OPENING LINES


Top 15 Rejected State of the Nation Address Opening Lines

No. 15: “Bago ako magsimula… I am not under oath, am i?”

No. 14: “Ayaw na ayaw kong kayo ay nasasaktan. Kaya pinapangunahan ko na kayo: walang masyadong laman ang aking talumpati.”

No. 13: “For a change, ang State of the Nation ay ihahatid sa atin ngayong hapon ng isang taong matagal ko nang hinahangaan. Mga kababayan… Ms. Jessica Soho!”

No. 12: “Sorry to disappoint you. Wala akong baong joke tungkol sa aking buhay-pag-ibig.”

No. 11: “I’d like to acknowledge the presence of the distuinguished members of the Philippine Senate! Good afternoon to all of you especially to my future brother-in-law Francis Escudero. Pare, bahala ka na sa kapatid ko! Ikaw na lang ang umintindi!”

No. 10: “Let us show the world that Filipinos are a united people. Para matiyak na magti-trend worldwide ang speech ko ngayong hapon, use #SONA as hashtag on Twitter. Thank you.”

No. 9: “Lahat ng present sa joint session ngayong hapon ay automatikong kasama sa ating special raffle! At stake: ang pitong second-hand na SUVs na ibinalik ng mga obispo.”

No. 8: “Let us offer a moment of silence for the demise of my so-called lovelife.”

No. 7: “Kasama natin ngayong hapon ang tatlong ‘Bangkang Papel Boys’ na unang iniharap sa inyo ng nakaraang administrasyon! Sa araw na ito, opisyal kong inilulunsad ang masusing imbestigasyon upang alamin kung totoong may bangkang papel na ipinaanod sa Ilog Pasig ang mga batang ito patungong Malacañang. Mananagot sa batas ang mga sinungaling!”

No. 6: “Wala na ang Porsche ko! Palakpak naman d’yan!”

No. 5: “Ladies and gentlemen, our special guest of honor this afternoon… Kobe Bryant! Kobe! Kobe! Kobe!”

No. 4: “To Congresswoman Arroyo  and her lawyer, Attorney Raul Lambino, I hope you’re watching. Enjoy!”

No. 3: “Hello! Kumusta kayong lahat?”

No. 2: “Garci, if you’re listening, nakikiusap ako sa ‘yo. Bawasan mo naman ang asking price mo. Hindi kaya ng budget namin eh.”

And the No. 1 rejected State of the Nation Address opening line…

“Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Narito ang mahabang listahan ng mga kasalanan ni Gloria Macapagal-Arroyo at ng nakaraang administrasyon… ”
————————————————————-
“George Washington is the only president who didn’t blame the previous administration for his troubles.”
~Author Unknown

You Have Spoken
Naniniwala ba kayong hawak na ng pamahalaan si Virgilio Garcillano?
-Oo naman! Planado ang galaw ng mga ‘yan. 31.86%
-Hindi naman siguro. Baka nagtatago pa. 11.76%
-Hintayin na lang natin. ‘Wag masyadong atat. 56.37%

Personal
Thank you MVP for bringing Kobe Bryant, Derek Fisher, and the rest of the NBA stars to the Philippines! Awesome! Just awesome!

In Memoriam
Amy Winehouse, 27
14 September 1983 — 23 July 2011

Share this on Facebook and Twitter: Add to FaceBookAdd to Twitter
I am on Twitter: @HecklerForever.

Have a safe and great week ahead!

THE END


TODAY IS MONDAY, May 23, 2011, the second day of a new world. Congratulations! You survived the rapture last Saturday.

Here’s the end of the world news as “would have been” reported by journalists, news organizations, and some government offices in the Philippines:

ABS-CBN: “Exclusive! Ang paghahanda ng Panginoon sa pagwasak niya sa daigdig!” “

GMA 7: “Kumpirmado! Si Lord walang puprotektahan! Gunaw na totoo lang… nakaamba!”

TV5: “MVP buys into new planet; Metro Pacific now owns 70 percent of Mars”

NBN 4: “And the final number is… 42. Number 42. Kung anim na digits ang nakuha n’yo, you have won the last Mega Lotto jackpot!”

Philippine Daily Inquirer: “It’s all over: Filipinos flee”

Philippine Star: “Truth shall prevail: world about to end!”

Manila Bulletin: “God vows to create a new world”

Manila Standard Today: “Noynoy fails to stop rapture”

Business World: “Philippine stocks rally on last trading day”

Abante/Abante Tonite: “PNoy sinisi si GMA sa napipintong gunaw”

Kerygma: “God STILL loves you”

FHM: “101 Most Beautiful Women on Earth: The Last Temptation of Christ”

Philippine Entertainment Portal (PEP.Ph): “First read on PEP: Ang bonggang paghahanda ng mga artista sa nalalapit na katapusan ng daigdig”

DZRH: “Gunaw: Kauna-unahan sa Pilipinas!”

DZBB: “Super Gunaw!”

NDRRMC: “Bilyun-bilyong halaga ng pananim at impastraktura, inaaasahang mapipinsala”

PAGASA: “Gunaw posibleng magbago ng target”

Noli De Castro: “Hanggang dito na lamang… bayan!”

Mel Tiangco: “Nakow! Tuloy na raw ang gunaw! Pambihira ano po!?”

Tulfo Brothers: “’Tang-i*a! Gunaw na mga kapatid!”

Alvin Elchico: “Isang araw bago ang gunaw: Mga higanteng kompanya ng langis, magpapatupad ng uno singkwentang rollback sa presyo ng gasolina”

Lhar Santiago: “Updated sa Rapture happenings!”

Malacañang: “President Aquino orders Vice President Binay to oversee search and retrieval operations”

Office of the Vice President: “Binay to personally rescue rapture survivors in New Zealand, Kiribati, and Australia”

Ateneo De Manila Community: “One big fright!”

CBCP News: “Mga bakla, imoral, at katig sa RH Bill, unang lilipulin”

Solar Sports: “Game Over!”
—————————————————————————————–
“The mark of your ignorance is the depth of your belief in injustice and tragedy. What the caterpillar calls the end of the world, the master calls a butterfly.”
~Richard Bach

Modernong Talasalitaan
Makabagong kahulugan ng mga salita, parirala o pangungusap batay sa mga kaganapan sa ating kapaligiran. Ang kahulugan ay maaaring madagdagan, mabawasan, o mabago depende sa mga susunod na pangyayari.

> Living out inmate
– VIP o Very Important Prisoner
– Mapeperang bilanggo na malayang nakakapamasyal sa Makati, Binondo, Tagaytay and wherever na hindi sinisita ng mga opisyal ng kulungan

> Contraception
– A portmanteau of ‘contradict’ and ‘deception.’ Dahil kontra sila, idinadaan sa deception.
Halimbawa ng sitwasyong ginagamitan ng ‘contraception:
Parishioner: Bishop, masama po ba ang paggamit ng condom?
Obispo: Tama ka d’yan iho! Dahil kapag pinigilan mo ang pagtatagpo ng sihay-punlay ng lalaki at ng itlog ng babae, nilalabag mo ang kautusan ng Diyos na humayo kayo at magpakarami. At dahil hindi mo sinunod ang utos ng Panginoon, tiyak na mapupunta ka sa impiyerno at magdurusa ang iyong kaluluwa sa dagat-dagatang apoy forever and ever. Walang amen!

Have a safe and fun week ahead!

Share this on Facebook and Twitter: Add to FaceBookAdd to Twitter
On Twitter, i am known as @HecklerForever .