2012 HOROSCOPE No. 1

Your bi-monthly horoscope. Epektibo ito ngayong January 1-15, 2012.

ARIES: Walang dalang suwerte sa ‘yo ang mga bilog na prutas ngayong New Year’s Eve. ‘Wag mong daanin sa pamahiin ang pagpayat. Mag-diet ka!

SAGITTARIUS: Finally, matatagpuan mo na ang taong sa tingin mo ay perfect for you. Unfortunately, hindi ka perfect para sa kanya.

AQUARIUS: Kalimutan na ang masasakit na pinagdaanan nitong 2011. Marami pang darating ngayong 2012. Good luck!

VIRGO: Masuwerte ang first half ng 2012 para sa ‘yo. May papasok na pera. Sa second half ng taon, lalabas lahat ng ‘to!

TAURUS: Hindi siya nakalimot mag-greet ng Happy New Year. Hindi ka lang talaga niya gustong batiin. Humanap na lang ng iba.

PISCES: Isa sa pinaka-sikat na Piscean si Barbie (doll). ‘Sabagay, you have something in common naman! Plastic! Magbago ka na!

OPHIUCUS: Sino ka nga? Hindi tayo close. Bye!

CANCER: Make others happy tonight. Shut up!

CAPRICORN: Kung paano nagsimula ang iyong 2011, gano’n din ito magtatapos: single ka pa rin. Hindi ka pa ba nagsasawa?

SCORPIO: Lalo ka niyang mamahalin… kung mawawala ka sa buhay niya. Tigilan mo na kasi. Hindi ka niya gusto. Period!

GEMINI: Masyadong napagod ang puso mo ngayong 2011. Ganyan talaga kapag ‘di ginagamit ang utak.

LIBRA: Hindi lahat ng taong “In A Relationship” ay masaya. Siguro ikaw, oo. Eh ‘yong dyowa mo, masaya pa ba? Tanungin mo nga.

LEO: ‘Buti pa ‘yong mga batang namumulot ng firecracker… napuputukan. Eh ikaw, kelan?

Share this on Facebook and Twitter: Add to FaceBookAdd to Twitter

HAPPY NEW YEAR!

20 thoughts on “2012 HOROSCOPE No. 1”

  1. Parang gusto kong Umiyak sa Horoscope ko.,
    ;(
    pero sabagay Tapos na 2011 2012 na
    mamimis ko Si Neil lacap Crush ko si Neil
    Ngayong darating na pasukan mag 3rd year na ako lilipat na ako
    ng scul sa pampanga pero Hinde ako kapangpangan Ah??

    Si Neil kapangpangan I mIss u .,.,

    Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s