5 MINUTES WITH PRESIDENTIAL ASPIRANT, MANNY PACQUIAO

Para sa ‘yo, sino ang pinakamatindi mong kalaban sa 2022? 

TODAY, we launch our series of imagined 5-minute conversations with political figures. We begin with an “interview” with senator and presidential aspirant, Manny Pacquiao.

Host: Good evening, Mr. Senator.

MP: Pwidi ba Manny na lang? Di ako sanay tawaging senator eh.

Host: Lalo naman kami.

MP: Unsa na?

Host: Joke lang. Hihi. Anyway, alam kong busy ka ngayon so didiretso na ako sa questions. Tatakbo ka for president next year. Alam mo ba ang papasukin mo?

MP: Syimpri sa Malacañang! ‘Pag prisidinti ka, doon ka papasok. Pag congressman ka sa Batasan. ‘Pag estudyante, sa school. Common sins lang.

Host: Speaking of common sense, sa social media, nababatikos ang incompetence ng ilang senador gaya mo, ni Bonggo at ni Bato. Diretsahan na, sino ang pinakabobo sa inyong tatlo? And why?

MP: Alam mo, sabi sa Matthew 7:1, “Do not judge or you will be judged.” Kaya ayaw kong manghusga. Pwidi bang ibulong ko na lang?

Host: Sige.

(Manny whispers a name and explains why.)

Host: Agree ako sa ‘yo! May point ka naman. Hihi Sabi mo noong 2016, masahol pa sa hayop ang mga homosexuals dahil nakikipagtalik sila sa same sex. Ito pa rin ba ang stand mo hanggang ngayon?

MP: Syimpri, hindi na. Kasi nalaman ko may ibang hayop pala na bakla o tomboy din. So, mali talaga ang sinabi ko noon na masahol pa ang LGBT sa hayop. Tabla lang sila.

Host: Tabla?!?

MP: Oo. Kumbaga sa boxing, dro.

Host: Naku, baka magalit na naman ang LGBTQ+ community sa ‘yo.

MP: Ba’t sila magalit?!? Linawin ko lang ha, nirespito ko ang LGBT. May fans akong LGBT tulad ni Remond saka si Rechards.

Host: Sino si Rechards?

MP: Basta! Saka, nag-aral din ako tungkol sa LGBT para nixt time na i-judge ko sila, may basehan ako.

Host: Nag-aral ka about LGBT?

MP: Basa-basa lang.

Host: Sige nga. Ano ang ‘B’ sa LGBT?

MP: Syimpri, bakla.

Host: Wrong.

MP: Ambot! Binago na ba? Noong 2016, naalala ko, bakla ‘yon.

Host: Hindi. Never nabago ang B sa LGBT.

MP: Bayot?

Host: Mali pa rin! Akala ko ba nagbasa ka about LGBT?

MP: Oo nga. Baka na-skip ko lang sa libru. Sirit na!

Host: Ang B sa LGBT ay “bi.”

MP: Sabi ko na nga ba Bisaya ‘yon eh!

Host: Bai naman ‘yon. Eh ‘yong T?

MP: T?

Host: ‘Wag na lang pala. Alam ko na ang isasagot mo.

MP: Trans ‘di ba?

Host: Hindi!!! Tomboy!

MP: Sabi ko na eh! Nagpalit lang ako ng answer!

Host: Ewan ko sa ‘yo! Moving on… may rapid fire questions ako. Kahit ‘di ka na mag-explain, ok lang. Basta, sagot agad. Game?

MP: Game!

Host: Are you for or against same sex unions?

MP: No comment! Siguro gusto mo na namang magalit sa akin ang LGBT! This is a sit up!

Host: Bahala ka! Ito na lang… saan ka mas naniniwala: Evolution o Creation?

MP: Syimpri, Creation.

Host: Kapag nananalamin ka, evolution o creation?

MP: Pisti ka!

Host: Pabor ka bang ilibing ngayon sa Libingan ng mga Bayani si Imelda Marcos?

MP: Yes.

Host: Thank you! Next: Kung magiging presidente ka, tapos ipaaaresto ng International Criminal Court si Duterte, isu-surrender mo ba s’ya?

MP: Susunod tayo sa batas.

Host: Yes or No lang.

MP: ‘Wag mo akong madaliin. Let’s burn the bridge when we get there.

Host: Ok. Kung si Duterte, may “Build, Build, Build” program, ano naman ang kay Manny Pacquiao?

MP: Syimpri, “Fight! Fight! Fight!” Kasi, para sa ‘yo ang laban na ‘to.

Host: With a combined net worth of 7.6 billion pesos, ikaw at si Senator Cynthia ang richest senators. Fair talaga si lord.

MP: Anong tanong?

Host: Wala naman. Sinasabi ko lang.

MP: Ang alin?

Host: Basta. Next question na. Sino sa tingin mo ang magiging pinakamatindi mong kalaban sa 2022?

MP: Unang-una, nirespito ko ang mga kalaban ko. Malakas silang lahat. Pero sa tingin ko, pinakamalakas pa rin si Ugas kasi tuloy-tuloy ang training niya. Ako, nahinto na.

Host: Ang labo! Bago ka naging Born Again Christian, kilala kang babaero. Ang daming na-link sa ‘yong magaganda at sexy actresses. Kanino ka pinaka-nag-enjoy?

MP: Kunting rispito naman. Senador ako.

Host: Pasensya na. Iibahin ko na lang ang tanong. Maraming na-link na magaganda at sexy actress sa ‘yo. Anong problema nila?

MP: Ewan ko. Siguro, kailangan nila ng friend. Pwidi bang change topic na? Baka mag-away na naman kami ni Jinkee.

Host: Sige. Ano ang G sa LGBT?

MP: Yawa!

Host: Joke lang. Last question: Ano ang message mo sa ating mga kababayan?

MP: Mga Kababayan, alam kong hirap na hirap na kayo. Malapit nang guminhawa ang inyong mga buhay! Pangako ko ‘yan sa inyo. At sa mga corrupt, bilang na ang araw n’yo. ‘Pag ako ang nanalo, mawala man ‘yang kurapsyon in 3 to 6 months.

Host: Narinig na namin ‘yan.

MP: Sige, gawin kong 12 months. Linisin ko ang corruption in 12 months! Fight! Fight! Fight! Think u!

Host: Think you too, Manny. At kayo ring mga botante, think.

End