Ang mga pangitaing ito ng mga bituin ay may bisa mula Abril 25 hanggang Mayo 31. Good luck!
ARIES (20 March – 19 April)
Walang naitulong ang mahabang bakasyon sa ‘yo. Single ka pa rin.
TAURUS (19 April – 20 May)
Sayang ang nagastos mo nitong mga nakaraang araw. Hindi ka pa rin naman happy. Sana ibinili mo na lang ng pagkain.
GEMINI (20 May – 21 June)
Ang Holy Week ay para magtika… hindi mantika. Wala ka nang ginawa kundi kumain. Pagsisisihan mo ‘yan.
VIRGO (23 August – 22 September)
Baka naman hindi sa ‘yo ang problema. Baka sa kanya. Choosy siya.
PISCES (18 February – 20 March)
Kung matagal ka nang hindi “nakakatikim,” okay lang ‘yan. You’re not alone. Marami kayong ganyan sa office.
SAGITTARIUS (22 November – 21 December)
Kahit palitan mo pa nang ilang beses ang iyong default photo sa Facebook, hanggang d’yan na lang talaga ‘yan. Make the most out of it na lang.
CAPRICORN (21 December – 20 January)
Hindi uunlad ang iyong career kung ang una mong inaatupag pagdating sa office ay Facebook. Bawasan ang oras sa pakikipag-chat.
LEO (22 July – 23 August)
‘Wag nang magpapansin sa guwapong katrabaho. Guwapo rin ang type niya.
SCORPIO (23 October – 22 November)
Kung pakiramdam mo ay umiiwas siya sa ‘yo, tama ang pakiramdam mo. Huwag ipilit ang sarili sa taong ayaw sa ‘yo.
LIBRA (22 September – 23 October)
Eh ano naman kung may lovelife ka? Bakit? May pera ka ba? #bitter
AQUARIUS (20 January -18 February)
Hindi nadadaan sa dasal ang pagpayat. Mag-diet ka. Tigilan ang extra rice.
CANCER (21 June – 22 July)
Ewan ko sa ‘yo. Bahala ka na. Tutal buhay mo naman ‘yan. Pakialam ko!
hahaha. the best, sakto yung saken aquarius, mahilig ako sa extra rice. the good thing lang di ako masyado tumataba.hehehe
the best ka talga idol PH. more more more
LikeLike
Hippity hoppity Happy Easter day PH. Ba’t wala si ophiuchus?
LikeLike
hahaha, may tama ka!!!
LikeLike
Kaya pala hindi ako pinapansin ni pogi duon sa opis 😦
LikeLike
sobra ka talaga nakakatawa! pinaliligaya mo ako!
LikeLike