EXCLUSIVE: MADAM CYNTHIA UNCENSORED

Fast Talk with Madam Cynthia: Maging nurse o maging researcher?

📸:Rappler

CYNTHIA VILLAR is probably the fourth most reviled senator on social media today. The first three are Bong Go.

Whenever she opens her mouth, she automatically trends on Twitter. If it’s any consolation though, at least she could still move her mouth.

Netizens have called her names – “matapobre,” “tanga,” “insensitive,” “pangit,” “heartless.” Those people are wrong. She is not heartless.

In this exclusive imaginary interview, the multibillionaire wife of the country’s richest man, Manny Villar, addresses the issues being hurled against her on social media.

Hello po, Senator. Kumusta?

Pakibilisan, marami akong gagawin.

May Senate hearing ho ba?

Wala. Magbibilang pa ako ng pera.

Ay! Iba talaga ‘yong Cynthia Villar.

Ano ka ba!? Joke lang ‘yun. For someone who regularly writes jokes, can’t you recognize one?

Hindi ho kayo mukhang nagjo-joke.

Nakangiti ako nang sabihin ko ‘yon, hindi pa ba obvious?

Sorry po. Ngiti ho ba ‘yon? Parang ismid, Madam. Saang banda ho ang ngiti? Paano?

I-research mo.

Akala ko ho hindi kayo naniniwala sa research?

Kailangan ko nang umalis, may tanong ka pa ba?

Wait lang naman, Madam. Unfair kasi ‘yong puro batikos na lang ang nababasa namin online tungkol sa ‘yo. We need to hear your side.

Wala akong pambayad sa ‘yo.

Hindi ho ito PR. Pam-blog lang. Hindi ho ako nagpapabayad.

Mukha ka kasing mahirap.

Grabe ka naman Madam. Middle class naman.

Galing sa hirap ang asawa ko. I know one when I see one. Oily ka.

Oily lang, mahirap na?

Oo. Sabi nga nila, “Oiliness is next to poverty.” Marami akong oil control film, bigyan kita mamaya.

Bahala ka, Madam. Pero, balik na muna tayo sa isyu. Sabi sa social media, tuwing ibinubuka n’yo raw ang inyong bibig…

Hindi ako nagpa-Botox.

Hindi ho tungkol sa Botox ang tanong ko.

Huwag na tayong magplastikan. Papunta ka na doon. You guys are so cruel. Kesyo hindi gumagalaw ang pisngi at noo, Botox agad ang ibinabato n’yo! Wala ba kayong matinong sasabihin sa kapwa n’yo? Let’s assume na totoo. Hypothetical lang. May masama ba kung magpa-Botox ako? Afford ko ‘yon. I can buy Vicki Belo, Manny Calayan, and Ellen Lising kung gugustuhin ko. Ay, wait. Belo and Calayan na lang pala. Kung hindi n’yo sila afford, mag-suicide na lang kayo!

Naku, Madam! Controversial ‘yang suicide statement n’yo. Hindi po dapat ginagawang joke ang suicide.

Hindi ako nagjo-joke. Seryoso ako!

Insensitive daw po kayo kasi lumaki kayong nakahiga sa salapi.

Hindi ko fault ‘yon. Hindi ko kasalanan kung mayaman ang angkan ko. Ikaw, fault mo bang middle class ka lang? Fault ba ng angkan mo kung asa ka lang sa sale ng Shopee at Lazada?

Hindi Madam.

See? We can’t choose our destiny.

But Manny Villar did. He chose you.

It wasn’t destiny. It was love.

Whatever, Madam! May cheesy side ka rin pala. So, once and for all, itinatanggi n’yo bang insensitive at wala kayong pakialam sa nararamdaman ng mahihirap!

Of course! Remember, mahirap si Manny Villar. Pero ‘yong nararamdaman niya noon sa akin, pinahalagahan ko. Kung matapobre o insensitive ako, walang Manny Villar ngayon.

#LoveWins talaga, Madam.

Pambakla lang ang hashtag na ‘yan.

May masama ho ba sa pagiging bakla?

You’re implying na mukha akong bakla.

Hala! Grabe ka, Madam. Ang layo naman ng narating mo.

Siyempre! No. 1 sa senatorial election; Number 1 sa net worth. And take note: walang utang. Malayo na talaga.

Ang labo. Moving on… mag-Fast Talk muna tayo, Madam.

Ayaw ko ng Fast Talk. Madaling mapagod ang bibig ko.

Paano ‘yan, Madam? Fast Talk nga po ito eh. Bibig talaga ang gamit. Mahirap naman kung Fast Hands kasi magiging Charades po ‘yon. Mas mukha kayong tanga.

Sige. ‘Wag lang masyadong mabilis.

Copy, Madam. Ready na po?

Go.

Maligo sa dagat ng basura o mag-Pasko sa gitna ng kalsada?

Mag-Pasko sa gitna ng kalsada. At least sure akong kami ang may-ari ng buong kalsada!

Magtayo ng bahay o magtanim ng palay?

Magtayo ng bahay! Pwede mong tirahan ‘yun. Safe ka! Matitirhan mo ba ang palayan? Maraming lamok dun!

Maging nurse o maging researcher?

Gago. That’s a trap.

Ano pong trap sa tanong?

Pag sinabi kong nurse, iba-bash ako ng researchers. Pag pinili ko naman ang researcher, iba-bash ako ng mga nurse. Ayaw kong sagutin. Pagbutihin na lang nila ang kanilang trabaho.

Ayuda sa middle class o sex?

Ano bang klaseng tanong ‘yan? Irespeto mo naman ako. Matandang babae ‘tong kaharap mo.

So ano nga po: ayuda sa middle class o sex?

Doon tayo sa mas madaling gawin. Wala nang pera ang gobyerno ‘no!

Manalo sa 2022 election o mawala ang COVID19?

Hanggang 2025 pa ang term ko. Ask me again in 2024.

Last na Madam. A question from Twitter: Looks o personality?

Hindi importante sa akin ang panlabas na anyo. Ang importante ay nagbibigay ako ng trabaho sa maraming tao. Dahil sa trabahong ‘yon, kumakain ang mga pamilya nila, napag-aaral ang kanilang mga anak, at nabubuhay sila nang tahimik sa maayos na tirahan.

Madam, looks o personality lang po ang tanong nila. Bakit parang masyado kayong defensive?

Kilala ko kayo. Alam ko ang gusto n’yong puntiryahin. Sorry to disappoint you but I won’t be affected by your ad-hominem statements. That’s a case of ugly-shaming. Unang-una, hindi ako pangit. Mayaman ako!

Very well said, Madam. Maraming salamat po sa pagkakataong ibinigay ninyo. Any final message sa mga netizen?

Wala akong pakialam sa kanila. Sa ‘yo rin, wala akong pakialam.

Thank you again, Madam.

At oily ka. Bye!

-END-

I am on Twitter and IG: @HecklerForever8

Author: professionalheckler

See About the Heckler