KMJS INVESTIGATES: ANG DIUMANO’Y MALAKING ARI NI DUTERTE

Dinayo ng aming team ang Davao City upang alamin ang katotohanan hinggil sa diumano’y malaking ari ng Pangulo.

PRESIDENT DUTERTE, in a recent public speech, said a man’s good looks were nothing if he’s got a small penis. He then bragged about his “huge” tool claiming its head almost reached his bellybutton. (You wish!). Read more about his graphic penis anecdotes here.

To verify the President’s claim, the country’s most-watched TV program, KMJS decided to investigate. Here’s what happened. (Note: Pretend that you’re the host while reading.)

Advertisements

BREAKING: MGA KA-DDS NILAYASAN ANG FACEBOOK

Banned by Facebook for posting fake news and black propaganda, online supporters of Duterte and Marcos will transfer to Friendster.

XI JINPING TO DUTERTE: DEFEND ME NAMAN!

Xi Jinping: O, kinasuhan ako nina Del Rosario at Carpio Morales. Wala ka bang gagawin?

Former Foreign Affairs secretary Albert Del Rosario, former Ombudsman Conchita Carpio Morales, and a group of fishermen filed a complaint against Chinese President Xi Jinping before the International Criminal Court for crimes against humanity over environmental damage in the South China Sea.

When the news reached Xi Jinping, he immediately contacted Rodrigo Duterte.

Last Tuesday, March 19, the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) seized 1.1 billion pesos worth of shabu in separate operations inside the posh Ayala Alabang Village and the upscale Alabang Town Center in Muntinlupa City. Chinese drug suspects were nabbed during the operations. PDEA officials reported the matter to their boss in Malacañang. Here’s what happened.

Interviewed by the media during a political rally in Cebu, Sara Duterte denied she’s eyeing the presidency in 2022.

I’m on Twitter: @HecklerForever8

DARK, DEPRESSING

Rodrigo Duterte and Imee Marcos walk into a bar. Find out what happens.


“Huwag n’yo na akong takutin. Gusto ko na ring mamatay kasi pagod na ako pero gusto kong mapunta sa impyerno.”
–Rodrigo Duterte

I am on Twitter & Instagram: @HecklerForever8

FRIENDS OF THE DEVIL

It’s official. According to the University of the Philippines, Imee Marcos did not graduate from UP Diliman.

I am on Twitter: @HecklerForever8

PRAY FOR DUTERTE

On the third day, Duterte rose again.

______________

I’m on Twitter: @hecklerforever8

OF PANTIES AND PAY HIKES

President Duterte is getting a generous pay hike. Can you guess how much does he make a month?











THE 2018 MMFF: A REVIEW?

Forget about Woody Allen or Judd Apatow. This is cinema at its most ambitious.

DID you see this year’s Metro Manila Film Festival entries or did you skip the entire festival? Here’s a “review” of the eight movies.

OTLUM
Starring: Ricci Rivero and Jerome Ponce
Medyo underwhelming ang trailer pero malaking kawalan kung ‘di mo ito mapapanood. Sa opening sequence pa lang ay mapapasigaw ka na: Otlum! Obkat! May otlum! Swabe ang effects. May point sa movie na mapapaisip ka: Guillermo Del Toro ba ang gumawa nito? Unbelievable. Kakaiba rin ang twist ng kwento. Bago umabot sa kalahati ang pelikula, kakampi mo na ang multo. Ganun ka-powerful ang atake sa character ng otlum. Petmalu!

AURORA
Starring: Anne Curtis
Superb ang acting ng buong cast lalo na ‘yung mga gumanap na taumbayan. Nabigyang justice ng bida ang role niya bilang Aurora. Kahit hindi magsalita, ramdam mo ang paghihinagpis nito matapos malugi ang kanyang lugawan. Mabagal ang development ng story pero hindi mo ito mararamdaman dahil makakatulog ka. Medyo tragic ang ending ngunit dahil mahusay ang pagkakadirek, lalabas kang nakangiti sa sinehan.

THE GIRL IN THE ORANGE DRESS
Starring: Jessy Mendiola and Jericho Rosales
Wow! Just wow. Nang unang lumabas sa screen ang orange dress, everyone was floored. Sa history ng Philippine cinema, ngayon lang gumamit ng gano’ng kagandang dress. At ang mas lalong nakakahanga – kulay orange! The film’s costume designer deserves an Oscar nod. Hindi rin pwedeng i-ignore ang girl. Iba ang chemistry nila ng dress. May flaws sa storytelling pero kung titingnan mo ang detalye ng orange dress, balewala na ang mga butas na iyon sa kuwento. This movie dressed to impress.

ONE GREAT LOVE
Starring: Kim Chiu, JC De Vera and Dennis Trillo
Kung ang hanap mo ay kilig, ito ang perfect movie para sa ‘yo. Medyo complicated nga lang ang plot: si Kim Chiu ay girlfriend ni JC. Si Dennis naman ay magbabalut sa kanilang barangay. Mai-inlove sa balut si Kim. Pero si JC, may lihim palang pagtingin kay Dennis. Unfortunately, si Dennis naman ay matagal nang may kinakasamang itik. (Deserved niya ang best actor award.) It’s a tale of difficult choices and regretful decisions. Sino kaya ang makahahanap ng one great love – ang tao o ang itik?

JACK EM POPOY: THE PULISCREDIBLES
Starring: Vic Sotto, Coco Martin, Maine Mendoza
WHAT. A. MASTERPIECE. Napaka-original ng story. The screenplay was outstanding. Bagong lahat ang punchlines. Forget about Woody Allen or Judd Apatow. This is cinema at its most ambitious. In fact, may isang eksena kung saan kausap ni Jack si Popoy. Galit na galit si Popoy pero nang mag-joke si Jack, napanganga ang viewers. Isang critic pa nga ang napasigaw, “That’s puliscredibles! Ang galing!”

MARY, MARRY ME
Starring: Toni Gonzaga and Alex Gonzaga
Pwedeng tumayo ang pelikula kahit sila lang ang cast members gamit ang isang camera sa kusina ng kanilang bahay. Gano’n sila kahusay sa movie na ito. The marriage proposal scene was uber-hilarious at isa ito sa highlights ng movie. Spoiler Alert: Naghuhugas ng plato si Mary nang biglang pumasok sa kusina ang kanyang boyfriend na may dalang isang kilong kiat-kiat, sabay tanong, “Mary, will you marry me?” Sa gulat, nabitawan ni Mary ang hawak na tasa pero hindi ito nabasag dahil sa basahan ito bumagsak. GRABE LANG. I mean, how on Earth they did pull off that magical scene? Props to the director and to the Gonzaga sisters who were both phenomenal in the movie.

FANTASTICA
Starring: Vice Ganda and the entire showbiz industry
Diz wuz robbed! Big time! Malaking kuwestyon pa rin kung bakit wala itong nakuhang award ni isa. Napakaganda ng pagkakalatag sa kwento. Bawat eksena, fantastic. ‘Yung editing, production design at sound mixing also fantastic. Even the lead star, known for his method acting, is now drawing comparison to Daniel Day Lewis. Exceptional ang cinematography lalo na sa closing credits. ‘Yung ginamit na scoring, pinag-isipan kaya lumabas na fantastic. Overall, fantastic siya.

RAINBOW’S SUNSET
Starring: Gloria Romero, Tony Mabesa and Eddie Garcia
(No review available. The movie was pulled from theaters after the opening day.)

____________________________________________________________________________

I’ve been busy the past few weeks and will be busier in the coming days. I won’t be able to update this blog regularly. But I’ll be active as ever on Twitter.

Thank you everyone who dropped by my blog this year. See you all in 2019.

Happy New Year!

UNCENSORED: DUTERTE’S XMAS MESSAGE

“To my countrymen… ”
(Meaning: Sa mga gagong naniniwala pa rin sa akin)

PRESIDENT DUTERTE’S Christmas message was written in English. Here’s the original version – and what he really meant (in Filipino).

1D

To my countrymen,
(Sa mga gagong naniniwala pa rin sa akin),

My sincerest and most heartfelt greetings to all Filipinos, both here and abroad, as we celebrate Christmas.
(Marami-rami pa rin kayo. My gad, i hate draaaags.)

Once again, it is the time of the year where we honor, gather our families and friends to celebrate the nativity of Jesus, share life’s many blessings and demonstrate our love and gratitude for each other.
(Unang-una, ‘yung isturya sa Bible, gawa-gawa lang ‘yan. Sa’n ka nakakita ng nabuntis na virgin? Gago! ‘Tang ina. Tapos ‘yung tala sa langit, gumalaw daw kaya sinundan ng mga hari. Ulol! May lumalakad bang star? Stupid story!)

As we take part in this joyous occasion…
(Magsaya na kayo hangga’t buhay pa kayo mga gago! Mga addict sa druga!)

May we contemplate on the worth of the lessons that we can learn from the narrative of Christ’s birth.
(Ang lesson dun, ‘wag kang mag-druga. Nabuntis ng iba tapos inako mo ang bata, eh di nagdruga ka. Adik yata ‘yung Joseph na ‘yun!)

Let the ideas of compassion…
(Kung kumpare mo, kaawaan mo. Kaya si Peter Lim, malaya pa rin.)

Kindness…
(Pati si Bong Revilla, nakalabas na.)

And reconciliation…
(Kita n’yo, magkapartido na ang Marcos at Cayetano!)

… guide us as we embrace our countrymen in the spirit of shared humanity.
(Drug addicts are not humans! I repeat, DRUG ADDICTS ARE NOT HUMANS.)

Together let us bring hope and peace in our nation this Yuletide season…
(Iboto n’yo straight ang Hugpong ng Pagbabago. Pa-Pasko n’yo na sa akin.)

… as we welcome the coming year with much hope and optimism.
(‘Pag may nanalo d’yang Dilawan, sabihin ko sa inyo, mag-resign man ako. I am not kidding. Iwanan ko kayo. Pagod na rin ako. Bahala kayo sa buhay n’yo!)

I wish everyone a happy and meaningful Christmas.
(Mga gago! Maniwala man kayo sa Christmas, Christmas na ‘yan. Niloloko lang kayo ng mga putang inang bishops na ‘yan para kumita sila. Dapat talaga patayin na lang ‘yang mga dimonyong ‘yan!)

—-END—-

SA BULLY, ISANG MAIKLING LIHAM

Hindi na rin nakagugulat kung pati ang pisikal mong anyo ay nilalait ngayon.

AAMININ KO, galit ang naramdamam ko nang una kong mapanood ang iyong video. Iba kang magsalita. Punung-puno ng yabang. Wala kang pakialam kahit makasakit ka pa ng iyong kapwa.  

Akala mo, diyos ka. Gusto mong sinasamba ka ng mga nakapaligid sa ‘yo. Ganyan ka rin umasta at magsalita sa iba mo pang videos na nakakalat sa social media. Matagal mo na itong ginagawa.

Ang pumalag sa ‘yo, duguan. Skilled ka eh. Sanay kang lumaban at manakit. Sanay kang magpahirap sa taong ayaw sumunod sa gusto mo.

Hindi ko alam kung paano ka pinalaki ng iyong mga magulang. Pero ayaw ko silang husgahan.  Protektado ka rin daw ng ilang makapangyarihan sa lipunan kaya malakas ang iyong loob. Maging ang institusyong kinabibilangan mo, hindi rin nakaligtas sa batikos dahil sa tila pagbubulag-bulagan sa paulit-ulit mong kawalanghiyaan.

Hindi ko masisi ang maraming tao kung magngitngit man sila sa galit. Hindi na rin nakagugulat kung pati ang pisikal mong anyo ay nilalait ngayon. Tinatawag kang pangit, kupal, sira-ulo, at kung anu-ano pang pangalan.

Pati ang iyong pamilya, pinag-iinitan. Nagkalat sa social media ang inyong mga larawan. Iisa ang tingin sa inyo ng maraming tao, lahat kayo, walanghiya.

To be fair, marami rin namang nagtatanggol sa ‘yo.  Ilan pa nga sa kanila ay pulitiko. Mali raw ang ginagawang pang-aalipusta sa ‘yo lalo na sa social media.

Iniimbestigahan na ngayon ang mga ginawa mo. Sana ay maging patas ang desisyon ng kinauukulan. Sana ay mabilis na umusad ang proseso upang mabigyang hustisya ang iyong mga biktima.

May mga nagsasabing dapat kang bigyan ng pagkakataong magbago. Everyone deserves a second chance, sabi nila.  Ewan ko. Pero para sa akin, hindi ka na maisasalba. Malalang kaso ka na. ‘Yong bully sa Ateneo, posibleng magbago pa. Pero ikaw na presidente ng Pilipinas, mukhang hindi na.