po lagi sa akin: Paano na sa 2016? Paano ‘pag wala ka na? Tapos na rin ba ang tuwid na daan? Babalik na ba ang KADILIMAN? Hindi ko po sasagutin ‘yan. Ayaw ko pong maakusahang racist ni Manong Jojo Binay.”

“Katulad ng aking sinabi sa inauguration ng Philippine Arena noong nakaraang linggo… pairalin natin ang pagmamahalan sa halip na pagsisiraan na nauuwi sa pagkakawatak-watak. Kung nais n’yo pong ‘mapalapit’ sa kapwa Pilipino, mag-MRT kayo.” [Applause]

“Napakahalaga po sa akin ng kalusugan ng mamamayang Pilipino. ‘Yan po ang dahilan kung bakit naglaan tayo ng 70 million pesos mula sa DAP para sa stem cell research program ng Lung Center of the Philippines. Priorities!” [Applause]

“Mataas po ang tingin ko sa mga empleyado ng pamahalaan. Malaki ang papel na ginagampanan nila sa paglago ng ating ekonomiya. Kung hindi ko man maibigay ang dagdag-suweldong hinihingi nila, babawi na lang ako sa pagbibigay sa kanila ng sapat na pahinga. Kaya ngayong 2015, halos dalawampu ang non-working holidays!” [Applause]

“Likas ang pagiging masipag ng mga Pilipino. Multi-tasker nga raw ang mga Pinoy. Isa sa mga buhay na patotoo ang kasamahan natin sa Kongreso: lawmaker, boxer, preacher, singer, actor, TV host, at ngayon ay basketball coach. Ikaw na talaga Cong. Manny Pacquiao!” [Applause]

“Sa mga pribadong tanggapan naman, hindi rin maikakaila ang sipag ng mga empleyado. Maging mga broadcasters, rumaraket na rin sa tanggapan ng gobyerno. Isumbong Mo Kay… joke lang. Ayaw kong ma-libelo!” [Canned laughter]

“Nitong nakaraang linggo, nilagdaan ko ang R.A. 10643 o “An Act to Effectively Instill Health Consciousness through Graphic Health Warnings on Tobacco Products.” Whatever!

1INC
“Kitang-kita rin natin ang progreso sa larangan ng enerhiya. Kung sa termino ng aking namayapang ina ay walong oras ang brownout, ngayon ay tatlong oras na lamang. Palakpakan po natin si Secretary Ikot Petilla.” [Applause]

“Iwaksi po natin ang negatibo at mag-focus sa positibo. The glass is half-full not half-empty. Wala mang power supply, bababa naman ang bayad sa kuryente. Now na!” [Applause]

“Noong nakalipas na taon, pinuri tayo ng international community dahil sa nilagdaang kasunduan with the MILF na naglalayong makamit ang kapayapaan sa Mindanao. Sa mga susunod pong araw, kapayapaan pa rin ang aking tututukan: ang pakikipag-ayos sa Kataas-taasang Hukuman. I’ll try.” [Applause]

“Naging aktibo rin tayo sa kampanya laban sa pambu-bully ng Beijing sa mga teritoryong sakop ng Pilipinas. Pinatunayan natin sa China na hinding-hindi tayo susuko hanggang sa kahuli-hulihang segundo ng laban. Ang husay mo Paul Lee! Mabuhay ang Gilas Pilipinas! Puso!” [Applause]

“Ayon po sa survey ng SWS at Pulse Asia, mababa na raw ang aking mga grado. Hindi po ako nababahala. Mas mababa pa d’yan ang mga grado ko noon sa Ateneo.” [Applause]

“Sa ilalim din ng aking panunungkulan, idineklara ng Korte Suprema ang pork barrel o PDAF as illegal.” [Silence]

“Inuulit ko, idineklara ng Korte Suprema ang pork barrel as illegal. Ang hindi papalakpak, guilty.” [Applause]

1INC
“Kahapon, July 27, isinilang na ang pang-isandaang milyong Pilipino. Tama po ang narinig n’yo: umabot na sa 100 million ang mga Filipino. Sa mga pari at mga obispo, sana happy kayo!”

“Matagumpay po ang PNP sa paglaban nito sa kriminalidad at mga salot ng lipunan. Sa katunayan, kung dati ay naka-kotse ang mga kriminal, ngayon… naka-motorsiklo na lamang.” [Applause]

“Ipinagpatuloy din natin ang malawakang kampanya laban sa ipinagbabawal na droga. Sa mga kabataang nanonood ngayon, nais kong ipaalala sa inyo: walang buting maidudulot ang bawal na gamot! Itakwil n’yo ang droga kung gusto n’yong makatapos ng pag-aaral, makahanap ng trabaho, o maging National Artist in the future.” [Applause]

“Sa loob ng apat na taon kong panunungkulan, tunay ngang malaki na ang ipinagbago ng asal ng mga Pilipino. Iba na ang level of maturity nila ‘ika nga. Hindi na po ako lalayo. ‘Yong kapatid kong si Kris, kapag nakikipag-break dati sa lalaki, umiiyak ‘yan sa harap ng TV. Ngayon, wala nang luha, wala nang galit, wala nang pagbabanta. Mali si Ms Nora Aunor! May himala!” [Applause]

“Sa aking inaugural address, atin pong ipinangako: walang kurapsyon, walang manlalamang, walang wangwang. At dahil nakatutok ako sa paglilingkod sa inyo… walang love life! Maraming salamat po!” [Applause]
———————————————————————–
“Some things you don’t have to promise. You just do.”
~Rick Yancey, The 5th Wave

Sound Bites
“Sa lahat ng mga gumising sa nagtutulug-tulugan, sa mga nagmulat sa mga nagbubulag-bulagan, sa mga kumalampag sa mga nagbibingi-bingihan: SONA po ninyo ito.”
~President Aquino, SONA 2013

Have a safe weekend everyone!

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photos: Rappler, Gov.Ph,Philippine Daily Inquirer, Sen. Bam Aquino, Sovereign Independent Co.UK]

PORK BARREL AND LIGHT BULBS

Light Bulb Jokes 2013

Q: How many Jeane ‘Bebe Gerr’ Napoleses does it take to change a light bulb?
A: Three. One to change it, one to take a photo, and one to post it online.

Q: How many Benhur Luys does it take to change a light bulb?
A: Only one but he’ll replace it with a fake bulb.

Q: How many Janet Lim-Napoleses does it take to change a light bulb?
A: Nobody knows. She refuses to talk.

Q: How many Jinggoy Estradas does it take to change a light bulb?
A: Two. One to change it and one to criticize the residents of the house.

1
Q: How many Lorna Kapunans does it take to change a light bulb?
A: How many can you afford?

Q: How many Butch Abads does it take to change a light bulb?
A: Zero. He’ll just give “incentives” to those who will.

Q: How many Frank Drilons does it take to change a light bulb?
A: Just one. But he’ll ask a bigger budget for this assignment.

Q: How many Juan Ponce Enriles does it take to change a light bulb?
A: Two. One to change it and one to blame his ex-Chief of Staff for the burnt bulb.

Q: How many Gigi Reyeses does it take to change a light bulb?
A: Only one but with the help of Enrile.

Q: How many senators does it take to change a light bulb?
A: For how much?

Q: How many Mar Roxases does it take to change a light bulb?
A: Two. One to change, and one to announce it in a press con.

Q: How many Bong Revillas does it take to change a light bulb?
A: None. He’d rather hire an expert to verify if the bulb is real.

Q: How many Mark Joseph Tajo Solises and Tito Sottos does it take to change a light bulb?
A: None. He’d rather hire an expert to verify if the bulb is real.

Q: How many Boyet Gonzaleses does it take to change a light bulb?
A: Two. One to change it and one to applaud the work done and say, “AMAZING! [Aloha!]”

Q: How many ER Ejercitos does it take to change a light bulb?
A: Only one but the replacement bulb will be costly and ‘over budget.’

Q: How many Nur Misuaris does it take to change a light bulb?
A: None. He’ll have his men do it instead.

A: Announcement: It has been changed.
Q: How many Jejomar Binays does it take to change a light bulb?

Q: How many Manny Pacquiaos does it take to change a light bulb?
A: “Tiwala ka lang kay Lord… there will be light.”
————————————————————————–
“The test of our progress is not whether we add more to the abundance of those who have much; it is whether we provide enough for those who have too little.”
~Franklin D. Roosevelt

Sound Bites
“Di lang matanggap ng aking kalaban na lamang ako sa kanya ng 78,000, at mas guwapo ako sa kanya.”
~Laguna Governor ER Ejercito who was disqualified by the Comelec for overspending in the last elections

Merry Christmas!

I am on Twitter: @HecklerForever.

%d bloggers like this: