THE DEVIL RETURNS

IN 2012, we had a series of exclusive interviews with the Devil.

Last week, after concluding its 2013 world tour that included stops in Syria, Iran, North Korea, and South Sudan, the Devil returned to Manila. We had a brief chat the other day, and I am sharing with you the following excerpts from that conversation.

Untitled
Kumusta ka na Mr Devil?

Heto, masama pa rin. Ikaw, how are you?

Oh, I’m fine. I’m good.

Pathetic. Walang excitement at challenge ang buhay. Bwa-ha-ha-ha!

Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Diretso na tayo sa mga isyu. Ruby Tuason is in the news. Gusto niyang maging state witness sa pork barrel scam. Anong masasabi mo?

That bitch! She’s one of my protégés. Ilang taon ko rin siyang tinulungan pero ito pa ang iginanti niya sa akin: ang magpakabuti at itama ang mali! Pagsisisihan n’ya ito!

Itinatanggi ni Jinggoy ang mga akusasyon ni Ruby Tuason. Wala raw siyang tinanggap na kickback from his pork barrel. Ni isang kusing daw ay wala siyang ibinulsa.

I taught him well. Keep it up Senator!

Sabi ni Justice Sec. Leila De Lima, ‘slam dunk’ evidence ang magiging testimonya ni Ruby Tuason. Any reaction?

Nag-react na ako kamakalawa.

Saan? Nagpa-interview ka ba?

Hindi. Pero kung anong sinabi ng inyong bise presidente, sang-ayon ako. Walang kwenta ang testimonya ng traydor na babaeng ‘yan!

You mean… friends kayo ni Vice President Binay?!?!

Ikaw ang nagsabi n’yan, hindi ako!

How’s your relationship with Senator Tanda?

Awesome. Hindi ko na matandaan kung kailan kami unang nagkakilala but we communicate regularly! I will always be proud of Manong Johnny. And of course, Gigi. What a lovely couple!

Uy, nag-birthday nga pala si President Aquino noong Sabado ah!

So???! That sexless, balding, and aging haciendero!

Bakit parang ang laki ng galit mo? May pinaghuhugutan?

Naman! Kung ‘di dahil sa Daang Matuwid ng gunggong na ‘yan, malaya pa sana si Ma’am Janet! Masyado siyang KJ! Pati raket ng may raket, pinapakialaman! Eh kung inuuna muna kaya niya ang kanyang love life sa halip na imbestigahan ang pagnanakaw ng iba! Inggit ka?!? Eh ‘di mamorsiyento ka rin, bobo! Tarantado!

Ang sama mo namang magsalita.

Kaya nga demonyo eh. Isa ka pang bobo!

You’re so evil!

Thank you!

WoT
Nabalitaan mo ba ‘yong Wheel of Torture sa isang kulungan sa Biñan? Ito ‘yong may pinapaikot na roleta ‘tapos kung saan tumapat, ‘yon ang magiging form of torture sa mga inmates.

Alam mo, saludo talaga ako sa creativity ng mga Pinoy. Kahit ako, ‘di ko naisip ‘yung gano’ng kademonyong gimmick eh. Nakaka-insecure! Akalain mong may mas demonyong idea pa pala sa akin ang mga jail guards. Hashtag #G2BCopsAmazingStory #Winnner!

Pag-usapan naman natin ‘tong kaso ni Vhong Navarro. Ano ang masasabi mo kay Cedric Lee?

Adorable! Narinig mo ba ang interview sa kanya? He said, “Hindi ko kailangan ang palakpak n’yo. Hindi ko kailangan ang boto n’yo. Hindi ako tatakbo. Wala akong pakialam sa sasabihin n’yo.”

‘Tang-ina! Nagliyab ang Angas Meter sa impyerno habang sinusukat ko ang kaangasan niya. Cedric… ikaw na! I’m so proud of you.

May bago pala siyang spokesman. Sabi ni Atty. Raymond Fortun, underdog daw si Cedric sa labang ito. What can you say?

What more can I say? Mahusay na abogado si Raymond. Naks! First name basis. At tama ang desisyon niyang ipagtanggol si Cedric. He’s on the wrong side! My side! Bwa-ha-ha-ha!

Close ba kayo ni Attorney Fortun?

Minsan. Pero nabwisit talaga ako sa kanya last year. Akalain mo bang nag-lawyer siya sa mga petitioners versus PDAF! Gago pala siya eh. Ang resulta: idineklarang unconstitutional ng Supreme Court ang pork barrel system. So kung nagbabasa ka ng blog na ito Raymond… next time, gamitin mo ‘yang utak mo! Kung walang pork barrel, anong nanakawin ng mga pulitiko? Tanga ka ba?!

Ruby
Balik tayo kay Vhong. May nangyari nga bang rape?

I wish! Eh ‘di kung may nangyaring rape, nagpa-party pa ako. Sayang nga eh!

May message ka ba kay Vhong?

(Kumukumpas) Kuya Vhong… may anak ka ring dalawang lalaki! Pagtanda nila, hayaan mo lang silang mambabae! Huwag mo silang pigilang pumunta sa condo para magdala ng food. Kuya Vhong, kung mabugbog sila dahil sa pagtataksil sa kanilang girlfriend, okay lang ‘yon Kuya Vhong. Kakampi mo naman ang ABS-CBN eh. May magtatanggol sa kanila gabi-gabi – mula TV Patrol hanggang UKG… Kuya Vhong!

Moving on… pag-usapan naman natin ang

Wait lang. Hindi pa ako tapos! Kuya Vhong… I will not pray for you.

Ok, that’s enough. Punta na tayo sa Rapid Round. Magbibigay ako ng names… sabihin mo sa akin ang first impression or message mo sa kanila.

Sure!

Let’s start with Meralco…
Huwaaat? 4.16 pesos per kilowatt hour increase? Ang baba naman! Taasan n‘yo pa. Lumpuhin n’yo pa ang customers! Bwa-ha-ha-ha!

Manny Pacquiao…
Kapal ng mukha mo! Isinusumpa ko… babalik ka rin sa akin pagdating ng araw. FYI, you’re so missing a lot: casino, babae, alak! Magbago ka na bago mahuli ang lahat!

Kris Aquino…
Walang maitutulong sa iyong love life ang kabibisita mo sa Manaoag. Sa ‘kin ka na lang maniwala. I can give you ‘anyone’ you like.

Bong Revilla…
Ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo. Wala namang namamatay sa kadi-deny eh. Sige lang!

Davidson Banggayan alias David Tan…
Sorry. Busy ako last month kaya ‘di kita na-protektahan. ‘Di bale, pilferage lang naman ang kaso natin. Kayang-kayang malampasan ‘yan!

Mayor Rodrigo Duterte…
Patay tayo d’yan! Next!

Janet Lim-Napoles…
This too shall pass! ‘Pakatatag ka lang d’yan. Don’t lose hope greed. And don’t forget to believe in Me. #BFFs

Deniece Cornejo…
I see great potential in you. Stay strong!

Benhur Luy and the whistleblowers…
Pakyu! Pakyu! Pakyu! Pakyu! Pakyu! Pakyu all! Mga traydor!

Pope Francis…
WHATEVERRRRRR. #Overrated!

President Aquino…
Single! Single! Single! Single! Single!

So, personalan na ito?
Matagal na! ‘Tuwid na Daan’ my ass! Marami pa rin akong kampon sa gobyerno. Hindi ka magtatagumpay kalbo!

ruby jinggoy
Sa Thursday, imbitado si Ruby Tuason sa isang hearing sa Senado. Dadalo ka ba?

Bakit pa?! ‘Di rin naman a-attend ang mga ‘close friends’ ko. Sa impyerno na lang ako manonood.

Ilang tulog na lang, Valentine’s Day na… meron ka bang date o kahit anong plano?

‘Di ka rin nag-iisip ‘no? Wala sa bokabularyo ko ang pagmamahal dahil hatred, selos at LQ ang advocacy ko… bobo!

Kung maka-bobo naman ‘tong demonyong ‘to! Hayup!

Alam ko! Thank you.
———————————————-
“We are each our own devil, and we make this world our hell.”
~ Oscar Wilde

MichaelSound Bites
“My house is mortgaged. It’s a crazy investment. I don’t even think anyone at the president’s office knows there’s a Filipino skating in the Olympics.”
~Maria Theresa Martinez, mother of Sochi Olympian Michael Christian Martinez

News reports say businessman Manny Pangilinan financed Michael’s training. His mother revealed she tried to reach out to President Aquino for financial assistance but was apparently ignored.

“Nice one Mr. President, nice one!” – The Devil

Happy Valentine’s Day!

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photos: SearchBestCartoon, Philippine Daily Inquirer, Startalk, Associated Press]

REJECTED

ACCUSED OF POCKETING millions of pesos in pork barrel funds through his friend, suspected PDAF scam queen Janet ‘Jenny’ Lim-Napoles, BONG REVILLA is set to deliver a privilege speech on Monday, January 20, 2014. Coincidentally, January 20 was earlier declared by Malacañang as a National Day of Prayer. With what we’re about to hear on Monday, I think everyone should pray for patience and maximum tolerance.

janet 1
Top 10 Rejected Opening Lines from the Drafts of Bong Revilla’s Privilege Speech

No. 10: “Marami na po akong naikuwento sa aking programa sa telebisyon. Ngunit ngayong hapon, mapapakinggan n’yo na ang Kap’s Most Amazing Story ng taon!”

No. 9: “Sa totoo lang, nais ko na sanang manahimik tungkol sa isyung ito. Ngunit apektado na talaga ang aking mga pamilya. I mean, ang aking pamilya. Sweetheart, sorry. Sleep of the tongue. Hihihi”

No. 8: “Ladies and gentlemen, kung online po kayo habang nanonood o nakikinig sa akin, gamitin n’yo ang hastags na #Got2BelieveBong. Thank you. (Sino ba naman kasing nagpauso ng katarantaduhang tag tag na ‘yan!)”

No. 7: “Bago ako magsimula, gusto kong magparating ng mainit na pagbati sa isang tapat na kaibigan. Belated happy birthday Jenny Napoles! Sa mga supporters ko sa gallery, samahan n’yo ako sa pag-awit. 1… 2… 3: Happy birthday to you… Louder!”

No. 6: “Walang uuwi after ng speech. May raffle!”

No. 5: “Congratulations muna sa MMFF for a record-breaking festival. Kung ‘di lang ako nasangkot sa pork barrel scam, may entry sana ako. Tse!”

1K
No. 4: ♪ ♫ “Lord, patawad / ‘Pagkat ako’y makasalanan ♪ ♫ / Makasalanang nilalang / Lord patawad… ” ♪ ♫ (Repeat chorus 2x)

No. 3: Mga minamahal kong kababayan, wala akong ninakaw ni singko sa kaban ng… wait lang. I’m not under oath, right? Naniniguro lang. Let me continue…

No. 2: Dahil mahal ko ang aking bayan at ayaw kong madamay ang Senado sa kinasasangkutan kong iskandalo, I am submitting my irrevocable resignation effective… ‘Tang-i*a, hindi ito ang inapruban kong speech ah. Sandali! Your honor, can we have a 10-minute break?”

And the No. 1 rejected opening line from Bong Revilla’s privilege speech…
Ngayong hapon, patutunayan ko po sa inyong lahat na walang katotohanan ang persistent rumor that I put the ‘bong’ in ‘mandarambong.’
————————————————————————
“Political speeches are like steer horns. A point here, a point there, and a lot of bull in between.”
~Alfred E. Neuman

Sound Bites
“Bukas naman ang tanggapan ko kung sino ang gustong makipag-usap sa akin. Pumunta siya dito sa opisina, humingi siya ng paumanhin.”
~BIR Commissioner Kim Henares (Read full report here.)

Have a safe and romantic weekend!

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photos: Rappler, Philippine Daily Inquirer]

STATUS: IT’S COMPLICATED

SENATE PRESIDENT Franklin Drilon has agreed to sign the subpoena for Janet Lim-Napoles. The suspected pork barrel scam queen will be required to appear before the Senate soon. Analysts believe that day will be significant, historic, and extremely awkward.

1
Jinggoy and Napoles
Magandang hapon Mrs. Napoles! Ako ay isa sa mga senador na idinadawit sa pork barrel scam na diumano’y pakana mo. Balita ko, kakanta ka na raw ngayong hapon. Totoo ba?

Yes your honor.

Well, nakikinig kaming lahat. Go ahead.

Para po sa inyo ito your honor…
“Hello darkness my old friend…
I’ve come to talk with you again…”

Thank you.

