Advertisements

STITCHES AND BURNS

9 10 2017

1APC

THE MARCOSES and Mocha Uson claiming to be fake news victims; a “barefaced liar” making unfounded accusations under oath, and the country’s foreign affairs secretary getting grilled by an Al Jazeera news anchor on extrajudicial killings. What a crazy week for liars! It was also a week of solid, nasty burns.

In case you missed it, here’s the translated transcript of the unedited, unaired portions of Al Jazeera journalist Mehdi Hasan’s interview with DFA Sec. Alan Peter Cayetano

Hasan: Sabi sa report mo, 3,500 ang napatay sa drug operations.

Cayetano: Oo!

Hasan: Lahat ‘yon drug dealers????

Cayetano: Yes!

Hasan: As in ALL of them?!?

Cayetano: Yes!

Hassan: Hindi kinasuhan, hindi nilitis, hindi pinarusahan. Paano mo nalaman?

Cayetano: Sabi sa karton.

Hasan:

Cayetano: ‘Tsaka sa Facebook ni Mocha Uson.

1EJKianl
Hasan: Sinasabi mo ngayon na lahat ng 3,500 na napatay ay drug dealers?

Cayetano: Oo!

Hasan: As in ‘yong 3,500 – – drug dealers LAHAT?!?

Cayetano: Sinabi nang oo eh!

Hasan: Pati si Kian De Los Santos drug dealer??

Cayetano:

Hasan:

Cayetano: Fine! 3,499 lang pala.

* * * * *

Hasan: Drug dealers bang lahat ang napatay?

Cayetano: Oo!

Hasan: 3,500 na drug dealers!??!! As in LAHAT sila drug dealers???

Cayetano: Sinabi nang OO eh! Ang kulit!

Hasan: Paano mo nalaman? Kinasuhan ba sila? Nilitis? Pinarusahan?

Cayetano: Nanlaban.

Hasan:

Cayetano: ‘Wag mo ‘kong tingnan nang ganyan. Ako mismo ang nagbilang.

* * * * *

Hasan: So, ‘yung 3,500 na pinatay ng pulis, drug dealers lahat?!?

Cayetano: Oo!

Hasan: As in ALL of them?

Cayetano: Oo nga!

Hasan: Paano mo nalaman? Kinasuhan ba? Nilitis ba? Pinarusahan ba? Hindi ‘yan ang demokratikong paraan ng pag-solve sa krimen.

Cayetano: Bakit? Sinong may sabi sa ‘yong demokratiko ang gusto naming paraan ng pag-solve sa krimen?

Hasan: In fairness, may point. ‘Nyeta ka.

* * * * *

Hasan: ‘Yong 3,500 na pinatay ng pulis, lahat drug dealers?

Cayetano: Kanina ka pa eh. Sabi ko, oo, ‘di ba?

Hasan: Lahat sila drug dealers???

Cayetano: Yes! Yes! Yes!

Hasan: Pati ‘yong South Korean na pinatay ng mga pulis sa loob mismo ng Camp Crame, drug dealer?

Cayetano: Pinoy lang ang pinag-uusapan natin, ba’t biglang may Korean?

Hasan:

Cayetano: Dilawan ka rin eh!

1EJKDoll

Hasan: Sabi mismo ng presidente n’yo, 40 percent ng kapulisan, corrupt.

Cayetano: ‘Yon ang estimate niya. Sabi ng aming PNP chief, 2 percent.

Hasan: So sino ang tama: ang inyong presidente o ang chief ng PNP?

Cayetano: Estimate nga lang ‘yong kay presidente.

Hasan: Tama ba ang estimation n’ya?

Cayetano: When you make an estimation…

Hasan: Simpleng oo o hindi lang. Tama ba o hindi ang 40 percent estimation ni Duterte?

Cayetano: ‘Tang ina naman o! Ba’t ba ako nag-guest dito? Sana kay Anthony Taberna o kay Noli De Castro na lang ako nagpa-interview.

* * * * *

Hasan: So you’re saying na ‘yong 3,500 na napatay ng pulis, lahat drug dealers?

Cayetano: Ilang beses ko ba dapat sagutin ‘yan? Oo! Oo! Oo!

Hasan: So ‘pag drug dealer, pinapatay?

Cayetano: ‘Yong drug dealers lang na nanlalaban.

Hasan: Buhay pa si Pulong Duterte.

Cayetano: Therefore, hindi pa siya nanlalaban.

Hasan:

Cayetano: Puta ka! Nilito mo ako. Hindi siya drug dealer, promise!

* * * * *

Hasan: Last na: Ano ang pakiramdam ng mga Pilipino sa nagaganap na patayan sa ilalim ng gobyernong Duterte?

Cayetano: Good question. Filipinos are prouder now more than ever.

Hasan: Prouder? Anong klaseng mga Pilipino ‘yan? Panatiko? ‘Di nag-iisip? Blind followers?

Cayetano: Hindi. Ang tawag sa kanila, Ka-DDS.

Hasan: ‘Yun nga.
——————————————————————————————————————————————
“There are two ways of lying. One, not telling the truth and the other, making up statistics.”
~Josefina Vazquez Mota

Sound Bites
“There is no place in government – or in the field of professional communications, for that matter – for barefaced liars.”
~National Union of Journalists of the Philippines on Duterte propagandist RJ Nieto

“Let it be known that under the present administration there is only one case of extrajudicial killing, or EJK.”
~PNP Spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos

Liar.

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photos: Cayetano/Hasan: Al Jazeera; Kian DLS Artwork: PJ’s Artbox; EJK/Doll: REUTERS/Damir Sagolj]

Advertisements







%d bloggers like this: