Advertisements

WEEKLY HOROSCOPE (10/27-11/3, 2011)

Here’s your weekly horoscope (in Filipino).
October 27, 2011 – November 3, 2011

ARIES: Tutuksuhin ka ng crush mo sa phone. Sasabihin sa ‘yo: “PUNTA KA RITO. WALANG TAO.” Pupunta ka naman. Pagdating mo wala ngang tao.

TAURUS: ‘Wag papaniwalain ang sarili na masaya ka at kuntento kahit single. Hindi ito maniniwala!

LEO: Mabibigo ka lang kaya huwag mo nang ituloy ang iyong plano. Kung ano ‘yon, malay ko! Plano mo ‘yan! Hindi ko plano! Tanga!

LIBRA: Walang maitutulong ang long weekend sa planong pagbabawas ng timbang. Madadagdagan pa nga ito. Kontrolin ang katakawan.

SCORPIO: Magkakatoo ang susunod mong magandang panaginip; (ngunit) sa isang kondisyon. Dapat kang matulog na nakadilat. Gudlak!

PISCES: Huwag pakasiguro sa taong closest to your heart ngayon. Hindi nagtatagal ang mga nakakarelasyon n’yan. Iiwan ka rin niya.

GEMINI: Sa Lunes pa ang Halloween. Hubarin mo muna ang maskara. Ooops, hindi ba mask ‘yan? Sorry. Akala ko maskara. Effortless!

AQUARIUS: ‘Yong inaakala mong para sa ‘yo, hindi pa pala. Hala! Ituloy mo lang ang ‘yong paghahanap. Bakit? May choice ka ba!? Wala!

OPHIUCUS: Walang may interes sa ‘yo. Sayang ang oras ko. Next week ka na lang.

CAPRICORN: You are out of shape. Bumibilog ka. Maglakad-lakad ka naman. May hangganan ang cuteness ng mga taong chubby.

CANCER: Palitan regularly ang profile pic mo sa Facebook. Konting tiyaga na lang, may magkakamali rin. Maniwala sa himala.

SAGITTARIUS: Ipinaglihi ka sa tuwa o kasiyahan. ‘Yan ang dahilan kung bakit lahat ng anggulo mo sa pictures, wacky! Tiisin mo na lang.

VIRGO: Wala nang virgin sa ‘yo kundi ang zodiac sign mo. Malaswaaaa!

Share this on Facebook and Twitter: Add to FaceBookAdd to Twitter
I am on Twitter: @HecklerForever.

Advertisements

One response

5 12 2011
berna

ang ganda ng mga horoscope i love it

Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: