LEAKED: THE PRIVILEGE SPEECH 2

ON MONDAY, Bong Revilla is scheduled to deliver yet another privilege speech. Last night, alleged portions of the speech were leaked online. Here are some excerpts from the original draft.

00
12: “Unang-una, gusto kong magpahayag ng suporta sa One Direction at sa kanilang mga fans. Sa One Directioners, tulungan n’yong mag-trend ang speech ko ngayong hapon. Please lang.”

11: “Humihingi po ako ng paumanhin kay Ms Rosa Rosal dahil ang tema ng aking talumpati ay hango sa pamagat ng kanyang programa – Damayan. Makukulong din lang ako, eh ‘di damay-damay na.”

10: “Sana’y nanonood ngayong hapon sina Budget Sec. Butch Abad at Agriculture Sec. Proceso Alcala. Kayo ang bida rito.”

9: “Mas pinili kong magsalita kaysa manahimik ngayong hapon dahil malamang sa hindi, ito na ang aking huling privilege speech. Mami-miss ko ‘to, promise.”

8: “Nang magtalumpati ako noong Enero, nabanggit ko ang linyang, ‘Anak ng teteng!’ Ang tanong sa akin ng ilang taong nakasalubong ko, ‘Ano ba ang etymology ng word na ‘teteng?’ Ang sagot ko sa kanila, ‘Ano ba ang etymology?’ Boom peyns!”

23
7: “Hindi ako natatakot makulong dahil entitled naman ako sa conjugal visits. Si Ricardo Camata nga, convicted na pero nadalaw pa rin ng starlets at dancers; ako pa kaya?!”

6: “Noong Holy Week, nagtungo po ako sa Holy Land. Humingi ako ng sign kay God. Sabi ko, “Lord, kung talagang mahal mo ako, hindi mo ako pababayaan. Hindi mo ako hahayaang makulong. Give me a sign Lord! Minutes later, nakasalubong ko do’n si Hayden Kho at nagkabati kami. ‘Yon yata ang sign. Ang pangit.”

5: “Inuulit ko: hindi ako masamang tao, hindi ako magnanakaw, hindi ako mandarambong, at hindi ako sure kung maniniwala kayo! I don’t care.”

4: “Wala pong katotohanan ang sinulat ng isang tabloid columnist na papalitan ang pamagat ng aking programa sa telebisyon at tatawaging ‘Handcuffs Amazing Stories.’ Paninira lang po ‘yan.”

3: “Naniniwala po akong habang may buhay, may pag-asa. Kung natalo ka sa umpisa, may pagkakataon ka pang bumawi. So ito lang ang masasabi ko: Go LeBron! Go Heat!”

janet 1
2: “Masyado na pong namemersonal ang aking mga kalaban. Kung ‘yong asawa ko nga raw, nagawa kong lokohin, eh ‘yon pa kayang taumbayan na ‘di ko kaanu-ano? May point. Actually. Pero ayaw ko na silang patulan.”

1: “Sa nauna kong privilege speech… nabanggit kong I have been demonized in the media. Nakakalungkot po; nakakalungkot po dahil pagkatapos na pagkatapos ng talumpati kong ‘yon ay nag-text po ang demonyo sa akin. Ang sabi: huwag ko raw ikumpara ang sarili ko sa kanya. ‘T*ng-ina! Ang hard.”
————————————————————————————
“Political speeches are like steer horns. A point here, a point there, and a lot of bull in between.”
~Alfred E. Neuman

00Sound Bites
“Arresting and detaining the three senators make up only the formal start of the quest to exact justice and accountability for the plunder of taxpayer money. The pork barrel scam was a P10-billion operation that involved hundreds, perhaps thousands, of individuals.”
~’Triple Whammy’ – Editorial, Philippine Daily Inquirer, 06/07/2014

Poll Results
Offensive ba ang Hong Kong textbook na naglarawan sa mga Filipino bilang domestic helper?

-Hindi, pero ramdam mong may malisya. Alam mo na! Hong Kong ‘yan. 50.31%
-Yes. 36.65%
-No. 13.04%

Let the Filipino taxpayers’ quest for justice begin! Justice for all!
Next batch please!

[Photos: Newsflash.Org, Rappler, Philippine Daily Inquirer]

REJECTED

ACCUSED OF POCKETING millions of pesos in pork barrel funds through his friend, suspected PDAF scam queen Janet ‘Jenny’ Lim-Napoles, BONG REVILLA is set to deliver a privilege speech on Monday, January 20, 2014. Coincidentally, January 20 was earlier declared by Malacañang as a National Day of Prayer. With what we’re about to hear on Monday, I think everyone should pray for patience and maximum tolerance.

janet 1
Top 10 Rejected Opening Lines from the Drafts of Bong Revilla’s Privilege Speech

No. 10: “Marami na po akong naikuwento sa aking programa sa telebisyon. Ngunit ngayong hapon, mapapakinggan n’yo na ang Kap’s Most Amazing Story ng taon!”

No. 9: “Sa totoo lang, nais ko na sanang manahimik tungkol sa isyung ito. Ngunit apektado na talaga ang aking mga pamilya. I mean, ang aking pamilya. Sweetheart, sorry. Sleep of the tongue. Hihihi”

No. 8: “Ladies and gentlemen, kung online po kayo habang nanonood o nakikinig sa akin, gamitin n’yo ang hastags na #Got2BelieveBong. Thank you. (Sino ba naman kasing nagpauso ng katarantaduhang tag tag na ‘yan!)”

No. 7: “Bago ako magsimula, gusto kong magparating ng mainit na pagbati sa isang tapat na kaibigan. Belated happy birthday Jenny Napoles! Sa mga supporters ko sa gallery, samahan n’yo ako sa pag-awit. 1… 2… 3: Happy birthday to you… Louder!”

No. 6: “Walang uuwi after ng speech. May raffle!”

No. 5: “Congratulations muna sa MMFF for a record-breaking festival. Kung ‘di lang ako nasangkot sa pork barrel scam, may entry sana ako. Tse!”

1K
No. 4: ♪ ♫ “Lord, patawad / ‘Pagkat ako’y makasalanan ♪ ♫ / Makasalanang nilalang / Lord patawad… ” ♪ ♫ (Repeat chorus 2x)

No. 3: Mga minamahal kong kababayan, wala akong ninakaw ni singko sa kaban ng… wait lang. I’m not under oath, right? Naniniguro lang. Let me continue…

No. 2: Dahil mahal ko ang aking bayan at ayaw kong madamay ang Senado sa kinasasangkutan kong iskandalo, I am submitting my irrevocable resignation effective… ‘Tang-i*a, hindi ito ang inapruban kong speech ah. Sandali! Your honor, can we have a 10-minute break?”

And the No. 1 rejected opening line from Bong Revilla’s privilege speech…
Ngayong hapon, patutunayan ko po sa inyong lahat na walang katotohanan ang persistent rumor that I put the ‘bong’ in ‘mandarambong.’
————————————————————————
“Political speeches are like steer horns. A point here, a point there, and a lot of bull in between.”
~Alfred E. Neuman

Sound Bites
“Bukas naman ang tanggapan ko kung sino ang gustong makipag-usap sa akin. Pumunta siya dito sa opisina, humingi siya ng paumanhin.”
~BIR Commissioner Kim Henares (Read full report here.)

Have a safe and romantic weekend!

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photos: Rappler, Philippine Daily Inquirer]