MGA HULA AT BABALA (2016)

Matutupad ang isang bagay na matagal mo nang pinaghahandaan.

1P

ANO ANG SINASABI ng mga bituin tungkol sa ilang kandidato at kanilang mga tagasuporta? Narito ang kanilang horoscope (hula at babala) na may bisa mula May 7 hanggang May 13.

Vice President Binay
Born November 11, 1942
Scorpio
Ihanda ang videoke machine sa bahay dahil sa unang pagkakataon sa loob ng tatlumpung taon, mapapakanta ka ng ‘My Way.’

“And now,” Mr. Vice President, “the end is near.”
Wala talagang forever.

Mayor Rodrigo Duterte
Born March 28, 1945
Aries
Maraming natatakot sa ‘yo. Pero sa panahong ito, mas nakakatakot ang supporters mo.

Pabor sa ‘yo ang alignment ng mga planeta. Ikaw ang posibleng manalo. Good luck sa ‘yo. Mas good luck sa bansang ito.

Sen. Grace Poe
Born 1968
Hindi sapat ang impormasyon upang ma-evaluate ng mga bituin ang iyong kapalaran.

Sen. Miriam Defensor-Santiago
June 15, 1945
Gemini
Kayo po ang choice ng mayorya ng mga kabataang Pilipino. Mayorya din nila, hindi rehistrado. Sayang.

Sec. Mar Roxas
Born May 13, 1957
Taurus
Matutupad ang isang bagay na matagal mo nang pinaghahandaan. Tatalunin mo si Binay sa darating na halalan. Congratulations!

Manny Pacquiao
December 17, 1978
Sagittarius
Kahit numero uno kang absentee sa Kongreso, iboboto ka pa rin ng mga tao sa Senado. Samakatuwid, hindi na ikaw ang may problema – – mga botante na.

Iglesia Ni Cristo
July 27, 1914
Dahil marami kayo, narito ang bloc horoscope n’yo…
May parating na bad news sa buong Iglesia: Sa ayaw n’yo man o sa gusto, iboboto ng mayorya si Leila De Lima. Period. Walang comma!

Duterte Diehards:
Wala kayong horoscope. ‘Di naman kayo nakikinig sa sasabihin ng kahit sino eh. Sayang lang ang laway.

Binay Supporters:
See the horoscope of Duterte Diehards. Lilipat din naman kayo ‘di ba?

President Aquino:
Tapos na ang pangangampanya para sa ‘yong kandidato. Bumalik ka na sa trabaho bilang pangulo. Now na!
——————————————————————————————————————————————–
“Win or lose, we go shopping after the election.”
~Imelda Marcos

Sound Bites
“After all, fish rots from the head; so if the leader thinks it fine to bash the Pope for traffic woes, or joke about the rape-slaying of a missionary, or deliver vituperative remarks about other countries for reacting to his extreme comments, what can people expect of his followers?”
~PDI Editorial, Arresting a slide to mob rule

Think before you shade.

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photo: SpikeDaily.com]

Advertisements

NOTES ON A DEBATE

Binay: Hindi ka Filipino!

Poe: Hindi ako nangulimbat!

Binay: Grabe ka namang magbintang. Parang na-convict na ako ah!

Poe: Sinabi ko bang ikaw ang nangulimbat? Nagbanggit ba ako ng pangalan?!

1PD2
THE SECOND presidential debate took place Sunday in Cebu City. #PilipinasDebates2016 started 90 minutes late though because Vice President Binay refused to follow one debate rule: No cheating.

Vice President Binay wanted to bring some notes and documents to the stage during the debate. But it was against the rules. Binay insisted however that five days earlier, he was allowed to do so by the event’s media partner, TV5. Apparently, there had been some sort of miscommunication between the Binay camp and Comelec Chair Luchi Cruz-Valdes.

To be fair to Luchi Cruz-Valdes, she handled the snafu like a pro. She immediately apologized for the mistake and took responsibility for it. Said President Aquino, “Pwede pala ‘yon?!?”

Nancy Binay was spotted outside the venue before the debate started. When quizzed by reporters about the delay, Nancy Binay said she didn’t know what was happening. Among many other things.

After the debate, moderator Luchi Cruz-Valdes requested the candidates to stay for a few minutes because Comelec Chairman Andy Bautista, TV5 CEO Noel Lorenzana, and UP President Alfredo Pascual wanted to congratulate them. Duterte, Poe, and Roxas stayed. But Binay immediately walked out – leaving the stage just as he arrived: like a true diva.

