THE NERVE!

FORMER ALLY ZALDY AMPATUAN has come out and accused her of election fraud and graft. Ex-Maguindanao election supervisor Lintang Bedol has also named her as the brains behind the 2007 poll fraud in the province. And her name has been dragged into the PCSO fund controversy. Despite the allegations, erstwhile president and incumbent Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo has opted to remain silent.

Until now.

GMA has granted The Professional Heckler another exclusive interview. Here is the transcript of the unedited conversation.

The Professional Heckler: Welcome back and a great evening Mrs. President!
GMA: Not really! I just saw Zaldy and Bedol in the news.
Heckler: Later na ho natin pag-usapan ‘yan. How do I address you nga pala? Mrs. President? Madam Congresswoman? Ma’am Gloria?
GMA: It doesn’t matter ‘no. Hindi naman ako mashelan. Huwag mo lang akong tatawaging Tita dahil hindi kita pamangkin!

Heckler: Do you have an opening statement ma’am before I start asking questions?
GMA: Bakit? Senate hearing ba ‘to?! Akala ko interview lang?
Heckler: Oh, I’m so sorry ma’am. Sige po, any opening message na lang?
GMA: Ok, ok. Let me take this opportunity ‘noh to congratulate the Ateneo Blue Eagles. Ang hushay hushay n’yo, ‘no! Talon talaga ako nang talon kanina habang nanonood. Nasira ko nga yata ‘yong sofa eh! I am sho proud of my alma mater. I hope the feeling ish mutual ‘noh. At shobrang galing ni L.A. Revilla ‘noh! That rookie wash phenomenal in Game 2.
Heckler: Ma’am, taga-La Salle po si L.A. at hindi siya rookie.
GMA: Oh, na-confuse ako sa shobrang saya. I am shorry! One Big Fight, ‘noh?! Hihihi

Heckler: Diretso na tayo sa mga alegasyong ibinabato sa inyo ma’am.
GMA: Pakibilisan mo lang dahil may check up pa ako sa St. Luke’s ‘noh. Sumasakit na naman ang leeg ko. The nerve! It must be the nerve! At hindi ko puwedeng paghintayin si Dr. Juliet Cervantes. Mahal ang per hour no’n ‘noh.
Heckler: Sige po. Unang isyu: Ayon kay suspended ARMM Governor Zaldy Ampatuan, sangkot daw po kayo sa dayaan sa Maguindanao noong 2007.
GMA: Kung wala kang itatanong na bago, this interview is over! Shumashakit lang ang leeg ko sha ‘yo ‘noh!
Heckler: Eh ma’am, ngayon lang ho kasi nagsalita si Zaldy Ampatuan against you ‘di ba?
GMA: Noong 2004, ako. Noong 2007 ako. Baka bukash-makalawa, pati ‘yong Maguindanao Massacre sa ‘kin rin ibintang. Sa totoo lang ‘noh, nalulungkot ako sa mga nangyayaring ito. Zaldy and I have come a long way. Close ako sha pamilyang ‘yan and Maguindanao was like my second home in Mindanao next only to Iligan. Mashakit sa akin ang mapagbintangan ng ishang bagay na wala akong kaalam-alam. I categorically deny that ‘noh.
Heckler: Ano pong mensahe n’yo kay Zaldy Ampatuan?
GMA: Zaldy, friendship, wala namang ganyanan ‘noh. Alam mo ang totoo. Huwag mo akong idawit d’yan! Let’s just all move on… ‘noh? Huwag kang mag-alala, shuportado ko ang plano mong pagpapalit ng pangalan. I will text you some suggestions after my check up, ‘no?

Heckler: Lintang Bedol, ma’am. Ayon sa kanya, kayo raw ang arkitekto ng dayaan sa Maguindanao noong 2007.
GMA: Paano ako magiging arkitekto? Arroyo ang apelyido ko, hindi Palafox ‘noh! Jussh kidding. Hihihi Hindi ko kilala ‘yang si Lintang Bedol na ‘yan at wala akong pakialam ke linta man ‘yan, kuto o pulgash. Walang katotohanan ang shinashabi n’yan ‘noh.
Heckler: Sa inyong palagay ma’am, bakit po siya lumantad?
GMA: Ngayon ko lang shashabihin ‘to ‘noh. At sa ‘yo lang. Malakash ang kutob kong may kinalaman si Ping sa paglabash ni Bedol.
Heckler: Shi Shenator Lacshon ho?
GMA: Umayosh ka! Huwag mong gayahin ang S-defect ko. Oo! Si Shenator Lacshon. Ano bang shabi ni Bedol sa interviewsh sa kanya? “Kaibigan ko si Lacshon.” ‘Yon ang sabi niya. Shinong reporter ang naglabash ng ishtorya? ‘Di ba shi Anthony Taberna? Shino si Anthony Taberna? Inaanak sha kashal ni Shenator Lacshon. You do the math ‘noh.
Heckler: Hindi naman siguro gano’n ma’am.
GMA: Marunong ka pa sa akin! Shino bang interviewee dito? Ikaw o ako? Gushto mo palit na lang tayo ng puweshto? How’s your sex life iho?
Heckler: Sorry naman ma’am. Mensahe na lang ho n’yo kay Lintang Bedol…
GMA: Wala… ‘noh! Pero may mensahe ako kay Migs Zubiri. Migs, anak… alam mong ginawa namin ang lahat para sa ‘yo! Huwag kang bibitaw. Two more years. Kaya mo ‘yan noh?

Heckler: Rosario Uriarte ma’am. Gaano kayo kalapit sa kanya?
GMA: Oh, si Roshario! Matagal ko nang kaibigan ‘yang si Roshario, DTI days pa namin ‘noh. Pero ewan ko ba sha babaeng ‘yan! Until now, wala pa ring effort mag-ayosh ng sharili. Ni-refer ko na ‘yan sha aking stylist noon, pero look at her today! Deshpicable!
Heckler: Pirmado n’yo po ang mga PCSO memoranda kung saan makikitang nag-request ng millions and millions of funds si Mrs. Uriarte.
GMA: Sandali lang. Hindi pa ako taposh sa hairstyle ni Roshario. My goodnessh, she is attending a Shenate hearing ‘noh… not a lotto draw! Pero tingnan mo ang kanyang buhok! Ghastly, atrocious, contemptible…. ‘noh!? Ano ngang question mo?
Heckler: From 2008 to 2010, you approved some 325 million pesos in confidential intelligence funds. Para saan po ‘yon?
GMA: As the name suggests, it’s confidential. Next question!

Heckler: Ang sabi ni Senator TG Guingona, plunder ang nangyari. Pandarambong sa pera ng PCSO!
GMA: Hindi na ako nashoshorpresa! Kung gaano kalaki ang mga tainga ng TG na ‘yan, gano’n din kalaki ang galit nilang mag-ama sha akin. Ayaw ko na siyang patulan.

GMA: Shandali lang, ia-adjust ko muna ang aking brace dahil kumikirot na naman ang leeg ko. The nerve! It must be the nerve! Last three questions na lang puwede?
Heckler: Nang matanggap n’yo ho ang sulat ni Butuan Bishop Juan De Dios Pueblos asking for a brand new car, anong naramdaman n’yo?
GMA: Honeshtly?
Heckler: Kung kaya n’yo, sige.
GMA: Gusto mo umalis na ‘ko?
Heckler: Sorry ulit ma’am. Sige po, honestly…
GMA: At first, nagulat ako. May pagka-demanding ang tono ni Bishop Pueblosh. Pero dahil ayaw ko nang madagdagan ang kaaway kong obispo, pinalampas ko na lang ang pagiging choosy niya. Shabi nga nila, if you can’t beat them, bribe them… ‘noh?

Heckler: Sa hearing po last week, tinanong ni Sen. Jinggoy Estrada si Bishop Pueblos kung tatanggap ba siya ng pera mula sa devil basta’t makakatulong ito sa mahihirap. Ang sagot po ni Bishop Pueblos, oo daw. Ang tanong ko po sa inyo: Kung kayo po ay magiging devil… why not?
GMA: “Hello? Dr. Cervantes? Yes… yes. I’m on my way. See you.”
Heckler: Teka lang naman ma’am. Hindi pa ho ko ‘tapos. I will rephrase the question na lang: Kung susulat ho ulit sa inyo si Bishop Pueblosh upang humingi ng brand new car, bibigyan n’yo ba?
GMA: I don’t think it’s necessary. As my father, the late Ka Dadong told me, “Do what ish right, do what ish best, and Romy Macalintal & Lito Atienza will do the rest.”

Heckler: Malapit na po ang State of the Nation Address ni Pangulong Aquino. Dadalo ho ba kayo?
GMA: What for? Alam ko na naman ang sasabihin n’ya… ‘no? “Dahil kay Gloria lumobo ang utang ng PCSO. Dahil kay Gloria, nagkaroon ng fish kill. Dahil kay Gloria, nanapak si Sara Duterte. Dahil kay Gloria, na-rape daw si Amanda Coling. Dahil kay Gloria, nabuntis si Andi Eigenmann. Dahil kay Gloria, walang girlfriend ang inyong pangulo.” Lahat na lang dahil sa ‘kin!
Heckler: Eh baka naman po talagang dahil sa inyo?
GMA: Dahil d’yan… tapos na tayo!
Heckler: Hahaha Nagbibiro lang ma’am. We’re almost done! Punta na tayo sa paborito kong segment, ang Rapid Round. Sabihin n’yo sa akin kung ano ang unang pumapasok sa isip n’yo kapag nababanggit ang mga sumusunod na pangalan. Ready na ho kayo?
GMA: Teka lang, ia-adjust ko muna ang brace ko. Ooops, the nerve. It must be the nerve. Kumikirot na naman ang leeg ko. Wait! There! Ok na! Game!

Heckler: Ok! Let’s begin! Bishop Pueblos…
GMA: Caring.

Heckler: Sara Duterte…
GMA: Daring.

Heckler: Leila De Lima…
GMA: Dating! Ang shaya-shaya ‘noh? May boyfriend pala siya.

Heckler: Mar Roxas…
GMA: Balay.

Heckler: Rosario Uriarte…
GMA: Suklay.

Heckler: Pangulong Aquino…
GMA: Walang malay!

Heckler: Bakit naman walang malay ma’am?
GMA: I don’t have to elaborate. Wala naman sa rules ng game ‘noh?!

Heckler: Fine! Next… Jose Ping De Jesus…
GMA: He quit.

Heckler: Charice Pempengco…
GMA: A hit.

Heckler: Zaldy Ampatuan…
GMA: Ayyy, shit!

Heckler: Palace social secretary Susan Reyes…
GMA: Kabit?!? Ay tsismis nga lang pala ‘yong sha kanila ni Mar. Shorry Ate Koring. I wash jusht kidding. Ang saya-saya ‘noh?

Heckler: FYI lang Mrs. President, noong nasa Europe ho kayo, nag-deny na si Ate Koring. Going strong pa rin daw ang pagsasama nila.
GMA: Hay naku! Ganyang-ganyan din ang statement ko noon. You know naman kung anong nangyari ‘di ba? Anyway, next!

Heckler: Noli De Castro…
GMA: Announcer.

Heckler: Rodrigo Duterte…
GMA: Silencer!

Heckler: Panfilo Lacson?
GMA: Dacer? Ang suwerte-suwerte n’ya, ‘noh?

Heckler: Finally, Dinky Soliman…
GMA: Traydor!

Heckler: Erap…
GMA: Emperador!

Heckler: Lilia Pineda…
GMA: Kubrador. Ooops, shorry ulit… paki-erase na lang ng part na ito, please? Mahal ko ang kumare kong ‘yan ‘noh?

Heckler: Mrs. President, I have a hypothetical question. Sana po ay sagutin n’yo. Kung sakali pong makulong kayo habambuhay dahil sa katiwalian at kurapsyon, ‘buti nga sa ‘yo!
GMA: Teka, teka, medyo nalito ako. Your question is…
Heckler: ‘Di bale na lang po, baka ma-late kayo sa inyong appointment. Huling tanong na lang po: Ano pong grado ang ibibigay n’yo sa performance ng ating Pangulo after a year in office?
GMA: Alam naman ng lahat na naging estudyante ko ‘yan sa Ateneo ‘noh. Well, some things never change. Pasang-awa pa rin. If it’s any consolation, consistent siya sa kanyang sub-par performance.

Heckler: Any advice po sa ating Pangulo?
GMA: I only have three words for him: “Tigilan mo na ako!”
Heckler: Ma’am, four words po ‘yan.
GMA: The nerve! It must be the nerve. Sorry, I have to go. Thank you.
Heckler: Thank you rin ma’am.
-END OF INTERVIEW-
——————————————————————————-
“Thoughts lead on to purposes; purposes go forth in action; actions form habits; habits decide character; and character fixes our destiny.”
~Tryon Edwards

Quote of the Weak
“Tell that to the anchovies. They treat the public like small fishes with small brains.”
-Lawyer Raul Lambino on palace claims it had nothing to do with Zaldy Ampatuan’s and Lintang Bedol’s statements against his client, the Arroyos

You Have Spoken
Dapat bang imbestigahan ang mga rebelasyon nina Lintang Bedol at Zaldy Ampatuan kaugnay ng dayaan sa Maguindanao noong 2007?
-Dapat lang para may closure. 53.74%
-Move on. 19.05%
-Wala akong pakialam. Uy, na-try n’yo na ba ang Google+ ? 27.21%

Share this on Facebook and Twitter: Add to FaceBookAdd to Twitter
I am on Twitter: @HecklerForever.

Have a great week ahead!

LAPSES

DID YOU MONITOR the Senate Blue Ribbon Committee’s hearing on the PCSO fund mess Wednesday? The hearing was attended by several bishops plus, of course, their savior, the senators.


At least eight bishops and a dozen senators converged Wednesday in the Senate. It was a face-off between pretentious, holier-than-thou, self-proclaimed devout Catholics, and bishops.

PCSO chair Margie Juico apologized for saying that the bishops received “Pajeros.” Sen. Jinggoy Estrada lectured Juico, and said “As a devout Catholic, it pains me to hear that our bishops are involved in anomalies here in our country.” To which, the bishops replied, “The feeling is mutual.”

Butuan Bishop Juan De Dios Pueblos admitted that he made a “lapse in judgment” when he asked for “a brand new car.” And in a move that shocked both the bishops and senators, Virgilio Garcillano issued a statement saying he never gave Pueblos a car.

Reading from a prepared opening statement, controversial Butuan Bishop Juan De Dios Pueblos admitted that he made a “lapse in judgement” in asking for “a brand new car” from former president Gloria Macapagal-Arroyo. As soon as he was done reading, the other bishops held hands and started singing, “If We Hold on Together.”

Actress Susan Roces who was watching Bishop Pueblos on TV was like, “Ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw! You wrote that letter not once, but twice!”

Zaldy
Former governor Zaldy Ampatuan revealed that ex-president Gloria Macapagal-Arroyo was involved in the election fraud in Maguindanao in 2007. Likewise, he  revealed that Jose Rizal was killed by the Spanish; the Earth revolves around the sun, and John Lennon was shot by Mark David Chapman.

Apparently, Zaldy Ampatuan wants to turn state witness. Against Gloria Macapagal-Arroyo.

Zaldy Ampatuan has initiated court proceedings to change his last name. He is seeking a little compassion and empathy from the public. Hopefully, the judge would grant his petition to use the surname Mangudadatu.

Lintang Bedol
Former Maguindanao election supervisor Lintang Bedol has surfaced and accused the Arroyos of masterminding the election fraud in Maguindanao in 2007. Oh, I thought Lintang Bedol was dead. Well, now he is.

