Advertisements

HOROSPOOF (September 2012)

HERE IS YOUR weekly horoscope! May bisa mula September 17 hanggang September 22, 2012


TAURUS: Kahit paulit-ulit kang magpalit ng default pic, walang mangyayari. Mahirap ka talagang hanapan ng anggulo.

LIBRA: Bawasan ang pagiging mapanlait. Mag-focus ka na lang sa double chin mo. Hindi na pleasing.

ARIES: Walang pagbabago sa iyong lovelife. Nasa crush level ka pa rin. Ano ka, high school?

PISCES: Lalo ka niyang mamahalin at maa-appreciate… kung mawawala ka sa buhay niya. Tigilan mo na s’ya.

CANCER: Hindi dapat ikahiya ang pagiging single. Pero dapat mo ‘tong ikalungkot. Na-kanino ba ang problema?

SCORPIO: Magpasalamat sa Twitter at Facebook. Sila na lang ang nakakaunawa sa kawalan mo ng social life.

LEO: Teenager ka pa lang ay iniaasa mo na sa horoscope ang iyong lovelife? Hanggang ngayon ba naman? Sus!

VIRGO: Sa wakas, matatagpuan mo na ang taong sa tingin mo ay perfect para sa ‘yo. Unfortunately, hindi ka perfect para sa kanya.

AQUARIUS: Masyadong mataas ang iyong standards. Hindi naman bagay sa ‘yo. Manalamin ka nga!

CAPRICORN: Eh ano naman ngayon kung ‘In a relationship’ ka? Bakit? May pera ka ba?

GEMINI: Wala sa ‘yo ang problema. Nasa kanya. Choosy s’ya eh. ‘Wag ka nang umasa. Find someone else.

SAGITTARIUS: Susuwertehin ka nang todong-todo hanggang susunod na Linggo… kung ang zodiac sign mo ay Scorpio.

In case you missed, here are some of my previous exclusive interviews:

Interview With the Devil: Ang kontrobersyang kinasangkutan ni Miriam Quiambao. May say ang demonyo d’yan!

Interview With the Devil II: May reaksyon ang devil sa nangyaring bugbugan ng mga Tulfo at Barretto/Santiago, Andi Eigenmann at Albie Casiño, Annabelle Rama at iba pang isyu

Annabelle In the House: Ang saloobin ng feisty talent manager sa napipintong pagtakbo niya sa pagka-Kinatawan ng Cebu

Exclusive: Habagat Breaks Silence: Sa unang pagkakataon, ang walang pangalang sama ng panahon ay nagsalita na!

Have a great week ahead!

Note: ‘Wag kalimutang ishare sa Facebook, email at Twitter by clicking SHARE below!

Advertisements

2 responses

29 09 2012
joyce

waahhhh…kainis…ang galing galing talaga….sana makuha ko talent mo sa pagsusulat…

Like

2 10 2012
que0928

ang galing2 mu idol!! sapul!!

Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: