BREAKING: HARRY ROQUE RESIGNS

“Aaminin ko, hindi ko po inasahan ang absolute pardon ng Pangulo sa dayuhang lumapastangan sa kapwa natin Filipino.”

Statement of Presidential Spokesperson Harry Roque on President Duterte’s granting of absolute pardon to Scott Pemberton

Ako po ay labis na nasasaktan sa pangyayaring ito.

Bilang abogado ng pamilya ng pinaslang na si Jennifer Laude, nakalulungkot isiping tila nawalan ng saysay ang mga ipinaglaban ko noon.

Kulang na kabayaran sa pagpatay sa ating kababayan ang napakaigsing panahon sa kulungan ni US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

Aaminin ko, hindi ko po inasahan ang absolute pardon ng Pangulo sa dayuhang lumapastangan sa kapwa natin Filipino.

Malaki ang utang na loob ko kay Pangulong Duterte pero mas mahalaga sa akin na mabigyan ng hustisya ang biktima ng karahasang ito.

Pinag-isipan ko pong mabuti ang aking desisyon. Alin ba ang mas matimbang: pansariling kapakanan o kapakanan ng ating bayan? Hindi po ako nahirapang pumili.

Tama na, sobra na!

Nababoy na si Jennifer Laude noon. Huwag tayong pumayag na babuyin ang hustisya ngayon.

Kagabi po ay nagsumite na ako ng resignation sa ating Pangulo.

Epektibo ngayong September 10, babalik na ako sa pagiging ordinaryong human rights lawyer na kasamang lalaban ng masang Filipino sa pang-aapi at pang-aabuso.

Charot lang!

Bakit naman ako magre-resign eh ang sarap-sarap ng buhay ko? May trabaho, may suweldo, may security detail, laging kachika ang Pangulo at higit sa lahat, may regular TV exposure!

Mainit lang ngayon ‘yang isyu kay Pemberton pero malilimutan din ‘yan ng mga Pinoy. Knowing you? Hello!!! Ang daming ganap ‘no!

Now, kung masyado pa rin kayong affected sa iginawad na absolute pardon, ito lang ang maipapayo ko: pumunta kayo sa Manila Bay at titigan ang tambak ng puting buhangin. Sure ako, paggising n’yo bukas, magaan na ang pakiramdam n’yo!

Ano pang hinihintay n’yo, go na! Now na!

Malacañang, September 8, 2020

Author: professionalheckler

See About the Heckler

One thought on “BREAKING: HARRY ROQUE RESIGNS”

  1. Salamat po. I remember I asked Harry about Pemberton Thursday last week where he said a lot about the laws on GCTA.

    On Tue, Sep 8, 2020 at 9:19 AM THE PROFESSIONAL HECKLER wrote:

    > > > > > > > professionalheckler posted: ” > Statement of Presidential Spokesperson Harry Roque on President Duterte’s > granting of absolute pardon to Scott Pemberton > > > > Ako po ay labis na nasasaktan sa pangyayaring ito. > > > > Bilang abogado ng pamilya ng pinaslang na si Jennifer Laude, nakalulungkot > ” > > > >

    Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s