SA BULLY, ISANG MAIKLING LIHAM

Hindi na rin nakagugulat kung pati ang pisikal mong anyo ay nilalait ngayon.

AAMININ KO, galit ang naramdamam ko nang una kong mapanood ang iyong video. Iba kang magsalita. Punung-puno ng yabang. Wala kang pakialam kahit makasakit ka pa ng iyong kapwa.  

Akala mo, diyos ka. Gusto mong sinasamba ka ng mga nakapaligid sa ‘yo. Ganyan ka rin umasta at magsalita sa iba mo pang videos na nakakalat sa social media. Matagal mo na itong ginagawa.

Ang pumalag sa ‘yo, duguan. Skilled ka eh. Sanay kang lumaban at manakit. Sanay kang magpahirap sa taong ayaw sumunod sa gusto mo.

Hindi ko alam kung paano ka pinalaki ng iyong mga magulang. Pero ayaw ko silang husgahan.  Protektado ka rin daw ng ilang makapangyarihan sa lipunan kaya malakas ang iyong loob. Maging ang institusyong kinabibilangan mo, hindi rin nakaligtas sa batikos dahil sa tila pagbubulag-bulagan sa paulit-ulit mong kawalanghiyaan.

Hindi ko masisi ang maraming tao kung magngitngit man sila sa galit. Hindi na rin nakagugulat kung pati ang pisikal mong anyo ay nilalait ngayon. Tinatawag kang pangit, kupal, sira-ulo, at kung anu-ano pang pangalan.

Pati ang iyong pamilya, pinag-iinitan. Nagkalat sa social media ang inyong mga larawan. Iisa ang tingin sa inyo ng maraming tao, lahat kayo, walanghiya.

To be fair, marami rin namang nagtatanggol sa ‘yo.  Ilan pa nga sa kanila ay pulitiko. Mali raw ang ginagawang pang-aalipusta sa ‘yo lalo na sa social media.

Iniimbestigahan na ngayon ang mga ginawa mo. Sana ay maging patas ang desisyon ng kinauukulan. Sana ay mabilis na umusad ang proseso upang mabigyang hustisya ang iyong mga biktima.

May mga nagsasabing dapat kang bigyan ng pagkakataong magbago. Everyone deserves a second chance, sabi nila.  Ewan ko. Pero para sa akin, hindi ka na maisasalba. Malalang kaso ka na. ‘Yong bully sa Ateneo, posibleng magbago pa. Pero ikaw na presidente ng Pilipinas, mukhang hindi na.

Advertisements

Author: professionalheckler

See About the Heckler

4 thoughts on “SA BULLY, ISANG MAIKLING LIHAM”

  1. Salamat po.

    On Sat, 22 Dec 2018, 9:02 am The Professional Heckler professionalheckler posted: ” AAMININ KO, galit ang naramdamam ko nang una > kong mapanood ang iyong video. Iba kang magsalita. Punung-puno ng yabang. > Wala kang pakialam kahit makasakit ka pa ng iyong kapwa. Akala mo, diyos > ka. Gusto mong sinasamba ka ng mga nakapaligid sa ‘y” >

    Like

Leave a Reply to Bona Andrea Cancel reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s