OF LIARS, THIEVES AND TIME MACHINES

A message to rabid Marcos supporters

I

IN OTHER NEWS….

FEARLESS PREDICTIONS FOR 2022

Maghihiwalay ang isang famous couple.

Narito ang mga posibleng mangyari sa parating na taon…

HAPPY NEW YEAR! 🎉🎉🎉🎉🎉

“ANG KWENTO NG PASKO” (As narrated by Vice President Leni Robredo and Bongbong Marcos)

“Nang matagpuan si Hesus, sinamba nila ito. Sila ay nagbunyi at nag-alay pa ng mira, kamanyang at Tallano gold.”

THE STORY OF CHRISTMAS (2021)

VP LENI:
Mahigit dalawang libong taon na ang nakararaan…

BONGBONG:
Dalawang libo lang ba? Hindi ba 3,000?

VP LENI:
Gusto mo ba ng recount?!? Matatalo ka na naman.

BONGBONG:
Sige na nga, ituloy na natin.

VP LENI:
Mahigit dalawang libong taon na ang nakararaan sa Nazareth –

BONGBONG:
Masayang ibinalita ng isang anghel kay Jose ang

VP LENI:
Actually, si Maria ang tumanggap ng magandang balita, hindi si Jose!

BONGBONG:
Sige, si Maria na lang.

VP LENI:
“Na lang?” Si Maria talaga ‘yon.
Let’s continue.

Sinabi ng anghel kay Maria, “Huwag kang matakot. Ikaw ang hinirang ng Diyos. Magdadalang-tao ka!”

BONGBONG:
Kambal!

VP LENI:
Kambal? Isa lang ‘yon, at ‘Hesus’ ang ipapangalan sa kanya.

BONGBONG:
Ang alam ko ‘kambal’ ang orihinal na sinabi ng anghel pero naiba sa bagong version ng Bible.

VP LENI:
Walang ganyang pangyayari. Huwag kang mag-imbento!

Nang malaman ni Jose ang kondisyon ni Maria, nakaramdam ito ng pangamba

BONGBONG:
Wala kasi siyang trabaho. Asa na lang sa minana sa mga magulang.

VP LENI:
May trabaho si Jose! Isa siyang masipag na karpintero.

BONGBONG:
Kahit na! Nang malaman niyang buntis si Maria, nakipaghiwalay pa rin siya rito.

VP LENI:
On the contrary, hindi iniwan ni Jose si Maria.

Hanggang sa sumapit ang kabuwanan nito. Nagkataon namang ipinag-utos ng Roman Emperor ang pagsasagawa ng census para matiyak na nagbabayad ng buwis ang mga tao.

BONGBONG:
‘k.

VP LENI:
‘Buti pa sila ‘no, nagbayad ng buwis.

BONGBONG:
Kailangan bang may side comment? Puwede bang magkuwento na lang tayo?

VP LENI:
Kasama si Maria, umuwi sa Betlehem si Jose – ang lugar na kanyang sinilangan – para magpa-census.

BONGBONG:
Mabilis ang naging biyahe ng dalawa dahil sa maayos na daan. Salamat sa mga proyektong pang-imprastraktura ng namumunong emperor noon.

VP LENI:
Hindi totoo ‘yan. Sakay sa asno si Maria at naglakad naman si Jose. Inabot sila ng halos isang buwan sa mabato at mabuhanging daan.

BONGBONG:
Again, ‘yan ay isang bersyon lamang. Hayaan nating pumili ng paniniwalaan ang mga nakikinig.

VP LENI:
Walang infrastructure projects na nabanggit sa kahit anong Biblical account ng Nativity. Hindi ko matatanggap ‘yan.

BONGBONG:
Basta!
Ituloy mo na lang.

VP LENI:
Pagdating sa Betlehem, nahirapan silang humanap ng matutuluyan.

BONGBONG:
May nag-alok ng bakanteng kuwadra pero tumanggi ang mag-asawa dahil ayaw nilang magkasakit ang isisilang na sanggol.

VP LENI:
Saan mo nabasa ‘yan? Walang ganyang kuwento. Sa katunayan, nagpasalamat ang mag-asawa sa taong tumanggap sa kanila – kahit pa ito ay kulungan ng hayop.

BONGBONG:
Bahala ka.

VP LENI:
Sa sabsaban, isang maaliwalas na gabi, isinilang ni Maria ang sanggol na si Hesus.

BONGBONG:
Para ibalita ang pagsilang ni Hesus, nagpakita ang isang anghel sa mga pastol. Pero nasilaw sila sa liwanag, nag-panic, nanginig, naging paranoid at ‘di mapakali.

VP LENI:
Ayon sa WebMD, palatandaan ‘yan ng cocaine addiction. Pero hindi naman sila addict. Nagulat lang talaga ang mga pastol sa anghel. Nang mapaliwanagan, nagdiwang ang mga ito sa narinig na balita.

BONGBONG:
Isang tala naman ang naging gabay ng tatlong pantas mula Silangan papuntang sabsaban. Nang matagpuan si Hesus, sinamba nila ito. Sila ay nagbunyi at nag-alay pa ng mira, kamanyang at Tallano gold.

VP LENI:
Totoo namang nag-alay sila ng ginto pero gawa-gawa lang ‘yang Tallano gold. Huwag po nating lokohin ang ating mga kababayan.

BONGBONG:
Inuulit ko, demokrasya tayo. Hayaan natin silang maniwala sa gusto nilang paniwalaan.

VP LENI:
Inuulit ko rin, maling manloko ng kapwa.

Tapusin na natin ang kuwento.

Samantala, nalaman ni Jose na ipinapahanap ni Haring Herodes si Hesus para patayin.

BONGBONG:
Tumakas sila papuntang Ehipto kung saan lumaki at nag-aral si Hesus. Doon na rin siya nagtapos ng kolehiyo.

VP LENI:
Wala pong katotohanan ‘yan. Bumalik sina Jose at Maria sa Nazareth kasama si Hesus – at doon na rin ito nagkaisip at lumaki.

BONGBONG:
‘Yan po ay kuwento lang sa Bibliya. Kung manonood tayo sa YouTube at Facebook, posibleng may iba tayong malaman. Malay natin, ‘yon pala ang totoo.

VP LENI:
Hindi po mababago ang kuwento ng Pasko. Huwag po tayong magpakalat ng maling impormasyon.

BONGBONG:
Dami mong alam! Ikaw na lang kaya ang maging Pope. Merry Christmas na lang and Happy New Year sa inyo! Sa mga nakakabasa nito, may you have a prosperous 2022 – Year of the Rooster, my animal sign.

VP LENI:
Nililinaw ko lang po, ang 2022 ay Year of the Tiger, hindi Year of the Rooster.
Maligayang Pasko po at Manigong Bagong Taon sa inyong lahat.💗💗💗

OF ALJUR, KYLIE, AND REJECTED UPCAT QUESTIONS

Kung ikaw si Aljur Abrenica, iboboto mo ba sa pagka-senador ang biyenan mong si Robin Padilla?

Twitter and IG: @HecklerForever8

5 MINUTES WITH PRESIDENTIAL ASPIRANT, MANNY PACQUIAO

Para sa ‘yo, sino ang pinakamatindi mong kalaban sa 2022? 

TODAY, we launch our series of imagined 5-minute conversations with political figures. We begin with an “interview” with senator and presidential aspirant, Manny Pacquiao.

Host: Good evening, Mr. Senator.

MP: Pwidi ba Manny na lang? Di ako sanay tawaging senator eh.

Host: Lalo naman kami.

MP: Unsa na?

Host: Joke lang. Hihi. Anyway, alam kong busy ka ngayon so didiretso na ako sa questions. Tatakbo ka for president next year. Alam mo ba ang papasukin mo?

MP: Syimpri sa Malacañang! ‘Pag prisidinti ka, doon ka papasok. Pag congressman ka sa Batasan. ‘Pag estudyante, sa school. Common sins lang.

Host: Speaking of common sense, sa social media, nababatikos ang incompetence ng ilang senador gaya mo, ni Bonggo at ni Bato. Diretsahan na, sino ang pinakabobo sa inyong tatlo? And why?

MP: Alam mo, sabi sa Matthew 7:1, “Do not judge or you will be judged.” Kaya ayaw kong manghusga. Pwidi bang ibulong ko na lang?

Host: Sige.

(Manny whispers a name and explains why.)

Host: Agree ako sa ‘yo! May point ka naman. Hihi Sabi mo noong 2016, masahol pa sa hayop ang mga homosexuals dahil nakikipagtalik sila sa same sex. Ito pa rin ba ang stand mo hanggang ngayon?

MP: Syimpri, hindi na. Kasi nalaman ko may ibang hayop pala na bakla o tomboy din. So, mali talaga ang sinabi ko noon na masahol pa ang LGBT sa hayop. Tabla lang sila.

Host: Tabla?!?

MP: Oo. Kumbaga sa boxing, dro.

Host: Naku, baka magalit na naman ang LGBTQ+ community sa ‘yo.

MP: Ba’t sila magalit?!? Linawin ko lang ha, nirespito ko ang LGBT. May fans akong LGBT tulad ni Remond saka si Rechards.

Host: Sino si Rechards?

MP: Basta! Saka, nag-aral din ako tungkol sa LGBT para nixt time na i-judge ko sila, may basehan ako.

Host: Nag-aral ka about LGBT?

MP: Basa-basa lang.

Host: Sige nga. Ano ang ‘B’ sa LGBT?

MP: Syimpri, bakla.

Host: Wrong.

MP: Ambot! Binago na ba? Noong 2016, naalala ko, bakla ‘yon.

Host: Hindi. Never nabago ang B sa LGBT.

MP: Bayot?

Host: Mali pa rin! Akala ko ba nagbasa ka about LGBT?

MP: Oo nga. Baka na-skip ko lang sa libru. Sirit na!

Host: Ang B sa LGBT ay “bi.”

MP: Sabi ko na nga ba Bisaya ‘yon eh!

Host: Bai naman ‘yon. Eh ‘yong T?

MP: T?

Host: ‘Wag na lang pala. Alam ko na ang isasagot mo.

MP: Trans ‘di ba?

Host: Hindi!!! Tomboy!

MP: Sabi ko na eh! Nagpalit lang ako ng answer!

Host: Ewan ko sa ‘yo! Moving on… may rapid fire questions ako. Kahit ‘di ka na mag-explain, ok lang. Basta, sagot agad. Game?

MP: Game!

Host: Are you for or against same sex unions?

MP: No comment! Siguro gusto mo na namang magalit sa akin ang LGBT! This is a sit up!

Host: Bahala ka! Ito na lang… saan ka mas naniniwala: Evolution o Creation?

MP: Syimpri, Creation.

Host: Kapag nananalamin ka, evolution o creation?

MP: Pisti ka!

Host: Pabor ka bang ilibing ngayon sa Libingan ng mga Bayani si Imelda Marcos?

MP: Yes.

Host: Thank you! Next: Kung magiging presidente ka, tapos ipaaaresto ng International Criminal Court si Duterte, isu-surrender mo ba s’ya?

MP: Susunod tayo sa batas.

Host: Yes or No lang.

MP: ‘Wag mo akong madaliin. Let’s burn the bridge when we get there.

Host: Ok. Kung si Duterte, may “Build, Build, Build” program, ano naman ang kay Manny Pacquiao?

MP: Syimpri, “Fight! Fight! Fight!” Kasi, para sa ‘yo ang laban na ‘to.

Host: With a combined net worth of 7.6 billion pesos, ikaw at si Senator Cynthia ang richest senators. Fair talaga si lord.

MP: Anong tanong?

Host: Wala naman. Sinasabi ko lang.

MP: Ang alin?

Host: Basta. Next question na. Sino sa tingin mo ang magiging pinakamatindi mong kalaban sa 2022?

MP: Unang-una, nirespito ko ang mga kalaban ko. Malakas silang lahat. Pero sa tingin ko, pinakamalakas pa rin si Ugas kasi tuloy-tuloy ang training niya. Ako, nahinto na.

Host: Ang labo! Bago ka naging Born Again Christian, kilala kang babaero. Ang daming na-link sa ‘yong magaganda at sexy actresses. Kanino ka pinaka-nag-enjoy?

MP: Kunting rispito naman. Senador ako.

Host: Pasensya na. Iibahin ko na lang ang tanong. Maraming na-link na magaganda at sexy actress sa ‘yo. Anong problema nila?

MP: Ewan ko. Siguro, kailangan nila ng friend. Pwidi bang change topic na? Baka mag-away na naman kami ni Jinkee.

Host: Sige. Ano ang G sa LGBT?

MP: Yawa!

Host: Joke lang. Last question: Ano ang message mo sa ating mga kababayan?

MP: Mga Kababayan, alam kong hirap na hirap na kayo. Malapit nang guminhawa ang inyong mga buhay! Pangako ko ‘yan sa inyo. At sa mga corrupt, bilang na ang araw n’yo. ‘Pag ako ang nanalo, mawala man ‘yang kurapsyon in 3 to 6 months.

Host: Narinig na namin ‘yan.

MP: Sige, gawin kong 12 months. Linisin ko ang corruption in 12 months! Fight! Fight! Fight! Think u!

Host: Think you too, Manny. At kayo ring mga botante, think.

End

TONI, DICK AND DUTERTE And other stories

Gordon: Duterte is a cheap politician.

I am on Twitter and IG: @HecklerForever8

#PANDEMIQUIZ: Pharmally, Bong Go Meltdown, OnlyFans and more!

Pandemic Pandarambong.

TAKE THIS pandemic quiz for a chance to win happiness!

%d bloggers like this: