July-September 2011
AQUARIUS: Hindi lahat ay nadadaan sa ganda. Bawasan ang kagaspangan ng ugali.
ARIES: Tama na ang pagpaparamdam sa kanya. Wala talaga siyang feelings sa ‘yo.
CAPRICORN: Ang taong pumapayat dahil sa diet ay hindi automatikong gumaganda. May mga exceptions. You’re 1 of them.
CANCER: Sabihin sa partner ang tunay na nararamdaman. Hindi masamang pag-usapan ang estado ng inyong sex life paminsan-minsan.
GEMINI: Kung wala rin lang masabing maganda sa katrabaho, manahimik ka na lang. Hindi ka rin naman ganun kagaling.
LEO: Baka ‘di ‘yan ang job para sa ‘yo. Mag-update ng resumé. Mabuti na ang may option.
LIBRA: Hindi kesyo finallow ka niya sa Twitter, gusto ka niya. Kung sino ang unang pumasok sa isip mo, siya na ‘yon.
PISCES: Eh ano naman kung mataas ang suweldo mo? Bakit? May lovelife ka ba?
SCORPIO: Quality not quantity. Magbawas ng “friends” sa Facebook. Sayang ang space.
OPHIUCHUS: Tapos na ang 15 minutes of fame mo. Wala kang horoscope!
TAURUS: Ilang taon ka na ring walang pag-ibig. Panahon na upang manalamin.
VIRGO: Isipin ang taong nakakuha ng virginity mo. Then itanong sa sarili: bakit ko ba sa kanya ibinigay? Syet.
Para sa mga Virgo na di pa nagagalaw. >> VIRGO: Virgin ka pa rin. Proud ka pa ng lagay na ‘yan?
SAGITTARIUS: Ang tanda-tanda mo na, naniniwala ka pa sa horoscope. Kainis!
Tandaan ang sabi ni Aling Zenaida Seva: Hindi hawak ng mga bituin ang inyong kapalaran. Gabay lamang sila. Meron kang free will, gamitin mo ito.