Advertisements

WEEKLY HOROSCOPE (9/6-9/12, 2011)

Your weekly horoscope. Epektibo mula September 6, 2011 hanggang September 12, 2011. Bawal kontrahin. Kapag kinontra, magkakatotoo! Try n’yo lang!

ARIES: Isa kang nabuwal na puno ng narra sa ‘yong past life. No wonder, para kang tuod kausap. Walaaaaang kabuhay-buhay!

TAURUS: May mga taong masaya kahit walang karelasyon. Sila ‘yong single ‘by choice.’ Unfortunately sa kaso mo, it’s fate. Tanggapin mo na lang.

LIBRA: Makakayapak ka ng dumi ng aso o pusa. Huwag kang magmumura! Ikaw na nga ‘tong nang-apak, ikaw pa ang galit?!? Tse!

SCORPIO: Tuesday pa lang ngayon pero mukha nang Biyernes ang mukha mo. Well, what’s new? Since birth naman ‘yan!

LEO: Huwag mainggit sa kaibigan o officemate na super cute ang dyowa. Kung gusto mo rin ng cute, aba eh, gumastos ka! Willing ka ba?

OPHIUCHUS: Masama ang kapalaran mo next week! Mawawala ka sa listahan ng huhulaan! Buti nga! Ambisyosa!

VIRGO: Matagal-tagal ka na ring hindi nakakatikim. Kasalanan mo rin ‘yan eh! Hindi ka kasi magaling! More practice please.

PISCES: Akala mo ba natutuwa siya sa tweets mo? Hindi!!! Iritang-irita na siya sa kaka-RT mo ng tweets niya. ‘Pag ayaw, ayaw! ‘Wag ipagpilitan ang sarili.

SAGITTARIUS: Good News: Mapapanaginipan mo ang pinapantasya mong lalaki o babae pagtulog mo mamaya. | Bad News: Sa nasabing panaginip, Siamese twins kayo.

AQUARIUS: Matagal pa ang sweldo. Manigas ka! Gastador ka kasi! Hindi ka na natuto!

GEMINI: Kahit magpakita ka pa ng motibo, wala siyang mararamdaman. Kasi naman, ang tigas ng ulo! Sinabi nang mag-diet eh.

CANCER: Kahit ubusin mo pa ang isang boteng lotion, wala ‘yang epek. ‘Di bale, may mga tao namang ang hanap ay ‘inner beauty.’ At meron ka nun!

CAPRICORN: Hindi kesyo nag-reply siya sa ‘yo, gusto ka na niya. I’m sure, bored lang ‘yon o kaya naka-unli. ‘Asa ka pa!

Share this on Facebook or Twitter: Add to FaceBookAdd to Twitter

Advertisements

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: