THE 2018 MMFF: A REVIEW?

Forget about Woody Allen or Judd Apatow. This is cinema at its most ambitious.

DID you see this year’s Metro Manila Film Festival entries or did you skip the entire festival? Here’s a “review” of the eight movies.

OTLUM
Starring: Ricci Rivero and Jerome Ponce
Medyo underwhelming ang trailer pero malaking kawalan kung ‘di mo ito mapapanood. Sa opening sequence pa lang ay mapapasigaw ka na: Otlum! Obkat! May otlum! Swabe ang effects. May point sa movie na mapapaisip ka: Guillermo Del Toro ba ang gumawa nito? Unbelievable. Kakaiba rin ang twist ng kwento. Bago umabot sa kalahati ang pelikula, kakampi mo na ang multo. Ganun ka-powerful ang atake sa character ng otlum. Petmalu!

AURORA
Starring: Anne Curtis
Superb ang acting ng buong cast lalo na ‘yung mga gumanap na taumbayan. Nabigyang justice ng bida ang role niya bilang Aurora. Kahit hindi magsalita, ramdam mo ang paghihinagpis nito matapos malugi ang kanyang lugawan. Mabagal ang development ng story pero hindi mo ito mararamdaman dahil makakatulog ka. Medyo tragic ang ending ngunit dahil mahusay ang pagkakadirek, lalabas kang nakangiti sa sinehan.

THE GIRL IN THE ORANGE DRESS
Starring: Jessy Mendiola and Jericho Rosales
Wow! Just wow. Nang unang lumabas sa screen ang orange dress, everyone was floored. Sa history ng Philippine cinema, ngayon lang gumamit ng gano’ng kagandang dress. At ang mas lalong nakakahanga – kulay orange! The film’s costume designer deserves an Oscar nod. Hindi rin pwedeng i-ignore ang girl. Iba ang chemistry nila ng dress. May flaws sa storytelling pero kung titingnan mo ang detalye ng orange dress, balewala na ang mga butas na iyon sa kuwento. This movie dressed to impress.

ONE GREAT LOVE
Starring: Kim Chiu, JC De Vera and Dennis Trillo
Kung ang hanap mo ay kilig, ito ang perfect movie para sa ‘yo. Medyo complicated nga lang ang plot: si Kim Chiu ay girlfriend ni JC. Si Dennis naman ay magbabalut sa kanilang barangay. Mai-inlove sa balut si Kim. Pero si JC, may lihim palang pagtingin kay Dennis. Unfortunately, si Dennis naman ay matagal nang may kinakasamang itik. (Deserved niya ang best actor award.) It’s a tale of difficult choices and regretful decisions. Sino kaya ang makahahanap ng one great love – ang tao o ang itik?

JACK EM POPOY: THE PULISCREDIBLES
Starring: Vic Sotto, Coco Martin, Maine Mendoza
WHAT. A. MASTERPIECE. Napaka-original ng story. The screenplay was outstanding. Bagong lahat ang punchlines. Forget about Woody Allen or Judd Apatow. This is cinema at its most ambitious. In fact, may isang eksena kung saan kausap ni Jack si Popoy. Galit na galit si Popoy pero nang mag-joke si Jack, napanganga ang viewers. Isang critic pa nga ang napasigaw, “That’s puliscredibles! Ang galing!”

MARY, MARRY ME
Starring: Toni Gonzaga and Alex Gonzaga
Pwedeng tumayo ang pelikula kahit sila lang ang cast members gamit ang isang camera sa kusina ng kanilang bahay. Gano’n sila kahusay sa movie na ito. The marriage proposal scene was uber-hilarious at isa ito sa highlights ng movie. Spoiler Alert: Naghuhugas ng plato si Mary nang biglang pumasok sa kusina ang kanyang boyfriend na may dalang isang kilong kiat-kiat, sabay tanong, “Mary, will you marry me?” Sa gulat, nabitawan ni Mary ang hawak na tasa pero hindi ito nabasag dahil sa basahan ito bumagsak. GRABE LANG. I mean, how on Earth they did pull off that magical scene? Props to the director and to the Gonzaga sisters who were both phenomenal in the movie.

FANTASTICA
Starring: Vice Ganda and the entire showbiz industry
Diz wuz robbed! Big time! Malaking kuwestyon pa rin kung bakit wala itong nakuhang award ni isa. Napakaganda ng pagkakalatag sa kwento. Bawat eksena, fantastic. ‘Yung editing, production design at sound mixing also fantastic. Even the lead star, known for his method acting, is now drawing comparison to Daniel Day Lewis. Exceptional ang cinematography lalo na sa closing credits. ‘Yung ginamit na scoring, pinag-isipan kaya lumabas na fantastic. Overall, fantastic siya.

RAINBOW’S SUNSET
Starring: Gloria Romero, Tony Mabesa and Eddie Garcia
(No review available. The movie was pulled from theaters after the opening day.)

____________________________________________________________________________

I’ve been busy the past few weeks and will be busier in the coming days. I won’t be able to update this blog regularly. But I’ll be active as ever on Twitter.

Thank you everyone who dropped by my blog this year. See you all in 2019.

Happy New Year!

Advertisements

Author: professionalheckler

See About the Heckler

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s