Lintang Bedol has exposed the alleged massive poll fraud in Maguindanao in 2007. Following his revelation, Bedol expressed fear for his life while Miguel Zubiri expressed fear for his post.

With his revelations against the Arroyos and other officials of the previous administration, Lintang Bedol has expressed fear for his life. He now considers changing his name.

De Lima’s Lovelife
Interviewed on ANC’s Strictly Politics, Justice Secretary Leila De Lima, whose marriage was annulled in 2001, admitted that she has a boyfriend. The 51-year-old single mom refuses to identify the guy nor his background but reveals she has six (new) witnesses to prove her claim.

Justice Secretary Leila De Lima has a lovelife. Take that Mr. President!

Absent!
Among congressmen with the most number of absences in sessions, Sarangani Rep. Manny Pacquiao placed fourth. In other words, he’s not present when solons deliberate on important issues. How are they able to tell?

Ang Galing Pinoy party-list Rep. Mikey Arroyo topped the list of absentees in the House of Representatives. In May 2011 alone, Mikey failed to attend a single session of the chamber. In totally unrelated news, Rufa Mae Quinto topped the list of absentees among “Showbiz Central” hosts for the month of May.
——————————————————————————————-
“Men of ill judgment ignore the good that lies within their hands, ‘til they have lost it.”
~Sophocles

Quote of the Week
“Manny’s a good friend, I actually love him. I love his tenacity, I love his competitiveness. So, Manny’s my guy.”
~NBA superstar Kobe Bryant on Manny Pacquiao

You Have Spoken
Dapat bang ipagbawal ang billboard ng mga naka-underwear na modelo/celebrities??
-Dapat lang. Offensive! 35.36%
-Hayaan na lang! Karapatan nila ‘yan. 26.15%
-Big deal? Ke meron o wala, wala akong pakialam sa mga ‘yan. 38.49%

Kobe! Kobe! Kobe!
It was an awesome experience – as always. Kobe’s fourth visit to Manila was the most attended. Araneta Coliseum was filled to the rafters. Laker and non-Laker fans trooped to the Big Dome Wednesday to see the Black Mamba.

Thank you again TJ Manotoc for the tickets. I was seated beside two Azkals, Jason Sabio and Simon Greatwich, whom I wrongly identified in my tweet as Rob Gier. Apologies.

Thank you Kobe for the visit. Lakers4ever.

Personal
I have a Twitter follower whose father, Mr. Lory Ordenes is a regular reader of this blog. Magandang araw po sa mga taga-Sablayan, Occidental Mindoro and thanks for reading sir!

Enjoy the rest of the week!

Share this on Facebook and Twitter: Add to FaceBookAdd to Twitter
I am on Twitter: @HecklerForever.

HYPOCRITES, INC.

Intelligence Funds
During Thursday’s Senate hearing, it was revealed that in 2010 alone, the Philippine Charity Sweepstakes Office released 150 million pesos for intelligence – higher than the AFP’s annual intelligence fund of 124.3 million pesos. Former PCSO General Manager Rosario Uriarte defended the disbursement of the amount saying the PCSO was able to neutralize Communist rebels, Muslim extremists, and the Abu Sayyaf Group.

PCSO General Manager Rosario Uriarte revealed that the letters of request for intelligence funds totaling 325 million pesos from April 2008 to Feb. 25, 2010 were approved by then President Gloria Macapagal-Arroyo. Uriarte was certain those were GMA’s signatures because she was just one foot away from her when she signed the documents.

JV vs. Mikey
Amid the PCSO fund controversy, former president Joseph Estrada’s son, San Juan Rep. JV Ejercito traded barbs with former president Gloria Macapagal-Arroyo’s son, Pampanga Rep. Mikey Arroyo. Here’s their fiery Twitter exchange:

@TheRealJVEjercito
For the reason that they have taken advantage of the Filipino people, they should be sentenced with life imprisonment.

@MightyMikeyArroyo
Palibhasa neophyte ka sa Kongreso kaya wala kang paggalang sa kapwa mo kongresista. Publicity lang ang habol mo.

@TheRealJVEjercito
Correction! Hindi publicity ang habol ko. Ang habol ko, maipakulong kayo!

@MightyMikeyArroyo
Wow, ang linis. Sino bang na-sentensyahan ng life imprisonment dahil sa plunder? Eh ‘di ba ‘yong ama mo?

@TheRealJVEjercito
Hoy! For your information hindi pera ng gobyerno ang kinuha ng tatay ko!

@MightyMikeyArroyo
Ah oo nga naman, jueteng money ‘yon. Pera ng tao. Eh ‘di mas malala!

@TheRealJVEjercito
May mas lalala pa ba sa pandaraya sa eleksyon ng ina mo!

@MightyMikeyArroyo
Ina mo rin! Tapos na ang isyung ‘yan. ‘Wag mo nang ungkatin. Bitter ka lang dahil hindi nagtagal sa puwesto ang tatay mo! ‘Buti na lang at nabisto ang mga kickback niya sa jueteng!

@TheRealJVEjercito
Ah ganun!? Eh ‘yong kickback ng magulang mo sa NBN-ZTE deal? Kumusta naman?

@MightyMikeyArroyo
Hindi nasangkot ang nanay ko sa murder. Baka lang nalimutan mo, hindi pa sarado ang kaso nina Dacer at Corbito!

@TheRealJVEjercito
Fertilizer fund scam ng ina mo!

@MightyMikeyArroyo
Boracay mansion ng ama mo!

@TheRealJVEjercito
Mas kaduda-duda naman ang mga mansion n’yo sa California!

@MightyMikeyArroyo
At least ang nanay ko, walang kabit at hindi marami ang asawa?

@TheRealJVEjercito
Rufa Mae Quinto!

@MightyMikeyArroyo
‘Wag kang mamersonal! Break na kami. Last year pa!

@TheRealJVEjercito
Hahaha! Wala ka nang maisumbat! Naubusan ka na talaga! Loser!

@MightyMikeyArroyo
Anong wala? Kapatid mo si Jinggoy!

@TheRealJVEjercito
Eeew. Matagal ko nang tinanggap ‘yon!

@MightyMikeyArroyo
Eh bakit s’ya hindi pa?!

@TheRealJVEjercito
Hindi ko na ‘yon problema. Tapos ka na? Ako marami pa! Hello na lang kay Mrs. Lilia Pineda! Tumbok na otsenta, sahod na kuwarenta! Hahaha

@MightyMikeyArroyo
Kung magsalita ‘to, para naman ‘yong ama niya eh hindi kumita sa mga Pineda!

@TheRealJVEjercito
Old issue!

@MightyMikeyArroyo
Walang utang na loob! Kung ‘di dahil sa ina ko, nakakulong pa rin ang ama mo.

@TheRealJVEjercito
Walang kasalanan ang tatay ko.

@MightyMikeyArroyo
Babaero at lasenggo!

@TheRealJVEjercito
Rehashed.

@MightyMikeyArroyo
Sugarol!

@TheRealJVEjercito
Recycled.

@MightyMikeyArroyo
Bakla!

@TheRealJVEjercito
Tanga! Baka ‘yong kapatid ko.

@MightyMikeyArroyo
Haha! Addict ka talaga!

@TheRealJVEjercito
Ay siya rin ‘yon! Joooke! You didn’t hear it from me huh!

@MightyMikeyArroyo
Sure! So pa’no? Ceasefire muna?

@TheRealJVEjercito
Oks lang. Dahil tomorrow naman ay Linggo, payag ako. Unsolicited advice lang: magsimba kayo!

@MightyMikeyArroyo
Bakit naman pati ‘yon pinapakialaman mo?

@TheRealJVEjercito
Wala naman. Concerned lang. Sa dami ng ibinabatong kaso sa ina mo, hindi lang doble kundi tripleng dasal ang kailangan n’yo.

@MightyMikeyArroyo
Wait, sino nga ulit ang bakla sa mga kapatid mo?

@TheRealJVEjercito
Ha-ha-ha Peace! Logout na ‘ko!
-END OF TWITTER EXCHANGE-

SUV-shops
The good news is seven bishops will return the PCSO money used to purchase their sport utility vehicles. The bad news is starting tomorrow (Sunday), there will be a second collection at the end of Mass.

Butuan Bishop Juan de Dios Pueblos says he is a victim of “character assassination.” Excuse me Bishop, but last time we checked, it was you who asked for “a brand new car, possibly a 4 x 4” for your birthday gift! There was hardly anything left of your character to “assassinate!”

Top 10 Things Overheard at the CBCP’s Bi-Annual Plenary Meeting Held Saturday, July 9, 2011

No. 10: “Ang tigas kasi ng ulo mo! Sinabihan na kita noon pa, lumayo ka na kay GMA. Hindi ka nakinig. O, anong napala mo?”

No. 9: “Sa ayaw at sa gusto n’yo, ibabalik natin! Ito lang ang paraan upang malinis ang pangalan ng Simbahan.”

No. 8: “Bishop, sino sa palagay n’yo ang ama ng ipinagbubuntis ni Andi Eigenmann? Albie Casiño o Jake Ejercito? | Ay! Mas pasok sa plangganang butas ‘yong Jake! In fairness! Forgive me Lord!”

No. 7: “Sino ba ang Elizabeth Angsioco na ‘yan at bakit ‘di n’yo mapatahimik?

No. 6: “Hello? Hello? Medyo chubby po kayo Madam President. Ang labo po ng linya n’yo. Hello? Nasa plenary meeting lang po ako. Let me return your call in a while. Yes Madam President. Yes. Huwag ho kayong mag-alala. Hindi ko kayo ilalaglag.”

No. 5: “‘Yong pito sa inyo na laman ng balita ngayon, umisip na kayo ng ibibigay na eksplanasyon sa Vaticano. Mga hinayupak kayo!”

No. 4: “Ito ay pagsubok lamang sa katatagan ng ating paninindigan laban sa RH Bill. Huwag kayong bibigay sa pressure ng mga kampon ng demonyo.”

No. 3: “Pareng Bishop, atin-atin lang ‘to huh! Nakita mo ba ‘yong binaklas na billboard ng Philippine Volcanoes sa Edsa? Grabe! Hindi ko kinaya. Luveeet!”

No. 2: “After ng plenary, kausapin n’yo na ang mga in-assign sa inyong abogado. Paturo na kayo ng isasagot para hindi kayo tatanga-tanga ‘pag tinanong kayo sa hearing next week.”

And the No. 1 thing overheard at the CBCP’s bi-annual plenary meeting held Saturday, July 9…

“Hindi naman ako ang unang nag-draft ng letter na ‘yon kay GMA eh. Hiniram ko lang ‘yong template ni Bishop ******. Bakit ‘yong sulat ko ang napag-initan ni Margie Juico at ng PCSO?”

Overseas
Last Tuesday, a Florida jury found Casey Anthony not guilty of killing her 2-year-old daughter Caylee in 2008. Anthony wasn’t happy though because just this morning, the DOJ and the NBI announced they had found at least six new witnesses against her.
————————————————————————
“We have two kinds of morality side by side: one which we preach but do not practice and another which we practice but seldom preach.”
~Bertrand Russell

You Have Spoken
Ayon sa ilang obispo, pinag-iinitan daw sila ng gobyerno. Makatwiran ba ang kanilang reklamo?
-Oo nga naman. Unfair ang trato sa kanila. 7.1%
-Hindi ‘no! Dapat lang silang imbestigahan! 85.8%
-Magbabasa muna ako. Huli na ‘ko sa balita. 7.1%

Share this on Facebook and Twitter:Add to FaceBookAdd to Twitter
I am on Twitter: @HecklerForever.