Sotto and Napoles
You are under oath Mrs. Napoles. Tandaan mo ‘yan.

Copy po your honor.

Kung ‘di ka magsasabi ng totoo, puwede kang kasuhan.

Kopya po. Kopyang-kopya po your honor.

Nang-aasar ka ba?

Copy po… este. Hindi po. Thank you.

Bong Revilla and Napoles
Magandang hapon po Ms Napoles!

Kap naman! Jenny na lang. Ano ka ba? So ano na? ‘Musta na si Nay Lolit?

Mr. Chair, your honors, can I ask for a 2-minute recess?

Granted!

Drilon and Napoles
Isang tanong, isang sagot: may bahagi ba ng PDAF ko ang

Gano’n? Diretso po agad sa tanong your honor? ‘Di ba pwedeng pleasantries muna? Kumusta na po si Ma’am Mila?

Inuulit ko…

Sandali lang naman Manong Frank. ‘Di naman kayo ganyan ‘pag nasa parties namin ah. Thank you.

Lito Lapid and Napoles
Mrs. Napoles, gusto kong sabihin mo mismo sa harap ng publiko: tayo ba ay nagkaroon ng anumang transaksyong may kaugnayan sa pork barrel?

Wala po your honor!

Magaling! Salamat Mrs. Napoles!

Paanong magkakaroon eh ibinigay mong lahat ang PDAF mo kay Mrs. Victoria Sevilla Tolentino ng Innsbruck International Trading! Madamot ka your honor! Tse!

Ah, Mr. Chair, may I request that my question as well as Mrs. Napoles’s answer be stricken from the Senate record? Pwede po ba Mrs. Napoles?

Sige your honor. Pero spell ‘stricken’ muna. Thank you.

Enrile and Napoles
Mrs. Napoles, kilala mo ba ang dati kong chief of staff na si Gigi Reyes?

Mas kilala n’yo po siya.

Totoo bang madalas kayong magkita?

Hindi po kasindalas ng inyong pagkikita.

Malaki ba ang ibinigay mo sa kanya?

Bakit po? ‘Yon bang sa inyo maliit?

Kayo ba ay may mga ginawang kaduda-duda?

Mas kaduda-duda po ang ginawa n’yong dalawa. Thank you.

IN OTHER News…

1M
Folk singer Freddie Aguilar, 60 has a 16-year-old girlfriend. Age gap: 44 years Take that Hugh Hefner!

Ka Freddie is 60. His girlfriend is 16. In pop culture, we call that May 1953-December 1997 affair.

Remember when Ka Freddie Aguilar marched and fought against corruption? Minor observation lang. Wala lang.

Pop icon Freddie Aguilar who is 60 years old, has a 16-year-old girlfriend! Suddenly, people began to understand Marlene Aguilar.

Freddie Aguilar, 60 vows to marry his girlfriend when she reaches 18. Ka Freddie is optimistic about their future. I sincerely hope he gets there.

Ka Freddie has had three ex-wives. His current girlfriend should seek advice from them. They’re her future.

Pop icon Freddie Aguilar, 60 is madly in love with a 16-year-old. Or as Venus Raj would say, “Minor minor problem.”
————————————————————————————-
“Painful as it may be, a significant emotional event can be the catalyst for choosing a direction that serves us-and those around us – more effectively. Look for the learning.”
~Louisa May Alcott

Sound Bites
“Well, I fell in love. May kasabihan tayo, may batas ng tao, may batas ng puso, may batas ng Diyos. Then kung sa batas ng tao nagkamali ako then I will admit it but the difference about this is I fell in love and when I found out that she was a minor, the first thing I did was to notify the parents because I know na hindi tama. But for me to back out, we are already in love. I think it’s more damaging to her if I back out now. I didn’t ask her to choose,”
~Folk artist Freddie Aguilar, 60 on his relationship with a 16-year-old girl

And another:
“I’m here, (if) you don’t want me, I am sorry. I am Freddie Aguilar, take me for what I am. I’m not gonna be because you like me to be like this or like that, no way! I’m not a robot, I’m a human. I make mistake, I laugh, I cry, I eat, so what? Crucify me, yeah Ok but I’m still Freddie Aguilar.”

After all, Anna Dizon is still Anna Dizon.

Have a safe and fun weekend!

I am on Twitter: @HecklerForever.