EASTER HOROSCOPE

Ang mga pangitaing ito ng mga bituin ay may bisa mula Abril 25 hanggang Mayo 31. Good luck!

ARIES (20 March – 19 April)
Walang naitulong ang mahabang bakasyon sa ‘yo. Single ka pa rin.

TAURUS (19 April – 20 May)
Sayang ang nagastos mo nitong mga nakaraang araw. Hindi ka pa rin naman happy. Sana ibinili mo na lang ng pagkain.

GEMINI (20 May – 21 June)
Ang Holy Week ay para magtika… hindi mantika. Wala ka nang ginawa kundi kumain. Pagsisisihan mo ‘yan.

VIRGO (23 August – 22 September)
Baka naman hindi sa ‘yo ang problema. Baka sa kanya. Choosy siya.

PISCES (18 February – 20 March)
Kung matagal ka nang hindi “nakakatikim,” okay lang ‘yan. You’re not alone. Marami kayong ganyan sa office.

SAGITTARIUS (22 November – 21 December)
Kahit palitan mo pa nang ilang beses ang iyong default photo sa Facebook, hanggang d’yan na lang talaga ‘yan. Make the most out of it na lang.

CAPRICORN (21 December – 20 January)
Hindi uunlad ang iyong career kung ang una mong inaatupag pagdating sa office ay Facebook. Bawasan ang oras sa pakikipag-chat.

LEO (22 July – 23 August)
‘Wag nang magpapansin sa guwapong katrabaho. Guwapo rin ang type niya.

SCORPIO (23 October – 22 November)
Kung pakiramdam mo ay umiiwas siya sa ‘yo, tama ang pakiramdam mo. Huwag ipilit ang sarili sa taong ayaw sa ‘yo.

LIBRA (22 September – 23 October)
Eh ano naman kung may lovelife ka? Bakit? May pera ka ba? #bitter

AQUARIUS (20 January -18 February)
Hindi nadadaan sa dasal ang pagpayat. Mag-diet ka. Tigilan ang extra rice.

CANCER (21 June – 22 July)
Ewan ko sa ‘yo. Bahala ka na. Tutal buhay mo naman ‘yan. Pakialam ko!

Share this on Facebook or Twitter: Add to FaceBookAdd to Twitter

5 thoughts on “EASTER HOROSCOPE”

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s