Goebbels
Reacting to the corruption issues raised by Mar Roxas and Grace Poe, Vice President Binay said the two were “disciples of Goebbels,” master propagandist of Hitler’s Nazi regime. Just so you know, it was Goebbels who was quoted to have said, “If you tell a Binay lie big enough and keep repeating it, people will eventually come to believe it.”

1debate 1
In case you missed it, here’s the transcript of the most heated portions of the debate.

Binay vs. Poe
Binay: Hindi ka Filipino!

Poe: Hindi ako nangulimbat!

Binay: Grabe ka namang magbintang. Parang na-convict na ako ah!

Poe: Sinabi ko bang ikaw ang nangulimbat? Nagbanggit ba ako ng pangalan?!

Binay: ‘Sensya naman. Akala ko kasi ako ang tinutukoy mo. So sino?

Poe: Tanga! Ikaw nga ‘yon. Helllllo??!! May iba pa ba. #asa

Binay vs Roxas
Roxas: Pati kama at iba pang gamit sa ospital, overpriced sabi ng COA!

Binay: Hindi overpriced ‘yan. We are entitled sa mamahaling gamit. Taga-Makati kami! Sosyalin!

Roxas: Pati building, bawat square meter, overpriced sabi ng COA.

Binay: Paulit-ulit ka ng bintang! Disipulo ka ni Goebbels!

Roxas: Paulit-ulit ka rin ng deny! Spell ‘Goebbels!’

Binay: Huwag mong ibahin ang usapan. Balik tayo sa overpricing.

Duterte vs. Roxas vs. Binay
Duterte: You’re a fraud! Sabi mo graduate ka ng Wharton, hindi ka taga-Wharton!

Roxas: Malinaw na malinaw, Wharton na po ang nagsabi. Nagtapos ako doon.

Binay: Digong, baka naman umattend ‘yan ng seminar sa Wharton. Hihihi

Roxas: Sandali, ito nga pala ang sabi ng COA sa overpriced school building sa Makati.

Binay: Ba’t ba ako nasali d’yan?! Oras mo ‘yan Digong. Go! Kaya mo na ‘yan!

Poe vs. Roxas
Poe: ‘Pag kaalyado, selective justice ang pinaiiral n’yo!

Roxas: Hindi ‘yan totoo! Kaalyado man o hindi, kinakasuhan kapag mali!

Poe: Si Jun Abaya ng DOTC, nasa puwesto pa rin until now kahit napakaraming kapalpakan!

Roxas:

Poe: Si Jun Abaya ng DOTC, nasa puwesto pa rin until now kahit napakaraming kapalpakan!

Roxas: Paulit-ulit? Nasabi mo na ‘di ba?

Duterte vs. Poe
Duterte: Kapag bigla kang ginising isang gabi dahil nagkakaputukan na sa Spratlys, ano ang una mong gagawin?

Poe: Babangon muna siyempre.

Duterte:

Poe:

Duterte: ‘Yan tayo eh. Duterte… 3 points! Hihihi

Roxas vs. Duterte
Duterte: Kung hindi ka handang pumatay o mamatay, hindi ka puwedeng mag-presidente!

Roxas: Mahihirap lang ang pinapatay mo! Wala kang binanggang kriminal o corrupt na mayaman.

Duterte: Ah ganun? Gusto mong pakitaan kita ngayon ng sample? Pwes…

Binay: Hoy Luchi… Luchi! Hindi ka ba aawat? Time is up na yata si Digong!

Poe vs. Binay Part 2
Poe: Suportado natin ang FOI Bill na may ngipin!

Binay: Sus! Kapag ako ang naging pangulo, maglalabas ako ng executive order on Freedom of Information Bill! Gano’n kabilis!

Poe: Agad-agad? Sige nga, kung suportado n’yo ang FOI Bill, nasaan ho sina Ebeng Baloloy at Gerry Limlingan?

Binay: Ang sabi ko, “KAPAG ako ang naging pangulo…” May qualifier! ‘Di ka ba nakikinig!?
—————————————————————————————————————————–
“Whoever is careless with the truth in small matters cannot be trusted with important matters.”
~Albert Einstein

Sound Bites
“Oops, alam mo, we are entitled to buy mamahalin kasi we have the best practice.”
~Vice President Binay on overpriced hospital equipment

“Ang kailangan siyempre bilang presidente ay bumangon agad. Hindi naman pwedeng mamaya na ‘yan, mamayang alas-singko, mamayang alas-sais. Mabilis na babangon ang presidente.”
~Sen. Grace Poe’s answer to Mayor Duterte’s question: Ano ang una mong gagawin kapag, isang gabi, ginising ka at sinabing nagkakaputukan na sa Spratlys?

“Ang hirap sa ‘yo Mar, you are a pretentious leader.”
~Mayor Duterte

“Ang isang ultrasound set na P1.3 million sa bill of particulars nang simulant ang project. Pero ang aktwal na binili n’yo, P8 million!”
~Mar Roxas on anomalous Makati City spending under Binay’s watch

Enjoy your summer break!

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photos: TV5 Manila and State of the Nation/GMA]

EXCLUSIVE: EDSA NAGSALITA NA!

Na-mention ko na rin lang ang MMDA, close naman kayo ni Chairman Francis Tolentino. Anong masasabi mo sa statement niya the other day na ‘di pa siya sure kung tatakbo sa Senado.

1trafficPHILSTAR
LAST SEPTEMBER 8, Metro Manila motorists were stuck in gridlock traffic for several hours following a heavy downpour that triggered flashfloods. Thousands got stranded and EDSA became a giant parking lot. The other day, our request for an interview with EDSA was granted. Here are excerpts from the exclusive interview.

Good morning EDSA. Diretso na tayo sa unang tanong kasi alam kong nagmamadali ka; rush hour ngayon. Ano ang naging unang reaksyon mo sa napakatinding traffic jam noong Martes ng gabi?

Siyempre, natigilan ako. Hindi ako makagalaw. Feeling ko ang sikip-sikip ng mundo ko.

Inexpect mo ba ang ganung kagrabeng traffic?

Actually, pati ako nagulat. Six hours?!? Wow! Tinalo pa ang traffic noong may rally ang Iglesia. Natawa nga ako sa isang pasahero ng bus. Nagbanta ba naman ang pucha. Sabi niya: kakasuhan daw ako ng illegal detention. Hellllo!

Ano ang sabi mo sa kanya?

Itiniwalag ko! Ayun, naglakad mula Ortigas hanggang Guadalupe! Illegal detention pala huh! Hala! Lakad!

Tiwalag? So INC ka pala?

Tanga! Katoliko ako siyempre! Kaya nga may Our Lady of EDSA ‘di ba!?

Teka, balik tayo sa traffic noong Martes. Pati pala si Sen. Chiz Escudero naipit sa traffic. Ang sabi niya sa media, three hours daw siyang stuck sa ‘yo!

So nagrereklamo siya? ‘Buti nga siya at komportableng nakaupo sa kanyang SUV. Hiyang-hiya naman sa kanya ‘yong mga pinaglakad ko.

Teka lang po. Galit agad? Wala naman akong sinabing nagreklamo siya. Ang init ng ulo ah.

Eh kasi nga Biyernes na naman. Bugbog na naman ako n’yan sa uwian!

Umuulan naman tuwing hapon ah. ‘Di ba mas maluwag ka kapag basa?

On the contrary, mas nagiging masikip ako kapag wet. Wala kasing galawan. Gitgitan nang gitgitan. Kanya-kanyang pasok at labas. Ang ending, heavy traffic.

So kaninong fault ‘yong monstrous traffic jam last September 8? Sa baha? Sa dami ng sasakyan? Sa MMDA? Sa Highway Patrol Group? Sa government? Kanino?

Gusto ko sanang sabihing fault ni GMA pero ang hirap ikunek eh. So, sa kalikasan na lang. Ewan ko nga ba kay Mother Nature, nagpapadala pa ng destructive forces eh nand’yan naman ang mga pulitiko at ang gobyerno. Ang labo!

Maiba ako. Totoo bang may tampo sa ‘yo ang mga tao ng MMDA?

Narinig ko na rin ang isyung ‘yan. As much as possible, ayaw kong paniwalaan dahil matagal na rin ang pinagsamahan namin. Pero lately, aaminin ko ‘to, for the first time, and exclusive sa ‘yo… sobrang lamig ng pakikitungo sa akin ng mga taga-MMDA. Hindi na masyadong nagpaparamdam. No text, no call. ‘Di na rin masyadong tumatambay. Nami-miss ko nga ang aming kwentuhan eh.

Baka nagseselos sa PNP-Highway Patrol Group. Hindi kaya?

Ayoko nang magsalita. Basta, friends ko sila pareho.

Pinag-aagawan ka ng dalawa! Ang haba ng hair huh! I mean, ng lane! Ano bang meron ka?

Ganda lang! Jooooooke!!! Siyempre, motorists na willing magbigay. ‘Tsaka abusadong drivers na kapag nahuli ng enforcer, ang laging linya ay “Sir, baka pwedeng pag-usapan na lang natin ‘to!” OR “Boss, kumpare ko nga pala si Mayor X” or “Chief, otso ang plaka ko, di mo napansin?” Like that.

Until now?

Naman! May bago?!

Na-mention ko na rin lang ang MMDA, close naman kayo ni Chairman Francis Tolentino. Anong masasabi mo sa statement niya the other day na ‘di pa siya sure kung tatakbo sa Senado.

Palabiro talaga ‘yang si Chairman. Hindi raw siya tatakbo????? Eh para saan ‘yong araw-araw na political ad niya sa radyo? Wala lang? Trip lang niyang gumastos?

‘To naman. Hayaan mo na. Baka naman donation. Speaking of donation, balita ko nag-donate ng 20 million-peso worth of traffic lights sa Legazpi City ang MMDA ah.

Ganun?!? BumiBinay? Investment for future elections?

Nagbibintang???

Paanong naging bintang ‘yon! May question mark ‘di ba? In short, nagtatanong!

Eh pa’no yan? Sabi ng palasyo, bahagi raw ng official function ‘yon ni Chairman?

MMDA?! Umabot sa Legazpi City? Bakit? Ano ba ang A sa MMDA? Albay? Para-paraan huh!

Well, it worked for Binay. Let’s see if it would work for Tolentino.

Matagal pa ba ang interview na ‘to?

Grabe naman. Nagmamadali??? May naghihintay bang taxi sa labas?

Tanga! ‘Di lang taxi! Pati bus, kotse, truck, van, motorsiklo, ambulansya, atbp!

Konti na lang. ‘Di ba marami nang pulitiko ang dumaan sa ‘yo? Kapag natatrapik sila, ano bang naririnig mo mula sa mga ‘yon?

So tsismoso ako? Ganun?

I didn’t say that. Baka lang kasi naririnig mo sila kapag naiipit sa grabeng traffic. Like si Mar Roxas, ano ba usually ang sinasabi kapag napakatagal na stuck sa ‘yo?

“‘Tang-inaaaaaa! Traffic!”

“‘Tang-inaaaaaa” talaga??? Anim ang ‘a?’

Hindi naman. Minsan 10. Depende sa tindi ng traffic.

Si Manny Pacquiao?

Naku! Wala nang ginawa ‘yon kundi mag-quote ng Bible verses kapag natatrapik!

Eh si Grace Poe?

Sabi ni Madam, igalang daw natin ang karapatang magpahayag ng mga motorista. Kung mag-quote man daw ng Bible verses, hayaan na lang daw natin sila kasi may religious freedom naman.

How about President Aquino?

Actually, ang mareklamo sa traffic, ‘yong driver niya. Kaya si Presidente, ang laging banat: Buhay ka pa naman ‘di ba?

Kumusta naman si Binay?

Ahh iba naman ‘yun. Hindi nagmumura si VP to be fair to him. Kapag stuck ‘yan sa trapik, nagnanakaw ng tulog ‘yan. At least, consistent.

Consistent? Meaning?

Punta naman tayo kay Duterte…

Wait, what do you mean by consistent?

Aabutan na ako ng rush hour. Ayoko na.

Last na lang. Kung boboto ka sa 2016: Tuwid na Daan pa rin o iba naman?

Maluwag na Daan! Bye!

-End of Interview-
———————————————————————————————————————————————-
“Life is too short for traffic.”
~Dan Bellack

Sound Bites
“Severe traffic congestion that was triggered by heavy rains and flash floods clearly showed the inadequacy of existing road and flood-control infrastructure that will take time to be scaled up.”
~Palace spokesman Sonny Coloma

Have a good weekend and an even better week ahead! UP FIGHT!

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photo: Philippine Star]

SAY GRACE

SENATOR GRACE POE has zoomed past Vice President Binay as the top choice for president according to the recent Pulse Asia and Social Weather Stations surveys.

1GPTT
SENATOR GRACE POE has zoomed past Vice President Binay as the top choice for president according to the recent Pulse Asia and Social Weather Stations surveys. Analysts described Poe’s surge as Toby Tiangco’s biggest accomplishment yet.

From 29 percent in March, Vice President Binay got 22 percent in the latest Pulse Asia survey. Binay lost seven percentage points while Toby Tiangco lost his job.

Vice President Binay has a new spokesman: former Cainta, Rizal mayor and former ABS-CBN reporter, Mon Ilagan. As a reporter, Ilagan was trained to tell only the truth and the facts. I wonder how he’ll adjust to his new job.

According to the Vice President, the results of the recent surveys were a “wakeup call.” To reclaim the top spot, he vows to visit more towns, help more OFWs, and prevent Toby Tiangco from opening his mouth again.

sarmiento-m
Liberal Party secretary-general Mel Senen Sarmiento says DILG Sec. Mar Roxas is “still the man to beat” in 2016 despite placing fourth with only 10 percent in the latest Pulse Asia survey. Sarmiento is the representative of Western Samar in Congress. In high school, he was twice voted as “Most Likely to Rely on Miracles.”

What they actually told the media
(What they really wanted to say)

Sen. Grace Poe
Ako ay nagpapakumbabang nagpapasalamat sa tiwalang ipinagkakaloob ng ating mga kababayan.
(Foundling pala huh. O, loko!)

Sec. Mar Roxas
Personally, I was touched and deeply thankful to the people for the 150 percent rise in their trust in me.
(Tumaas na ng 150 percent pero pang-apat pa rin?? Bwakanangina, ano ba ‘toooo?!)

Mayor Rodrigo Duterte
I am not running. It would be against the wishes of my family.
(‘Pag ‘di kayo tumigil sa paulit-ulit na tanong, ipatutumba ko kayo. Yawa!)

Vice President Binay
Mas determinado akong ipagpatuloy ang aking laban para sa taumbayan.
(Hello. Hello, Toby? Toby, choppy ka. Toby, si VP ‘to. Hayup ka! Tingnan mo ‘tong ginawa mo! Gago!)

1Cainta
Last week in Cainta, Rizal…
Question: Ano sinasabi ng mga tao sa picture?
A: Ang hindi lalapit, hindi bibigyan ng bag na may name ni Vice President.
B: Mga bata, smile kayo. Sige na. May mga reporters. Kunwari, masaya kayo’t nakita n’yo kami.
C: O, lapit kayo mga totoy, lapit. ‘Wag kayong matakot. Tao rin kami.

Daddy’s Day
On Sunday, June 21, the world celebrated Father’s Day. Or as Kendall and Kylie Jenner would say, “Ano ‘yon?”

PBB 737
The teen favorite Pinoy Big Brother is on TV again. #PrayForOurYouth

1_12
Frat War
Frat violence erupted again in UP Diliman. Reports say members of the Upsilon Sigma Phi Fraternity attacked four members of the Alpha Sigma Fraternity then fled using a getaway car. Five suspects have been arrested, charged and forced to understand that “It’s already 2015 so stop behaving like you’re in the ‘90s idiots!”
————————————————————————————————————————————–
“Elections belong to the people. It’s their decision. If they decide to turn their back on the fire and burn their behinds, then they will just have to sit on their blisters.”
~Abraham Lincoln

Sound Bites
“Kung mabibigyan pa ako ng ating mga kababayan ng mas higit pang pagtitiwala at pagkakataon, nais ko sanang makapaglingkod bilang pinakamataas na pinuno ng ating Inang Bayan.”
~Former senator Panfilo Lacson

“UP Diliman will act firmly, initiating immediate preventive suspension on students involved in the assault and promptly conduct hearings. We will impose the full penalty for those found guilty, and this is expulsion. There is no place for cowards in UP,”
~UP Diliman Chancellor Dr. Michael Tan

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photos: Grace Poe: Rappler; Tiangco: Inquirer.net; Sarmiento: Congress.Gov; Binay/Cainta: @Team_Inquirer; Frat Men: Katrina Son/GMA News]

KRISSY/CHIZZY

KRIS AQUINO’s talk show has taped its pilot episode with Sen. Chiz Escudero as first guest. An anonymous source sent The Professional Heckler a ‘transcript’ of that exclusive interview. Enjoy!

VO: Mga Kapamilya, please welcome your host, the Queen of Talk and the Queen of All Media… Ms Kris Aquino!

SFX: Canned applause

Krissy: I am baaaaack! Good morning mga Kapamilya! At good morning din sa mga Kapuso at Kapatid na nakatutok ngayon! Mag-aminan na tayo ohkay?! Kapag pilot episode, nakatutok kayo, sure ako! At kapag mababa ang rating ko, happy kayo ‘di ba? Aminiiiin! Hay naku, I’ve matured. Wala nang effect sa ‘kin ang ratings-ratings na ‘yan. Mas marami pa rin akong endorsements kesa sa iba d’yan! Kurek?!?

Audience: Kureeek!

Krissy: Ayyyyy! Love n’yo talaga ‘ko! I love you too! You’re so alive audience. Grabeee! Oh wait, that girl sa likod ng guy na naka-blue, can you stand up please iha. Direk, puwedeng ipakita natin? There! I love your blouse, promise! What’s your name?

Girl: Hope Mayen Digby po.

Krissy: Aray ko! Sige na nga, take your seat na. Naloka ako do’n. Buti na lang, hindi Oli ang middle name mo! Otherwise, baka nag-spontaneous combustion na ako! Anyway, kung matatandaan n’yo, we had a mock episode almost a month ago with Cong. Manny Pacquiao as guest. Hindi po eere ‘yon. Today though, mapapanood ng lahat ng Kapamilya sa ABS-CBN at sa TFC ang aking exclusive interview sa una nating guest. Take note mga Kapamilya! Never pa siyang nag-grant ng one-on-one, sit-down interview kahit kanino. Sa ‘kin lang. Gano’n tayo kalakas sa kanya! Tahhhma??

Audience: Taaahma!

Krissy: Ayyyyy! Love n’yo talaga ‘ko! I love you too! Aha-ha-ha Buweno, huwag na nating patagalin pa! Ladies and gentlemen, would you please welcome… my very special guest this morning, Senator Francis Joseph ‘Chiz’ Escudero!

SFX: Canned applause

Chizzy: Hi Kris! Good morning po sa inyong lahat! Magandang umaga sa mga nanonood.

Music: Faithfully by Journey [I’m forever yours, faithfully]

Krissy: Welcome to the show Chiz! Direeeek, ano ba!? ‘Faithfully’ talaga ang song? Kaloka!
Chizzy: Bakit Kris? Faithful naman ako ah.
[Sigawan ang kinikilig na audience.]
Krissy: Hindi ko kayo kinakaya! Kakastart pa lang ng show, pinagba-blush n’yo na ako. Aha-ha-ha!

Music: I Want to Know What Love Is by Foreigner

Krissy: Stop! Stop it Direk! Ano baaa! Hindi pa nullified ang kasal ko, maawa naman kayo! Aha-ha-ha
Chizzy: Okay lang sa ‘kin ‘yon Kris!
[Sigawan ulit ang audience na mas lalong kinilig.]

Krissy: Thank you for coming Chiz. Alam n’yo po mga Kapamilya, it took our staff almost two months bago nakumbinsing mag-guest si Senator. So thankful ako sa kanya. Thank you talaga for trusting my show.
Chizzy: Sa akin ang karangalan Kris. Sino ba naman ako para tumanggi sa Queen of Talk?
Krissy: Owwwws? Talaga? Eh ba’t di ka makatingin nang diretso sa akin!? Aha-ha-ha!
Chizzy: ‘Di naman sa gano’n. Katulad nga ng sabi mo, ‘di pa nadedeklarang null ang kasal mo. Baka may magalit!
Krissy: Naku wala! Aha-ha-ha! I assure you Chiz, walang magagalit! Tama ba ako audience?

Audience: Taaahma!

Krissy: Ayyyyy! Love n’yo talaga ‘ko! I love you too! Aha-ha-ha! Tara, start na tayo!
Chizzy: Seryosong interview ba ‘to?
Krissy: Ayy no! Ayaw namin ng serious! Baka maglipat ang viewers so dapat happy, lively, yehey ang kwentuhan nating dalawa! Heto na ang first question: Senator… gumagamit ka ba ng condom?
Chizzy: This is embarrassing Kris.
Krissy: Aha-ha-ha. Nagbibiro lang ako Chiz! Gosh! Namumula ka na! I wonder what else in you is red. Ay ano ba ‘yong nasabi ko? Ano ka ba Chiz! Of course I wouldn’t ask that on TV. Siguro, later na lang. Aha-ha-ha!
Chizzy: Next!
Krissy: Ikaw daw ang nag-recommend sa kapatid ko na ilagay si Mar Roxas sa DoTC. True ba ‘to?
Chizzy: Grabe naman. Hindi naman ako gano’n ka-powerful Kris. They’re giving me too much credit. Ang totoo, it’s a collective effort of the Group.
Krizzy: And when you say ‘group,’ you mean Samar Group, right?
Chizzy: Yup! Of which you are a member!
Krissy: What did you just say? Gosh! Bawiin mo ‘yan Chiz! Ayokong madamay sa gulo n’yo ng Balay noh! Nananahimik ako!
Chizzy: Basta ang alam ko… ang ibinoto mong VP may B.
Krissy: You’re so kainizzzz! Magagalit na naman sa akin si Korina. I hate you na talaga. Kung ‘di lang ako single ngayon, ihi-hate na kita foreverrrr, promise! Am I correct, audience?

Audience: Kureeeeek!

Krissy: Ayyyyy! Love n’yo talaga ‘ko! I love you too! Aha-ha-ha! Maiba ako Chiz, when you and the President are together, nag-uusap ba kayo tungkol sa babae?
Chizzy: More of kotse actually. When it comes to women kasi, I think mas kabisado ng Balay Group ang isyu. ‘Kita mo naman no’ng manood siya ng Hotdog concert with Bunny Calica, napapaligiran siya ng allies ni Mar. Kaya kapag pumalya ang lovelife niya, alam mo na kung sinong dapat sisihin.

Krissy: Speaking of Mar, kumusta na kayo ni Ate Koring? Are you guys on speaking terms na?
Chizzy: Pass!
Krissy: Salamat sa paglilinaw! At least, maliwanag na ngayon ang lahat.

Krissy: Now, iwan na muna natin ang nakakalokang mundo ng pulitika. Punta na tayo sa isyung pinakahihintay ng mga viewers.
Chizzy: RH Bill, right?
Krissy: Wrong! Sorry ka! Mas juicy na topic ‘to.
Chizzy: Ako?
Krissy: Why? Juicy ka ba?
Chizzy: It’s for you to find out!
Krissy: Aha-ha-ha! Naughty ka na ngayon! Hindi ka naman dating ganyan Chiz! Na-cha-challenge tuloy ako! Promise!
Chizzy: So anong isyu nga ‘yon?
Krissy: Hay naku! Maang-maangan School of Edong Angara acting ka. Kahit kalat na kalat na, nagdi-deny pa. How’s your lovelife ba?
Chizzy: ‘Yon lang ba? Wala namang nagbago Kris. Mula noon hanggang ngayon, umaapaw pa rin ang aking pagmamahal sa kambal ko.
Krissy: Sa kambal lang? Eh pa’no ‘yong nanay ng kambal?
Chizzy: Let’s leave it at that.
Krissy: Mga Kapamilya, malinaw na malinaw po ang pahayag ni Senator Chiz. First and exclusive dito sa show ko: hiwalay na silang mag-asawa! I’m sure, ipi-pick up ito ng News.
Chizzy: Whaaaaat? Wala akong sinabing ganyan Kris! Bawiin mo ‘yan!
Krissy: Ay, wala ba? Pasensya na po mga Kapamilya. Nagkamali ako ng dinig. Soooooorry. Ohhhh, you’re not smiling na. Hindi ako sanay na ganyan ka Chiz. I’m very sorry talaga. Teka nga… Mga kapamilya, bagay ba kaming dalawa ni Senator?

Audience: Bagaaaaay!

Krissy: Ayyyyy! Love n’yo talaga ‘ko! I love you too! Aha-ha-ha! There! Ngumingiti na ulit si Senator. Palakpakan naman natin si Chiz!

SFX: Canned applause

Krissy: Thank you! Right now, we’ll answer a question from a member of the audience.
[Sabay-sabay na nagtaas ng kamay ang audience]

Krissy: You! Yes, you, the tall guy in white polo shirt. What’s your name?
Guy: Alvin po.
Krissy: Alvin what?
Guy: Conwi po.
Krissy: In fairness Alvin, cute ka sana. Hindi ko lang like ang last name mo! Anyway, what’s your question for Senator Chiz?
Guy: Ahm, senator, hypothetical lang po. Kung single ka at single din si Ma’am Kris, liligawan mo ba siya?
[Tilian ang audience. Kinikilig ang mga potah.]
Chizzy: ————-
Krissy: Shoccccccks! Speechless si Senator! Kaloka!
Chizzy: Hindi Kris. Kasi…
Krissy: My God, careful ka! Nakatutok ang buong Pilipinas sa ‘tin.
Chizzy: Alam n’yo mga kaibigan, hindi naman lingid sa inyong kaalaman, medyo close na rin ako sa Presidente. Ayaw kong ilagay sa…
Krissy: Hindi!!!! Yes or No lang! Liligawan mo raw ba ako kung pareho tayong available? Bilis na, naghihintay sila.
Chizzy: Bakit naman hindi, ‘di ba?
[Sigawan at palakpakan ang audience. Hinimatay ang floor director.]
Krissy: Naloloka ako sa inyo! Mas kinikilig pa kayo kesa sa aming dalawa! Hay naku! Move on na tayo! Baka magamit pa ‘yan ni Atty. Lorna Kapunan at ni James against me. Baka sabihin, lumalandi ako. Excuuuuse me! Guys, malandi ba ako?

Audience: Hindiii!

Krissy: Ayyyyy! Love n’yo talaga ‘ko! I love you too! Aha-ha-ha!

Chizzy: Matagal pa ba ‘to?
Krissy: Five minutes na lang. Do you play basketball?
Chizzy: Only if you’d watch me.
Krissy: Aray ko! Konting-konti na lang, baka malimutan kong kasal pa ako. Lord, give me strength! Aha-ha-ha! Wait! Are you in favor of divorce?
Chizzy: Yes!
Krissy: Gosh, ang bilis ng sagot! Parang may pinaghuhugutan! Aha-ha-ha Moving on… we have this segment called Lightning Round. Simply answer the questions. No need to explain. Game?
Chizzy: Game na!

Krissy: Samar or Balay?
Chizzy: Itinatanong pa ba ‘yan?

Krissy: Lights On or Lights Off?
Chizzy: Saan ka ba mas komportable?
Krissy: Lights off. Ayyyy bakit ko raw sinagot!?? Kaloka.

Krissy: Chubby or Skinny?
Chizzy: Skinny.
Krissy: Eh bakit parang nandidiri ka sa akin. Hay naku! Abangan mo ang pagpayat ko!

Krissy: Sunny side up or Scrambled Eggs?
Chizzy: Hard-boiled.
Krissy: Gosh, favorite ko din ‘yan, promise! Paano mo nalaman?!

Krissy: “Hurt me with the truth” or “Comfort me with a lie?”
Chizzy: Naranasan ko na ‘yong una eh. Sobrang sakit pala. So, try ko na lang ‘yong ‘lie.’
Krissy: Ay, ako hindi! ‘Di bale nang masaktan basta’t alam ko ang katotohanan!

Krissy: Boxers or Briefs?
Chizzy: Alamin mo na lang! Joooke!
Krissy: Kainis ka! Huwag mo ‘kong binibiro nang ganyan! Madali pa naman akong maniwala!

Krissy: In bed: would you prefer someone who’s wild or someone who’s mild?
Chizzy: Wild!!!
Krissy: Kainis ka na naman! Bakit laging tugma ang sagot mo. Wild ako eh. Goshhh!

Krissy: Anyway, maraming, maraming salamat sa pagdating mo ngayong umaga Chiz! I had so much fun, promise! Oh, wait, what’s your shoe size?
Chizzy: Eleven and a half.
Krissy: Ay, puwede na rin. At least, merong “and a half.” Aha-ha-ha
Chizzy: It’s a pleasure to be here Kris. Nag-enjoy rin ako.
Krissy: Any message sa mga viewers?
Chizzy: Matagal-tagal pa naman ang 2016 pero… sige na nga… sayang ang pagkakataon. Sa mga kapwa Pilipinong nanonood, sakali man at palarin po akong bigyan ng chance ng Samar Group na maging running mate ni Vice President Binay, ‘yon po ay magiging isang malaking karangalan para sa ‘kin. Unlike last year na nagdalawang-isip po ako, sa 2016… sure na sure na po. Mas hinog na ako kumbaga.
Krissy: Wait! Kung tatakbo kang vice president sa 2016, may plano ka bang humanap ng future Second Lady?
Chizzy: Bakit naman ako maghahanap pa kung ‘yong para sa akin ay nasa tabi-tabi lang pala?
[Sigawan ang audience. Pagod na sila sa kakasigaw. Gutom na.]
Krissy: Gosshhh! Parang gusto kong mag-blush! Sorry mga Kapamilya, hindi ko lang mapigilan ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit, promise!
Chizzy: Ikaw Kris, kung papipiliin ka, First Lady ng Makati o Second Lady ng Republika, anong pipiliin mo?
Krissy: Ay!! Ayokong sagutin ‘yan! Junjun Binay is probably watching right now. Ayokong makasakit ng damdamin. Aha-ha-ha Basta! Abangan na lang natin ang mangyayari sa mga susunod na araw! Willing ba kayong maghintay mga Kapamilya?

Audience: Yessssss!

Krissy: Ayyyyy! Love n’yo talaga ‘ko! I love you too! Aha-ha-ha!
————————————————————–
End of Interview

Share this on Facebook and Twitter: Add to FaceBookAdd to Twitter
I am on Twitter: @HecklerForever.

[Kris/Chiz photo grabbed from @itsmekrisaquino]